Showing posts with label Friends. Show all posts
Showing posts with label Friends. Show all posts

Saturday, October 24, 2015

Are you Mr. Right?


"We waste time looking for the perfect lover instead of creating the perfect love. - Timothy Oliveira"

Who would have thought I will find you at the darkest moment of my life?

Yan ang nasabi ko sa sarili ko after meeting and spending time with Jp. Sya yung pangalawang taong naisulat ko sa nauna ko ng entry. It's been more than a month since we dated. As we spend time getting to know each other, the more that I am becoming convinced that he might be the one.

Ang dami nyang bagay na ginagawa na hindi ko naranasan kailanman maski kanino. One week na syang naka-assign sa mall na malapit sa office na pinagtatrabahuhan ko. One week, we always go on lunch together. One week that we've been spending more time together.

Last Thursday night, lumabas ako kasama si Joel, yung unang taong nakilala ko during my moving on days. Si Rio and common friend nila at sya. Hindi sa nagmamaganda ako pero because of that, I was able to prove  a lot of things.


(From left to right: Rio, Jp, me and Joel)

Dapat dalawa lang kami ni Joel na lalabas that time pero naisip ko I guess it would be the perfect time to really settle within me kung ano at sino ba talaga ang taong dapat kung pagtuunan ng pansin. Naglunch kami ni Jp that day.

Me: Japs, lalabas kami nina Joel at Rio mamayang gabi. Sama ka?
Jp: Naku 10 pm pa ang out ko.
Me: Ganun ba? Can you still make it, wala ka namang pasok bukas?
Jp: Di lang ako sure but I'll text you.

Hindi na ako umasang darating sya. Nauna kaming magkita around 8:00 pm nina Joel at Rio sa usual na restaurant na pinupuntahan namin ni Joel sa isang mall sa North. I was updating him through text kung nasaan na ako. By the time that I texted him na nandun na ako, may nakita akong lalaki sa papalapit sa table namin. It didn't register automatically na si Jp pala cause I was not totally expecting him. Pagkaupo nya:

Me: Oh! I thought mamaya ka pang bandang 11pm? It's just quarter to 9?
Jp: Nag-early out ako, andun naman ang isang Brand Supervisor, sinabihan ko nalang sya na mag opening shift lang ako. Na-surprise ka ba?

Sabay ngiti..

Me: Oo naman. I didn't expect na pupunta ka pa.
Jp: Sinurprise talaga kita. Sinadya ko.

I was totally amazed how this guy would make such effort to spend time with me and the rest of the gang. He knows what's between me and Joel before pero hindi naging awkward para sa kanya yun. Instead, him and Joel was talking about things that they have in common. We finished drinking at around 11 pm. Nag-aya si Joel na kumain sa isang ihawan na malapit sa kanila. Naglakad na lang kami papunta, tutal malapit lang naman.

Joel was like a kid playing hide and seek while Jp and me were walking together.

Jp: Alam mo may naakikita ako sa inyo ni Joel na pwedeng maging kayo.
Me: Huh? What do you mean?
Jp: Kanina habang nag-iinum tayo, napapansin kong magkasundo kayong dalawa.
Me: Oo, magkasundo talaga kaming dalawa sa biruan, lokohan, ganun. Pero everything is over between me and him. Magkaibigan lang kami. Bakit mo naman nasabi yun.
Jp: Wala lang mukha naman kaayong masayaa.
Me: Akala mo lang yun. Oo masaya kaming magkasama. He is a funny guy to be with. Kenkoy kasi yan. Tingnan mo, nakikipagtaguan pa.

Sabay kaming natawang dalawa nung nakita namin syang nagtatago sa isang poste.

Me: After our conversation before we started, Joel and I started to just be friends. Medyo madaming problema yang taong yan. Ang daming burdens sa buhay. Masyadong complicated.

He didn't say anything. He just simply kept quite.

Kumain na kami at tuloy pa din ang biruan. Around 12 mn, we decided to go home. Lasing na talaga si Rio at Joel.We decided to take a cab and we'll just drop-off Rio sa bahay nila kasi mukhang di nya na kaya.

Pagkasakay namin ng cab, tamang tama ang kantang tumutugtog. Mr. Right, by Kim-Chu;

Ikaw na ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?
Ikaw nga ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba magbabalik ngiti saking mga mata?
Si Mr. Right ka ba?
Mr. Right na ba? Mr. Right ka ba?

Nagkatinginan kaming dalawa at medyo napangiti. To lighten the mood, nagbiro na ako at kunwari nagpa-cute sabay hawi ng buhok ko sa tenga.

Natawa kaming parehas.

Jp: Sige, ihatid na natin si Rio sa bahay nila then hatid na kita sa inyo bago ako umuwi.
Me: Sure ka?
Jp: Yep. I wanted to make sure na safe ka din. At nakainum tayong lahat.

We then dropped-off Rio at pinatuloy na namin sa may bahay ko. He then walked me hanggang sa bahay ko.

Me: Japs, pa-hug naman.

Lambing ko sa kanya while we were sitting in my bed. I was hugging him.

Me: Thank you japs.
Jp: Mas thank you. Salamat Megs sa lahat ng effort mo. You're always there when I needed someone most.
Me: Kaw din. Salamat sa lahat ng effort mo. Sa lahat, lahat ng pinapakita mo.
Jp: Wala yun. Basta, I will always be here for you. Magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas.

He then gave me a sweet kiss in my lips.

It's been a long time, I didn't feel this way. Hinatid ko sya sa may labasan to go home. He hugged me and once again kissed me.

Jp: Pahinga ka ng mabuti. Sleeptight.
Me: I will. Ikaw din, ingat ka and text me when you get home.
Jp: I will.

Sabay halik sa pisngi at sumakay na sya ng tricycle palabas.

Siguro nga gaya ng pagluluto, masarap ang lahat pag tama nag ginamit na ingredients. Bawal ang substitute kasi mag-iiba ang lasa.

Dapat hindi minamadali kasi baka mahilaw. I enjoy lang ang paaghihintay at gawin ang tama para at the end, makuha mo yung tamang lasang hinahanap mo.

Isang buwan mahigit palang kaming lumalabas ni Jp. Ayokong magmadali sa kanya. Gusto ko makilala sya at makilala nya din ako.

Sa ngayon, masaya ako sa nangyayari sameng dalawa. He is the gentleman that I've been looking for.

Sya yung nasasakyan ang moodswings ko at di nya pinapatulan, instead nilalambing nya pa ako. Hindi sya naiilang to hug and kiss me on the cheeks in public. Sya yung lalaking nagbibitbit ng bag ko whenever it's heavy. Sya ang tamang ingredient na hinahanap ko.

I am in cloud nine at the moment. Naibalik na yung kilig na matagal ko ng hindi nararamdaman.

I guess he can be Mr. Right, Now. Madami pang kailangang alamin. Madami pang kailangang mangyari for him to be my Mr. Right and I will be Ms. Right so we can have our Right Love.

P.S. The picture below was taken early morning sa bahay ko after my simple birthday celebration:



Till Next Time,

Diosa




Thursday, October 01, 2015

Ang Pagbabalik - This Time It's For Good


"For  the longest time that I almost forgot what I have loved and will always love to do."

Matagal-tagal din akong hindi nakapag-sulat. Madami ng nagbago at nangyari sa buhay ko. Masasaya, malulungkot. Sana hanggang ngayon may nagbabasa pa din ditto. Muntik ko ng makalimutan to and unang bagay na minahal ko (liban sa aking mga magulang) ang magsulat.

May mga kwento na hindi natapos. May mga totoong karanasang nasimulan at natapos. Mga opinion na hindi ko na mailabas dala ng pagtigil ko sa pagsulat. Sa aking pagbabalik, sisiguraduhhin kong matatapos ang mga nobelang naisulat.  Mga karansang naumpisahan at mga sakit na hindi natuldukan.

Ilaang taon na nga ba? Dalawa, taatlo, apat, di ko na matandaan mula ng huling kusang tumipa ng mga letra ang aking mga daliri. Mula ng huling hinayaan na bumuhos ang nararamdaman sa bawat letrang naisulat. Mula ng ang lahat ng titik sa bawat sinusulat ko ay nagtataglay ng bawat sakit, kaligayahan at pighating aking nararamdaman.

Hanggang dito na lang muna sa ngayon.

Masaya akong muling makabalik sa pagsusulat. Isang kasiyahan na di kailanman matutumbasan ng kahit na ano at kahit na sino.

Kayo, kumusta na? Sana andyan pa din kayo.


Hanggang sa muli...


Nagmamahal,

Diosa

Friday, January 13, 2012

Isang Taon na Pala : Ang Pagbabalik Tanaw



" If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden. "

Hindi ko namalayan. One year na pala ang blog ko last January 11, 2012. Sa sobrang busy, wala man lang akong naging entry sa araw na yun. Ang dami ko na palang naisulat. Malungkot, masaya, may adventure, travel, short stories, real love stories. About myself, lovelife, worklife, vacation and anything about me and the people around me.

Ang pinakaunang entry ko nun is all about Dan, NEW year..New Guy?. Wala na kami ni J nun. While spending my restday inaya ako ng pinsan ng bestfriend ko na mag-inum kasama ang barkada nya sa college. Sa inuman na yun nakilala ko si Dan. Instant crush, yun ang naramdaman ko. Fascinated kasi cute naman talaga sya kahit mukha syang Tumbalata ( tomboy ). We texted and that's it. Hindi nagbunga ang relasyon. Feeling ko nga hindi nya na ako natatandaan ngayon or ayaw lang nyang mamansin. Last time nung pinuntahan ko si J sa trabaho nya at sabay kaming naglunch, nakita ko siya. Pero di kami nagpansinan. Yun na. Pero salamat, ng dahil sayo nasimulan ko ang blog na to.

Nakapagsulat din pala ako ng opinion ko about politics. The right to be educated tungkol sa posisyon ni Manny Pacquiao sa RH Bill. Naisulat ko din ang mga friends ko both homosexuals and straight. Ang 6 na bakasyong na nagawa ko this year. Ang mga barkada ko nung college sa office at ramdom people that I've met last year.

Kinainisang tao sa office na hanggang ngayon ay di pa kami nagkakaayos. Siguro bago ako umalis sa trabaho.

Nakapagsulat din pala ako ng love stories, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Inspired by the movie Love of Siam. Sinimulan ko ang pagsusulat ng kwento noong May 26 at natapos ang apat noong October 28, 2011. It took me 5 months and 2 days para matapos ko ang kwentong to. Noong una gusto kong tapusin ng malungkot ang kwento pero nagbago ang takbo ng kwento ng dahil naman kay J. Ngayon may bago naman akong sinimulan na kwento last November 01, 2011, Ang Talaarawan Unang Bahagi : Ang Pagtatagpo. A classic love story inspired by Titanic. Spanish era ang plot. Nakakadalawang entries palang ako at sana matapos ko ang story ng maganda.

At nandyan sina D, A, M, B, T, G at J. Naka-pito na pala ako ng codes sa mga lalaking naisulat ko. Grabe na pala ang ganda ko, kasumpa-sumpa. 

Unang entry ay kay D. Ang lalaking nagustihan ko sa simula ng taon last year. Si T, ang crush ko nung college  na naging kami last Valentines, but we broke-up last May. Lucky for me, sabi ng bestfriend ko, naghiwalay kami. Si B, ang chubby guy that I have fallen in love sa office. Mabait, gentleman and an ideal guy that I consider. Hindi man naging kami, pero I'm grateful we remained friends. Si A naman ang officemate ko na lagi kong kasama umuwi dati nung pang-gabi pa ako. Hindi sya gwapo pero sobrang bait. Infatuated ako sa kanya dahil napakagentleman nya at ever umuuwi kami, I feel I'm a true woman. Sobrang maalaga. Pero hanggang kaibigan lang talaga kami. Si M, ang aking dream guy, si Mario Maurer. Ambisyosa lang talaga ako nung maikwento ko ang isa sa mga naging panaginip ko tungkol sa kanya. Salamat naman at kahit paano ay may mga natuwa. Si G ang isa sa mga agents ko dati. Isa sya sa masasabi kung naging ka-close kung lalaki in which because of it, I fall in love. The deeper i know the man, the more I have fallen for him, pero hindi din naging kami but we remained good friends to date. At ang may pinakamaraming entry sa lahat, si J.

The man that made a big difference in my life. Akala ko last year, tuluyan na kaming maghihiwalay. Akala ko last year nakapag-move on na ako totally, pero mali ako. Last April kami ulit nagkaroon ng contact. Nakita nya sa Facebook ang number ko ang one time last April he texted me. From that point, balik ulit ang mga paguusap namin. We text and call each other like goodfriends. After more than 8 months, last June bago ako umuwi ng Leyte, we decided to meet up. At ito ang entry na yun Uulit Na Naman Ba?

Matapos ang unang out of trip namin together sa Palawan, dun ko nalaman na I'm still in love with him. Sya na ang masasabing definition ng true love sa buhay ko. Maraming mga nangyari from that time. Away at Tampuhan na di maiiwasan pero, one thing that I guarantee. Iba na tong balikan namin, sana pangmatagalan na. He now accepted the fact na pwedeng maging kami na habang-buhay. He now even call me as asawa.

Sana naman iba na talaga to. Sana.

Anyway yun na ang naging buong year ng blogelya kung to. This year, for sure mas marami pa akong maisusulat. Masasaya, malulungkot, mga panaginip, mga pangarap, mga ilusyon, mga nakakainis at mga kung ano-anong kwentong papasok sa isip ko. 

For sure, mas masaya pa ang magiging kwentuhan natin ngayon taon.

Salamat sa mga nagbasa at nag-follow. Sa mga nag-comment at sa hindi nagcomment. Sana naman sa sususnod magleave kayo ng opinyon. 

Salamat.



Til Next Time,

Diosa


Friday, December 30, 2011

My Year Ender


" A new beginning is perhaps the best time to say… It’s so nice to know you…
And here’s wishing our friendship continues to grow in the days to come. "

To end the year right, I wanted to make a special entry of things that I should be thankful to 2011.

Workwise, this year has been a generous one. Being the top Specialist in the travel field in the account that I am with is the first achievement I've made in the first quarter. On the third, I was then assigned to be a mentor to the new folks in the operations floor and on the last quarter, being promoted as one of the Lead OIC.

I can't thank enough the people who guided and trusted me. I won't be in this position if not because of you. To my friend, mentor and former supervisor Mr. Renan Navarro, I owe you bigtime. To my damas and friends, I won't this knowledgeable about the account if not because of you. To my former micro teams, thank you for the good and positive feedbacks, if not because of those, I won't be in this position.

To my closest friends, I thank you for the trust and for always boosting my morale and confidence whenever I'm down. I wouldn't have the courage to continue if not because of those advises.

To my college barkada, thank yo guys for relieving me from stress whenever I visit home. I thank you for always being there and for spending your precious time just to be with me. Because of those laughters, jokes, gossips that we've shared with I won't have the energy to go back to work. Thank you.

To the family of my partner. To lola and lolo, thank you for the wonderful treatment and accommodation. To Tita Carol and to her partner Ate Gina, thank you for the acceptance. To Ken-ken and Jayson, you guys have been great eversince. Your Kuya and I doesn't have to explain what's between us. I've always been thankful to both of you for the support eversince. You've always been a witness from the start. Thank you brothers-in-law? And lastly, to Tita Jocelyn, mama of my dearest partner. Thank you for accepting me as the partner of your son. This may not be the usual set-up yet you have accepted me with no questions asked. Thank you Tita, it means a lot to me.  

To my family, I don't want to say thank you, because this word is not enough to describe how grateful I am for having you guys. You will always be the most important people of my life. I seldom say this to all of you, but I always mean it. I love you. To my caring mama, I love you. To my hardworking Tatay, I love you and to my ever naughty siblings,  I love you. I'll always be here for all of you.

And lastly, to my Honey, Ryan Jay. I'm thankful that I've met you 4 years ago. I should say I'm the luckiest person to have you as my partner. Thank you for being there always. I may nag you at times, I maybe melodramatic, I may hate you, I may not call nor text you. I may not see you always but there is one thing that I would always do, that would be to love you. 

I can't say how many years will be added to our relationship, but one thing is for sure, if things will not be the way that we've imagined, I'll always hang-on to that promise that you've made. That you will not leave me FOREVER. 

From this day forward, I'll be your lawfully wedded partner. I'll love and cherish our relationship until the end. Till death do us part. 

Hayan, tapos na ang ka-emohan sa taon na ito. 

New year will be here in a couple of hours.

Enjoy everyone...!!!

Let's start the year with a blast.


Til Next Time,

Diosa




Tuesday, November 15, 2011

Someday


" How could you give your love to someone else, yet share your dreams with me? " - Vanessa Williams

While writing my previous entry, I called up J. " Dito pa ako sa gym. Text kita later. " Sabi nya.

Medyo natagalan syang magtext ulit kaya nahiga na ako at medyo nakakaidlip na ng kunti, at nung naalimpungatan ako, nakita kong may text na pala sya.

" Antok ka na ba? Kakalabas ko lang sa gym. "

I then decided to call him up dun sa number na lagi ko syang tinatawagan. Tatlong beses walang sumasagot. I gave up. So I tried his other number para dun sa girlfriend nya and unlucky for me sinagot nya.

" Kanina pa ako tumatawag sa'yo, ba't di ka sumasagot? Tanong ko sa kanya.
" Sorry po, naiwan ko kasi cp ko, kasi papunta ako sa lam mo na? " Sagot nya.
" Kaninong alam mo na? " Tanong ko na may halo ng pagtataka.

Wala naman akong alam na pupuntahan nya sa dis oras ng gabi.

" Saan ka pupunta? " Pag-uulit ko sa tanong. Medyo nairita na ako ng kunti.
" Sa girlfriend ko, may pasok kasi ako bukas, kukunin ko yung long sleeves ko para sa opisina. " 

Nabigla ako sa sinabi nya. Alam mo yung hindi ka makapag-isip ng sasabihin.

" Ingat ka, yun na lang nasabi ko. " Sabay putol ng linya.

Tulala, hanggang ngayon habang sinusulat ko 'to. Hindi pa din magsink-in saken ang mga nangyari.

Kinuha ko ulit ang cellphone at tinawagan sya.

" Oh, bakit ka tumawag ulit? Tulog ka na. Bukas na tayo mag-usap. "
" Hindi ngayon na, anong oras ka ba uuwi? " Nanginginig na ang boses ko at medyo naiiyak, pero pinilit kong hindi nya marining.
" Dito na ako matutulog sa kanila, tapos didiretso na ako sa trabaho. Tawagan kita bukas ng umaga ha.? "

Namanhid ang buong katawan ko nung marining ko yun. I can't imagine my man, sleeping beside his lover. Isipin ko pa lang, naiirita na ako. 

Sana nagsinungaling na lang sya.

Sana sinabi nya na lang nasa kaibigan sya para mag-overnight.

Sana nagsinungaling na lang sya na uuwi sya pagkatapos, sana hindi nya nalang sinabi.

Hindi pa din ako makatulog. Next ko na to itutuloy, nagbawas lang ako ng sama ng loob.


Till Next Time,

Diosa



Beckies on the Floor.


" I am the most well-known homosexual in the world. - Elton John "

Disclaimer : Ang ayaw magbasa, e di huwag.

Some people say, we homosexuals are born to make this world gay. Kaya hanggang sa opisina, pinaninindigan talaga 'to ng mga beklat. I wanted my readers, kung meron man na makilala ang mga beklat na nagbibigay kulay sa mundong ginagagalawan ko. Let's start off with, Roi.


Isa sa mga unang becky na nakilala ko sa floor. Nasa escalations desk kami dati ng beking ito at nagkakasundo talaga kami sa usapang lovelife. Pag kaibigan mo sya sa FB, maloloka ka sa mga love quotations post nya. Wagas si baklang makapag-post. Try nyong basahin ang mga posts nya.

Next in line, si Sheriff.


Dati ko na syang, nai-post sa mga unang entries ko. Sya ang beking wagas kung maka-gimik. May isang beses na gumimik kami last year. Sa sobrang kalasingan ko at ng pinsan ko nakapag-check-in na kami sa isang hotel para makapag-pahinga sa may Malate area. Nagulat nalang ako, kinumagahan, kumakain kasi ng pinsan ko sa may Vito Cruz nung biglang nagtext ang bakla, " Saan kayo? " Sa text nya. "Dito kumakain sa may Vito Cruz." A few minutes later, dumarating ang becky, naglalakad at may hawak na Tanduay Ice. laking gulat namin sa kanya nung dumating. At take note, may extra bottle pa sya nun para daw samen.

Next in Line, si Pearl.


Sya ang pinakabata sa lahat ng becky sa floor at sya din ang may pinaka-madaming boylet. Tama kayo ng naunang basa, madaming boylet sa floor. Hindi ko man maintindihan at kaming lahat kung anong meron sya na wala kami, per sya talaga ang may pinakamaraming na-link at nabalitang mga otoko sa office. At take note, hindi lang basta balita, cause we have witnessed it with our very own eyes nang bigla nalang may lalapit na mga otoko sa station nya para mag-invite sa kung ano mang lakad. Sa kanya na talaga ang lahat.

At ang susunod, si Jhang.


" Bakla man at malaki sa inyong paningin, may pretty face pa rin ", Yan ang peg ni becky sa buhay. Oh, diba, bet mo ba ang kanyang mestizo looks? Single pa naman yan ngayon. Kung sino interested, DM nyo lang ako sa twitter. Mura lang yan. ( Bugaw? ) Problemado sa lovelife ngayon yan kaya gusto ko syang i-promote dito. Hindi naman sya pangit davah?

Of course, we are just in the middle of my list, to continue we have Anton a.k.a. Rajah.


Her/His/It looks speaks about everything. Sya ang aking sisterhood of the travelling gays. Abuso kung makapag-cross dress diba? Kaso sumakabilang kompanya na ang beking itey. We miss you beks.

And we have Sky.


Ang beking kunng makatawag ng Ginang sa akin ay wagas. Mukha daw akong terror teacher ng Math kung makapagturo.

Ayaw nyang tinatawag na maarte sya, pero kung makapagsalita, daig pa ang isang kolehiyala. Well, what do we expect from someone coming from a very good school.

At ang gwapong virgin na beki, si Nicky.


Ang dami lang bilat na may crush dito. Hindi ko alam kung ayaw nya lang talaga o wala lang pero first time nyang makakembot ( according to him ) nung nasa Cavite kami. Kung sabagay, kahit mag-inarte si beki may karapatan naman. Oh, isa pa ito sa mga binebenta ko. DM nyo lang aketchi.

At mawawala ba ang Seniora ng Hacienda, si Apple.


Oh davah, ikaw na ang girl. Isa din 'tong wagas kung makatawag ng Ginang saken sa opisina. Prettym intelligent and refined are the best adjectives to describe her. Oh kung bet nyo naman ang mga pretty gays, go na sa kanya.

( Ano ba tong entry ko, parang auction na. )

Next in line, ang betty la fea kung badet sa office nung bago palang sya, si Don.


Nung una ko 'tong makita sa floor, Gosh oh m Gosh talaga ang naging reaction paper ng mga becky. Yummy. Kaso lang lason talaga. Hindi ko pa naman peg dati ang kapwa ko mahal ko.

Hindi ko na sya pwedeng ibenta sa inyo, happily taken na sya ng isang equally hot and gorgeous gay.

At last, but not the least. The Mother Becky of All Times, si Mother Audie.


Ang promotor ng lahat ng kabaklaan. Sya yung natatanging becky na kayang aapin ang sinumang otoko sa floor. Minsan nagpunta kami sa kanila for a Gays Night Out at naloka lahat ng badet dahil sa mga nakahandang potahe sa harapan namin. Parang syang nanay na nagpapakain ng mga inakay nya.

" Oh si ano, wala bang kapares. " ang mga linya nya bago sya kumuha ng kanya.

Marami pang iba dyan na di pwedeng pangalanan, sila naman ang nasa post ko next time.

Disclaimer ulit : Kung ayaw mo sa nilalaman ng blog na ito, wag kang magbasa.



Till Next Time,

Diosa


P.S. Blind Item naman next time.


Monday, November 14, 2011

To a Special Guy Whose Celebrating His Special Day.


" Birth may be a matter of a moment, but it is a unique one. - Frederick Leboyer.  "

Para sa isang taong malapit saken. Sayang umalis ka, nagpahanda pa naman kami ng surprise para sa'yo. Eto o,


I wrote this entry to greet a friend, colleague, ex-agent and to a good man. You deserve a very Happy and Enjoyable day today.

Happy Birthday G. 

Till Next Time,

Diosa

P.S. Naipadala ko na gift ko kanina through FEDEX. Chos.


Sunday, November 06, 2011

A Unique Christmas


" Christmas is a necessity.  There has to be at least one day of the year to remind us that we're here for something else besides ourselves.  ~Eric Sevareid "

Forty seven days na lang pasko na. Ang pinaka-importanteng araw sa buong taon para sa ating mga Pinoy. Nakakalungkot mang isipin pero marami na sa atin ngayon ang medyo nakakalimot na sa tradisyon nating mga Pilipino sa ganitong okasyon. 

Sa lahat yata ng bansang nagdiriwang ng kapistahang ito, tayo ang may pinakamatagal na pagdiriwang para dito. From Septermber 1 until 3 Kings Celebration at kung minsan pa hanggang sa Valentines Day ang celebration nito.

When I was a kid, we used to start putting up Christmas Decorations unang araw palang ng September. This is always or family tradition at tatanggalin ang mga ito pagkatapos ng Mass sa town namin for the 3 Kings. Naging ganito ang tradisyon namin dahil isang deboto ang lola namin sa aming simbahan. 

Pero ngayon, marami ng nagbago sa tradisyon nating ito. Si Santa Claus, Rudolph the red nose reindeer, Snow Man at Mistletoe na wala naman talaga sa tradisyon natin. Naiintindihan ko namang mas nagiging makulay at masaya ang pasko natin dahil dito. It makes us feel this Christmas Spirit. Pero sana naman hindi natin makalimutan ang sarili nating tradisyon.

Masaya ang magkabit ng makukulay na parol which symbolizes the star that guides the 3 kings to Bethlehem. 


Ang Belen which symbolizes the Holy Family. 


At higit sa lahat ang tradisyon natin tuwing kapaskuhan, ang Simbang Gabi o ang Misa de Gallo which is a way to thank our creator for all the blessings. Dati pa nga sinabi pa saken nung isa kung kaklase na pagnakompleto mo ang lahat ng misa, pwede ka daw humiling, pero hanggang ngayon di pa natutupad ang hiling ko kasi di pa din ako nakakakumpleto nito.

Pagkatapos ng misa, sinong hindi matatakam sa Puto Bumbong 


At ang Bibingka,


Ang Monito at Manita na minsan nagkakadayaan pa sa bunutan para makuha ang pangalan ng gusto mo. Oo guilty ako dito, inaamin ko ginawa ko ito nung highschool ako at sa kasamaang palad hindi dumating nung chirstmas party namin yung crush ko. Ang ending, naging gift ko sa sarili ko ang binili ko.

At sino ang hindi nakakaalam ng bolang asin na ito,


Ang queso de bola. Nung bata ako, hindi ko talaga alam kung bakit lagi itong parte ng handaan at hanggang ngayon di ko pa din maintindihan kung bakit naghahanda tayo tuwing pasko ng bolang asin sa hapag. Sobrang alat. At samahan pa nito,


Maganda sa kalusugan ng lahat ang tradisyunal na pagkaing ito at good for the heart pa.

Liban sa pagkain, dekorasyon at simbang gabi, nandyan din ang taunang manhunt ng mga inaanak sa mga Ninong at Ninang nila. Sa talambuhay ko, isa lang sa mga Ninang ko ang nagbigay saken ng regalo nung pasko at lately nung nagkita kami matapos ang ilang taon, nagregalo sya saken, 50 pesos. 

At ngayon heto na naman tayo sa pinakaaantay na araw ng taon. Sana naman lagi nating isapuso kung bakit tayo nagdiriwang sa araw na ito taon-taon, ang kapanganakan ni Kristo.

May isang hiling lang ako ngayong Pasko ang makapiling ka G. Wala lang siningit ko lang 'to.

Sa lahat, Merry Christmas and a Happy New Year mga becky, tombalata, straight at paminta.


Til Next Time,


Diosa


Monday, October 31, 2011

Si G.


"I don't know which is worse, keeping your love for someone a secret or telling them and risk being rejected."

Marami ng nagbago sa pagitan namin ni J. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba sya ng sya bilang ngayon o yung nakilala ko apat na taon na ang nakakaraan. Hindi din masyadong malinaw ang estado namin ngayon dahil sa girlfriend nya na sabi nya hindi nya mahal pero di nya maiwan. Bakla na nga, kabit pa. Parang ang sagwa di ba?

Sa panahong gulong-gulo ako, dun ko naman nakilala si G.


Napaka-awkward ng pagkakakilala naming dalawa. Nakuha ko sya sa isang escalation call. Hindi ko alam na bago palang sya kaya medyo napagalitan ko nung malaman kong napakadali lang nga kailangang gawin at di pa nya nagawa. Bungad nya agad matapos kung kunin yung tawag, " Sino 'yun? Bakit ang sungit naman? " Tanong nya agad dun sa isang mentor nya sabay turo saken sa desk at ang ending sa team pala nila ako na-assign na mag-mentor at isa pa sya sa mga naging agents ko.

Unang araw ko sa kanila wala sya kaya the following day pa kami nagkakilala ng personal. From then on, we became more close to each other. Nung una, biro-biro lang para masaya sa team nila. Tukso-tukso na gusto ko sya hanggang sa yun na. 

Parang high school lang yung feeling. Excited kang pumasok para makita lang ang crush mo at pag may time, nag-uusap namin kami ng kahit ano lang. May isang beses pa na we were sending tweets habang nagpapahinga ako kasi medyo masama ang pakiramdam no nun ng bigla nya na lang akong tinawagan.

Ako : Oh? Ba't ka tumawag?
G : Kakapagod kasi mag-type. Kumusta ka na? Ok ka na ba?

Muntik na akong mahimatay sa sobrang kilig.

Ako : Okay na pakiramdam ko, tawag mo palang magaling na ako.

Pak ang pick-up line. Natawa na lang sya bigla sa sinabi ko.

G : Ikaw talaga.
Ako : Salamat sa tawag ha at sa pag-aalala.
G : Okay lang, pagaling ka.

Masarap sa pakiramdam talaga ang may nag-aalala para sa'yo. Kaso nga lang hanggang dun lang talaga kaming dalawa. 

Nag-uusap kami minsan ng kung ano-ano lang sa text. Tungkol sa mga plano ya sa buhay. Masarap talagang may tao kang nakakausap sa mga ganitong bagay. 

Malabong masyado na maging kami, pero sigurado akong magtatagal kami, bilang magkaibigan. Malapit na magkaibigan.


Til Next Time,

Diosa