Showing posts with label Work - Opinyon Ko Lang to. Show all posts
Showing posts with label Work - Opinyon Ko Lang to. Show all posts

Friday, January 13, 2012

Isang Taon na Pala : Ang Pagbabalik Tanaw



" If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden. "

Hindi ko namalayan. One year na pala ang blog ko last January 11, 2012. Sa sobrang busy, wala man lang akong naging entry sa araw na yun. Ang dami ko na palang naisulat. Malungkot, masaya, may adventure, travel, short stories, real love stories. About myself, lovelife, worklife, vacation and anything about me and the people around me.

Ang pinakaunang entry ko nun is all about Dan, NEW year..New Guy?. Wala na kami ni J nun. While spending my restday inaya ako ng pinsan ng bestfriend ko na mag-inum kasama ang barkada nya sa college. Sa inuman na yun nakilala ko si Dan. Instant crush, yun ang naramdaman ko. Fascinated kasi cute naman talaga sya kahit mukha syang Tumbalata ( tomboy ). We texted and that's it. Hindi nagbunga ang relasyon. Feeling ko nga hindi nya na ako natatandaan ngayon or ayaw lang nyang mamansin. Last time nung pinuntahan ko si J sa trabaho nya at sabay kaming naglunch, nakita ko siya. Pero di kami nagpansinan. Yun na. Pero salamat, ng dahil sayo nasimulan ko ang blog na to.

Nakapagsulat din pala ako ng opinion ko about politics. The right to be educated tungkol sa posisyon ni Manny Pacquiao sa RH Bill. Naisulat ko din ang mga friends ko both homosexuals and straight. Ang 6 na bakasyong na nagawa ko this year. Ang mga barkada ko nung college sa office at ramdom people that I've met last year.

Kinainisang tao sa office na hanggang ngayon ay di pa kami nagkakaayos. Siguro bago ako umalis sa trabaho.

Nakapagsulat din pala ako ng love stories, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Inspired by the movie Love of Siam. Sinimulan ko ang pagsusulat ng kwento noong May 26 at natapos ang apat noong October 28, 2011. It took me 5 months and 2 days para matapos ko ang kwentong to. Noong una gusto kong tapusin ng malungkot ang kwento pero nagbago ang takbo ng kwento ng dahil naman kay J. Ngayon may bago naman akong sinimulan na kwento last November 01, 2011, Ang Talaarawan Unang Bahagi : Ang Pagtatagpo. A classic love story inspired by Titanic. Spanish era ang plot. Nakakadalawang entries palang ako at sana matapos ko ang story ng maganda.

At nandyan sina D, A, M, B, T, G at J. Naka-pito na pala ako ng codes sa mga lalaking naisulat ko. Grabe na pala ang ganda ko, kasumpa-sumpa. 

Unang entry ay kay D. Ang lalaking nagustihan ko sa simula ng taon last year. Si T, ang crush ko nung college  na naging kami last Valentines, but we broke-up last May. Lucky for me, sabi ng bestfriend ko, naghiwalay kami. Si B, ang chubby guy that I have fallen in love sa office. Mabait, gentleman and an ideal guy that I consider. Hindi man naging kami, pero I'm grateful we remained friends. Si A naman ang officemate ko na lagi kong kasama umuwi dati nung pang-gabi pa ako. Hindi sya gwapo pero sobrang bait. Infatuated ako sa kanya dahil napakagentleman nya at ever umuuwi kami, I feel I'm a true woman. Sobrang maalaga. Pero hanggang kaibigan lang talaga kami. Si M, ang aking dream guy, si Mario Maurer. Ambisyosa lang talaga ako nung maikwento ko ang isa sa mga naging panaginip ko tungkol sa kanya. Salamat naman at kahit paano ay may mga natuwa. Si G ang isa sa mga agents ko dati. Isa sya sa masasabi kung naging ka-close kung lalaki in which because of it, I fall in love. The deeper i know the man, the more I have fallen for him, pero hindi din naging kami but we remained good friends to date. At ang may pinakamaraming entry sa lahat, si J.

The man that made a big difference in my life. Akala ko last year, tuluyan na kaming maghihiwalay. Akala ko last year nakapag-move on na ako totally, pero mali ako. Last April kami ulit nagkaroon ng contact. Nakita nya sa Facebook ang number ko ang one time last April he texted me. From that point, balik ulit ang mga paguusap namin. We text and call each other like goodfriends. After more than 8 months, last June bago ako umuwi ng Leyte, we decided to meet up. At ito ang entry na yun Uulit Na Naman Ba?

Matapos ang unang out of trip namin together sa Palawan, dun ko nalaman na I'm still in love with him. Sya na ang masasabing definition ng true love sa buhay ko. Maraming mga nangyari from that time. Away at Tampuhan na di maiiwasan pero, one thing that I guarantee. Iba na tong balikan namin, sana pangmatagalan na. He now accepted the fact na pwedeng maging kami na habang-buhay. He now even call me as asawa.

Sana naman iba na talaga to. Sana.

Anyway yun na ang naging buong year ng blogelya kung to. This year, for sure mas marami pa akong maisusulat. Masasaya, malulungkot, mga panaginip, mga pangarap, mga ilusyon, mga nakakainis at mga kung ano-anong kwentong papasok sa isip ko. 

For sure, mas masaya pa ang magiging kwentuhan natin ngayon taon.

Salamat sa mga nagbasa at nag-follow. Sa mga nag-comment at sa hindi nagcomment. Sana naman sa sususnod magleave kayo ng opinyon. 

Salamat.



Til Next Time,

Diosa


Friday, December 09, 2011

Spell Busy? D-I-O-S-A




" Do the things that you've always dreamed of doing NOW. Don’t postpone them. My dad loved to be in the outdoors, but he was always so busy as a school principal that he didn't give himself that pleasure very often. He was going to do all his fishing and hiking when he retired, but he never lived that long. He dies of cancer at 63. It was pretty wrenching to not only see him suffer so badly but also to realize that he had been cheated out of his dream. "
~ Fred Matheny

Grabe na talaga ang pag busy ko nowadays. 

Last 27 November until December 1, umuwi kami n J sa Leyte. Muntik nang hindi matuloy ang lakad na ito dahil sa mga pagbabago lagi ng schedule ko sa office most specially at madami kaming bagong agents na pumapasok. Pero sa awa ng manager ko, nagawan naman ng paraan.

I met the rest of the family sa province at sya din sa family ko. Kulang na lang talaga ay mamanhikan na sya, chos. Naging maganda naman ang pagtanggap ng entire family saken. Medyo may iba lang na hindi maganda ang mga nasabi kasi sa kakitiran ng utak nila. Si J pa nga mismo ang nagsabi saken.

J : Alam mo bang kumakalat na tsismis dito na mag-asawa na daw tayo. Sinabi ng Tito ko at medyo disappointed sya.
Ako : Eh anong sagot mo?
J : Hindi ako kumibo, wala naman akong pakialam dun. Basta alam natin kung anong meron tayo.

Tinanong ko pa nga sya nun kung anong sinabi ng Tita nya nung mag request sya na isama ako sa lakad ng family.

Ako : Anong sabi nina Tita Carol about saten?
J : Hindi na nila kailangang itanong yun, very obvious na. Mabait ka daw sabi nila.

Natuwa ako sa pagtanggap saken ng pamilya nya. In fact yung lola nya pa mismo ang nakipag-inuman nung last night ng bakasyon namen.

I may not be introduced sa mga katrabaho nya as his partner because of some circumstance, at least the family knows I exist.

Pagbalik naman sa office nung December 2, back to a busy work schedule naman and after 3 days, magandang balita naman ang bumungad saken.

I was then promoted as a Lead sa office. And the more shocking news was, walang time na magprepare for the transition kasi kinabukasan din ang simula ko. Sabi nga ng mentor and friend ko, " Just don't be overwhelmed with the responsibility, I know you can do it. "

A lot of blessings came in this December which I am very thankful to God.

Sa mga taong nagtiwala at sumuporta saken, salamat ng madami. Hindi kayo mabibigo.

Parang Oscars Award lang ang statement ko.

I'll write more entries sa mga recent events pag naayos ko na ang schedule ko.

To everyone, mauna na akong bumati.

" MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR. "

Til Next Time,

Diosa



Tuesday, November 15, 2011

Beckies on the Floor.


" I am the most well-known homosexual in the world. - Elton John "

Disclaimer : Ang ayaw magbasa, e di huwag.

Some people say, we homosexuals are born to make this world gay. Kaya hanggang sa opisina, pinaninindigan talaga 'to ng mga beklat. I wanted my readers, kung meron man na makilala ang mga beklat na nagbibigay kulay sa mundong ginagagalawan ko. Let's start off with, Roi.


Isa sa mga unang becky na nakilala ko sa floor. Nasa escalations desk kami dati ng beking ito at nagkakasundo talaga kami sa usapang lovelife. Pag kaibigan mo sya sa FB, maloloka ka sa mga love quotations post nya. Wagas si baklang makapag-post. Try nyong basahin ang mga posts nya.

Next in line, si Sheriff.


Dati ko na syang, nai-post sa mga unang entries ko. Sya ang beking wagas kung maka-gimik. May isang beses na gumimik kami last year. Sa sobrang kalasingan ko at ng pinsan ko nakapag-check-in na kami sa isang hotel para makapag-pahinga sa may Malate area. Nagulat nalang ako, kinumagahan, kumakain kasi ng pinsan ko sa may Vito Cruz nung biglang nagtext ang bakla, " Saan kayo? " Sa text nya. "Dito kumakain sa may Vito Cruz." A few minutes later, dumarating ang becky, naglalakad at may hawak na Tanduay Ice. laking gulat namin sa kanya nung dumating. At take note, may extra bottle pa sya nun para daw samen.

Next in Line, si Pearl.


Sya ang pinakabata sa lahat ng becky sa floor at sya din ang may pinaka-madaming boylet. Tama kayo ng naunang basa, madaming boylet sa floor. Hindi ko man maintindihan at kaming lahat kung anong meron sya na wala kami, per sya talaga ang may pinakamaraming na-link at nabalitang mga otoko sa office. At take note, hindi lang basta balita, cause we have witnessed it with our very own eyes nang bigla nalang may lalapit na mga otoko sa station nya para mag-invite sa kung ano mang lakad. Sa kanya na talaga ang lahat.

At ang susunod, si Jhang.


" Bakla man at malaki sa inyong paningin, may pretty face pa rin ", Yan ang peg ni becky sa buhay. Oh, diba, bet mo ba ang kanyang mestizo looks? Single pa naman yan ngayon. Kung sino interested, DM nyo lang ako sa twitter. Mura lang yan. ( Bugaw? ) Problemado sa lovelife ngayon yan kaya gusto ko syang i-promote dito. Hindi naman sya pangit davah?

Of course, we are just in the middle of my list, to continue we have Anton a.k.a. Rajah.


Her/His/It looks speaks about everything. Sya ang aking sisterhood of the travelling gays. Abuso kung makapag-cross dress diba? Kaso sumakabilang kompanya na ang beking itey. We miss you beks.

And we have Sky.


Ang beking kunng makatawag ng Ginang sa akin ay wagas. Mukha daw akong terror teacher ng Math kung makapagturo.

Ayaw nyang tinatawag na maarte sya, pero kung makapagsalita, daig pa ang isang kolehiyala. Well, what do we expect from someone coming from a very good school.

At ang gwapong virgin na beki, si Nicky.


Ang dami lang bilat na may crush dito. Hindi ko alam kung ayaw nya lang talaga o wala lang pero first time nyang makakembot ( according to him ) nung nasa Cavite kami. Kung sabagay, kahit mag-inarte si beki may karapatan naman. Oh, isa pa ito sa mga binebenta ko. DM nyo lang aketchi.

At mawawala ba ang Seniora ng Hacienda, si Apple.


Oh davah, ikaw na ang girl. Isa din 'tong wagas kung makatawag ng Ginang saken sa opisina. Prettym intelligent and refined are the best adjectives to describe her. Oh kung bet nyo naman ang mga pretty gays, go na sa kanya.

( Ano ba tong entry ko, parang auction na. )

Next in line, ang betty la fea kung badet sa office nung bago palang sya, si Don.


Nung una ko 'tong makita sa floor, Gosh oh m Gosh talaga ang naging reaction paper ng mga becky. Yummy. Kaso lang lason talaga. Hindi ko pa naman peg dati ang kapwa ko mahal ko.

Hindi ko na sya pwedeng ibenta sa inyo, happily taken na sya ng isang equally hot and gorgeous gay.

At last, but not the least. The Mother Becky of All Times, si Mother Audie.


Ang promotor ng lahat ng kabaklaan. Sya yung natatanging becky na kayang aapin ang sinumang otoko sa floor. Minsan nagpunta kami sa kanila for a Gays Night Out at naloka lahat ng badet dahil sa mga nakahandang potahe sa harapan namin. Parang syang nanay na nagpapakain ng mga inakay nya.

" Oh si ano, wala bang kapares. " ang mga linya nya bago sya kumuha ng kanya.

Marami pang iba dyan na di pwedeng pangalanan, sila naman ang nasa post ko next time.

Disclaimer ulit : Kung ayaw mo sa nilalaman ng blog na ito, wag kang magbasa.



Till Next Time,

Diosa


P.S. Blind Item naman next time.


Monday, November 14, 2011

To a Special Guy Whose Celebrating His Special Day.


" Birth may be a matter of a moment, but it is a unique one. - Frederick Leboyer.  "

Para sa isang taong malapit saken. Sayang umalis ka, nagpahanda pa naman kami ng surprise para sa'yo. Eto o,


I wrote this entry to greet a friend, colleague, ex-agent and to a good man. You deserve a very Happy and Enjoyable day today.

Happy Birthday G. 

Till Next Time,

Diosa

P.S. Naipadala ko na gift ko kanina through FEDEX. Chos.


Sunday, November 06, 2011

Marriage or Happiness?


" Love is like a puzzle. When you're in love, all the pieces fit but when your heart gets broken, it takes a while to get everything back together. "

Paanong kung ang kasal na sana panghabang-buhay ay sya ngayong pumpigil sa'yong maging masaya? Pipiliin mo pa bang tuparin ang isang pangako o mas pipiliin mong maging masaya?

 Hindi ko alam kung makakatulong ito sa isa kong officemate na nasa isang mahirap na sitwasyon, pero sana may mapulot ka, kahit kunti.

Itatago ko sya sa initials na N. She is a colleague, an officemate and a friend to me although we just know each other for barely a month or two. Masayahin, mabait and  well-mannered ang babaeng ito. Married for 10 years with one kid. However, lately dahil kami lagi ang magkakasama, naike-kwento nya ang mga nangyayari sa kanya lalo na sa marriage nya.  

Sa office employee's lounge sya tumutuloy ngayon. Wala pa kasi syang mahanap na marerentahang place. She lives separately from his husband para turuan nya ng lesson dahil sa pambabae nito which according to her ay di lang isang beses nangyari. She lets me read one of the text messages na ipinadala ng husband nya before:

" Bigyan mo lang ako ng time, aayusin ko lahat ng 'to. "

Umaasa siya na at this point of time natatauhan na din ang asawa nya. Binibista sya minsan at dinadalhan ng kung ano-anong grocery items sa office at pati kami nakikinabang din kaya alam ko. Chos.

One time, hindi sya pumasok and we found out na na-irush sa hospital ang husband nya because of a mild stroke. Sa katabing hospital ng office namin na-confine ito. Nung nalaman ng manager and common friend namin ang nangyari, pinuntahan nya agad 'to to check kung okay sya. Pagdating sa opisina ito agad ang bungad samen nung matapos syang manggaling  dun.

Manager : Mga te, si N, humahagulgol ng iyak. Dumating kasi yung kembot nung jusawa nya.

We were thinking na, this unfortunate event might turn into something good between the two of them, only to find out we were all wrong. Kinabukasan, pagkapasok ni N, bigla nya nalang nya akong niyakap at napaiyak sya.

N : Hindi ko akalain na sya ang pipiliin nya. Kahapon, kaya di na ako pumasok para sana ako ang mag-asikaso sa kanya, only to find out na lahat na pala ng papeles para sa hospital nagawa na nung babae nya. Sinabi ko pa sa kanya na dapat umalis na ang kabit nya, pero hindi man lang natinag ang babae at pati sya. Ako na lang ang nagkusang umalis.

Pero despite all of this events, lagi nyang kine-kwento samen na hindi man naging mabuting asawa ang kanyang mister, naging mabuti itong ama sa kanilang anak. According to her, ni minsan hindi pinabayaan nito ang mga pangagailangan ng anak nila. I just want to salute her for that, despite of all the bad things that her husband is doing, she can still look at the positive side of the person. Kaya dun ko na din nasabing, mabait tong taong 'to at hindi la basta pakitang-tao.

Lately has been one of the most difficult days of her life dahil sa hinihingi ng asawa nya, Annulment. Sabi nga nya,

" Parang ganun lang kadali sa kanya yun nung tinanong nya ako at sa text pa. Sinagot ko na lang sya ng fine and please stop texting me. "

While she was saying this words, mararamdaman mo talaga ung gaano sya nahihirapan sa sitwasyon. Na ang taong akala nya ay makakasama nya habang buhay, ay sya pang taong nagpapahirap sa kanya ngayon. Sabi nga nya kahapon, " Hindi ko sya pinilit nung una na pakasalan nya ako, tatlong beses ya akong inalok bago ko tinanggap, tapos ngayon basta na lang ganun? "

Hindi ko alam sa ngayon kung ano ang pinakamagandang payo sa kanya. Alam kong mahirap, pamilya nya ang pinag-uusapan dito, ang pamilyang pinaghirapan nyag buuin. Pero sabi ko nga sa kanya, masyadong maikli ang buhay, sinubukan nya ng ipaglaban dati, pero yung isa ang umayaw. 

Mabait na tao si N sigurado ako dun kaya siguro naabuso ng asawa nya dahil alam nitong may mga paniniwala ito sa buhay na hindi basta-basta sya iiwan, pero sa ganitong sitwasyon, dapat pa ba?

Sabi nga nung isa pa naming kasama, may isip na ang anak mo ipaliwanag mo na lang sa kanya at gabayan mo sya na maintindihan nya lahat ng nangyayari at maghanap ka ng bagong taong magmamahal sa'yo at mamahalin mo ng higit dun sa isa. Sa ganung paraan, mas mapapadali ang moving on stage mo. 

Iba naman ang naging pananaw ko sa bagy na ito. Siguro nga hindi lahat ng taong nagkakatuluyan, lagi ang ending " And they loved happily ever after ". Meron mga ibang, isang chapter lang pala yung ng buhay nila at may karugtong pa kung saan dun mo makikilala ang taong tunay na magmamahal sa'yo, ang sarili mo. 

Ang sabi ko kay N, magpaganda ka, mahalin mo ang sarili mo at ipakita mo sa asawa magiging kawalan ka nya balang araw. Gawin mong inspirasyon ang anak nyo upang magpatuloy at hindi natin masabi na may dumating na taong totoong magmamahal sa'yo ng habang buhay.

Cheers to life N. Life is too short to be wasted.


Til Next Time,

Diosa

Saturday, June 04, 2011

I am Beautiful.


"Anger is like flowing water; there's nothing wrong with it as long as you let it flow. Hate is like stagnant water; anger that you denied yourself the freedom to feel, the freedom to flow; water that you gathered in one place and left to forget. Stagnant water becomes dirty, stinky, disease-ridden, poisonous, deadly; that is your hate. On flowing water travels little paper boats; paper boats of forgiveness. Allow yourself to feel anger, allow your waters to flow, along with all the paper boats of forgiveness. Be human." 


Last Thursday night habang papunta kami sa isang gimik session , a friend of mine shared an information na sinabi na naman nung tinutuko ko dun sa isa kong blog entry:

" Get a Life. "

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ganun sya. We treated each other well bago sya ma-promote pero ngayon, everything went upside down. Parang ibang-ibang tao na sya. Kung ako lang sana walang problema, pero ang idawit nila ang personal na buhay ko sa isang work issue na wala naman to begin with, ibang usapan na yan. Sabi nila wag ko na lang daw pansinin, kaso iba na ito, napaka-unprofessional na ng ginagawa nila. Tama nila dahil dalawa na sila. 

Doon naman sa isang babaeng yun, wala akong personal issues sayo dati. Kahit maraming galit sayo, I would say I am not one of them kasi wala naman tayong masamang tinapay sa isa't -isa pero dahil ngayon na gumawa ka ng issue sa personal kung buhay, pasensyahan tayo, ikaw nauna.

Next time na ako magpopost ng mas mahaba about dito. Buti na lang may nagpapangiti saken ngayon. Ang aking si M.



At si W.



Kailangan talagang isingit ko sila. Mauubos ko na lahat ng letters sa alphabet.  Hala kailangan ko ng matulog may pasok pa mamaya.


Till Next Time,

Diosa

You can also read the link http://akosidiosa.travellerspoint.com



Wednesday, May 25, 2011

Tier 2 Nikki - Thank you.

"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
- Oprah Winfrey

Sisterhood of the travelling gays. Yan yung naging bansag namin sa aming tatlo kasama yung isa pang bakla sa depatment namin na si Anton. Together we ventured Cebu last Sinulog 2010.






Joewary Calimlim, a.k.a. The British Gay Tier 2 Nikki. Superb knowledge about the system and decision making. Those are the words that best describes this person.

Mataray pero magaling makisama. Parang unapproachable, pero madaling tumulong. Iba ang ugali nya sa hitsura nya.

Nabigla ako pagpasok ko last Monday sa e-mail nya. Pero mas nabigla ako nung malaman kong lumipat na sya ng site.

Walang may alam ng dahilan, lahat nabigla, pero whatever made you decide to leave, It's worth it.

Sa totoo lang di ko alam ang dapat isulat ngayon. I'm not used to having no Tier 2 Nikki on the floor. You have been one of the best if not the greatest.

Basta Joewa, sana maging maayos na lahat para sa'yo. Sana din magkaayos kayo ni alam mo na kung sino yun. Sayang ang matagal na pagkakaibigan nyo.

Galingan mo dyan. Alam kong you will make us proud at malayo ang mararating mo dyan lalo na't yan talaga ang field mo.

Gaya ng lagi mong sinasabi,

" Ikaw ay palaging nasa puso namin."

Naks...Emo mode..


Til Next Time,

Diosa

You can also see the link : http://akosidiosa.travellerspoint.com/

Saturday, May 21, 2011

Awkward Moment...

" For all sad words of tongue and pen, the saddest are these, 'It might have been.."

Di ko mapigilan ang sarili kong isulat 'to.

Nag-yoyosi ako the other day kasama yung iba kong officemates ng biglang dumating si B. Nakisindi at kunting usapan kasama ang iba.

Kailangang maunang umalis yung iba kaya naiwan kaming dalawa. Kunting usap lang hanggang sa nabigla ako sa dumating, yung nililigawan nya.

Di ko alam ang magiging reaksyon ko. Matutulala, maiinis o matatawa?

Nagyosi yung girl. At sa gitna namin si B. Kakausapin nya ako, tapos yung girl naman. Ganun ng ganun hanggang sa nauna na silang dalawang pumasok.

Napangiti na lang ako bigla sa sitwasyon. Hindi maipaliwanag ang dapat at hindi ko dapat na naramdaman.

Pag nangyari pa kaya to? Paano ba ako dapat mag-react?

Til Next Time,

Diosa

Thursday, May 19, 2011

Pulilan, Bulacan - Thank You


" Silent gratitude isn't much use to anyone.  ~G.B. Stern "

Gusto ko lang pasalamatan lahat ng nakasama ko last May 14 sa Pulilan Bulacan. Supposedly manonood kami ng parada ng mga Kneeling Carabao, at dahil the late ang iba sa call time. Hindi na lang natuloy. Ang saya sana maulit.

Salamat sa mag-asawang Ayen at Rex.



Buti na lang sumama ako sa inyo aftershift at nakapagpalit ako ng aking magic  pek-pek shorts. Salamat sa breakfast at s dalawang pack ng yosi na halos naubos din bago tayo makarating ng Pulilan.

Kay Renan at Elaine.



At kahit late kayo, salamat naman at pagdating nyo may dalang softdrinks si Elaine. Napawi ang init ng ulo ko. Salamat sa pakikinig nyo. I appreciate it a lot.



Napatawad na din kita kahit natawag na kitang the late Daphne Bermas. Salamat sa pakikipagtong-its. Nanalo akong dalawang piso. Kahit isa kang traydor na dama, okay lang alam ko namang aalagaan mo ang aking si B. ( Sa bowa mo, biruan lang to. At talagang kailangan kong mag-explain. ) Salamat din kasi kahit nagalit ang baby mo, you chose to stay. It means a lot to us.



Kay Cle na kasama naming mag-antay sa mga the late.

At kay Aj din.


Kay Sheena,



Kasama sa " The Lates ".  Salamat sa tong-its. Yung winnings mo naibili na ng yelo.

Kay Tin-tin, ang aking paboritong dama.


Wag kang mag-alala, di ka kasama dun sa " The Lates" dun ka sa " Super Lates ". Next time pagsinabing salubunungin nyo ang parada, hindi maglakad na kasama ng parada. Alam ko di mo kasalanan yan, kay Matt Evans. Nakakainis ka lang di mo sinabi nandun pala sya, babalik sana ako dun.

Kay Nanay, sa mga anak mo Tin na Tita Megs talaga ang tawag saken. Sa makulit na kapatid ni Ayen at sa singer mong kapatid. Salamat sa inyo.

At kay Bj.


Thank you din at di mo ako pinabayaang sumakay mag-isa pauwi. Tanga pa naman ako sa direksyon. Thanks for always being a gentleman.

Sayang, mas masaya sana kung kasama sina Jayma, Wella, Crystal at Arlene. Well there is always a next time.


Til Next Time,

Diosa

Wednesday, May 11, 2011

13 Signs of Falling in Love


" I look at him as a friend, then I realized am I falling again? "

Lately, sinusubukan ko ng mawala lahat ng nararamdaman ko para kay B. May nagsabing hindi naman daw sigurado dun sa nililigawan nya, pero mahal nya, tapo. Yun na yun. Si T. naman hindi na ako sigurado. Nag-uusap kami pero once a week na lang, minsan wala na. Gumawa na ako ng paraan, nag-effort na ng sobra kaso hindi gumagana. Sabi nya pupunta sya dito sa Metro dahil dito sya na-assign sa trabaho nya, bahala na.

May lagi akong nakakasama ngayon, sya naman si A. Hindi sya gwapo, pero thoughtful at tingin ko naman mabait. Madalang akong makakilala ng lalaking nanlilibre, lalo na sa bakla. Kaya na-aapreciate ko yun. Napapadalas ang pagiging magkasama namin kaya may time na makapag-usap ng tungkol sa isa't -isa. May time pa na sinamahan nya ako papunta sa father ko kahit bumabagyo nung last Monday pagkagaling sa trabaho. E, dati naman diretso uwi na yun. Malisyoso ba akong tao? Siguro, bobo kasi ako pagdating sa ganito kaya nag-research ako ng mga signs of falling in love. Basahin nyo, baka applicable din sa inyo.

13. You can't stay mad at him/her for more than a minute or two. You actually have to try hard to stay mad.

12. You'll read his/her IMS over and over again...

11. You'll walk really really slow while you're with him or her.

10. You'll feel shy whenever youre with him or her.

9. While thinking about him/her, your heart will beat faster and faster.

8. By listening to his/her voice..you'll smile for no reason.

7. While looking at him/her..you can't see the people around you ..you can only see that person.

6. You'll start listening to slow songs.

5. He/She becomes all you think about.

4. You'll get high just by their smell.

3. You'll realize that your always smiling to yourself when you think of them.

2. You'll do anything for him/her.

1. While reading this, there was only 1 person on your mind the whole time.

Parang, para kay B. pa din to. Pero kay A. natutuwa ako ngayon sayo and I appreciate every little concern that you're showing. Salamat.


Til Next Time,

Diosa