" Life is not measured by the number of breathes you take but by the number of moments that take you breathe away. "
Nakatayo sa veranda nila si Nathan. Tinitignan ang malawak na bakuran nila. " It has really been a long time. " Sa isip-isip nya. Yet the whole place is still the same. Buhay na buhay pa din ang mga orchids na inaalagaan ng mama nya dati. The place was very relaxing. Naputol ang pagmumuni-muni nya nang tawagan sya ng kanyang mama.
" Nathan, anak nakahanda na ang almusal. " Tawag ni Evelyn sa kanya, ang kanyang mama.
Nakahanda sa mesa nila sa may hardin ang almusal. Toyo, itlog at champorado. Tamang-tama lang sa isip-isip nya. Matagal na panahon na din syang hindi nakakatikim ng ganito.
Nathan : Ma, salamat sa almusal. Namiss ko 'to.
Paglalambing nya dito sabay akap.
Evelyn : Oh sya, kumain ka na at baka lumamig pa ang almusal.
Kumustahan sa trabaho at naging buhay nya dun sa Maynila habang kumakain ang pinagusapan nilang mag-ina. Mga pangyayari sa lugar at mga kakilala at sa mga kababata nya. Wala nang umagang yun ang papa nya. Nagkaroon daw ng problema sa isang delivery nila kaya maaga itong napaluwas ng bayan.
Nathan : Ma, si Bj ano nang nangyari sa kanya.
Hindi nya na inantay na may magbukas ng pinto nung araw na napadaan sya sa bahay nito. Nung makita nyang may palabas ng tao, bigla nyang pinara ang paparating na tricycle at dali-dali syang umalis.
Evelyn : Ganun pa din naman. Mas lalong lumalakas ang fruit farm nila. Wala ka bang balita na sa kanya? Di ba malapit kayo sa isa't-isa?
Kung pwede nga lang sabihin nya sa mama nya lahat, sana ginawa nya na.
Kahit umalis na sya nun sa kanila ang huling gabing yun ang naging dahilan kaya kahit malayo na sila sa isa't-isa ay hindi pa din mawalan ng ugnayan silang dalawa. Text, tawag, chat at e-mails ang naging pag-uusap nila. May isang pagkakataon pa nga nun, ay lumuwas ng Maynila si Bj para magbakasyon at doon sila nagkita. That was when he was in third year. This became the most memorable moment of his life.
They decided to meet sa isang restaurant first night to have dinner and a little chat. It was more than 3 years na hindi na din sila nagkikita pero di sila nahuhuli sa balita sa isa't-isa.
Bj : Kumusta naman ang pag-aaral mo dito?
Nathan : As I always tell you, haggard sa dami ng pinapagawa ng mga teachers, pero I know I can do it.
Bj : Sa school ko nga din sa province ganun din. Kinausap ko sina Mama kaso di sila pumayag na dito ako mag-aral.
Nathan : Sayang naman. Hanggang kelan ka naman dito?
Bj : Siguro mga isang linggo lang. School Break lang naman kaya maikli lang to.
Nathan : Sige next day simula na din ng school break namin. San ka naman tutuloy?
Bj : Sa Tita ko sa Quezon City.
Nathan : Okay sige, let's just meet up. I'll call you then.
Bj : San mo ba planong magpunta?
Nathan : Siguro sa Puerto Galera na lang para malapit lang.
Bj : Okay sige, may kasama ka?
Nathan : Meron sana pero kung ayaw mo wag na lang.
Kinuha ni Nathan ang isang California Maki sa plato ni Bj at sinubo ito.
Nathan : Namiss kita, sobra.
Bj : Ako din, namiss ko ang bestfriend ko.
Hinawakan nito ang kamay nya sabay ngiti. It has been a long time mula nung huli silang magkita. That moment habang nag-uusap sila, he would like to have it embedded on his soul. Hindi nya akalaing yun na din pala ang huling ngiti na makikita nya sa mga labi nito.
Itutuloy....
Till Next Time,
Diosa
You can also see the link : http://akosidiosa.travellerspoint.com
Ang lungkot naman ditse. Bitin pa. :)
ReplyDeleteSalamat desperate houseboy sa pagbabasa.
ReplyDelete