" Christmas is a necessity. There has to be at least one day of the year to remind us that we're here for something else besides ourselves. ~Eric Sevareid "
Forty seven days na lang pasko na. Ang pinaka-importanteng araw sa buong taon para sa ating mga Pinoy. Nakakalungkot mang isipin pero marami na sa atin ngayon ang medyo nakakalimot na sa tradisyon nating mga Pilipino sa ganitong okasyon.
Sa lahat yata ng bansang nagdiriwang ng kapistahang ito, tayo ang may pinakamatagal na pagdiriwang para dito. From Septermber 1 until 3 Kings Celebration at kung minsan pa hanggang sa Valentines Day ang celebration nito.
When I was a kid, we used to start putting up Christmas Decorations unang araw palang ng September. This is always or family tradition at tatanggalin ang mga ito pagkatapos ng Mass sa town namin for the 3 Kings. Naging ganito ang tradisyon namin dahil isang deboto ang lola namin sa aming simbahan.
Pero ngayon, marami ng nagbago sa tradisyon nating ito. Si Santa Claus, Rudolph the red nose reindeer, Snow Man at Mistletoe na wala naman talaga sa tradisyon natin. Naiintindihan ko namang mas nagiging makulay at masaya ang pasko natin dahil dito. It makes us feel this Christmas Spirit. Pero sana naman hindi natin makalimutan ang sarili nating tradisyon.
Masaya ang magkabit ng makukulay na parol which symbolizes the star that guides the 3 kings to Bethlehem.
Ang Belen which symbolizes the Holy Family.
At higit sa lahat ang tradisyon natin tuwing kapaskuhan, ang Simbang Gabi o ang Misa de Gallo which is a way to thank our creator for all the blessings. Dati pa nga sinabi pa saken nung isa kung kaklase na pagnakompleto mo ang lahat ng misa, pwede ka daw humiling, pero hanggang ngayon di pa natutupad ang hiling ko kasi di pa din ako nakakakumpleto nito.
Pagkatapos ng misa, sinong hindi matatakam sa Puto Bumbong
At ang Bibingka,
Ang Monito at Manita na minsan nagkakadayaan pa sa bunutan para makuha ang pangalan ng gusto mo. Oo guilty ako dito, inaamin ko ginawa ko ito nung highschool ako at sa kasamaang palad hindi dumating nung chirstmas party namin yung crush ko. Ang ending, naging gift ko sa sarili ko ang binili ko.
At sino ang hindi nakakaalam ng bolang asin na ito,
Ang queso de bola. Nung bata ako, hindi ko talaga alam kung bakit lagi itong parte ng handaan at hanggang ngayon di ko pa din maintindihan kung bakit naghahanda tayo tuwing pasko ng bolang asin sa hapag. Sobrang alat. At samahan pa nito,
Maganda sa kalusugan ng lahat ang tradisyunal na pagkaing ito at good for the heart pa.
Liban sa pagkain, dekorasyon at simbang gabi, nandyan din ang taunang manhunt ng mga inaanak sa mga Ninong at Ninang nila. Sa talambuhay ko, isa lang sa mga Ninang ko ang nagbigay saken ng regalo nung pasko at lately nung nagkita kami matapos ang ilang taon, nagregalo sya saken, 50 pesos.
At ngayon heto na naman tayo sa pinakaaantay na araw ng taon. Sana naman lagi nating isapuso kung bakit tayo nagdiriwang sa araw na ito taon-taon, ang kapanganakan ni Kristo.
May isang hiling lang ako ngayong Pasko ang makapiling ka G. Wala lang siningit ko lang 'to.
Sa lahat, Merry Christmas and a Happy New Year mga becky, tombalata, straight at paminta.
Til Next Time,
Diosa
Christmas is fun but since i lost everything, wala na akong Christmas. i don't know if Christmas still exist.
ReplyDeleteBang, don't say that. We have a lot of reasons to celebrate christmas.
ReplyDelete