“You might have loved me, if you had known me. If you had ever known my mind. If you would have walked through my dreams and memories. Who knows what treasures you might have found. Yes, you might have loved me. If you had only taken the time.”
Nakatanaw sa labas ng bintana ng bus habang pauwi si Nathan sa kanila. Ilang taon na din ang lumipas ng huli nyang makita ang lugar na kinalakhan nya. Pitong taon, pero hanggang ngayon ganun pa din ang hitsura ng lugar. Maraming puno, bukirin at mga bundok. May mga bagong bahay syang nakita na dati ay mga kubo lang ang nakatayo. Maganda, sementado at mukhang may mga umangat na sa buhay sa mga naging dati nilang kapitbahay. Marami din syang naging kaibigan at kalaro sa probinsya nila. Naging malapit, nakatampuhan habang lumalaki siya at nagkakaisip. Natigil ang pagbabalik tanaw nya ng makita nya ang isang pamilyar na bahay. Walang pinagbago, ganun pa din ang pamilyar na hitsura ng bahay. Malaki at luma na parang sa panahon pa ng mga Kastila ang istilo.Huminto ang bus sa tapat ng bahay na yun. Hindi pa sya dapat bababa dun, pero sa di nya malamang dahilan, bigla na lang syang napatayo at bumaba sa sasakyan. Sa harap ng lumang bahay, sya naman pagbabalik ng mga lumang alaala ng kabataan nya.
Matagal na sa lugar na yun sina Nathan. Pag-aari ng Lola nya ang malaking bukirin sa lugar nila na ngayon ay mga magulang nya na ang namamahala. Labin-tatlong taong gulang sya nun, nung makilala nya si B.j. Isang bagong lipat sa lugar nila. Galing sa Maynila ang pamilya nito at matapos mabili ang isang maliit na farm sa lugar nila ay napagdesisyunan ng magulang nito na dun na sila manirahan. Naging kaibigan ng pamilya nila ang pamilya nito. Kasabay ng magandang pagkakaibigan ng mga magulang nila ay ang pagiging malapit nila sa isa't-isa. May pagka-mahiyain eto kaya't halos sya lang ang naging kaibigan nito sa lugar nila. Lagi silang magkasabay sa pagpasok sa paaralan at kung may espesyal na okasyon sa kanila, lagi syang kasama sa handaan at ganun din 'to sa pamilya nila. Sa paglipas ng mga taon, naging mas lalo silang naging malapit sa isa't-isa. Magkapatid at matalik na kaibigan ang halos naging turinan nilang dalawa. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, habang lumalaki sila, may mga nakikilala silang ibang tao at sa tuwing may ipinakikilala si B.j. sa kanya lalo na pagbabae, hindi nya mapigilan ang makaramdam ng panibugho. Dapat matuwa sya para dito, pero iba ang sinasabi ng utak nya sa nararamdaman ng puso nya. Di nya maipaliwanag, mali ang nararamdaman nya, lalo pa't pareho silang lalaki. Itinago nya lahat ng nararamdaman nya sa sarili lang. Hanggang sa kinailangan syang ipadala sa Maynila ng mga magulang nya para dun mag-aral ng kolehiyo. Gabi bago sya lumisan patungong Maynila ay pinuntahan sya ni B.j.
B.j. : Nathan, pwede bang tumabing matulog?
Nathan : Bakit? Umuwi ka na, kailangan maaga pa ako bukas.
B.j. : Sige na, matagal din tayong di magkikita. Please.
Nathan : Sige na nga, pero wag mo akong isturbuhin sa pagtulog ko ha?
B.j. : Okay.
Laking tuwa ang naramdaman ni Nathan. Iba sa pinakita nya sa kaibigan. Alam nyang matagal silang hindi magkikita. Pitong taon, hindi nya alam ang pwedeng mangyari paglipas nun. Hindi sya sigurado, pero minabuti nyang ipagtapat dito ang kanyang nararamdaman.
Nathan : Ang tagal kong mawawala, mag-iingat ka lagi dito.
B.j. : Oo naman, wag kang mag-alala. Madami na din naman akong naging kaibigan dito ng dahil din sayo.
Nathan : B.j.? May gusto akong sabihin pero di ko alam kung paano ko sisimulan.
B.j. : Ano yun?
Nathan : Hindi ko alam kung bakit, pero bago sana ako umalis, gusto kong malaman mong gusto kita. Hindi lang bilang kaibigan.
Sobrang kaba na halos lumuwa sa dibdib nya ang puso ni Nathan. Ang daming pumasok sa isipan nya. Lahat puro baka. Baka magalit si B.j. Baka hindi na ito magparamdam sa kanya. Baka umuwi agad ito. Katahimikan ang naging pagitan sa kanila. Parang siglo ang lumipas bago nagsalita si B.j. At sa bawat sigundong lumilipas, lalong lumalakas ang kabang narrarmdaman nya.
Bigla syang niyakap nito.
B.j. : Alam ko.
Lumipas ang gabi ng sya ay nakaunan sa balikat ni B.j. Samantalang akap sya nito.
Pitong taon na pala nung mangyari yun, pero ngayon habang nakatayo sya sa tapat ng lumang bahay, pakiramdan nya kahapon lang nangyari yun. Kasabay ng pagpindot ng doorbell, alam nyang bubuksan nya ang nakaraan na di nya alam kung pwede pa nyang balikan.
Itutuloy..........
Til Next Time,
Diosa
You can also see the link : akosidiosa.travellerspoint.com