Wednesday, March 14, 2012

Have I Lost Myself?

"Never mind searching for who you are.  Search for the person you aspire to be.  ~Robert Brault"

It's been a whirlwind situation for me this past few weeks.

Early this February, I passed my resignation sa company na pinagtratrabahuhan ko. I talked to J at napagdesisyunan naming magsama by the last week of March gaya ng naisulat ko sa previous entry ko.  I needed to find a higher paying job because I think this is the time for us to pursue our plans. But all of this went upside down. Dumalang ang text nya at tawag di gaya ng dati na every night we used to talk before going to bed. Pinilit kung intindihin na busy sya kasi sa managerial tasks na sya for the entire month ang di ko maintindihan ay nagagawa nyang mag-update ng facebook status nya. Away every week ang naging uwi ng kunting mali na ito. Dumating pa sa point na nasusumbatan ko na sya sa lahat ng bagay. Magbabati, mag-aaway. Yan ang naging trend ng relayon namin for the past weeks. Apektado na ako masyado pag nangyayari ang ganito. Minsan sa gitna ng trabaho, bigla nalang akong naiiyak at kahit hating gabi, ang resulta puyat na ako lagi at di na makapag concentrate sa trabaho. Pati mga team ko lagi ng nagtataka sa pagiging matamlayin ko. Sabayan pa ng kamalasan sa trabaho at wala akog makuhang matinong offer sa ibang companies. Feeling ko kailangan nya akong itext at tawagan para mawala ang sama ng loob ko sa mga nangyayari. Natutuwa man ako sa ibang messages nya na, pero di sapat yun. Pinilit kung kumpetinsyahin ang trabaho nya imbes na intindihin ko sya. Gusto kung lahat ng oras sasabihan nya ako kung nasaan sya. One instance lang na mamiss nyang i update ako, away agad. Sinubukan kung baguhin ang ugali ko, pero bumabalik at bumabalik din agad. Kunting di ako ma-update magiisip na agad ako na baka may kasama syang iba.

Minsan isang umaga nakasabay kong magyosi ang Mommy ko sa opisina, si Mommy Bel.  Nakita nya akong tulala sa isang sulok kaya nilapitan nya ako.

Mommy Bel : Kumusta ka na Diosa, anong balita?

Hindi ako umimik, bigla nalang din kasing tumulo ang luha ko at di ko na mapigilan ang umiyak. Buti nalang walang ibang tao nun.

Mommy Bel : Gusto mo usap tayo?

Kinwento ko lahat kay Mommy. Lahat ng mga bagay na bumabagabag saken.

Mommy Bel : Alam mo kawalan nya kung papakawalan ka nya pero ang problemsa kasi sa'yo. Masyado ng umiikot ang mundo mo sa kanya. Tandaan mo, bata pa kayo, 21 lang sya at ikaw 24 lang. Walang masama sa pinaplano nyong magpakasal at lahat ng yun, pero di kaya masyadong mabilis? Wala naman sigurong mawawala kung unahin nyo muna ang mga sarili nyo.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung mga oras na yun. Saka nga lang pumasok saken ang katotohanan na bata pa pala kami pero ang mga desisyon at plano namin hindi pa masyadong akma sa edad. Lalo na ang katotohanang umiikot na nga ang mundo ko sa kanya. Duon ko lang napansin na sa oras na inaksaya ko para tingnan ang facebook account nya at para tanungin sya sa kung sino-sino ang mga nagpopost sa FB nya , I forgot may sarili akong buhay. Na may kanya-kanya pa pala kaming buhay.

Mas ngayon ko naapreciate na hindi nya pinatulan ang pagiging childish ko. Na minsan mas pinipili nyang di na sumagot pag nag-aaway kami. Naging immature ako, naging mali ang mga desisyon ko lately. Napabayaan ko ang team ko ng dahil sa mga personal kong problema na wala naman silang kinalaman.

After a week, I decided to retract my resignation and go back to my original position. I turned down the promotion kasi sa sarili ko hindi pa ako handa, hindi sa responsibilidad kundi sa sarili ko. Ayokong maulit ang mga pangyayari. Kakailanganin kong lumayo para buuin ulit ang sarili ko.

Last night March 13 and tonight, nag-usap kaming magkikita kaming dalawa. It's our 4th year and 10th month anniversary. He gave me this:


" Kala mo di kita naalala lagi? " Sabi ni J habang kumakain kami. " Di ba sabi ko naman sa'yo nung Valentine's day, mahal na mahal kita sobra kahit di ko lagi sinasabi at kahit na minsan may topak ka. Di na ako mawawala pa sa'yo. " dugtong pa nya.

" Alam ko naman, di ko makakalimutan yun. " sagot ko naman.

" May gusto sana akong sabihin sa'yo. " Huminga ako ng malalim. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan.

" Hon, gusto ko sanang magtrabaho sa Baguio for 2 or 3 years. " Pagtatapat ko sa kanya.

" Bakit dun pa? Ang layo. Dito ka na lang." Pagtutol nya.

Katahimikan muna ang namagitan samen. I grabbed my cup of coffee and took a sip before I started my explanation.

" Alam ko na tututol ka pero pakinggan mo muna ako. Kung di mo napapansin, napapadalas na ang away natin. Di ka lang makapagtext, kung anu-anong ng pumapasok sa isip ko. Selos sa mga walang katuturang bagay. Di naman ako ganito dati di ba? Kaya nga di ko maintindihan ang sarili ko. Ngayon ko lang din naisip, bata pa pala tayo. May mga bagay pa tayong kailangang tuparin sa sarili natin. Ikaw, you wanted to achieve promotions sa career mo diba? I'm so proud of you na at the age of 21 you are already a manager. Not all can do that. " paliwanag ko sa kanya. Tiningnan ko sya sa mata bago ako nagpatuloy.

" Don't get me wrong hon, mahal kita pero kailangan ko uling buuin ang sarili ko. Nawala kasi nabulag ako sa sobrang pagmamahal sa'yo. Nakalimutan ko na ang salitang pagtitiwala ng dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Kailangan kong lumayo para makapag-isip isip. Dito lang naman to sa Baguio kaya bababa pa din ako ng Metro ng madalas. "

" Pero paano na ang plano nating magsama sa isang bahay? " Tanong nya na medyo malungkot ang tinig.

" Gagawin naman natin yan, pero hindi pa sa ngayon. Marami pang pagkakataon. Sa ngayon ang mas mahalaga ay unahin muna natin ang mga sarili natin. Sana naiintindihan mo. " pagtatapos ko sa aking paliwanag. 

" Kung ako yung tatanungin mas gusto kong dito ka na lang pero naiintindihan ko lahat kung yan ang desisyun mo. Naisip ko din malapit lang naman ang Baguio, 4 to 5 hours parang natraffic ka lang nun. " pagbibiro nya sa gitna ng seryosong usapan namin.

" Di ba gaya ng lagi kung sinasabi sa'yo, wala namang masamang magmahal, huwag lang sobra. Dapat laging nandun ang tiwala. Basta, pagkatiwalaan mo lang ako, nandito lang ako. Gaya ng lagi kong sinasabi, di na ako mawawala sa'yo. " He ended his statement looking immensely at my eyes.

" Salamat hon. " I wanted to kiss and hug him at that time pero hindi pwede, nasa public place pala kami.

Plano palang naman ang magtrabaho ako dun pero mas gusto kong matuloy na to. Mas gusto kong hanapin ulit ang sarili ko at pag buo na ulit, mas maganda kasi mas maibibigay ko sa kanya ang lahat-lahat na puno ng pagtitiwala.

Ngayon ko masusubukan din kung totoo ang sinabi ni J dati na magaantay siya saken. Ngayon ang mas tamang sitwasyon.

Kay J, antayin mo lang ako, bubuuin ko lang ulit ang sarili ko. Umasa kang wala akong ibang mamahalin dun kundi ikaw lang.



Til Next Time,


Diosa