Saturday, February 05, 2011

Proudly Gay ( Another Gay Entry ).


The next time someone asks you, "Hey, howdja get to be a homosexual anyway?" tell them, "Homosexuals are chosen first on talent, then interview... then the swimsuit and evening gown competition pretty much gets rid of the rest of them."  ~Karen Williams

Makikisaw-saw na ako.

Ilang blog entries na din ang nabasa ko tungkol sa iba't-ibang kwento ng pagiging bakla. Makikigaya na ako. Pakiramdam ko kasi, bilang isang bakla ay tungkulin kung isulat kung ano ang aking naging sariling karanasan nung pagdaanan ko ang pasisimula at pagtanggap sa aking pagkatao.

Lumaki ako sa probinsya na kasama ang pamilya ko, liban na lang sa Tatay ko dahil sa trabaho. Naging hands-on sa pag-aalaga samen ang mama ko  katulong ang Tita ko, ang nakababatang kapatid ng mama ko at kasama pa ang lola ko. Bata pa lang, I'm already raised, not in a masculine manner, but more on the feminine way. Habang lumalaki, normal naman ang nagiging paborito kong laruin. Tumbang preso, baril-barilan, text, jolens, hablan at iba pang laro ng mga karaniwang batang lalaki sa ganung edad. Nakikipagsuntukan paminsan-minsan sa mga kaklaseng lalaki dahil sa mga karaniwang away bata. Sa kabilang banda, madalas na sumusubaybay at kasama ko habang lumalaki ay ang lola ko. Naalala ko nung Grade 4 ako, sa tuwing nag-papamanicure at pedicure ang lola ko, hindi pwedeng wala  ako.Tinanong ako nung malapit kung kaibigang lalaki noon, si Hector kung bakit daw iba-iba ang kulay ng kuko ko.

" Bakit iba na naman kulay ng kuko mo, di ba babae lang ang naggaganyan, bakla ka ba?" Sabi ni Hector.

Ito ang unang pagkakataon na tinanong ako tungkol sa pagkatao ko. At dahil bata pa ako, sinagot ko lang sya ng simpleng hindi. Grade 5 ako nun, nagkaroon pa ako ng Girlfriend kunwari ( Pero ngayon tumboy naman sya ). Nagpatuloy ang buhay musmos sa ganitong daloy.

Highschool. Dito ko unang nalaman ang kahulugan ng salitang " BAYOT " in its true sense. Sa pagbabago ng naging environment ko at sa mga taong nakakasalamuha at nakakasama, di ko namalayan, kusang umusbong at kusa ko ding tinanggap ang pagkatao ko. Tatlo kaming bakla nun sa section namen, at close kami sa isa't -isa. Si Dai-dai ang pinakamahinhin., si Bang-bang ang pinakahaliparot at ako ang Newly born becky. Tres marias kung tawagin kami ng teacher namin sa English at samahan pa ng baklang teacher namin sa Social Studies na kaming tatlo ang paborito sa klase. Konsintedor ang mga tao sa paligid ko, kaya siguro hindi ako nahirapang tanggapin ang pagkatao ko. Hindi ko nga matandaang nagkaroon ako ng denial stage. Marahil nga meron pero dahil sa tulong ng mga tao school ko, naging madali para saken yun. Siguro nga naging maswerte ako sa aspetong ito ng buhay ko. Isang beses lang ang natatandaan kung naging pag-amin ko sa pamilya ko.

Minsan isang araw, nung College na ako, umuwi ako sa bahay namin na may kasamang lalaki. Ipinakilala ko sa Mama ko. Pagkaalis niya agad akong kinausap ng Mama ko.

" Nak, tigilan mo yang pagkabakla, walang mangyayari sa buhay mo. "  Sabi ni Mama sa malumanay na paraan habang nag-aayos ng orchids nya.

" Ma, matalino po kayo. Alam nyo po ang sagot dyan. At alam nyo po na I have never disappointed you kahit kelan. " Sagot ko kay Mama habang nakangiti.

" Bata ka, wala na akong magagawa dyan.  Umayos ka lang." Sabay buntong hininga.

Yun na. Naging maswerte lang siguro ako dahil wala akong emotional confrontation sa mga tao sa paligid ko tungkol sa aking pagkatao. Madali kong natanggap kung sino ako at naging madali na din para sa kanila.

Sa halos lahat ng nabasa kong mga articles about coming out, marami ang talagang nahirapang tanggapin ng pamilya nila. May mga taong hanggang ngayon nakasisik pa din sulok ng mga Aparador na pinagkukublihan nila. Hindi ko masasabing naaawa ako sa kanila, we all have free will, it's up for someone on how to use it in this situations. Kung desisyon ng mga taong to ang magtago, I will respect that, pero reminder, mainit sa closet at sabi nga sa isang article na nabasa ko.

" Closet are for Clothes."

Medyo nahirapan akong isulat ang entry na to. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan kanina at paano ko tatapusin. Siguro nga dahil masyadong sensitibo ang topic na ito lalo na sa mga taong hanggang ngayon ay hindi matanggap na may bakla. Sa mga taong may ganitong pananaw lalo na sa taong tinutukoy ng isang blogger na sinusubaybayan ko, eto yung article link:


Gusto kung sabihin sa inyo:

" I am gay. I am very proud to be one. Karapatan ko ang magmahal at mahalin. Responsibilidad ko ang tumanggap ng mga tao at tanggapin ng mga tao sa lipunang ginagalawan ko. Karapatan ko kung ano mang karapatan ang meron ang babae at lalaki at responsibilidad ko kung ano man ang responsibilidad ng mga lalaki at babae. Kung di mo matanggap ang katotohanang ito, wala na akong magagawa. Naawa ako sa iyo dahil sa kakitiran ng utak mo, at binulag ka ng sarili mong maling paniniwala. Mag-ingat ka, because we have been in this world as old as the history of man itself and we will stay until the end too. ( Death Threat? ) "

Sa lahat ng mga bakla:

" Maswerte tayo sa panahon natin ngayon, marami na ang marunong tumanggap sa kung sino tayo. Matuto tayong magdiwang pero paalala din na huwag tayong matutong umabuso. "

Sa tingin nyo? Anong klaseng mundo ang meron tayo kung wala ang sangkabaklaan?


Til Next Time,


Diosa


2 comments:

  1. we can't blame them darling. we have to respect them. tayo na lang ang mag-adjust.and besides, kung di nila matanggap, who cares di ba?! as long as we're happy at walang nasasaktan. life must go on. :)

    ReplyDelete
  2. everyone should respect all the third sex they are human too...

    you know wat meg, your the luckiest person in the world.. all the people love you and i know too you'll success...

    don't forget to trust and entrust all to god!


    see you soon!!!

    ReplyDelete