Showing posts with label Love. Show all posts
Showing posts with label Love. Show all posts

Saturday, October 24, 2015

Are you Mr. Right?


"We waste time looking for the perfect lover instead of creating the perfect love. - Timothy Oliveira"

Who would have thought I will find you at the darkest moment of my life?

Yan ang nasabi ko sa sarili ko after meeting and spending time with Jp. Sya yung pangalawang taong naisulat ko sa nauna ko ng entry. It's been more than a month since we dated. As we spend time getting to know each other, the more that I am becoming convinced that he might be the one.

Ang dami nyang bagay na ginagawa na hindi ko naranasan kailanman maski kanino. One week na syang naka-assign sa mall na malapit sa office na pinagtatrabahuhan ko. One week, we always go on lunch together. One week that we've been spending more time together.

Last Thursday night, lumabas ako kasama si Joel, yung unang taong nakilala ko during my moving on days. Si Rio and common friend nila at sya. Hindi sa nagmamaganda ako pero because of that, I was able to prove  a lot of things.


(From left to right: Rio, Jp, me and Joel)

Dapat dalawa lang kami ni Joel na lalabas that time pero naisip ko I guess it would be the perfect time to really settle within me kung ano at sino ba talaga ang taong dapat kung pagtuunan ng pansin. Naglunch kami ni Jp that day.

Me: Japs, lalabas kami nina Joel at Rio mamayang gabi. Sama ka?
Jp: Naku 10 pm pa ang out ko.
Me: Ganun ba? Can you still make it, wala ka namang pasok bukas?
Jp: Di lang ako sure but I'll text you.

Hindi na ako umasang darating sya. Nauna kaming magkita around 8:00 pm nina Joel at Rio sa usual na restaurant na pinupuntahan namin ni Joel sa isang mall sa North. I was updating him through text kung nasaan na ako. By the time that I texted him na nandun na ako, may nakita akong lalaki sa papalapit sa table namin. It didn't register automatically na si Jp pala cause I was not totally expecting him. Pagkaupo nya:

Me: Oh! I thought mamaya ka pang bandang 11pm? It's just quarter to 9?
Jp: Nag-early out ako, andun naman ang isang Brand Supervisor, sinabihan ko nalang sya na mag opening shift lang ako. Na-surprise ka ba?

Sabay ngiti..

Me: Oo naman. I didn't expect na pupunta ka pa.
Jp: Sinurprise talaga kita. Sinadya ko.

I was totally amazed how this guy would make such effort to spend time with me and the rest of the gang. He knows what's between me and Joel before pero hindi naging awkward para sa kanya yun. Instead, him and Joel was talking about things that they have in common. We finished drinking at around 11 pm. Nag-aya si Joel na kumain sa isang ihawan na malapit sa kanila. Naglakad na lang kami papunta, tutal malapit lang naman.

Joel was like a kid playing hide and seek while Jp and me were walking together.

Jp: Alam mo may naakikita ako sa inyo ni Joel na pwedeng maging kayo.
Me: Huh? What do you mean?
Jp: Kanina habang nag-iinum tayo, napapansin kong magkasundo kayong dalawa.
Me: Oo, magkasundo talaga kaming dalawa sa biruan, lokohan, ganun. Pero everything is over between me and him. Magkaibigan lang kami. Bakit mo naman nasabi yun.
Jp: Wala lang mukha naman kaayong masayaa.
Me: Akala mo lang yun. Oo masaya kaming magkasama. He is a funny guy to be with. Kenkoy kasi yan. Tingnan mo, nakikipagtaguan pa.

Sabay kaming natawang dalawa nung nakita namin syang nagtatago sa isang poste.

Me: After our conversation before we started, Joel and I started to just be friends. Medyo madaming problema yang taong yan. Ang daming burdens sa buhay. Masyadong complicated.

He didn't say anything. He just simply kept quite.

Kumain na kami at tuloy pa din ang biruan. Around 12 mn, we decided to go home. Lasing na talaga si Rio at Joel.We decided to take a cab and we'll just drop-off Rio sa bahay nila kasi mukhang di nya na kaya.

Pagkasakay namin ng cab, tamang tama ang kantang tumutugtog. Mr. Right, by Kim-Chu;

Ikaw na ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?
Ikaw nga ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba magbabalik ngiti saking mga mata?
Si Mr. Right ka ba?
Mr. Right na ba? Mr. Right ka ba?

Nagkatinginan kaming dalawa at medyo napangiti. To lighten the mood, nagbiro na ako at kunwari nagpa-cute sabay hawi ng buhok ko sa tenga.

Natawa kaming parehas.

Jp: Sige, ihatid na natin si Rio sa bahay nila then hatid na kita sa inyo bago ako umuwi.
Me: Sure ka?
Jp: Yep. I wanted to make sure na safe ka din. At nakainum tayong lahat.

We then dropped-off Rio at pinatuloy na namin sa may bahay ko. He then walked me hanggang sa bahay ko.

Me: Japs, pa-hug naman.

Lambing ko sa kanya while we were sitting in my bed. I was hugging him.

Me: Thank you japs.
Jp: Mas thank you. Salamat Megs sa lahat ng effort mo. You're always there when I needed someone most.
Me: Kaw din. Salamat sa lahat ng effort mo. Sa lahat, lahat ng pinapakita mo.
Jp: Wala yun. Basta, I will always be here for you. Magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas.

He then gave me a sweet kiss in my lips.

It's been a long time, I didn't feel this way. Hinatid ko sya sa may labasan to go home. He hugged me and once again kissed me.

Jp: Pahinga ka ng mabuti. Sleeptight.
Me: I will. Ikaw din, ingat ka and text me when you get home.
Jp: I will.

Sabay halik sa pisngi at sumakay na sya ng tricycle palabas.

Siguro nga gaya ng pagluluto, masarap ang lahat pag tama nag ginamit na ingredients. Bawal ang substitute kasi mag-iiba ang lasa.

Dapat hindi minamadali kasi baka mahilaw. I enjoy lang ang paaghihintay at gawin ang tama para at the end, makuha mo yung tamang lasang hinahanap mo.

Isang buwan mahigit palang kaming lumalabas ni Jp. Ayokong magmadali sa kanya. Gusto ko makilala sya at makilala nya din ako.

Sa ngayon, masaya ako sa nangyayari sameng dalawa. He is the gentleman that I've been looking for.

Sya yung nasasakyan ang moodswings ko at di nya pinapatulan, instead nilalambing nya pa ako. Hindi sya naiilang to hug and kiss me on the cheeks in public. Sya yung lalaking nagbibitbit ng bag ko whenever it's heavy. Sya ang tamang ingredient na hinahanap ko.

I am in cloud nine at the moment. Naibalik na yung kilig na matagal ko ng hindi nararamdaman.

I guess he can be Mr. Right, Now. Madami pang kailangang alamin. Madami pang kailangang mangyari for him to be my Mr. Right and I will be Ms. Right so we can have our Right Love.

P.S. The picture below was taken early morning sa bahay ko after my simple birthday celebration:



Till Next Time,

Diosa




Sunday, October 04, 2015

When Heartches Are Gone..


 
" Just when I think I have learned the way to live, life changes.""
 
Magtatatlong taon na din nung hindi na ako nagsulat. Ang dami ko ng hindi naisulat na nangyari sa buhay ko sa blog na 'to.
 
Wala na kami ni Ryan (si J sa blog na to). Siyam na taon natapos na. Nung huli akong nagsulat tungkol samen, nagging maayos kami. Limang taon na nagtuloy-tuloy kaming dalawa. Madaming naging problema pero nalagpsan naming dalawa. May mga kasalanang nagawa at natutong magpatawad. Pero nitong mga huling taon naming naramdaman ko na na malapit na talaga kaming matapos. Nitong nakaraang hunyo, dumating na nga ang bagay na kinatatakutan ko. Mayo pa lang, madalang na syang pumunta sa bahay. Ang paliwanag nya, may ginagawa syang event kaya nauubos ang oras nya. Napatunayan nya naming tama, pero nung nagkita kami, kinausap ko na sya tungkol sa nararamdaman ko. Hiniling ko sa kanya na kung pwede sana, maramdaman ko ulit sya. Hindi bilang obligasyon yung paguusap naming, kundi bilang kasintahan. Sumangg-ayon naman sya, pero hindi nangyari. Ganun pa din. Dun na ako nakapagdesisyon na humiwalay na. Mahirap, sobrang hirap, sakit. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Hindi ko magawang ngumiti man lang. Kahit sa gitna ng trabaho, bigla na lang akong iiyak. Bigla na lang akong tutunganga. Sinubukan kong makipagbalikan. Pero maganda na din na ayaw nya na kasi kung hindi, baka maulit lang ang lahat. Akala ko kaya kong makipagkaibigan sa kanya, pero hindi pala. Tama nga yata ang sabi nila, hangga't di naayos ang sarili mo at totally moved on ka na, dapat mawalan sa eksena ng buhay mo ang ex mo. Kaya nga ex eh, past na. Wala ng puwang pa sa buhay mo. Tapos na. Mahirap kasi lahat ng mga pangarap nawala. Hindi ko alam kong paano ulit magsisimula. Everything was devastated, hindi ko alam kung paano magpapatuloy ulit.
 
Hanggang sa pinakilala ako ng isa kaibigan sa kanyang kaibigan.
 
 
Sya si Joel, isang store manager sa isang chain of clothing brand. He is older than me. I met him at a time that I was nursing a broken heart. A funny guy. Una kaming nagkita sa Pampanga. And take note, sa SM Pampanga, sa CR ng lalaki. It was an awkward situation when we first saw each other. Naging maganda ang mga una naming labas na dalawa. He is a bit animated. Masayang kausap ang problema lang, napaasa nya ako. Tatlong buwan din kaming llumalabas na dalawa, ang mahirap, hindi nya pa kayang mag commit. I will never be his priority at this point. Pamilya nya muna. I offered myself, but he asked me to wait. I even asked him, I can't take another heartache at this point, but he did. We talked about us last night. Natapos na ang lahat. May panghihinayang, pero hindi ko papalagpasin ang subukan ang new chance ko sa isang taong nagpapangiti saken ngayon. Si Jp.
 
 
I met him through the friends of Joel. Nagkayayaan na mag-inum sa tatay at yung barka ni Joel na si Rio ang nag-invite sa kanya. Nung una, wala lang. Normal lang naman, nothing special nung una kaming nagkita.
 
When I activated my account in facebook again, I added lahat ng barkada ni Joel na nakilala ko. Nakita ko syang naka-tag sa isang post so I added him. Then he sent me a message:
 
Jp: Hi Megs, thank you for adding me as your friend here. Sorry about last time, may reunion kasi kami sa province kailangan kong umalis agad.
 
Me: No problem, madami pa naman siguro ang susunod.
 
Jp: Diba sa eastwood ka? Andito ako ngayon naka duty sa eastwood.
 
Me: Talaga. Punta ka ba kena Rio mamaya?
 
Jp: Oo kaso 11 pm pa out ko.
 
Me: Deretso na din ako kena Rio pagka-out ko bukas.
 
Jp: Ganun ba. Maglalunch ako ng 4pm, yosi tayo?
 
Me: Sige po sure.
 
Then he gave me his number.
 
Then we spent almost an hour talking. I asked him if he wanted to have lunch the following day, and he said yes.
 
Masarap syang kasama. Hindi nya ako kinakahiya. Masarap kakwentuhan kasi he knows when to make fun of something or when he needs to be serious. Nakausap kami nung madaling araw na nung birthday ng kaibigan naming. Habang nagpapaantok, dun kami nagkausap ng tungkol sa lahat. Ang daming mga pangarap na nai-share sa isa't-isa. Mga opinion sa mga bagay-bagay.
 
Kinabukasan, sa hindi naming parehas namamalayan, lagi na kaming nag-uusap. We text each other, not just simply texting pero yung chini-check naming ang isa-t-isa always. Nagtaka ako, pero I do what he does to me too. Friday of that week, inaya ko sya to join us on a drinking session and he said Yes. Dun na kami nakapag-usap ng maayos.
 
Me: Jp, ano ba tayo?
 
Jp: Nagtataka na nga din ako eh. Bakit ba tayo nagtetext ng ganun.
 
Me: Nung una, wala lang. Pero I began to like you. Bakit, are you annoyed?
 
Jp: Hindi, nagustuhan ko nga eh. Yun ang hinahanap ko eh.
 
Me: Talaga? Ganun din kasi ang hinahanap ko eh.
 
Nagtuloy ang usapan tungkol samen. Nasundan pa ang paglabas naming dalawa.
 
Saka ko na itutuloy ang kwento, baka maudlot. Di ko pa alam sa ngayon kung hanggang saan to, pero sa ngayon, pareho kaming masaya.
 
Nga pala, Malaki na din ang nagbago saken, eto na ako ngayon:
 
 
Madami na ding nagbago. Tapos na ako sa 3 month rule, kung muling may kakatok, siguro pwede ng pumasok.
 
Till next time,
 
Signing on, Diosa
 
 

Wednesday, March 14, 2012

Have I Lost Myself?

"Never mind searching for who you are.  Search for the person you aspire to be.  ~Robert Brault"

It's been a whirlwind situation for me this past few weeks.

Early this February, I passed my resignation sa company na pinagtratrabahuhan ko. I talked to J at napagdesisyunan naming magsama by the last week of March gaya ng naisulat ko sa previous entry ko.  I needed to find a higher paying job because I think this is the time for us to pursue our plans. But all of this went upside down. Dumalang ang text nya at tawag di gaya ng dati na every night we used to talk before going to bed. Pinilit kung intindihin na busy sya kasi sa managerial tasks na sya for the entire month ang di ko maintindihan ay nagagawa nyang mag-update ng facebook status nya. Away every week ang naging uwi ng kunting mali na ito. Dumating pa sa point na nasusumbatan ko na sya sa lahat ng bagay. Magbabati, mag-aaway. Yan ang naging trend ng relayon namin for the past weeks. Apektado na ako masyado pag nangyayari ang ganito. Minsan sa gitna ng trabaho, bigla nalang akong naiiyak at kahit hating gabi, ang resulta puyat na ako lagi at di na makapag concentrate sa trabaho. Pati mga team ko lagi ng nagtataka sa pagiging matamlayin ko. Sabayan pa ng kamalasan sa trabaho at wala akog makuhang matinong offer sa ibang companies. Feeling ko kailangan nya akong itext at tawagan para mawala ang sama ng loob ko sa mga nangyayari. Natutuwa man ako sa ibang messages nya na, pero di sapat yun. Pinilit kung kumpetinsyahin ang trabaho nya imbes na intindihin ko sya. Gusto kung lahat ng oras sasabihan nya ako kung nasaan sya. One instance lang na mamiss nyang i update ako, away agad. Sinubukan kung baguhin ang ugali ko, pero bumabalik at bumabalik din agad. Kunting di ako ma-update magiisip na agad ako na baka may kasama syang iba.

Minsan isang umaga nakasabay kong magyosi ang Mommy ko sa opisina, si Mommy Bel.  Nakita nya akong tulala sa isang sulok kaya nilapitan nya ako.

Mommy Bel : Kumusta ka na Diosa, anong balita?

Hindi ako umimik, bigla nalang din kasing tumulo ang luha ko at di ko na mapigilan ang umiyak. Buti nalang walang ibang tao nun.

Mommy Bel : Gusto mo usap tayo?

Kinwento ko lahat kay Mommy. Lahat ng mga bagay na bumabagabag saken.

Mommy Bel : Alam mo kawalan nya kung papakawalan ka nya pero ang problemsa kasi sa'yo. Masyado ng umiikot ang mundo mo sa kanya. Tandaan mo, bata pa kayo, 21 lang sya at ikaw 24 lang. Walang masama sa pinaplano nyong magpakasal at lahat ng yun, pero di kaya masyadong mabilis? Wala naman sigurong mawawala kung unahin nyo muna ang mga sarili nyo.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung mga oras na yun. Saka nga lang pumasok saken ang katotohanan na bata pa pala kami pero ang mga desisyon at plano namin hindi pa masyadong akma sa edad. Lalo na ang katotohanang umiikot na nga ang mundo ko sa kanya. Duon ko lang napansin na sa oras na inaksaya ko para tingnan ang facebook account nya at para tanungin sya sa kung sino-sino ang mga nagpopost sa FB nya , I forgot may sarili akong buhay. Na may kanya-kanya pa pala kaming buhay.

Mas ngayon ko naapreciate na hindi nya pinatulan ang pagiging childish ko. Na minsan mas pinipili nyang di na sumagot pag nag-aaway kami. Naging immature ako, naging mali ang mga desisyon ko lately. Napabayaan ko ang team ko ng dahil sa mga personal kong problema na wala naman silang kinalaman.

After a week, I decided to retract my resignation and go back to my original position. I turned down the promotion kasi sa sarili ko hindi pa ako handa, hindi sa responsibilidad kundi sa sarili ko. Ayokong maulit ang mga pangyayari. Kakailanganin kong lumayo para buuin ulit ang sarili ko.

Last night March 13 and tonight, nag-usap kaming magkikita kaming dalawa. It's our 4th year and 10th month anniversary. He gave me this:


" Kala mo di kita naalala lagi? " Sabi ni J habang kumakain kami. " Di ba sabi ko naman sa'yo nung Valentine's day, mahal na mahal kita sobra kahit di ko lagi sinasabi at kahit na minsan may topak ka. Di na ako mawawala pa sa'yo. " dugtong pa nya.

" Alam ko naman, di ko makakalimutan yun. " sagot ko naman.

" May gusto sana akong sabihin sa'yo. " Huminga ako ng malalim. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan.

" Hon, gusto ko sanang magtrabaho sa Baguio for 2 or 3 years. " Pagtatapat ko sa kanya.

" Bakit dun pa? Ang layo. Dito ka na lang." Pagtutol nya.

Katahimikan muna ang namagitan samen. I grabbed my cup of coffee and took a sip before I started my explanation.

" Alam ko na tututol ka pero pakinggan mo muna ako. Kung di mo napapansin, napapadalas na ang away natin. Di ka lang makapagtext, kung anu-anong ng pumapasok sa isip ko. Selos sa mga walang katuturang bagay. Di naman ako ganito dati di ba? Kaya nga di ko maintindihan ang sarili ko. Ngayon ko lang din naisip, bata pa pala tayo. May mga bagay pa tayong kailangang tuparin sa sarili natin. Ikaw, you wanted to achieve promotions sa career mo diba? I'm so proud of you na at the age of 21 you are already a manager. Not all can do that. " paliwanag ko sa kanya. Tiningnan ko sya sa mata bago ako nagpatuloy.

" Don't get me wrong hon, mahal kita pero kailangan ko uling buuin ang sarili ko. Nawala kasi nabulag ako sa sobrang pagmamahal sa'yo. Nakalimutan ko na ang salitang pagtitiwala ng dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Kailangan kong lumayo para makapag-isip isip. Dito lang naman to sa Baguio kaya bababa pa din ako ng Metro ng madalas. "

" Pero paano na ang plano nating magsama sa isang bahay? " Tanong nya na medyo malungkot ang tinig.

" Gagawin naman natin yan, pero hindi pa sa ngayon. Marami pang pagkakataon. Sa ngayon ang mas mahalaga ay unahin muna natin ang mga sarili natin. Sana naiintindihan mo. " pagtatapos ko sa aking paliwanag. 

" Kung ako yung tatanungin mas gusto kong dito ka na lang pero naiintindihan ko lahat kung yan ang desisyun mo. Naisip ko din malapit lang naman ang Baguio, 4 to 5 hours parang natraffic ka lang nun. " pagbibiro nya sa gitna ng seryosong usapan namin.

" Di ba gaya ng lagi kung sinasabi sa'yo, wala namang masamang magmahal, huwag lang sobra. Dapat laging nandun ang tiwala. Basta, pagkatiwalaan mo lang ako, nandito lang ako. Gaya ng lagi kong sinasabi, di na ako mawawala sa'yo. " He ended his statement looking immensely at my eyes.

" Salamat hon. " I wanted to kiss and hug him at that time pero hindi pwede, nasa public place pala kami.

Plano palang naman ang magtrabaho ako dun pero mas gusto kong matuloy na to. Mas gusto kong hanapin ulit ang sarili ko at pag buo na ulit, mas maganda kasi mas maibibigay ko sa kanya ang lahat-lahat na puno ng pagtitiwala.

Ngayon ko masusubukan din kung totoo ang sinabi ni J dati na magaantay siya saken. Ngayon ang mas tamang sitwasyon.

Kay J, antayin mo lang ako, bubuuin ko lang ulit ang sarili ko. Umasa kang wala akong ibang mamahalin dun kundi ikaw lang.



Til Next Time,


Diosa


Monday, January 23, 2012

Ako Na Ang Housewife?


" You know when you have found your prince because you not only have a smile on your face but in your heart as well.  ~Author Unknown "

Kagabi, bago matulog nagaantay ako ng tawag ni J. Naging routine na kasi namin  bago matulog ang mag-usap kung kumusta ang naging araw ng isa't-isa. Last night was a bit unusual.

Last week he ended his contract dun sa real-estate company na pinagtratrabahuhan nya. He then applied as a barista sa isang coffee shop but the HR rep and the owner was impressed so he was offered a Managerial Position. He was a bit hesitant at first kasi hindi naman sya handa for that position.

J : Natatakot ako, baka kasi di ko makaya.

Ako : Ganyan talaga sa una. Marami kang mararamdamang kung anu-ano pero isipin mo na lang. Kung lahat ng tao uurong dahil sa kaba, ano na lang ang mangyayari. Isa pa, if you will not grab this oppurtunity, kelan pa?

J : Alam ko naman, kaso hindi pa talaga ako handa.

Ako : Sige ganito na lang. If ever you would need help, you can always call me. Isa pa hindi naman siguro nalalayo ang mga gagawin mo sa mga ginagawa ko ngayon since we are of the same level. Kaya kung sa mga admin works, matutulungan kita dyan.

J : Ikaw talaga. Hindi ka na naubusan ng isasagot. Salamat asawa ko. hehe.

Nagsirko agad ang puso ko sa sinabi nyang yun. He never called me like that pero sobrang sarap pala sa pakiramdam.

J : Malayo nga din kasi ang branch kung saan ako ilalagay. Kaya mahirap sa biyahe.

Ako : Bakit hindi ka mag-rent? Para naman di ka mapapagod din sa biyahe.

J : Titingnan ko muna.

At kagabi, we brought up the same topic.

Ako : Nagpost ka na naghahanap ka na ng apartment, sure ka na ba dyan?

J : Hindi pa, naghahanap-hanap pa lang ako.

Ako : Plano ko na ding lumipat ng ibang bahay, sama ka na lang kaya?

J : Sige, sige mas gusto ko yan.

Hindi ko alam kung tama ang narinig ko pero tuwang-tuwa sya sa naging suggestion ko.

Ako : Eh, sigurado ka ba dyan? That would mean less time for your friends too. Hindi ka na pwedeng gumimik pa ng matagalan.

J : I know the consequences at I agreed kasi gusto ko din. Ayaw mo ba nun, pag ako ang nasa bahay, ipagluluto na lang kita.

Napangiti ako sa sinabi nyang yun.

Ako : Promise yan ha?

J : Ako pa. Wala ka yatang bilib sa hon mo. Try ko ng maghanap pag binisita ko yung branch ng apartments na malapit dun.

Ako : Sige.

J : Mga bandang last week ng Febuary na tayo lumipat or First week ng March. Kailangan ko munang siguraduhin na may magaalaga na sa kapatid ko.

Ako : Okay lang kailangan ko din namang gamitin yung deposit dito. Sayang din yun.

We talked more about that hanggang sa sinabi nya.

J : Oh ayan, mababawasan na yang iniisip mo lagi.

Nakakataba ng puso. Nakakatuwa.

Ako : Salamat.

Then I heard him humming a song.

Ako : Diba, It Might be You yan? 

J : Oo.

And he sang the first stanza of the song and the chorus.

Time, I've been passing time watching trains go by 
All of my life 
Lying on the sand watching seabirds fly 
Wishing there could be someone 
Waiting home for me
Something's telling me it might be you 
It's telling me it might be you 
All of my life

First time kung narinig ang singing voice n'ya last night.


Ako : May boses ka pala? Para saken ba yan?

J : Hindi, maganda lang ang song, ito ang para sayo.

Standing by my window, listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won't let me keep these sad thoughts to myself
I'd just like to let you know, I wish I'd never let you go

And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you

Ako : Ano ka ba, hayan na naman.

Hindi ko napigilan na ang umiyak. Hindi ko alam kung naririnig nya sa kabilang linya but he asked me if i'm crying.

J : Umiiyak ka ba?

Ako : Medyo, ikaw kasi.

J : Huwag ka ng umiyak. Just believe me, gaya ng lagi kung sinasabi, hindi na ulit mangyayari pa ang dati. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay. Kung gusto kitang lukuhin matagal na. Hindi na sana tayo nagkabalikan kung hindi kita mahal. Basta lagi mo lang tatandaan, you're the only one.

Wala na akong mapaglagyan pa ng emosyon last night.

J : Oh lulubusin ko na, eto pa.

Then he sang the chorus part of Love on Top by Beyonce.

Baby it's you.
You're the one I love.
You're the one I need.
You're the only one I see.
Come on baby it's you.

You're the one that gives your all.
You're the one I can always call.
When I need you make everything stop.
Finally you put my love on top.

Ako : Thank you hon.

J : Sige tahan na.

Ako : Para namang bata. Those were just tears of joy.

Ang dami ko pang takot hanggan ngayon. Paano kung hindi nagwork-out? Paano pag mali pala ako ng desisyon? Paano pag di ko kinaya? Paano pag sya ang bumigay?

Lahat ng tanong na yan hindi ko masasagot hanggat hindi ko susubukan. Susugal na ako at ititira ko lang respeto sa sarili ko para sa bandang huli, wala akong pagsisisihan.


Til Next Time,

Diosa










Friday, December 30, 2011

My Year Ender


" A new beginning is perhaps the best time to say… It’s so nice to know you…
And here’s wishing our friendship continues to grow in the days to come. "

To end the year right, I wanted to make a special entry of things that I should be thankful to 2011.

Workwise, this year has been a generous one. Being the top Specialist in the travel field in the account that I am with is the first achievement I've made in the first quarter. On the third, I was then assigned to be a mentor to the new folks in the operations floor and on the last quarter, being promoted as one of the Lead OIC.

I can't thank enough the people who guided and trusted me. I won't be in this position if not because of you. To my friend, mentor and former supervisor Mr. Renan Navarro, I owe you bigtime. To my damas and friends, I won't this knowledgeable about the account if not because of you. To my former micro teams, thank you for the good and positive feedbacks, if not because of those, I won't be in this position.

To my closest friends, I thank you for the trust and for always boosting my morale and confidence whenever I'm down. I wouldn't have the courage to continue if not because of those advises.

To my college barkada, thank yo guys for relieving me from stress whenever I visit home. I thank you for always being there and for spending your precious time just to be with me. Because of those laughters, jokes, gossips that we've shared with I won't have the energy to go back to work. Thank you.

To the family of my partner. To lola and lolo, thank you for the wonderful treatment and accommodation. To Tita Carol and to her partner Ate Gina, thank you for the acceptance. To Ken-ken and Jayson, you guys have been great eversince. Your Kuya and I doesn't have to explain what's between us. I've always been thankful to both of you for the support eversince. You've always been a witness from the start. Thank you brothers-in-law? And lastly, to Tita Jocelyn, mama of my dearest partner. Thank you for accepting me as the partner of your son. This may not be the usual set-up yet you have accepted me with no questions asked. Thank you Tita, it means a lot to me.  

To my family, I don't want to say thank you, because this word is not enough to describe how grateful I am for having you guys. You will always be the most important people of my life. I seldom say this to all of you, but I always mean it. I love you. To my caring mama, I love you. To my hardworking Tatay, I love you and to my ever naughty siblings,  I love you. I'll always be here for all of you.

And lastly, to my Honey, Ryan Jay. I'm thankful that I've met you 4 years ago. I should say I'm the luckiest person to have you as my partner. Thank you for being there always. I may nag you at times, I maybe melodramatic, I may hate you, I may not call nor text you. I may not see you always but there is one thing that I would always do, that would be to love you. 

I can't say how many years will be added to our relationship, but one thing is for sure, if things will not be the way that we've imagined, I'll always hang-on to that promise that you've made. That you will not leave me FOREVER. 

From this day forward, I'll be your lawfully wedded partner. I'll love and cherish our relationship until the end. Till death do us part. 

Hayan, tapos na ang ka-emohan sa taon na ito. 

New year will be here in a couple of hours.

Enjoy everyone...!!!

Let's start the year with a blast.


Til Next Time,

Diosa




Saturday, November 19, 2011

Ang Talaarawan Pangalawang Bahagi : Ang Pagkakakilala


" Maligaya akong nakita kitang muli, hindi ko lang malaman kung tama ba itong nararamdaman ko. Ang alam ko lang masaya ako. "


Nobyembre 19, 1896

Isang pagtitipon ang idinaraos tuwing Sabado ng hapon sa plasa ng nayon. Ito ang unang beses na dadalo ako sa pagtitipon na ito. Nauna na ang aking ama at ina sa pagdarausan ng kasiyahan. Hindi ko pa din makalimutan hanggang sa ngayon ang hardinerong nakilala ko magtatatlong linggo na ang nakakaraan. 

" Seniorito, andyan na po ang karawaheng maghahatid sa inyo sa plasa. " Tawag saken ni Juanita ang isa sa mga katulong sa mansion. Ang pamilya nya ang isa sa pinakamatagal ng naninilbihan sa mansion. Magmula pa sa mga ninuno nito na syang naging tagapag-silbi ng aming pamilya.

" Susunod na ako. " magiliw kong sagot.

" Sya nga pala, kilala mo ba ang hardinero ng mansion? " Tanong ko dito bago pa umalis. Nakaharap lang ako sa salamin habang inaayos ang aking kurbata. Ito naman ay nasa may pintuan.

" Opo Seniorito. Si Emmanuel ang apo ng isang katiwala ng hacienda. " Pahayag nito habang nakayuko.

" Bakit halos hindi sya nagpapakita dito sa mansion? Hindi kaya, hindi maalagaan ng maayos ang mga bulaklak ng hardin?

" May mga tauhan po talagang araw-araw ay nagbabantay sa hardin. Si Emmanuel po ang nakatoka sa pagdedesinyo ng buong hardin lamang kaya po minsan lang syang pumunta. At sa pagkakaalam ko po nag-aaral din po sya kaya paminsan lang din ang punta nya dito. " Pagpapaliwanag nito.

" Ganun ba? Sige salamat makakaalis ka na. Susunod na ako sa ilang saglit. "

Isinara na nito ang pinto at nagpaalam.

Sa pagtitipon, nakita kong muli ang anak ng Alkalde Mayor na si Alejandra kausap ang aking ina habang nakaupo sa mg upuan na malapit sa entablado. Lumakad ako palapit sa kanila.

" Ina pasensya na po at natagalan ako. "

" Ayos lang hijo. Bakit hindi ka maupo dito sa tabi ni Alejandra. " Giya ni Ina sa bakanteng upuan sa tabi nito. Kinuha ko ang kamay ni Alejandra. 

" Kumusta ka Alejandra? " Yumuko ako upang hagkan ito sa kamay.

" Ayos naman maraming salamat. " Mayuming sagot nito. Sa isip-isip ko, ibang babae ito pagkaharap ang aking mga magulang. Isang mayuming binibini at wala ang pagiging aristokrata. Ibang-iba nung makita ko kung gaano nya hamakin ang hardinero.

" Sa pagkakaalam ko Ina, pagtitipon ito na kasama ang mga tao ng buong nayon, pero bakit may bakod at ang ibang tao ay hindi makalapit dito sa may entablado? " Pagtataka ko nung makita ko papasok na ang mga pangkarinawang tao ay nasa may bakod lang at nakatayo.

" Anak, sana naiintindihan mo na hindi pwedeng ipagsama ang mga Indio sa atin. Baka magkagulo. " sagot nito sa isang mahinahong tono.

" Ako man ay di sang-ayon, pero wala tayong magagawa. " dagdag pa nito.

" Mga kababayan naman natin sila, kaya nagtaka lang po ako. Akala ko po kasi para sa lahat ang kasiyahang ito. "

Naputol ang pag-uusap namin ni Ina nung magsimula na ang pagtatanghal. Isang Zarzuela. Maganda ang naging pagtatanghal. Isang dula ng pag-iibigan. Napatingin ako sa isang tauhan. Pamilyar ang mukha nya saken. Nung matapos ang pagtatanghal, nagpaalam muna ako sa aking Ina upang malibot ko ang buong plasa.

Naglalakad ako sa may bahagi ng simbahan nang makita ko ang isang tagapagtanghal na magisang nakatayo na animoy may sinisipat sa di kalayuan. Nilapitan ko ito upang kausapin.

" Ipagpatawad nyo po sana nais ko lamang ipaabot ang aking pagbati sa inyong napakagandang pagtatanghal. " paumanhin ko sa lalaking nakatalikod.

" Seniorito, maraming salamat po. " Sagot nito at yumuko sa aking harapan.

Nagulat ako nung makita ko ang kabuuan ng lalaking aking kaharap.

" Kilala kita, ikaw ang hardinero sa mansion. " Manghang pahayag ko sa kanya.

" Ako nga po. Maraming salamat po ulit sa pagbati ninyo. " Magalang na sagot naman nito.

" Hindi ko alam na nagtatanghal ka din pala at hindi lang basta isang tagapagtanghal kundi isang mahusay na tagapagtanghal. " Puri ko dito. " Akala ko'y nag-aaral ka sabi ni Juanita? "

Nabigla ako sa naging tanong ko. Bakit naibulalas ko yun. Baka kung anong isipin nya.

" Opo seniorito. Nagtatanghal din po ako upang makadagdag sa aking pang matrikula ang kita ko dito. " Paliwanag naman dito.

" Napakaigi. Nakakamangha ka at talagang nagsisikap kang magkapag-aral. At isa pa, di ba ang sabi ko Miguel na lang itawag mo saken. Wala tayo sa mansion kaya hindi mo ako seniorito. Isa akong taga-hanga. " Pagtatama ko dito. " Ano nga pala ulit ang pangalan mo? "

" Ako po si Emmanuel. " Pakumbabang pagpapakilala nito.

" Ang mabuti pa, samahan mo akong kumain tutal ayoko ng bumalik pa dun sa may plasa at nakakabagot. Tapos na naman ang lahat ng pagtatanghal para sa araw na ito. " Pag-aaya ko dito.

" Nakahiya Miguel, amo ko po kayo. " Pagtanggi nito.

" Hindi mo ako amo sa mga oras na ito kundi isang taga-hanga. Matatanggihan mo ba isang taga-hanga mo na nag-aaya sa'yo na kumain? " Pagtatama ko dito.

" Pero Seniorito..." Pagtutol pa din nito.

" Wala naman akong ibang kakilala dito kundi ikaw lang. Pero kung ayaw mo talaga, hindi kita pipilitin. " Pahayag ko dito.

" Sige po Seniorito Miguel, kayo po ang masusunod. "

Nagtuloy kami sa isang kainan na malapit sa may plasa kung saan kaunti lang ang tao. Masaya ang naging pagkwekwentuhan namin tungkol sa pag-aaral nya at ang Europa. Abogasya din pala ang kinukuha nyang kurso sa Unibersidad ng Santo Tomas.

" Ipapahiram ko sa'yo kung ganun ang mga libro ko para may magamit at mabasa ka. "

" Nakakahiya man Miguel, pero hindi ko tatanggihan yan, mahal kasi ang mga libro. " Sagot nito.

Nagtuloy kami ng pag-uusap hanggang sa di ko namalayan na hapon na pala.

" Kakailanganin ko ng bumalik bago matapos ang kasiyahan. Salamat sa pagsama sa akin sa pananghalian. " Pahayag ko dito.

" Salamat din po Seniorito Miguel. "

Kinuha ko ang aking Amerikana at naglandas na palabas ng kainan. " Miguel na lang ang itawag mo. " Muling pagtatama ko dito. Mauna na ako at magkita na lang tayo sa mansyon. " Nauna na akong lumabas at nagtungo ako sa kasiyahan.

Nagalak ako at muli kaming nagkita. Hindi ko maipaliwanag ng aking nararamdaman at alam kong simula ito ng isang magandang pagkakaibigan.


Itutuloy...


Till Next Time,

Diosa



Friday, November 18, 2011

Marry Your Daughter


" It's hard for a father to let go of his daughter, so cherish the day that a father gave his trust that you, as a man, will take good care of his Princess. "

Pagdating ko sa training room kahapon, I heard G. singing a song. Nilapag ko ang gamit ko sabay tanong, " Anong song yan? Para sa akin ba yan? " biro ko sa kanya.

" Marry your daughter, hindi mo ba alam ang kantang yan? " Sagot nya.

" Hindi. " Sabi ko.

Tapos kinanta nya yung chorus ng song.

Can marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'til the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
When she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter.


" Ang ganda naman, kelan mo ba kakantahin sakin yan? " Biro ko sa kanya.

I just wanted to blog this song. Napakaganda ng message. Sana lahat ng lalaki, ganito ang mensahe sa mga tatay ng asawa nila at sana paninindigan nila habang buhay kasi ipinagkatiwala sa inyo ng tatay ng asawa nyo hindi lang ang anak nya, kundi ang kayamanan nya. Eto ang full song, baka sakaling magustuhan nyo.




To all the women, swerte kayo, may chance na kantahan kayo nito, kaya huwag kayong magmadali. Wait for that someone who would stand by their words till the end.

Till Next Time,

Diosa