Tuesday, November 15, 2011

Someday


" How could you give your love to someone else, yet share your dreams with me? " - Vanessa Williams

While writing my previous entry, I called up J. " Dito pa ako sa gym. Text kita later. " Sabi nya.

Medyo natagalan syang magtext ulit kaya nahiga na ako at medyo nakakaidlip na ng kunti, at nung naalimpungatan ako, nakita kong may text na pala sya.

" Antok ka na ba? Kakalabas ko lang sa gym. "

I then decided to call him up dun sa number na lagi ko syang tinatawagan. Tatlong beses walang sumasagot. I gave up. So I tried his other number para dun sa girlfriend nya and unlucky for me sinagot nya.

" Kanina pa ako tumatawag sa'yo, ba't di ka sumasagot? Tanong ko sa kanya.
" Sorry po, naiwan ko kasi cp ko, kasi papunta ako sa lam mo na? " Sagot nya.
" Kaninong alam mo na? " Tanong ko na may halo ng pagtataka.

Wala naman akong alam na pupuntahan nya sa dis oras ng gabi.

" Saan ka pupunta? " Pag-uulit ko sa tanong. Medyo nairita na ako ng kunti.
" Sa girlfriend ko, may pasok kasi ako bukas, kukunin ko yung long sleeves ko para sa opisina. " 

Nabigla ako sa sinabi nya. Alam mo yung hindi ka makapag-isip ng sasabihin.

" Ingat ka, yun na lang nasabi ko. " Sabay putol ng linya.

Tulala, hanggang ngayon habang sinusulat ko 'to. Hindi pa din magsink-in saken ang mga nangyari.

Kinuha ko ulit ang cellphone at tinawagan sya.

" Oh, bakit ka tumawag ulit? Tulog ka na. Bukas na tayo mag-usap. "
" Hindi ngayon na, anong oras ka ba uuwi? " Nanginginig na ang boses ko at medyo naiiyak, pero pinilit kong hindi nya marining.
" Dito na ako matutulog sa kanila, tapos didiretso na ako sa trabaho. Tawagan kita bukas ng umaga ha.? "

Namanhid ang buong katawan ko nung marining ko yun. I can't imagine my man, sleeping beside his lover. Isipin ko pa lang, naiirita na ako. 

Sana nagsinungaling na lang sya.

Sana sinabi nya na lang nasa kaibigan sya para mag-overnight.

Sana nagsinungaling na lang sya na uuwi sya pagkatapos, sana hindi nya nalang sinabi.

Hindi pa din ako makatulog. Next ko na to itutuloy, nagbawas lang ako ng sama ng loob.


Till Next Time,

Diosa



3 comments:

  1. ginagawa ka nyang comfort zone kaya until now di ka nya mabitawan at dahil mahal mo sya ayaw mo din sya pakawalan.Mas maganda na yung sinabi nya sayo na kasama nya yung bilat para matahuhan ka badet,cliche man pero madami pa jan,mahirap pero kaya mo cya iwan,believe me

    ReplyDelete
  2. I know. Salamat sa advise ate. Medyo tanga lang talaga ako ngayon but i know time will come na mawawala din to.

    ReplyDelete
  3. Anu ba yan Diosa!!! wag kang magpakamartyr!!!

    ReplyDelete