Sunday, January 30, 2011

Febuary - The Moving-on Month?



Kahapon, habang nag-iinuman, biglang nagparamdam si Gerald, after 2 months na di nya sinasagot ang mga tawag ko. I then called him up.

" Ge, ano balita sayo?", bungad ko sa kanya

" Eto, wala na ako sa work ko at may sakit pa ako.Ikaw kumusta ka?", Sagot nya.

" The usual, busy sa work, relax lang pag restday." Paliwanag ko.

Kunting usapan at kumustahan pa.

" Pagaling ka at ikumusta mo nalang ako kay lola at sa mama mo." Tinapos ko na agad ang usapan.

Nag-alala ako, kunti, pero di na gaya ng dati. Nawala na ang dating lungkot na naararamdaman ko sa tuwing makakausap ko ang taong di na akin. Nawala na din ang excitement na nararamdaman ko sa tuwing kausap sya. Nawala na lahat ng pait na nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang boses nya.

Friendship, that's whats left.

Naging malapit na ako sa family nya, lalo na sa lola at sa dalawang kapatid nya. Tanggap ako ng mama nya. Walang dahilan para kalimutan ko lahat ng nangyari. Dito ako natuto, sumaya, nadapa, umiyak at natutong lumaban sa buhay. Ang gusto kong mangyari ngayon ay ang matuto akong tanggapin na wala na kami and live with it, and I can say at this point after almost a year of mournings, nasa 90% na ako. Malapit na.

Two weeks from now, bakasyon grande ko na. One week akong mawawala sa city, sana. Kasabay ng lipad ng eroplanong sasakyan ko, ay ang pag-iwan pansamantala sa mga alaala ko dito. Pero gusto kong baunin lahat ng sakit at mga pagkakamali at iwanan sa lugar na di ko na muling makikita pa. Sana sa muli kong pagbabalik dito, maibigay ko na ulit sa kung sino man ang taong mamahalin at magmamahal saken ang buong -buo ko.

Gagawin ko to at alam kong makakaya ko. Sa muli kong pagbabalik, reformatted na ulit ang puso ko at handa na ulit ang sarili kong magdownload ng panibagong alaala. Alam kong sa pagbabalik ko dito, na-archive ko na ang mga lumang files ng buhay ko.


Til next time

Diosa

6 comments:

  1. that's life meg... we need to move on and learn how to love again inspite of the bitterness and selflessness of the person...

    i know your a strong person and God will always be with you...

    your friends are here willing to make you smile in your rainy days!!!

    ReplyDelete
  2. Thnaks a lot Bang. I know your one of those friends whom I can always count on despite of the distance.

    ReplyDelete
  3. haayyy..finally...
    happy for you mommy!
    pero sya pa rin daddy ko.u can't change that..hehe
    literal na move on..sa province tlga.
    di mo ko inaya.
    u deserve someone better..don't rush things ha.kasi it's sad to belong to someone else when the right one comes along.

    ReplyDelete
  4. yot. gusto ko hapi ka. haha. smile! we share the same sentiments. pero since blog mo ini,ikaw it bida. tuok till waray na luha na gumawas. goodluck to your soon-to-be-happy-heart!

    ReplyDelete
  5. feb is supposed to be the love month... pero sige chinese new year na lang celebrate natin

    Kung Hei Fat Choi!!!!

    ReplyDelete
  6. ps

    you once said "new year, new guy!"

    since chinese new year na, so chinese guy is coming your way. kilig! excited!!!!!!!

    ReplyDelete