" Do the things that you've always dreamed of doing NOW. Don’t postpone them. My dad loved to be in the outdoors, but he was always so busy as a school principal that he didn't give himself that pleasure very often. He was going to do all his fishing and hiking when he retired, but he never lived that long. He dies of cancer at 63. It was pretty wrenching to not only see him suffer so badly but also to realize that he had been cheated out of his dream. "
~ Fred Matheny
Grabe na talaga ang pag busy ko nowadays.
Last 27 November until December 1, umuwi kami n J sa Leyte. Muntik nang hindi matuloy ang lakad na ito dahil sa mga pagbabago lagi ng schedule ko sa office most specially at madami kaming bagong agents na pumapasok. Pero sa awa ng manager ko, nagawan naman ng paraan.
I met the rest of the family sa province at sya din sa family ko. Kulang na lang talaga ay mamanhikan na sya, chos. Naging maganda naman ang pagtanggap ng entire family saken. Medyo may iba lang na hindi maganda ang mga nasabi kasi sa kakitiran ng utak nila. Si J pa nga mismo ang nagsabi saken.
J : Alam mo bang kumakalat na tsismis dito na mag-asawa na daw tayo. Sinabi ng Tito ko at medyo disappointed sya.
Ako : Eh anong sagot mo?
J : Hindi ako kumibo, wala naman akong pakialam dun. Basta alam natin kung anong meron tayo.
Tinanong ko pa nga sya nun kung anong sinabi ng Tita nya nung mag request sya na isama ako sa lakad ng family.
Ako : Anong sabi nina Tita Carol about saten?
J : Hindi na nila kailangang itanong yun, very obvious na. Mabait ka daw sabi nila.
Natuwa ako sa pagtanggap saken ng pamilya nya. In fact yung lola nya pa mismo ang nakipag-inuman nung last night ng bakasyon namen.
I may not be introduced sa mga katrabaho nya as his partner because of some circumstance, at least the family knows I exist.
Pagbalik naman sa office nung December 2, back to a busy work schedule naman and after 3 days, magandang balita naman ang bumungad saken.
I was then promoted as a Lead sa office. And the more shocking news was, walang time na magprepare for the transition kasi kinabukasan din ang simula ko. Sabi nga ng mentor and friend ko, " Just don't be overwhelmed with the responsibility, I know you can do it. "
A lot of blessings came in this December which I am very thankful to God.
Sa mga taong nagtiwala at sumuporta saken, salamat ng madami. Hindi kayo mabibigo.
Parang Oscars Award lang ang statement ko.
I'll write more entries sa mga recent events pag naayos ko na ang schedule ko.
To everyone, mauna na akong bumati.
" MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR. "
Til Next Time,
Diosa
i know your happy darling. keep it up!dont mind what others will say. :)
ReplyDelete