Wednesday, May 04, 2011

Para kay B.



" When I tell you I like you, I don't say it out of habit, I mean it. "

Ang tagal ko ding di nakapag-sulat. Naging busy lately sa pagdating ng aking pamangkin. Haggard for 3 days. Laging kulang sa tulog sa pakikipaglaro kay Baby tapos kailangang gumising ng maaga para pumasok to take care of another responsibility sa office.

Nagkita kami ni Ting after the holy week. Nandito sya sa metro for training sa company nila. Akala ko nung una, biro lang until i saw him on the flesh. Ilang oras lang kaming nagkasama pero that was one memorable moment. Walang nangyari, sana nga meron, natulog lang kami pero ang sarap sa pakiramdam. The effort itself, nakakatuwa na. Kaso gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Mahal ko sya sigurado ako. Pero the intensity of it, dun ako nagdadalawang isip at dahil na din sa isang Tao. Kay B.

Na-ipost ko na dito kung sino si B. Mula nung di na kami nagkita dahil sa iba ng shift, akala ko wala na, hanggang sa mga pangyayari lately.

Last year nung gumimik kami, di ko talaga napigilan ang sarili ko na tanungin kung may pag-asa ba kami. He just vaguely answered :

" Let's see. Basta kaibigan kita. "

Bobo talaga ako when it comes to reading between lines. I literally intepret sentences tthe way it is worded. Napadalas ang pagtatampuhan namin ni Ting before, dahil na rin siguro sa kawalan ng physical contact. Kaya kung panindigan ang mahal ko sya kaso sya mismo ang nagpaparamdam na di nya kaya.

At this time, nagiging madalas na din yung pagkikita namin ni B dahil na rin sa shift schedule. Tinanong ko ang common friend kung anong nangyayari sa kanya nung di na kami nagkikita. May bago daw syang nililigawan. Wala na saken sana, kaso lang nagulo na ako lately sa mga pangyayari. Habang nagyoyosi, I tried to ask him,

" Kumusta naman? Ang tagal din nating hindi nagkakausap, may nagsabi saken na may bago ka na. " Sabay buga ng usok.

" Naniniwala ka dun, chismis lang yun. " Sagot naman nya.

The other day, pabalik na ako kasama ung isa kung officemate from lunch. Nadaanan ko sya habang yung rumored na nililigawan nya. Hindi ako sure sa naging reaction nya pero pareho kami ng nakita. Gumuhit sa mukha nya ang matinding pagkabigla nung makita namin sya. Kung sa anong dahilan, hindi ko alam. Baka naman, din namis-interpret lang namin yun. Hindi ako sigurado.

Marami akong gustong tanong sayo B. Pero di ko magawa. Marami ako gustong, sabihin, di ko naman kaya. Alam ko hindi ka naman bulag at manhid para di mo malamang ikaw si B.

Sana kung may pagkakataon, makapag-usap tayo dahil gustong-gusto kung sabihin lahat sayo. I would appreciate it so much if you can draw a very clear line between us. Ayokong mawala ka, kaso lang ang hirap. Mahirap magselos lalo na kung wala ka namang ni katiting na karapatan.

Isa lang ang kaya kung panindigan sayo. I promised to take care of you and I mean to do it hanggang sa kailangan mo pa ako.

Kita na lang tayo pagbalik ko sa opisina.


Til Next Time,

Diosa

No comments:

Post a Comment