Showing posts with label Family. Show all posts
Showing posts with label Family. Show all posts

Monday, January 23, 2012

Ako Na Ang Housewife?


" You know when you have found your prince because you not only have a smile on your face but in your heart as well.  ~Author Unknown "

Kagabi, bago matulog nagaantay ako ng tawag ni J. Naging routine na kasi namin  bago matulog ang mag-usap kung kumusta ang naging araw ng isa't-isa. Last night was a bit unusual.

Last week he ended his contract dun sa real-estate company na pinagtratrabahuhan nya. He then applied as a barista sa isang coffee shop but the HR rep and the owner was impressed so he was offered a Managerial Position. He was a bit hesitant at first kasi hindi naman sya handa for that position.

J : Natatakot ako, baka kasi di ko makaya.

Ako : Ganyan talaga sa una. Marami kang mararamdamang kung anu-ano pero isipin mo na lang. Kung lahat ng tao uurong dahil sa kaba, ano na lang ang mangyayari. Isa pa, if you will not grab this oppurtunity, kelan pa?

J : Alam ko naman, kaso hindi pa talaga ako handa.

Ako : Sige ganito na lang. If ever you would need help, you can always call me. Isa pa hindi naman siguro nalalayo ang mga gagawin mo sa mga ginagawa ko ngayon since we are of the same level. Kaya kung sa mga admin works, matutulungan kita dyan.

J : Ikaw talaga. Hindi ka na naubusan ng isasagot. Salamat asawa ko. hehe.

Nagsirko agad ang puso ko sa sinabi nyang yun. He never called me like that pero sobrang sarap pala sa pakiramdam.

J : Malayo nga din kasi ang branch kung saan ako ilalagay. Kaya mahirap sa biyahe.

Ako : Bakit hindi ka mag-rent? Para naman di ka mapapagod din sa biyahe.

J : Titingnan ko muna.

At kagabi, we brought up the same topic.

Ako : Nagpost ka na naghahanap ka na ng apartment, sure ka na ba dyan?

J : Hindi pa, naghahanap-hanap pa lang ako.

Ako : Plano ko na ding lumipat ng ibang bahay, sama ka na lang kaya?

J : Sige, sige mas gusto ko yan.

Hindi ko alam kung tama ang narinig ko pero tuwang-tuwa sya sa naging suggestion ko.

Ako : Eh, sigurado ka ba dyan? That would mean less time for your friends too. Hindi ka na pwedeng gumimik pa ng matagalan.

J : I know the consequences at I agreed kasi gusto ko din. Ayaw mo ba nun, pag ako ang nasa bahay, ipagluluto na lang kita.

Napangiti ako sa sinabi nyang yun.

Ako : Promise yan ha?

J : Ako pa. Wala ka yatang bilib sa hon mo. Try ko ng maghanap pag binisita ko yung branch ng apartments na malapit dun.

Ako : Sige.

J : Mga bandang last week ng Febuary na tayo lumipat or First week ng March. Kailangan ko munang siguraduhin na may magaalaga na sa kapatid ko.

Ako : Okay lang kailangan ko din namang gamitin yung deposit dito. Sayang din yun.

We talked more about that hanggang sa sinabi nya.

J : Oh ayan, mababawasan na yang iniisip mo lagi.

Nakakataba ng puso. Nakakatuwa.

Ako : Salamat.

Then I heard him humming a song.

Ako : Diba, It Might be You yan? 

J : Oo.

And he sang the first stanza of the song and the chorus.

Time, I've been passing time watching trains go by 
All of my life 
Lying on the sand watching seabirds fly 
Wishing there could be someone 
Waiting home for me
Something's telling me it might be you 
It's telling me it might be you 
All of my life

First time kung narinig ang singing voice n'ya last night.


Ako : May boses ka pala? Para saken ba yan?

J : Hindi, maganda lang ang song, ito ang para sayo.

Standing by my window, listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won't let me keep these sad thoughts to myself
I'd just like to let you know, I wish I'd never let you go

And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you

Ako : Ano ka ba, hayan na naman.

Hindi ko napigilan na ang umiyak. Hindi ko alam kung naririnig nya sa kabilang linya but he asked me if i'm crying.

J : Umiiyak ka ba?

Ako : Medyo, ikaw kasi.

J : Huwag ka ng umiyak. Just believe me, gaya ng lagi kung sinasabi, hindi na ulit mangyayari pa ang dati. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay. Kung gusto kitang lukuhin matagal na. Hindi na sana tayo nagkabalikan kung hindi kita mahal. Basta lagi mo lang tatandaan, you're the only one.

Wala na akong mapaglagyan pa ng emosyon last night.

J : Oh lulubusin ko na, eto pa.

Then he sang the chorus part of Love on Top by Beyonce.

Baby it's you.
You're the one I love.
You're the one I need.
You're the only one I see.
Come on baby it's you.

You're the one that gives your all.
You're the one I can always call.
When I need you make everything stop.
Finally you put my love on top.

Ako : Thank you hon.

J : Sige tahan na.

Ako : Para namang bata. Those were just tears of joy.

Ang dami ko pang takot hanggan ngayon. Paano kung hindi nagwork-out? Paano pag mali pala ako ng desisyon? Paano pag di ko kinaya? Paano pag sya ang bumigay?

Lahat ng tanong na yan hindi ko masasagot hanggat hindi ko susubukan. Susugal na ako at ititira ko lang respeto sa sarili ko para sa bandang huli, wala akong pagsisisihan.


Til Next Time,

Diosa










Friday, December 30, 2011

My Year Ender


" A new beginning is perhaps the best time to say… It’s so nice to know you…
And here’s wishing our friendship continues to grow in the days to come. "

To end the year right, I wanted to make a special entry of things that I should be thankful to 2011.

Workwise, this year has been a generous one. Being the top Specialist in the travel field in the account that I am with is the first achievement I've made in the first quarter. On the third, I was then assigned to be a mentor to the new folks in the operations floor and on the last quarter, being promoted as one of the Lead OIC.

I can't thank enough the people who guided and trusted me. I won't be in this position if not because of you. To my friend, mentor and former supervisor Mr. Renan Navarro, I owe you bigtime. To my damas and friends, I won't this knowledgeable about the account if not because of you. To my former micro teams, thank you for the good and positive feedbacks, if not because of those, I won't be in this position.

To my closest friends, I thank you for the trust and for always boosting my morale and confidence whenever I'm down. I wouldn't have the courage to continue if not because of those advises.

To my college barkada, thank yo guys for relieving me from stress whenever I visit home. I thank you for always being there and for spending your precious time just to be with me. Because of those laughters, jokes, gossips that we've shared with I won't have the energy to go back to work. Thank you.

To the family of my partner. To lola and lolo, thank you for the wonderful treatment and accommodation. To Tita Carol and to her partner Ate Gina, thank you for the acceptance. To Ken-ken and Jayson, you guys have been great eversince. Your Kuya and I doesn't have to explain what's between us. I've always been thankful to both of you for the support eversince. You've always been a witness from the start. Thank you brothers-in-law? And lastly, to Tita Jocelyn, mama of my dearest partner. Thank you for accepting me as the partner of your son. This may not be the usual set-up yet you have accepted me with no questions asked. Thank you Tita, it means a lot to me.  

To my family, I don't want to say thank you, because this word is not enough to describe how grateful I am for having you guys. You will always be the most important people of my life. I seldom say this to all of you, but I always mean it. I love you. To my caring mama, I love you. To my hardworking Tatay, I love you and to my ever naughty siblings,  I love you. I'll always be here for all of you.

And lastly, to my Honey, Ryan Jay. I'm thankful that I've met you 4 years ago. I should say I'm the luckiest person to have you as my partner. Thank you for being there always. I may nag you at times, I maybe melodramatic, I may hate you, I may not call nor text you. I may not see you always but there is one thing that I would always do, that would be to love you. 

I can't say how many years will be added to our relationship, but one thing is for sure, if things will not be the way that we've imagined, I'll always hang-on to that promise that you've made. That you will not leave me FOREVER. 

From this day forward, I'll be your lawfully wedded partner. I'll love and cherish our relationship until the end. Till death do us part. 

Hayan, tapos na ang ka-emohan sa taon na ito. 

New year will be here in a couple of hours.

Enjoy everyone...!!!

Let's start the year with a blast.


Til Next Time,

Diosa




Friday, December 09, 2011

Spell Busy? D-I-O-S-A




" Do the things that you've always dreamed of doing NOW. Don’t postpone them. My dad loved to be in the outdoors, but he was always so busy as a school principal that he didn't give himself that pleasure very often. He was going to do all his fishing and hiking when he retired, but he never lived that long. He dies of cancer at 63. It was pretty wrenching to not only see him suffer so badly but also to realize that he had been cheated out of his dream. "
~ Fred Matheny

Grabe na talaga ang pag busy ko nowadays. 

Last 27 November until December 1, umuwi kami n J sa Leyte. Muntik nang hindi matuloy ang lakad na ito dahil sa mga pagbabago lagi ng schedule ko sa office most specially at madami kaming bagong agents na pumapasok. Pero sa awa ng manager ko, nagawan naman ng paraan.

I met the rest of the family sa province at sya din sa family ko. Kulang na lang talaga ay mamanhikan na sya, chos. Naging maganda naman ang pagtanggap ng entire family saken. Medyo may iba lang na hindi maganda ang mga nasabi kasi sa kakitiran ng utak nila. Si J pa nga mismo ang nagsabi saken.

J : Alam mo bang kumakalat na tsismis dito na mag-asawa na daw tayo. Sinabi ng Tito ko at medyo disappointed sya.
Ako : Eh anong sagot mo?
J : Hindi ako kumibo, wala naman akong pakialam dun. Basta alam natin kung anong meron tayo.

Tinanong ko pa nga sya nun kung anong sinabi ng Tita nya nung mag request sya na isama ako sa lakad ng family.

Ako : Anong sabi nina Tita Carol about saten?
J : Hindi na nila kailangang itanong yun, very obvious na. Mabait ka daw sabi nila.

Natuwa ako sa pagtanggap saken ng pamilya nya. In fact yung lola nya pa mismo ang nakipag-inuman nung last night ng bakasyon namen.

I may not be introduced sa mga katrabaho nya as his partner because of some circumstance, at least the family knows I exist.

Pagbalik naman sa office nung December 2, back to a busy work schedule naman and after 3 days, magandang balita naman ang bumungad saken.

I was then promoted as a Lead sa office. And the more shocking news was, walang time na magprepare for the transition kasi kinabukasan din ang simula ko. Sabi nga ng mentor and friend ko, " Just don't be overwhelmed with the responsibility, I know you can do it. "

A lot of blessings came in this December which I am very thankful to God.

Sa mga taong nagtiwala at sumuporta saken, salamat ng madami. Hindi kayo mabibigo.

Parang Oscars Award lang ang statement ko.

I'll write more entries sa mga recent events pag naayos ko na ang schedule ko.

To everyone, mauna na akong bumati.

" MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR. "

Til Next Time,

Diosa



Sunday, November 06, 2011

A Unique Christmas


" Christmas is a necessity.  There has to be at least one day of the year to remind us that we're here for something else besides ourselves.  ~Eric Sevareid "

Forty seven days na lang pasko na. Ang pinaka-importanteng araw sa buong taon para sa ating mga Pinoy. Nakakalungkot mang isipin pero marami na sa atin ngayon ang medyo nakakalimot na sa tradisyon nating mga Pilipino sa ganitong okasyon. 

Sa lahat yata ng bansang nagdiriwang ng kapistahang ito, tayo ang may pinakamatagal na pagdiriwang para dito. From Septermber 1 until 3 Kings Celebration at kung minsan pa hanggang sa Valentines Day ang celebration nito.

When I was a kid, we used to start putting up Christmas Decorations unang araw palang ng September. This is always or family tradition at tatanggalin ang mga ito pagkatapos ng Mass sa town namin for the 3 Kings. Naging ganito ang tradisyon namin dahil isang deboto ang lola namin sa aming simbahan. 

Pero ngayon, marami ng nagbago sa tradisyon nating ito. Si Santa Claus, Rudolph the red nose reindeer, Snow Man at Mistletoe na wala naman talaga sa tradisyon natin. Naiintindihan ko namang mas nagiging makulay at masaya ang pasko natin dahil dito. It makes us feel this Christmas Spirit. Pero sana naman hindi natin makalimutan ang sarili nating tradisyon.

Masaya ang magkabit ng makukulay na parol which symbolizes the star that guides the 3 kings to Bethlehem. 


Ang Belen which symbolizes the Holy Family. 


At higit sa lahat ang tradisyon natin tuwing kapaskuhan, ang Simbang Gabi o ang Misa de Gallo which is a way to thank our creator for all the blessings. Dati pa nga sinabi pa saken nung isa kung kaklase na pagnakompleto mo ang lahat ng misa, pwede ka daw humiling, pero hanggang ngayon di pa natutupad ang hiling ko kasi di pa din ako nakakakumpleto nito.

Pagkatapos ng misa, sinong hindi matatakam sa Puto Bumbong 


At ang Bibingka,


Ang Monito at Manita na minsan nagkakadayaan pa sa bunutan para makuha ang pangalan ng gusto mo. Oo guilty ako dito, inaamin ko ginawa ko ito nung highschool ako at sa kasamaang palad hindi dumating nung chirstmas party namin yung crush ko. Ang ending, naging gift ko sa sarili ko ang binili ko.

At sino ang hindi nakakaalam ng bolang asin na ito,


Ang queso de bola. Nung bata ako, hindi ko talaga alam kung bakit lagi itong parte ng handaan at hanggang ngayon di ko pa din maintindihan kung bakit naghahanda tayo tuwing pasko ng bolang asin sa hapag. Sobrang alat. At samahan pa nito,


Maganda sa kalusugan ng lahat ang tradisyunal na pagkaing ito at good for the heart pa.

Liban sa pagkain, dekorasyon at simbang gabi, nandyan din ang taunang manhunt ng mga inaanak sa mga Ninong at Ninang nila. Sa talambuhay ko, isa lang sa mga Ninang ko ang nagbigay saken ng regalo nung pasko at lately nung nagkita kami matapos ang ilang taon, nagregalo sya saken, 50 pesos. 

At ngayon heto na naman tayo sa pinakaaantay na araw ng taon. Sana naman lagi nating isapuso kung bakit tayo nagdiriwang sa araw na ito taon-taon, ang kapanganakan ni Kristo.

May isang hiling lang ako ngayong Pasko ang makapiling ka G. Wala lang siningit ko lang 'to.

Sa lahat, Merry Christmas and a Happy New Year mga becky, tombalata, straight at paminta.


Til Next Time,


Diosa


Thursday, May 26, 2011

End of the World?



2011 AD—On May 21st, Judgment Day will begin and the rapture (the taking up into heaven of God’s elect people) will occur at the end of the 23-year great tribulation. On October 21st, the world will be destroyed by fire (7000 years from the flood; 13,023 years from creation).

Ito ang naging prediction ng isang pastor who owns a Radio Network in the states. Kung mangyayari to? Anong gagawin mo?

Limang araw. Limang pagkakataon. Paano kung ito na lang ang ibibigay sayo bago magunaw ang mundo? Anong limang bagay ang gusto mong gawin? Ako, ito ang limang bagay na gusto kung magawa kung mangyayari man to.

5. Makikipagbati ako sa lahat ng naging kaaway, katampuhan, kabangayan, kagalit at nakasamaan ng loob. Ang sama kaya sa pakiramdan ng may kaaway.

4. Pupuntahan ko lahat ng mga kaibigan ko at pasasalamatan ko silang lahat sa magandang alaalang mababaon ko. Kung di dahil sa kanila, hindi magiging ganito kakulay, kasaya, kalungkot and worthwhile ang naging stopover ko sa buhay kung to.

3. Tatanungin ko lahat ng ex ko kung sino ba talaga sa kanila ang totoong nagmahal saken at kung anong naging mali ko. Ayoko namang mamatay ng hindi nalalaman kung sino ang talagang totoong umibig saken. 

2. I'll hug my brothers and sisters kasama na ang aking Little Angel. Salamat sa inspirasyon na binigay nyo saken.

1. I will go to church para magdasal kasama ang Tatay at Mama ko. Gusto kong pasalamatan sila sa pagtaguyod samen. Salamat sa walang kapantay na pagmamahal.


Ikaw kung sakaling darating 'tong panahon na to? Anong gagawin mo?

Til Next Time,

Diosa

You can also check the link: http://akosidiosa.travellerspoint.com/



Thursday, May 19, 2011

RH Bill - Right to Be Educated

" Being pro-life is right but always consider the situation. We are given free-will to think and make the right decisions for our loved ones. "


I saw this article in google while reading the news. What attracts my attention are this points raised about the current situation regarding population.

Quoted from the link above :
“The RH Bill is wrong because it assumes that the Philippines is overpopulated.”
I agree. I, myself, have observed that the Philippine is NOT overpopulated. In fact, if you use your common sense and think about it, you will realize a few things:
1. We are not overpopulated! Look at the mountains, the jungles, the caves and the ocean floor. There are no people there!
2. If we were really overpopulated, we would have trouble travelling. But if you go to EDSA, there’s no traffic. When you ride the MRT, it’s not packed with people.
3. Students in public schools are well educated because the teacher to student ratio is very low. In fact, because of our low population the government can basically guarantee that all public school students are provided books, notebooks and other school supplies.

I respect your opinion. Pero masasabi kong masyadong mababaw ang mga naging arguments mo sa usapin. Bilang sagot, eto naman ang mga opinyon ko.

1. Aantayin mo pa bang maski ang kabundukan natin ay mapatag na para lang may matirahan ang mga tao. Na maski sa baybayin natin, may makikita ka ng tao? Ngayon pa nga lang marami na sa mga yamang tubig natin ang naging marumi dahil na din sa kagagawan ng mga tao.

2. Kelan mo masasabing packed with people and isang cabin ng MRT? Pag pati sa labas may nakasabit ng tao? Have you ever tried riding the MRT or LRT during rush hours? Have you ever experienced being on the line for more than an hour para lang makasakay? I bet you haven't. At EDSA, walang traffic? Kelan ka ba mabuhay, noong panahon ng mga Kastila?

3. Have you studied in a public school? Ako Oo, nagkataon lang siguro na exclusive yung napasukan ko cause you need to pass before being admitted but it doesn't mean na hindi ko naranasan to. High School kami, 2 sections lang pero 50-60 students per section kami. Yan ba ang tinatawag mong low student-teacher ratio? Well educated I would say, kasi magagaling yung karamihan sa teachers na Pinoy I would say.

Hindi ka ba Pinoy at nasasabi mo itong mababaw na argumento sa isang mainit na usapin sa bansa namin?

Hindi ako mahilig makisawsaw sa political issues. I'm not even a registered voter kaso lang masyadong mainit ang usapin na ito para, bilang isang mamayan ng bansang to, kahit paano masabi ko ang aking kuro-kuro.

Hindi ko naranasan ang tinatawag nilang over-population sa lugar namin sa probinsya. Hindi crowded ang lugar dahil sa kukunti ang taong nag-sesettle dun.  Pero ng marating ko ang Metro at nakita ko ang sitwasyon, now i know the definition of over population at mostly sa may ganito, eh yun pa ang mga taong nasa below poverty line.

Maswerte ka kung nakapag-aral ka at naintindihan mo ang mga nangyayari sa bansa, kasi di mo na kailangan ng RH Bill, kasi sa sarili mo palang maiintindihan mo na kung bakit kailangan mong gawin to. Hindi lang para sa sarili mo, kundi para na din sa mga minamahal mo.

With the recent happenings of people meddling with this very hot issue, I'd like to comment on His excellency's point of argument, Congressman Manny Pacquiao. As mentioned in his own article by Desperate Houseboy,


You have proven yourself in the field of boxing. You have been a great Filipino of, I would say, all time. No other Pinoy in this field made a name like you did. I agree, that your recent debate with another congressman made a stir to make this hot issue even hotter, but, I think this is not your forte. Quoting the verses in the Bible and interpreting its meaning literally is dangerous though.

To his excellency,

I idolize you with how you fought and won victoriously challenges in your life. I admire your dedication to the church, to your family and to your country. No one will be able to surpass what you have done for this nation, not even the wisest of all the lawmakers, however, this current situation is not your field. Law-making debates are for people to convince the otherside whichever is going to be good for the general public not just for a few. You have the right and capability to have as many children as you want because you can. But what about those people who merely know the implications and long term effects, not just personally but to the community for having a huge family with uneducated members? Come to think of it, be in there shoes.

I hope the Congress and it's legislators will make the right decisions for the country.

And I stand being pro on this Bill.

Til Next Time,


Diosa

Thursday, April 07, 2011

My Little Angel

" This is unexpected on my part. Totally shocked with your arrival but fulfilled and happy that you are here my baby, my little angel. "

Eto ang aking dearest pamangkin, si Matt Kristoff.



My Little Angel. Thank you baby for coming to our lives. You may have come sooner than I expected, but it's all fine. Tita/Tito will always be here for you I promise. I'm glad I will have the chance to guide you as you grow up together with you Papa and Mama. Someday you might read this write-up about you. I just wanted to tell you. I love you very much my little angel.

Ang tagal ko ng gustong magkaanak at ngayon na dumating ka na, Baby Kito, I'm more inspired to continue life because of you.

See you soon baby.


Til Next Time,

Diosa





Top 50 Things About a DIOSA


" It takes courage to grow up and become who you really are.  ~e.e. cummings "

Uso to ngayon kaya makikigaya na ako. Bilang isang Diosa, karapatan ng aking mga dama na makilala ako ng husto.  This will be the top 50 things that's all about me.

1. Ayoko sa Pizza. Hindi sa ayaw ko sa lasa nito, may bitter experience lang ako na involved ang food na 'to. Kaya everytime na nagyaya ang mga officemates ko na kumain ng Pizza hindi ako sumasama.

2. Malakas akong kumain. Kung makikita mo ako sa personal, hindi halatang kumakain ako ng 2 1/2 rice or more every meal. Patpatin lang talaga ako. Balingkinitan ang katawan.

3. Mahilig ako sa Pinoy dishes. Kahit gaano pa kasarap o kasosyal ang isang pagkain basta't hindi Pinoy, nunca na masama sya sa listahan ng pagkain na gusto kung alaming lutuin.

4. Mahilig akong mag-alaga ng hayop. Sabi kasi nila pag marunong kang mag-alaga ng hayop, magiging magaling na syota ka raw kasi may experience ka na.

5. Mahilig ako sa larong Pinoy. Natatandaan ko pa kahit nung 3rd year college na ako sumasali pa din ako sa mga kapatid at pinsan ko pag naglalaro sila ng habulan o di kaya baril-barilan.

6. Mahilig akong mamili ng damit. Mumurahin man yan o branded bastat nagustuhan ko, bibilhin ko. Pero di ko gagamitin madalas ang iba. Minsan kahit sa opisina kung mapapansin nyo, marami akong damit na minsan ko lang isuot meron naman na every week ko suot. Minsan kasi may mga damit na kahit alam kung maganda di ako feeling maganda pagsuot yun. Chos.

7. Mahilig ako sa regalo. Mas naapreciate ko yung gift pag food yun. Pero di ko kakainin yan. Itatago ko lang yan hanggang sa mag-expire o di naman kaya titigan ko lang yan hanggang sa ang nagbigay saken mismo ang magpakain saken.

8. Mahilig ako sa bulaklak lalo na yung orchids. Namana ko to sa mama ko. Lumaki akong napapaligiran ng mga ito ang lumang bahay namin sa probinsya. Kaya lang napabayaan na lately. Di na kaya ni mama. May mga bagay na dapat mas paglaanan ng panahon.

9. Paboritong prutas ko naman ang suha. Lalo na yung pula from Davao. Madalas kasi nung bata ako pag-uuwi si Tatay galing ng Davao, kahon-kahong suha ang dala nya. May puno nga sa bakuran namin nito ngayon. Sana sa paguwi ko maraming bunga na.

10. Lola's boy/girl ako nun. Si Lola Salvacion ( sumalangit nawa ) ang nakalakihan kung nag-aalaga saken. Natatandaan ko pa, pag may lagnat ako nung bata ako, ang gagawin ni Lola, aakapin lang ako sa buong magdamag para daw mainitan ako at pagpawisan. Lagi naman akong gumagaling agad.

11. Mga 6 years old palang ako nag-iinum na ako ng beer. Si Lola ko din ang nagturo saken, Meron kasi kaming tindahan nun at si Lola bago matulog, iinum yan ng isa or dalawang bote ng pale pilsen na beer. Ako naman kasi atribida ako kumukuha din ako ng sarili kong baso, tatabi kay Lola at iinum din. Mga kalahating baso lagi binibigay saken nun, di ko naman nauubos.

12. Mahilig ako sa mga fiesta. Si Lola din kasi dati sa dami ng kakilala sa probinsya namin, everyday may pinupuntahang fiesta pag May. Ako ang lagi nyang bitbit nun.

13. Homebuddy akong tao. Mababaw lang ang kaligayahan ko lalo na pag nakatambay lang ako sa bahay. A good movie and good food. Solve na ang restday ko.

14. Mahilig akong magluto. Filipino dishes din ang madalas kong pinag-aaralang lutuin. Sa ngayon especialty ko na ang sinigang, menudo, afritada at caldereta.

15. Ayokong naghuhugas ng plato. Sa lahat ng mga gawaing bahay ito yung hindi ko alam kung bakit pero parang diring-diri talaga ako.

16. Panganay ako sa mama ko pero pang siyam ako sa Tatay ko. Second family kami pero I have never ever felt na second lang kami sa Tatay ko.

17. Mahilig ako sa mga larong panlalaki kahit nung bata pa ako. Baril-barilan, habulan, tumbang preso pero di ko alam kung bakt naging bading ako. Wala din naman sa lahi namin.

18. Di ako mahilig sa chocolate. Kung liligawan mo ako, dalhan mo ako ng ibang pagkain o di kaya bigyan mo ako ng love letter. Mas sweet para saken yun.

19. Mahilig ako sa mga tula. Paboritong tula ko ay yung kay Ildefonso Santos. Yung " Sa Tabi ng Dagat. "

20. Mahilig ako sa mga love stories kesa sa mga adventure books. Romantic-Comedy man yan o di kaya Tragic basta love story, pasok saken yan.

21. Mahilig din akong magsulat ng kung ano ano lang kahit na walang kwenta. It's my way of venting out.

22. Mahilig ako sa kape. Dream Job ko ang mapalibutan ng maraming maraming kape. Gustong-gusto ko ang amoy nito lalo na pag bagong gising palang ako. Nakakagana.

23. Ayoko sa lahat ng hayop ay yung bull frog. Madalas akong magka-goosebumps dahil sa balat nito. Kadiri.

24. Ayoko sa mga pagkain na may cinnamon. Hindi ko gusto ang lasa nito na minsan sumasama sa hininga. Sumasakit ang ulo ko.

25. Mahilig ako sa gulay. Paborito kong kaninin ay ang ginisang ampalaya at pakbet. Kaya di ako naniniwalang nakapagpapataba ang gulay kasi hanggang ngayon, sexy and thin pa din ako.

26. Mas gusto kong pinanonood ang mga Pinoy Films kesa sa foreign ones. Mas madali kasing intindihin ng walang effort ang kwento.


27. Tamad akong maglaba. Kung magpalaba man ako, isa lang ang rule ko. Bawal ang washing machine.

28. Natuto akong tumipa ng tiklado ng Piano. Graduation ko ung elementary nung regaluhan ako ng tatay ko ng Piano. Hindi ko man lubos na napag-aralan pero at least hindi naman ako naging sintunado.

29. Mahilig akong magbudget ng pera pero never pang nasunod ang budget na yun. Pero mula ngayon pipilitin ko na. ( Sinabi ko na rin to dati. )

30. Sentimental akong tao. Emotional pero ayokong nakakita ng mga taong umiiyak lalo na sa larangan ng pag-ibig. Kung kaibigan mo ako at nasa sitwasyon kang ganyan. Papatawanin kita. Pero pag ako naman, huwag mo nalang subukan.

31. May dalawa akong stuff toys sa bahay. Una isang teddy bear na Harold ang pangalan. Bigay saken ni Harold yung dati kong officemate at yung isa si Gerald. Bigay ni Ex. Di pwedeng mawala sa kwarto ko ang dalawang yan. Gira ang mangyayari pag nagkaganun.

32. Hindi ako mahilig gumimik. Paglumabas man ako, ang gusto ko pag-uwi ko nakangiti ako. Kaya mas gusto ko sa mga comedy bars kesa sa mga resto bars.

33. Nung bata ako, ultimate crush ko nun si Rustom Padilla pero di ko inaamin sa sarili ko na bakla ako. Ang gwapo nya nun sa pelikulang " Sana Dalawa ang Puso Ko ". Ngayon hindi na, maganda na kasi sya gaya ko.

34. Lahat yata ng genre ng music gusto ko. Pero pagkumakanta ako forte ko yung Rock. Kaya bansag saken ni bestfriend rakistang bakla. Favorite ko sa mga ganito si Bon Jovi, Nazareth at Michael Bolton.

35. Mahilig ako sa anime. Dragon Ball Z, Princess princess, Digimon at marami pang iba. Hindi mo pwedeng ilipat ng channel pag nanunuod ako nito. Gulo ang hanap mo.

36. May collection ako nung high school ng Tamiya Racing Cars. Binilhan pa ako ni Tatay ng race track nun kasi yun yung usong-uso sa mga lalaki. Pero at that time tanggap ko nang bakla ako. Pero kahit ganun naging die hard fan din ako ng larong to.

37. Hindi ako relihiyosong tao pero huwag mo akong pariringgan na dadautin mo ang nakagisnan ko ng paniniwala dahil di kita uurungan sa isang matinding debatehan.

38. Hindi naman sa pagmamayabang pero honor student ako lagi nung elementary. Nung high school naman nung 4th year lang kasi nagloko pero nasa top 10 pa din. Matalino nga daw ako sabi ng mga naging teacher ko. Bobo naman pagdating sa practical na mga bagay gaya ng pag-ibig.

39. Melodramatic akong tao. Sad song palang nadadala na ako, naiiyak.

40. Mahilig ako sa bata. Sobra. Kaya siguro kung naging babae man ako sigurado akong di man ako ang perfect wife, ako ang best and perfect mother.

41. Di ako magaling sa confrontation lalo na pag bago pa ang issue. Nauunahan ako ng emosyon kesa matinong desisyon.

42. Merong dalawang taong pinaka-mahalaga sa buhay ko. Ang Mama ko at ang Lola ko. Nauna na si Lola, si Mama na lang ag natitira kaya lahat ng di ko naipakita kay Lola, gagawin ko kay Mama.

43. Kwentuhan mo lang ako ng tungkol sayo. Sa mga pinagdaanan mo. Feeling ko nun close na tayo kasi pinagkatiwala mo na ang iilang piraso ng pagkatao mo.

44. Madali akong main-love. Di ako mahilig sa gwapo, basta mabait. Pag naging tayo, asahan mong lahat ng sasabihin mo paniniwalan ko ng walang duda. Kaya madali din akong maloko at masaktan.

45. Pag may karelasyon ako, requirement saken ang makilala kahit sino sa mga kamag-anak mo. Ito yung talagang basehan ko kung seryoso ka saken at di mo ko kinakahiyang maging karelasyon.

46. Kung itinuturing kitang kaibigan mapalad ka. Kaya kong panindigan ang kahulugan ng salitang kaibigan.

47. Wala akong di gagawin para sa pamangkin kong si Kito. Sya na ngayon ang direksyon ng buhay ko.

48. Ilang beses na akong umasa na darating din ang araw na makikita ko din ang taong nakalaan saken. Ilang beses man akong mabigo, masaktan at umiyak pero ni kailanman di ako mapapagod magmahal. Kung sino man ang taong yun, mapalad ka saken ka napunta. Ngayon palang sinasabi ko na sayo, " Di ka magsisisi na ako ang minahal mo. "

49. Family -oriented akong tao. Kung meron mang bagay na di pwedeng mawala sa sistema ko sa pang-araw-araw, yun ay ang pamilya ko.

50. I don't believe in the saying " Promises are made to be broken. " kasi ako kaya kung panindigan yan. Kung nangako ako sayo na di kita iiwan hanggat kailangan mo ako, maniwala kang di ko gagawin yun. Ganito ako magmahal. Tapat at ikaw lang talaga sa buhay ko.


Habang sinusulat ko to, akala ko di ko mabubuo, kulang pa pala. Salamat sa nagumpisa nito. Nakakagaan pala sa pakiramdam ang maisulat mo sa kung sino ka sa tingin mo at hindi sa tingin ng iba.


Til Next Time,

Diosa

Thursday, March 17, 2011

Tsunami Sila, Baha Naman Kami



Hindi ko na kinakaya 'tong mga balitang to. Una tsunami threat nung magkaroon sa Japan. Buti na lang di natuloy. Ngayon eto naman.

Hindi pangkaraniwan 'tong baha na to. Kahit dati pa naman, meron ng ganito samen. Pero this time, it's different. Flooded ang Palo Center at maging sa may downtown Tacloban.

Sana okay lang ang lahat. Di talaga ako mapakali. Sana walang mangyaring masama, ipinagpapasa-dyos ko na lang lahat.

Sa Pamilya ko, mag-iingat kayo. Alam ko wala sa bahay natin kasi medyo nasa mataas na lugar tayo sa Palo, pero mag-iingat pa din kayo. Magparamdam kayo palagi.

Sa mga bakla kong friends. Wala munang lamyerda. Bawal maglaro sa baha. Chaka ang mga beauty queen na namatay sa Liptospirosis. Tatanggalan kayo ng membership cards pag sinapit nyo to.

Sa iba ko namang mga kaibigan. Wala munang gimik. Sarado ang Tacloban Astrodome, evacuation center muna ito. Kung magpipilit, isiping gumi-gimik ka pa din pero this time may dala ka dapat goods and clothes. Matutong tumulong sa kung sino man ang nangangailangan.

At sa aking asawa, wag kang mamangka sa ibang ilog kahit maraming tubig ngayon dyan. Mag-iingat ka lagi.
Para sa lahat, panalangin  lang ang tanging maitutulong ngayon.

Be safe my beloved Leyte.

Til Next Time,

Diosa