Saturday, March 26, 2011

Salamat sa Inspirasyon




" The number one thing I am earnestly attracted to is intelligence. Writers are thus the pinnacle of intelligence. While actors are great and awesome, writers literally create new worlds from scratch. What is sexier than that? Personally, I don't know why every person out there isn't dating a writer. - Rachel Bloom "


Matagal na akong nagsusulat. Highschool pa lang, pero at that time mostly poems and sinusulat ko sa school paper namin. Nai-post ko na previously yung pinakaunang poem na naisulat ko.

Iba naman sa blogging. Walang rules. Pwede mong isulat kahit na anong gusto mo. Wholesome to not so wholesome topics pwede. Kahit anong gusto mo walang editor na pupuna sa topic na sinulat mo at sa style na pinili mo. True freedom of expression.

Gusto kong pasalamatan ang tatlong unang blogsites na binasa ko. Dahil sa mga bloggers na to, I was inspired to write again.

Ang pinakauna, si Callboi.



Bago palang ako nun sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. At dahil alam ng mentor namin nun na stressful sa account namin, he sent us this link about intriguing gossips sa office.

Officemate ko sya. Kaso magkaiba kami ng LOB kaya di kami close. But everytime we see each other sa office, we would  always give each other a smile. Mga juicy gossips sa office namin yung mga unang entries nya. Mga blind items about sups, managers and agents. Minsan tungkol sa mga pagkain naman at best dishes sa mga restaurants na nakainan nya na. Minsan naman tungkol sa mga close friends nya, businesses and trips. Pero sa lahat ng mga topics na naisulat nya ay tungkol sa mga nangyayari sa company namin which concerns everybody ang pinaka-gusto ko.

Salamat Bookie lalo na sa ginawa mong write-up last December. Dahil sa entry na yun, naayos ang isang napakalaking gulo na nangyari sa company ngayon. You made your blog a channel for people to be heard by the higher-ups. You made your blog a medium for people in our company to be united and stand for what we know is right and just for everyone.
Sana magtuloy-tuloy na ang magandang takbo ng lovelife mo. You deserve to have the Prince Charming of your own fairytale. Hindi man tayo close pero sana alagaan mo sya. True love will come once in a lifetime. Salamat din pala sa pagbabasa sa dati kong blog kahit puro heartbreaks lang yung nandun. Salamat sa advise mo dati. Sana naman di mo mapabayaan ang blog mo. Ang tagal na din kasing walang update. I'll wait for your upcoming book as well.
Pangalawang blogger naman ay si Mandaya Moore.


Unfortunately wala akong picture nya. Sa profile nya eto lang ang nakita ko.


Halata naman sigurong hindi sya ang nasa picture. Caption ng blog nya ay " Ang Bayot sa Bukid. "  Nai-feature tong blog ni Callboi sa isa sa mga articles nya.

All about adventures ng mga bakla sa kabukiran. Nakaka-relate ako dito, kasi sa province ko din, ganun kami ng mga bakla kong kaibigan. Rampa sa kung saan-saan. Miss gay dito, miss gay doon. Tawanan at iyakan. Landian at Kasawian. Eto ang namimiss kong mga ginagawa pero di naman kasi pwedeng lagi nalang ganun.

Maganda syang magsulat. Kunting description lang mostly pictures na. Maganda ang naging love story nila ni Kulot. It proves again the true definition of love. It knows no race, no color and most importanly no gender. Nagawa nyang pakawalan si Kulot hindi dahil yun ang tama kundi dahil yun ang gusto nya. Nakaka-miss lang yung mga entries nya. Isang buwan ng walang update magmula ng mamaalam si Kulot sa kanya for the last time. Leaving him for good.

Yung entry nyang yun din ang nag-inspire saken na isulat naman ang entry ko na " Art of Letting Go. "

Ms. Mandaya, magsulat ka na ulit, please.

At last yung blogsite ni Baklang Maton.




Very gay. The best description of the site. Funny yet very sensitive when it comes to gay issues. Written in a joyful yet heart warming way. Mula sa mga simpleng buhay nya sa Iskuala Lumpur ( iskwater ) hanggang sa mga pinagdaanan nya bilang bakla.

Kung si Callboi may Schoolboi, si Mandaya ay may Kulot, si BM naman ay may Kagawad Payat. Gaya ni Mandaya, dumating sa puntong kinailangan niya ring pakawalan si Payat, pero hindi sya tuluyang lumayo. Mas  pinili nyang sa gilid lang manahimik hanggat di kailangan. I admire this courage. Mahirap makitang masaya ang taong mahal mo sa piling ng iba, pero mas inisip nya na baka sakaling kailanganin pa sya, madali lang syang malalapitan nito. Hindi ko masasabing tama tong interpretation ko, ang alam ko lang na sigurado, walang kulay ang blog ni BM kung wala si Payat.

BM, thank you for inspiring me to write. Keep them coming, cause it's making me smile everytime I'm stressed at work.

Hindi ko alam sa ngayon kung hanggang kelan ako magsusulat.

Titigil ba ako nung magpaalam na ang Kulot ng aking buhay gaya ni Mandaya? O pag dumating na ang Schoolboi ko gaya ni Callboi? O baka naman kahit na mawala man ang Payat ko, tuloy pa din ang buhay ko.

Ang sigurado ko lang ngayon, masaya man o malungkot, hanggat may gusto akong isulat patuloy na magtatae ang keyboard ng laptop ko.


Til Next time,


Diosa


No comments:

Post a Comment