Sunday, January 09, 2011

Eto ang Simula...The Diosa's Gay Adventure

Minsan may mga bagay na dapat isekreto. At dahil di ko kayang gawin yun kaya naisipan kung magsulat. Walang permanenteng style depende sa mood. Hindi nga ako makapag-concentrate habang sinusulat to. Kailangang magmulti-task. Magchat at mag-update ng facebook status altogether. Sayang ang kuryente..

Let me start my intoduction ( Insert drum roll )...

Ako si Meg. Pero syempre di ko totoong pangalan yan. Pagartista ka kailangan mo ng screen name. Importante yun. Nagtratrabaho ako bilang isang Call Girl sa Makati. Naniniwala kasi ako sa kasabihang "Ang mga taong di marunong magmahal sa sariling salita, sa callcenter naglipana." Pero syempre alam mo namang corny ang joke na yan. Pero taatawa ka pa din..hahaha..hahaha..

Matagal na akong may blog. Two years na kaso di ko naaupdate lagi sa sobrang busy sa trabaho ( maniwala kang totoo reason na ito ). Sana may magbasa. Sana yung mga blogger na binabasa ko yung entries magbasa din at magcomment kahit di maganda. Madali namang magdelete. Ahihihi..

Welcome sa aking mundo. Ako ang nagiisa at nagaambisyong maging Diosa..


Wait for a few moments..Susunod na ang pinaka unang entry.

3 comments:

  1. ahaha. ano daw? i would prefer lighter posts than heart breaking ones. nadadala ako eh.. ahaha..

    ReplyDelete