Sunday, August 14, 2011

What a Disappointment

Nagtitiyaga pa din akong i-update 'tong blog ko gamit ang aking phone. Nasa hospital pa ngayon ang netbook ko. Hindi naman daw critical sabi ng technician, medyo matrabaho nga lang daw. Maraming nangyari last week. Mga bagay na ikinatuwa ko at ang iba kina-bwesit.

Una, sa trabaho. Hindi lang unang beses na nangyari 'to, dalawa. Sa account kasi, usually bago magsimula or first 2 weeks ng buwan, magroroll-out ng incentive scheme to determine an agent's qualification. Nung last June, matapos mag-perform ang mga tao and the month had already ended, bigla nilang binago ang naging metrics, para siguro mas kunti ang perang inilabas nila. Halos wala ng umpalia sa pagaakala ng lahat na baka kailangan ng kumpanya ng financial assistance. Pati mga supervisor ang mga sinasabi nalang,

" Ganun kasi eh. "

What an explanation sa loob-loob ko. Nagkapatawaran sa nangyari. Natuto ang mga tao. For the month of July, baka maisahan na naman kasi ang mga tao, everyone performed to their full potential exceeding the minimum metric needed as a buffer in cases na baguhin na naman nila ang metrics, at least may buffer. Everyone was expecting to get at more than what they are earning than usual tapos, sa kalagitnaan na naman ng buwan biglang binago. At worst case, di gaya ng una na may pakunswelo de bobo, ngayon mas matindi pa. We were deducted the number of days na hindi pinasok ng isang empleyado.

Everyone made their reaction, e-mailed the manager, and I evern did it myself. I tried to ask my supervisor for an explanation why this BIG mistake was repeated, but he can't give us a convencing statement. I perfectly, understand his position, but with the mistakes of the few, a lot are suffering ang mislead.

Alam mo ba yung parang inisahan ka sa oras na wala ka nang magagawa. Ganun kasama sa pakiramdam. In short ginago kami ng walang kalaban-laban. Dahil sa incapabilities ng ibang tao, kami ang apektado. Wala naman samen kung babaan nila yung incentive, ang importante sana kung ano ang napagkasunduan na, di na dapat binabago. Hindi sya nakakatuwa, nakakairita.

Kunting palabra de honor naman. I used to be proud of my position in the company, but now I don't know. I don't even know if I can still perform well. I know I'm not the only one de-motivated, everyone. Kaya sa management, kung di man mag-perform ang mga tao, wag na kayong magtaka.

Gusto ko lang pasalamatan yung taong, I least expect na kumontra ay sya pa ang sumubok na sumalungat sa alam nyang kagaguhang nangyari. Sya yung nasa entry ko na Get A Life. Salamat, kahit paano, alam naming may sumubok na kumontra.

Buti na lang, kahit paano masayang kasama ang mga tao sa morning shift. Normal lang ang buhay. Tawanan at kainan. Salamat sa inyo dahil sa mga panahong halos pawala na ang rason kung pumasok sa kumpanya, ay kayo ang unti-unting nagbabalik nun. Malaki din ang nababawas sa sahod ko dahil sa paglipat ko sa pang-umagang schedule, pero hindi matutumbasan nun ang kapanatagan ng loob ko. Hindi nga talaga lahat ng bagay nababayaran ng pera. Marami pa ding bagay na hindi kayang tumbasan ng salapi.

May tatlo akong J sa buhay ngayon. Next time ko na ikwekwento pag-ayos na gamit ko para mas maganda. Isa sa mga J na yan si ex na nauna ko ng naikwento.

Ehhh... Kilig...


Til Next Time,

Diosa

Saturday, August 06, 2011

Uulit Na Naman Ba?

Patawarin nyo ako.

Until now di pa din ayos ang laptop ko kaya di ako makapagsulat. Eto ngayon nagtitiyaga akong mag-update gamit ang cellphone ko. Nakakatamad ding magpunta ng internet shop naman. Nakakahiya kasi baka mag-unfollow ang mga tao, kunti na nga lang mawawala pa. Ang dami ko nang drafts nasa papel nga lang, nag-aantay ma ma-ipost.

Last week ng June bago ako umuwi sa aking lupang tinubuan, nagkita ulit kami ni ex. Tama, matapos kung sabihin na I'm 100 % over heto nagparamdam ba naman sya. Pero, this time somethings different. Parang kinalimutan namin na lang lahat ng nangyari. First time na naging inuman ang date namin di gaya dati puro pa-cute yung ginagawa namin. Siguro, kasi nga dati bata pa kami pareho. Ngayon medyo nag-mature na siguro, kunti.

Ayokong pangunahan kung anong meron kami ngayon, pero one time habang umuulan, sumabay din ang utak ko sa drama ng panahon. Tinanong ko lang naman sya kung saan ulit to patungo. Sagot nya,

" Hindi ko alam, basta masaya ako sa kung anong meron tayo."

Nagaalangan akong paniwalaan na ito na to, pero gusto ko ding umasa. Ang gulo pero everytime na magkasama kami, okay na. Sabi nga nila, love is lovelier the second time around. Baka, pwede samen to. Baka.

Kasama namin sya ng mga ka-opisina ko sa bakasyon papuntang Palawan. A romantic place for our first time to travel together. Bahala na kung anong mangyari, isa lang sigurado ako, it will not be like before. This time it will be very different.


Til Next Time,

Diosa