Saturday, August 06, 2011

Uulit Na Naman Ba?

Patawarin nyo ako.

Until now di pa din ayos ang laptop ko kaya di ako makapagsulat. Eto ngayon nagtitiyaga akong mag-update gamit ang cellphone ko. Nakakatamad ding magpunta ng internet shop naman. Nakakahiya kasi baka mag-unfollow ang mga tao, kunti na nga lang mawawala pa. Ang dami ko nang drafts nasa papel nga lang, nag-aantay ma ma-ipost.

Last week ng June bago ako umuwi sa aking lupang tinubuan, nagkita ulit kami ni ex. Tama, matapos kung sabihin na I'm 100 % over heto nagparamdam ba naman sya. Pero, this time somethings different. Parang kinalimutan namin na lang lahat ng nangyari. First time na naging inuman ang date namin di gaya dati puro pa-cute yung ginagawa namin. Siguro, kasi nga dati bata pa kami pareho. Ngayon medyo nag-mature na siguro, kunti.

Ayokong pangunahan kung anong meron kami ngayon, pero one time habang umuulan, sumabay din ang utak ko sa drama ng panahon. Tinanong ko lang naman sya kung saan ulit to patungo. Sagot nya,

" Hindi ko alam, basta masaya ako sa kung anong meron tayo."

Nagaalangan akong paniwalaan na ito na to, pero gusto ko ding umasa. Ang gulo pero everytime na magkasama kami, okay na. Sabi nga nila, love is lovelier the second time around. Baka, pwede samen to. Baka.

Kasama namin sya ng mga ka-opisina ko sa bakasyon papuntang Palawan. A romantic place for our first time to travel together. Bahala na kung anong mangyari, isa lang sigurado ako, it will not be like before. This time it will be very different.


Til Next Time,

Diosa

2 comments:

  1. Magkaiba tayo. Ako kasi ayoko ng second chances. Parang Kung mas masaya nga seguro ang recociliation Baka sobrang sakit naman ang kasunod.

    Enjoy Palawan. I am from there. Puerto Princesa and Roxas. Where are you going? I could probably help you out. Got lots of friends there. Malaking pa Ilya ako doon e. Modesty aside. I'm JJ Rodriguez, u may ask my name Baka may naligaw na nakakakilala sa akin. LOL!

    Thanks for making Palawan a part of your vacation...

    JJRod'z

    ReplyDelete
  2. Ei thanks for leaving a comment. I like your opinion and thanks for following. Oo kailangan ko nga ng pwedeng magtour for palawan. Sa puerto kami papunta. Matagal na kasing plano namin yun ngayon lang natuloy. Thank you again.

    ReplyDelete