Wednesday, May 11, 2011

Get A Life.


“Oh, for God's sake . . . get a life, will you?”

This is out of my usual topics. 

Napika lang talaga ako nung isang araw. Ang dami na talagang nagbago. Hindi mo na alam kung sino ang mapagkakatiwalaan mo. I am writing this entry para dun sa taong nagpainit ng ulo ko last Tuesday evening.

Magmula nung magtrabaho ako, ipinangako ko sa sarili ko na babaguhin ko yung ugali ko. Lalo na sa pakikitungo sa ibang tao. Alam ko kasing bilang empleyado, kung sino man ang mga taong nasa paligid mo, yung ang taong makakasama mo sa araw-araw. Wala kang choice, kaya I have to deal with it. Kung dati, pag-ayaw ko sa  isang tao, nunca na mag-exist ka sa kahit anong parte ng buhay ko. Ni katiting na bagay tungko sayo, pakialam ko. Pero magmula nung magsimula na akong magtrabaho, natutunan kong, hindi dapat ganun. Ang isang tao kaya nakakasama mo eh dahil balang araw may papel na gagawin yan sa buhay mo. Kaya matutong pakisamahan lahat ng taong nakapaligid sayo.

Marami na akong klase ng taong nakaharap, at sa lahat ng pinakita ko sa mga taong ito, I should be proud of myself, masasabi kong, never akong naging plastic sa pakikitungo ko sa kanila. Genuine hindi synthetic ang mga ngiti, biro at halkhak na pinakita ko.

Wala din akong problema lalo na sa trabaho ko, kung mali ko, explain it to me ng maayos, if you prove yourself right, then i'll accept it with open arms. Hindi ako naging bakla para lang maging close-minded akong tao. Gets mo.

Bigla akong nagulat nung tawagin ako ng isa kung kaibigan. Nagtaka daw sila ko may pinagdadaanan ako lately.

" Wala naman." I bluntly replied.

Kasi wala naman talaga. Kung may pinakamabigat man akong pinagdadaanan ngayon, iyon ay ang pagkakaroon ng sakit ng aking Little Angel. Besides that, wala na.

" Eh, kumusta naman lovelife mo? " Tanong din nya.

" Wala naman." Sagot ko.

Nagtuloy ang pag-uusap namin hanggang sa sinabi nya talaga ang tunay na issue. Sinabayan ko ang isang tao na malapit saken mag-yosi one time kahit di ko pa scheduled break.

Tinanong ko sya kung sino ang nagsabi. I explained my side and he did as well. Tama may mali nga ako, I admitted. Pero, ganun ba kalaki ang pagkakamaling yun para husgahan mo ang pagtupad ko sa mga responsibilidad ko? Pinilit ko syang paaminin kung sino yun, pero hindi nya sinabi. Pero diba sabi nga nila, if there is a will, there's a way.

At sa taong to, na alam kung alam mo kung sino ka, mag-basa ka.

1. Pasensya na, tao lang ako. Nagkakamali, Oo, pero yung sobrang kunting maling yun, hindi ko itatama kasi mas mahalaga pa dun ng isang daang beses ang pinagpalit ko.

2. Huwag mo akong husgahan sa pagtupad ko sa responsibilidad ko. Silipin mo kung may makita ka.

3. Wala kang dapat ikainggit saken. Marami ka ng napatunayan sa sarili mo, ako nagsisimula pa lang.

4. Kung may issue ka saken, kausapin mo ako ng diretso.

5. Biglang naglaho ang respeto ko sayo at kahit anong gawin mo hindi mo na kayang ibalik yun.

at

6. Payo, hindi bilang kaibigan, kundi bilang tao lang. Mas marami ka ngang nagawang mas malalang pagkakamali dati, pero ni isa wala kang narinig mula samen dahil alam naming magaling at responsable ka. Hindi nga lang perpekto. Naiintindihan namin yun, sana ganun ka din. Alam mo kung anong klaseng pamamalakad ang dapat sa grupo namin, huwag lang sanang humantong na pati ang iba, mawalan ng respeto sayo. Tama na ang ako na lang.

Bahala ka kung magagalit ka sa mga pinagsasabi ko. Isa lang ang dapat na alam mo para kahit pano, sundin pa din kita, bilang tao.

Hinding-hindi ko ipagpapalit ang personal na buhay ko sa trabaho ko. Ang trabaho, pwede pa akong makahanap ng iba, ang personal na buhay, mahirap buuin yan. Wala kang guidelines na dapat sundin at metrics na dapat maabot. Ikaw ang gagawa ng sarili mong form at trial and error yan hanggang sa makuha mo ang tamang KRA.

Alam ko namang magaling kang umintindi, sana nakuha mo ang point ko. Kung may reaksyon ka, lapitan mo ako.

Usap tayo. ( Sinapian ng espiritu ni Tito Boy. )


Til Next Time,

Diosa

2 comments:

  1. Ay ditse, kahit napainit niya ulo, gawa ka pa rin ng entry para sa kanya. Keri mo yan. Ilabas lang :)

    ReplyDelete
  2. correct!!! your free to express your feelings here. but just bear the ethics of responsible writing and code of freedom expression.

    i know one day lahat sila pupunta sa iyo mag.sosorry after all the bad things, bad words they uttered unto you.


    all you have to do, be true and never forget to ask help from HIM.

    haya.an mo na ang na.iinggit sa iyo...

    miss you dyosa

    ReplyDelete