Monday, October 31, 2011

Si G.


"I don't know which is worse, keeping your love for someone a secret or telling them and risk being rejected."

Marami ng nagbago sa pagitan namin ni J. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba sya ng sya bilang ngayon o yung nakilala ko apat na taon na ang nakakaraan. Hindi din masyadong malinaw ang estado namin ngayon dahil sa girlfriend nya na sabi nya hindi nya mahal pero di nya maiwan. Bakla na nga, kabit pa. Parang ang sagwa di ba?

Sa panahong gulong-gulo ako, dun ko naman nakilala si G.


Napaka-awkward ng pagkakakilala naming dalawa. Nakuha ko sya sa isang escalation call. Hindi ko alam na bago palang sya kaya medyo napagalitan ko nung malaman kong napakadali lang nga kailangang gawin at di pa nya nagawa. Bungad nya agad matapos kung kunin yung tawag, " Sino 'yun? Bakit ang sungit naman? " Tanong nya agad dun sa isang mentor nya sabay turo saken sa desk at ang ending sa team pala nila ako na-assign na mag-mentor at isa pa sya sa mga naging agents ko.

Unang araw ko sa kanila wala sya kaya the following day pa kami nagkakilala ng personal. From then on, we became more close to each other. Nung una, biro-biro lang para masaya sa team nila. Tukso-tukso na gusto ko sya hanggang sa yun na. 

Parang high school lang yung feeling. Excited kang pumasok para makita lang ang crush mo at pag may time, nag-uusap namin kami ng kahit ano lang. May isang beses pa na we were sending tweets habang nagpapahinga ako kasi medyo masama ang pakiramdam no nun ng bigla nya na lang akong tinawagan.

Ako : Oh? Ba't ka tumawag?
G : Kakapagod kasi mag-type. Kumusta ka na? Ok ka na ba?

Muntik na akong mahimatay sa sobrang kilig.

Ako : Okay na pakiramdam ko, tawag mo palang magaling na ako.

Pak ang pick-up line. Natawa na lang sya bigla sa sinabi ko.

G : Ikaw talaga.
Ako : Salamat sa tawag ha at sa pag-aalala.
G : Okay lang, pagaling ka.

Masarap sa pakiramdam talaga ang may nag-aalala para sa'yo. Kaso nga lang hanggang dun lang talaga kaming dalawa. 

Nag-uusap kami minsan ng kung ano-ano lang sa text. Tungkol sa mga plano ya sa buhay. Masarap talagang may tao kang nakakausap sa mga ganitong bagay. 

Malabong masyado na maging kami, pero sigurado akong magtatagal kami, bilang magkaibigan. Malapit na magkaibigan.


Til Next Time,

Diosa


When In Palawan


" For this Island Paradise has been my sanctuary for 4 days to show him how much I love him. "

Last September 13, kasama ang 3 sa mga ka-opisina ko at si J, natuloy din sa wakas ang inaasam kong bakasyon sa Isla ng Palawan. 

Sa airport palang adventure na ang nangyari. Muntik ng hindi makasama si J dahil sa ilang security problems daw sabi ng ticketing counter. Invalid ID daw ang sabi nung ticket counter agent. Nauna kami ng tatlo kong ka-opisina sa Puerto at si J nakasakay sa next flight. 

At habang iniintay namin si J sa city, napagdesisyunan ng lahat na kumain na muna. Muntik na naming makalimutan ang kumain dahil sa nangyari sa airport.  First stop Lotus Garden Inn.




It's a Japanese inspired restaurant na malapit lang sa airport. Nahanap namin 'to sa tulong ni Kuya Romel ang tricycle driver na nakasama namin simula palang nung dumating kami. At ito naman si ate ang ever courteous and ever kind waitress sa restaurant.

Tingin ng menu. Sabi ko di naman ako masyadong gutom, kaya magpapasta lang ako. I ordered their Mandarin Oriental Pasta. Wala namang discription kung ano yung ingredients dun sa menu kaya I though it might be like a regular pasta with herby texture. At ito yun,


Muntik ko ng itapon pabalik kay Ate. At di ko talaga napigilan ang sarili kong tanungin sya,

Ako : Ate Bihon to, sabi ko pasta. 
Ate : Yan na po yan Sir.

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Ate kasi mabait naman lahat ng staff nila. Actually, lahat ng taong nakilala namin dun mababait, magagalang and very accomodating. 

Biyahe kami agad pagkadating ni J. Nauwi din kami sa pagaarkila ng pribadong sasakyan dahil sobrang gabi na kami nung makaalis mula sa Puerto Princesa. Sabi sa review 2 to 3 hours lang pero ang totoo ala-sais kami ng gabi umalis, nakarating kami almost 11 na ng gabi.

Sa Summer Homes kami nagtuloy. Isang resort sa may Port Barton na area. Malayo, mahirap ang biyahe pero sulit. Masarap sa pakiramdam ang buhangin sa may beach nila na sing pino ng harina.


Ang problema lang din every 12 midnight, pinapatay na ng resort ang kuryente kasi limited lang ang supply sa buong lugar. Hindi naman mainit sa resort kaya okay lang.

First day, Underground River.


At when B meets J. 


Ang ganda ko lang that moment. Kasama ko ang dalawang lalaki ng buhay ko, chos. Humigit kumulang 3-4 na oras ang naging biyahe ng bangka mula sa resort papuntang Underground River. Masyado kasing maalon sabi nung naging tour guide namin kaya kailangan ding dahan-dahan ang takbo.

The view of the beach is really breath taking.


Napalinaw ng tubig at ang buong lugar ay talagang alagang-alaga ng mga tao.


Gusto ko ngang maligo kaso bawal pala. And the highlight of it all, was the Underground River Tour.


Nakaka-mangha ang mga limestone formations. The entrance is a bit pungent, pero sabi ni Manong Joy, ang aming bangkero, normal daw yun dahil sa amoy ng ihi ng mga paniki. It was just a short tour sabi nung bangkero 1.5 kilometers lang yung napasok namin kasi kung yung mas mahaba kailangan ng special permit at ginagawa lang pagkaunti lang ang mga tao.

We even had a chance to have our pictures taken in the same stage that was used by the Miss World Candidates for this year. At dahil I feel that I belong, kebs sa mga turistang nakatingin, pose kung pose.



After the pictorials, monkey trail naman.


Sa sobrang tarik, dalawa kami nung kasama kong 'to ang bumalik hindi pa nangangalahati ang pag-akyat namin. 

Lunch time na. Sabi ng aming butihing tour guide at bangkero, sa isang isla daw kami kakain sa may sabang beach. approximately 2 hours daw ang biyahe. Nakaalis kami ng Underground River around 12:30 pm at presto, nasorpresa kami pagdating sa Isla. Walang stock ng pagkain. Walang breakfast, very late lunch ang naging adventure namin kasama ang aming mga bituka sa adventure. Dinala kami nina manong sa Coco Island Resort naman. The place is amazingly beautiful pero dinedma ng lahat yung sa sobrang gutom. 


Pagdating sa cafeteria nila, lahat nagpla-planong mag-heavy meal dahil sa sobrang pagod at gutom. Pero ang bungad samen nung ate. Sir lahat po ng karne namin frozen. Mga 3 hanggang apat na oras po bago mailuto kasi may nauna na pong mag-order. Ang ending, nagpaluto kami ng scrambled egg at tortang talong at buti naman mabait si ate at napaki-usapan na unahin muna ang sami kasi mas madaling lutuin. Yun na yata ang pinakamasarap na itlog at tortang talong na nakain ko sa aking talambuhay. Ang servings nila parang dalawang itlog na nai-scramble at isang rice sa napaka-murang halaga, 120.00 pesos each at 140.00 pesos naman yung talong. Muntik ng malaglag ang mga ngipin namin sa presyo. Pero, the price is actually reasonable taking into consideration the location of the place.

Kaya pagdating ng hotel, dinner agad ang inatupag ng lahat. Nakaubos yata kami nun ng mga 3 bandihado ng kanin at ang isang order ng sinigang, humingi ang isang kasama ko ng extrang sabaw, ang binigay sa kanya isang malaking mangkok ng sinigang na tanguige na lumulutang sa sabaw.


Happy fiesta. Parang bibitayin na kami kinabukasan at yun na ang aming huling hapunan. In-fairview, masarap naman yung lafang.

At pagkatapos ng kainang parang wala ng bukas, inuman na naman sa may beach. At nung medyo natatamaan na, ito naman ang napatripan naming gawin. Shutter kembot yata yung tawag dito sa mga pics na to.





Nakakatuwa naman at dinayo namin ang Paraiso ng Palawan para lang dito. Hindi ko na mahanap ang picture nung isang local na napadaan at nagpa-picture din ng ganitey.

Second day, Honda Bay kaya kailangang bumalik ng Puerto Princesa. We decided na mag-commute para adventure. From Port Barton to Roxas City, sinakyan namin ang jeep nila na parang amphibian sa sobrang taas ang hagdan. Nakakatuwa naman, kasi sa Palawan pala, they charge higher fees to foreign folks than local tourists. Ito ang isang kasama namin during our travel na syang may gusto ng honda bay kembot namin.


We arrived around 10 a.m. sa Roxes City. Sabi nung mga nakausap namin 3 oras lang daw biyahe kaya around 1 p.m. nasa Puerto Princesa na kami. Kampante ang lahat na darating on time. Di naman namin akalain sobrang dami palang stop-over ng biyaheng yun. We meet this guy during one of our stop-overs pa nga.


Sa kasamaang palad sa tagal nung isang stop over, nakarating na kami ng Puerto Princesa after 2:30 PM tapos na ang cut-off para sa pag-alis ng mga bangka. Sinubukan naming makiusap maski sa cost guard at yung isa namin kasama, si Mayor na talaga ang hinanap sa local registry clerk dun. Natatawa na nadi-disappoint ako sa pangyayaring yun. Ang ending, hindi pa din kami pinayagan. Kaya, balik kami sa aming pribadong sasakyan, off to our city tour na lang.


Ang taray davah. At dahil medyo late na din, Crocodile Farm nalang yung pinagdalhan samen ni Manong Romy, ang may-ari ng van na yan.


Diretso na din sa zoo nila where J actually played with a bearcat. Endgered species na pala yun and only found in the Philippines. Nakalimutan ko nga lang yung given name nung bearcat.


Parang mag-ama lang sila. Ang cute...

After nung unplanned city tour namin, namili naman ng mga pasalubong. At si J, binilhan nya din ako ng pasalubong kahit magkasama kami.


Ang sweet lang.Charot!!!

Anyway, that night was our last night na sa Palawan. Si Manong Romy ang nag-arrange ng accomodation namin sa city. Tumuloy kami sa Corazon Tourist Inn.


Maganda ang room. For budget travellers, the room can accomodate actually a maximum of 5 people kaso magtatabi yung dalawa sa isang kama. For 1,500 pesos including breakfast ay di na masama. 

Naging habit yata namin sa Palawan ang isang beses lang kumain sa isang araw. Bago kami umalis sa Summer Homes, kape lang ang naging laman ng tiyan namin. May tinapay na dala ang kasama namin, kaso pinagdamot samen. Mas inalala pa yung mga isda na pakakainin daw sa honda Bay tour sana. Kaya that evening, dapat sa Kina Loiue kami kakain kaso puno, so we ended up sa Kinabuch Restaurant na masarap talaga ang pagkain. I like most their Croc Adobado kaso lang sobrang mahal nasa 300.00 pesos para sa isang platitong serving. Per we still ended up ordering it to try their delicacy. In fairness, malambot pala ang karne ng buwaya at malasa talaga. The kind of meat texture na hindi ko pa natitikman. Another fiesta ang nangyari nung gabing yun.


We had a good evening sa city proper ng Palawan and that evening everyone rejoiced kasi pagbalik namin sa hotel, I received a text message from the airline we were travelling with na cancelled and return flight namin at na-reschedule kami for an afternoon flight which means nagkaroon kami ng time for Honday Bay Tour again. Sa sobrang excited ng lahat, we ended up listening at that night kay Papa Jack sa kanyang radio show para makatulog.

Ala-sais palang ng umaga naka-impake na ang mga gamit at nakahanda na ang dadalhin for the Honday Bay Tour. Pagkatapos kasi nun kunting ligo na lang tapos off to the airport naman for our flight. Sinundo ulit kami ni Manong Romy together with his private van. The other day, kami yung pinakahuling dumating para sa tour, nung araw naman na yun, kami ang pinakaunang dumating. 

First Island ng tour, Isla Pandan. 





Nakakailang kuha na kami bago kami nasabihang may bayad pala ang maa-papicture dunsa banana boat. Si Kuyang Bantay hindi na kami siningil dahil maganda naman daw ako, chos.

Group picture naman with the triplets niyog.


Matapos maglandi sa Pandan, off to the second island and Snake Island.


Sobrang ganda ng isla at nakakabilib ang disiplina lalo na sa kalinisan ng mga taga-Palawan. Dito na kami nag-swimming at kumain ng tanghalian. Yung ibang boatman, hinahayaan lang ang mga guests nila, pero yung samen, sinasamahan pa talaga kami nina Kuya at sya ang nag-guide sa mga kasamahan kong hindi marunong lumangoy.


Isa akong sirena kaya di ko na kailangan ang tulong ni Kuya. Chos.

Nag-bonding ulit kami ng aking mga nasasakupan at constituents.




Bet ko sana yung isang isda, kaso sabi ni Kuya protected ang area, bawal ang fishing, kaya ang ending, nilantakan namin ang very healthy and low in cholesterol na pagkain, ang Alimango.



Bago lutuin ni Kuya, nagpapicture muna ang mga Alimango ng solo at kasama kami bilang remembrance. Hindi naman siguro halata sa dalawang kasama namin ang pagkahilig sa pagkain, kaya every meal namin, parang fiesta.


After ng kainan, off to the last stop, ang coral sanctuary nila na nakalimutan ko ang pangalan. Pasensya na, ganyan talaga pag nagkaka-edad ka na. Mararanasan mo din to balang araw.

Note : Bawal ka palang magiwan ng basura sa isla, dapat dala nyo ito pabalik ng city.


Sulit na sulit ang biyahe. Ang ganda ng lugar at ang babait ng mga tao. Halos lahat ng nakilala namin mula kena Kuya Rommy, sa staff ng summer homes, sa tour guide at bangkero namin sa underground river tour, sa staff ng Kinabuch at ng Corazon Torist Inn at sa naging bangkero namin sa Honda Bay. They truly showcase the True Filipino Hospitality.

Sa lahat ng mga nakilala namin lalo na kay Kuya Rommy, salamat ng madami at sa pagtulong mo na mabuo at mapuntahan namin lahat ng ipinagmamalaki ng Palawan. 

Sa susunood na balik ko, sisiguraduhin kong may mas mahaba ng oras to look around at makapag-tour talaga sa buong lugar. Palawan are one of the provinces that we Filipinos should be really proud of.

Muli, salamat sa lahat ng nakasalamuha namin sa aming munting paglalakbay.


Til Next Time,

Diosa



Friday, October 28, 2011

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka Part 4


" People say love is lovelier the second time around, but for me second chances are only worth if you're with the right person."

Ang tagal ng inintay ni Nathan ang pagkakataong 'to. Lakas loob na syang nagpunta sa bahay nina Bj. Hindi nya alam sa ngayon kung saan at paano nya uumpisahan. Kanina pa syang nakatayo sa harap ng bahay nito, nakakubli nga lang sa may likod ng halaman at susulyap-sulyap na baka may taong dumungaw sa may pinto. Alam nyang sa gagawin nyang pakikipagkita, maraming bagay ang muli nyang babalikan, at sa pagbubukas ng mga yun, hindi nya masabi ang mga pwedeng patunguhan. 


" Pero walang mangyayari kung di ko susubukan. " sa isip-isip nya. Naudlot ang malalim nyang pag-iisip nang napaigtad sya dahil may isang kamay ang biglang dumantay sa tagiliran nya.


" Ay, ano ba yan ! " Muntik na syang mapasigaw.


" Sino po ang hinahanap nila? " Magiliw na bati ng taong may-ari ng kamay na humawak sa kayang tagiliran.


Laking gulat nya nung makita ang lalaking nagsalita. Hanggang ngayon napapatulala pa din sya sa tuwing nakikita nya ang aking kagwapuhan nito. Gusto nyang tumakbo palayo, pero ni ayaw sumunod ng mga paa nya sa utos ng utak nya. Hindi nya mahabol ang hininga sa sobrang kabang nadarama at nararamdaman nyang may mga mumunting butil ng malalamig na pawis ang unti-unting naglalandas sa mukha nya. Hindi nya maipaliwanag ang naging reaksyon ng katawan at utak nya. Hindi nya mapigilan ang regodon ng puso nya. 


" Hindi dapat ganito ! " Sita nya sa sarili. 


Bj : Nathan? Ikaw nga ba yan?
Nathan : Oo naman. Kuk..u..musta ka? Hindi mo man lang ba ako patutuluyin? 


Pinipilit nyang ikubli ang kabang nararamdaman sa pagkikita nila. Pero hindi nya napigilan ang pagkautal nya dahil dito.


Bj : Oh, of course. Pasensya ka na. Nabigla lang ako. Hindi ko alam na nakauwi ka na.
Nathan : Oo nung isang araw pa. Naisipan ko lang na puntahan ka.


Nauna syang pinapasok nito at saka ito sumunod sa kanya papasok ng bakuran nila matapos maisara ang gate.


Wala pa ding pagbabago ang bahay nina Bj, sa isip-isip ni Nathan. Nandun pa din ang hardin ng mga rosas na sya namang paboritong bulaklak ng mama nito.


Nathan  : Kumusta na nga pala ang mga magulang mo ?


May nakitang syang paglitaw ng kunting lungkot sa mga mata nito ng maitanong nya iyon.


Bj : Mas maganda yatang pag-usapan natin yan sa loob. Anong gusto mong inumin ?
Nathan : Kahit na ano. Kape siguro.
Bj : Sige saglit lang at ipapahanda ko kay Aling Nida.


Iginala nya ang paningin sa kabuuan ng buong bahay. Ganun pa din ang hitsura nito sa abot ng kanyang ala-ala. Liban lang sa iilang mga makabagong appliances. Ang buong sahig ay yung makintab na lumang kahoy pa din kasama ng ibang mga muebles. Hindi napabayaan ang buong kabahayan at napanatili ang magandang hitsura nito. Malinis ang buong paligid at naaamoy nya ang halimuyak ng ibat-ibang bulaklak na nagmumula sa hardin ng mama nito. 


Naputol ang pagmumuni-muni nya ng dumating ang katulong na may dalang dalawang tasang kape at kakanin na nakalagay sa maliit na pinggan. 


Nathan : Kumusta na po kayo Aling Nida ?


Tanong nito sa matanda ng mailapag ang dala-dala nito. Tipong inangat ng matanda ang kanyang salamin upang suyurin ang kanyang kabuuan.


Aling Nida : Nathan ? Ikaw na nga ba yan ?
Nathan : Opo. Kumusta na ho kayo ? 


Tumayo sya upang akapin ang matanda.


Aling Nida : Naku, hijo bakit ngayon ka lang umuwi. Ayos naman ako dito hijo. Gaya ng naipangako ko sa sarili ko upang suklian ang kabutihang loob ng pamilya ni Bj, hanggang ngayon dito pa din ako sa kanya at nang maalagaan ko ang kaibigan mong yan hanggat kailangan nya pa ako. 


Magmula ng makita ng pamilya ni Bj si Aling Nida sa simbahan sa bayan, kinupkop nila ang matanda. Ulilang lubos na daw ito ang ni isang kamag-anak wala ng gustong kumupkop. Wala naman itong naging pamilya ayon dito. At bilang pagtanaw ng utang na loob, nanilbihan ito sa pamilyang iyon magmula nun. Hindi man ito hiniling ng pamilya nito, ginawa iyon ng matanda bilang sukli na din sa naging kabutihan ng mga ito.


Aling Nida : Bakit ngayon ka lang napadalaw saten ?
Nathan :  Ngayon lang po kasi ako nagkaroon ng oras sa dami po ng trabaho.
Aling Nida  : Ganun ba. Sana naman mapadalas ang bisita mo dito saten.
Nathan : Sana nga po. Nami-miss ko din po kasi itong lugar naten. Ang dami na nga pong nagbago.


Nakita nyang paparating si Bj habang nag-uusap sila ng matanda. Umupo ito sa kaharap na sofa nya.


Bj : Oh bakit dalawa lang itong kape ? Kayo po Aling Nida ?
Aling Nida : May gagawin pa ako sa likod bahay hijo. Hindi pa tapos ang paghahanda ko ng lulutuin para mamayang tanghalian. Oh, sya maiwan ko muna kayo at alam kong madami-dami kayong pag-uusapan.


Tumayo na ito at naglakad patungong kusina na nasa likod bahay.


Nathan : Ang bait talaga ni Aling Nida. Hindi nagkamali ang mga magulang mo nang ampunin nyo sya.
Bj : Oo nga eh. Minsan nga kahit di na pinagta-trabaho dahil nga sa matanda na ito, nagagalit pa kasi daw parang ang kapal naman daw ng mukha nito pag di pa kumilos eh pinatira na nga daw ng libre at pinapakain pa.


Nangiti silang dalawa sa isiping iyon nung matanda. Humarap si Bj kay Nathan.


Bj : Kumusta ka naman sa Maynila. Ang tagal din nating di nagkita, mga limang taon ?
Nathan : Oo nga. Naging maayos naman ang trabaho ko pagkatapos ko sa kolehiyo. Naging abala sa pagkayod kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras ng umuwi. Kumusta naman ang mama at papa mo ?


Bigla itong natigilan at may sumilay na lungkot sa mga mata nito.


Bj : Matagal na din silang hiwalay. Maglilimang taon na din. Si mama, nasa Canada na at may bago ng pamilya at si papa, nasa Maynila na at may pamilya na din.


Nabigla sya sa narinig na balita. 


Nathan : I'm sorry to hear that.
Bj : Naku, okay lang tanggap ko na. Hanggang ngayon naman kasi magkaibigan pa din sila at nag-uusap paminsan pag may pagkakataon. Last year, nung umuwi si mama, umuwi din si papa at nag-stay ng 2 days para daw magkakasama kami ulit. Hindi ko nga maintindihan yung naging paliwanag nila saken nun kung bakit kailangan nilang maghiwalay, but I guess I've discovered it in time.


Naging malungkot ang anyo nito habang nagkwe-kwento.


Bj : Sabi nga ni mama nun. Hindi ibig sabihin na maghihiwalay sila wala na din ang pamilyang ito. Sila lang ang maghihiwalay at hindi ang pamilya nila. Iniwan nila saken ang buong farm kasama na ang bahay nito. Tinanong nila ako nun kung kanino ko gusto sumama, sabi ko wala. Kaya magmula nun, ako na lang dito sa bahay kasama ni Aling Nida. Ang kita ng buong farm nun ay diretso na sa ATM card ko na binigay ni papa. Sya pa din ang nagpapatakbo nito noon pero meron na syang ibang negosyo para sa sarili nya. Ibinigay nya saken ang buong pangangasiwa nito magmula nung tumuntong ako ng 18. 


Muntik na syang tumayo upang yakapin ito. Gustong-gusto nyang gawin iyon ng mga oras na yun.


Bj : Siguro nga ganun talaga, walang bagay na pwedeng magtagal sa panghabang-buhay. Lahat may katapusan pero, hindi ibig sabihin nun tapos na din dun ang buhay mo. Ang kailangan mo lang ay maghanap ulit ng bagong rason para magpatuloy.


Humugot ito at huminga ng malalim. Kumuha ng isang tasa ng kape si Bj at iniabot sa kanya.


Bj : Eh, ikaw anong mga nangyari sa'yo ?


Gusto nya ng lumapit dito at sabihin na mula noon hanggang ngayon wala syang ibang ginawa kundi ang mahalin ito. Na magmula ng iwan sya sa hotel sa Puerto Galera, wala syang ibang inasam kundi ang bumalik ito. Pero, alam nyang hindi nya pwedeng gawin yun.


Nathan : Wala namang gaanong nangyari saken. Liban lang sa iilang promotions na natanggap ko sa trabaho, wala ng iba pang nangyari. Naging subsob lang ako sa trabaho kaya ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na makauwi.


Nakatitig si Bj sa kanya.


Bj : Bakit hindi mo na sinagot ang mga sulat ko, tawag at text ? Gusto kung magpaliwanag nun. Inaantay ko ang pagkakataong ito na makapagpaliwanag sa'yo sa mga nangyari.


Gumaralgal ang boses nito ng kunti at iniwas nya naman ang tingin dito. Hindi nya alam kung paano haharap ngayon dito. Ang nabuo nyang planong tuldukan ang lahat ay mukhang hindi nya na kaya pang panindigan.


Bj : Magmula nung gabing iyon, pinilit kong sabihin sa'yo na bigyan mo lang ako ng panahon na kilalanin ang sarili ko. Sumabay pa ang mga pangyayari sa pamilya. Ayokong magpakita sa'yo ng hindi ko pa alam kung sino talaga ako. Ayokong humarap ulit sa'yo ng hindi ko pa kilala ang sarili ko. 


Pinilit nitong ngumiti habang pinapahid ang mga luhang naglandas sa pisngi nito. 


Bj : Wala naman akong karapatan na hingin sa'yo yun. Sinubukan ko lang. Pero naiintindihan ko ang lahat Nathan. Ni hindi ko naisip na magalit sa'yo ni magtampo man lang. Ikaw ang mas may karapatan dahil ako ang nang-iwan. Dapat ipinaliwanag ko sa'yo ng harapan ang lahat, kaso naunahan na ako ng takot na baka galit ka at ayaw mo na akong makita. 


Hindi malaman ni Nathan kung saan sya magsisimula. Nabigla sya sa lahat ng mga pangyayari. Nakayuko sya habang nakikinig dito at pinipigilan ang sariling umiyak. Hindi nya alam kung dapat ba syang magpaliwanag o dapat ba syang humingi ng tawad.


Nathan : Bj, I'm sorry. Hindi ko alam. Dapat inalam ko. Dapat nakinig ako sa'yo.


Hindi nya na napigilan ang sariling humagolgol. Itinakip nya ang mga palad sa mukha nya habang umiiyak. Naramdaman nya na lang ang biglang pagyakap nito. Mahigpit na yakap.


Bj : Tahan na. Alam ko. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Naiintindihan ko ang lahat at di kita sinisisi.


Mas lalo nyang hindi napigilan ang pag-iyak habang ibinubulong nito ang mga katagang iyon. Binigyan nya ng karapatan ang sarili na aminin dito ang nararamdaman niya hanggang ngayon para dito.


Nathan : Hindi ito ang dahilan ng pagpunta ko dito Bj. Pero I want you to know na hanggang ngayon mahal na mahal pa din kita. Hinding-hindi ka naalis sa puso ko. Kahit na nasaktan ako nung iwan mo ako nung gabing 'yun. Pinilit kong turuan ang sarili kong kalimutan ka but i guess, I really can't dahil hanggang ngayon ikaw pa din ang mahal at sa tingin ko ay mamahalin ko pa.


Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan sya nito sa magkabiling balikat. 


Bj : Salamat sa lahat. Hindi mo lang alam kung gaano ang naging pangungulila ko sa'yo. Gustong-gusto kung sabihin sa'yo ulit to. Sa pagkakataong ito wala ng pero. Mahal na mahal kita.


Hinawakan nito ang mukha nya at kinabig palapit. Namula agad ang pisngi nya. At sa paglapat ng mga labi nila, hindi nya alam kung hanggang kailan ito tatagal. Pero ang alam nya, hindi man lahat ng tao ay matutuwa sa maaring mamagitan sa kanila ni Bj, ang mahalaga ay masaya silang dalawa. 


Bj : Dito ka na magtanghalian. Ngayong nandito ka na kailangan ka lagi sa tabi ko sa lahat ng oras.


Ngumiti ito sa kanya.


Bj : Salamat at naghintay ka. Ngayon, panahon naman sigurong suklian kita sa pagmamahal mo at ipadama ito sa'yo.


Hindi nya alam kung tama o dapat pero ang alam nya masaya sila. At yun ang mahalaga. Alam nyang sa pangyayaring ito, muli nya na namang bibigay kay Bj ang buong sarili at pagkatao nya. Kung dumating man ang oras na kailanganin man nitong iwan sya, sisiguraduhin nyang may babaunin syang masasayang ala-ala sa taong kaisa-isa nyang minahal at mamahalin pa.




Wakas.....




Til Next Time,


Diosa