" I can't be with you as your boyfriend but It doesn't mean that I don't love you. "
Maaga palang nasa Puerto Galera na sila. May mga kasama si Nathan na mga kaibigan pero nagkumuha sila ng ibang hotel para makapag check-in. Hindi naman madaming tao nung mga panahong yun. Hindi naman peak season ng bakasyon. Semestral Break lang kasi. He promised to himself na gagawin nyang memorable ang araw na yun dahil yun ang una nyang bakasyon na kasama ang taong mahal nya.
They had a late breakfast sa terrace ng kuwarto nila overlooking the beach.
Nathan : Ang sarap talaga ng bakasyon. Maganda ang view nakakawala ng stress.
Bj : Oo nga. Maganda tong kuwartong nakuha natin.
Nathan : I agree. Anong sinabi mo sa Tita mo na mawawala ka for 3 days?
Bj : Sabi ko lang sinama ako ng kaibigan ko sa isang out of town.
Nathan : Buti di ka na inusisa. Sige, kain na tayo.
Pagkatapos ng kunting pahinga, they decided to look around the area. Hindi masyadong mainit nung mga araw na yun just a perfect day for strolling under the sun. Magkasabay silang naglalakad sa dalampasigan.
Bj : Anong sinabi ng mga kaibigan mo nung hindi tayo sumama dun sa hotel nila?
Nathan : Wala naman. Maiintindihan na nila yun.
Bj : Baka kasi mainip ka lang saken kung tayong dalawa lang.
Nathan : Hindi naman siguro. Sa tagal nating di nagkita marami tayong mapag-uusapan. At mamaya naman magkikita-kita ulit tayo dun sa isang bar sa hotel na tinutuluyan nila.
Bj : Salamat sa lahat ha.?
Nathan : Wala yun. Ako dapat ang magpasalamat sayo kasi hanggang ngayon ako pa din ang matalik na kaibigan mo.
Hinawakan ni Bj ang kamay nya kasabay ng isang ngiti. Masaya syang kasama nya ito ngayon. Kung kaya lang nyang pigilan ang oras para mas makasama nya to nang mas matagal. Ginawa nya na sana noon pa. But that's how it is sa isip-isip nya. When good things are happening, time flies by rapidly but in moments that you're hurting it seems that an hour is eternity. Iwinaksi nya ang isiping yun. He will enjoy every moment na kasama nya to.
Kasama ang mga kaibigan nya, nagpunta sila sa isang bar nung gabi ding yun. Hindi na sya masyadong umiinom ngayon pero dahil sa udyok nga mga kaibigan nya, naparami tuloy sya. Tinanong si Bj nung isang kaibigan nyang babae.
Christine : Mahal mo ba tong si Nathan?
Isang tipid na ngiti ang naisagot nito. Sya na ang sumagot sa tanong ng kaibigan.
Nathan : Magkababata lang kami. Ikaw, manahimik ka nga dyan lasing ka na naman.
Biro nya sa kaibigan.
Christine : Ikaw talaga ang mahal nitong si Nathan, Bj. Kahit dati pa man nung una kaming magkakilala, ikaw lagi ang kinikwento nya pag naguusap-usap kami tungkol sa love life ng isa't-isa.
Bj : Alam ko naman yun.
Namula si Nathan sa pagiinit ng pisngi nya. Buti na lang medyo madilim sa lugar at hindi halata ang pamumula nya. Natuwa sya sa sinabi nito. Dati pa naman na alam nito ang nararamdaman nya para dito. Pero ngayon hindi nya akalaing aaminin nito iyon sa harap ng mga kaibigan nya. Masarap sa pakiramdam.
Nagtuloy ang inuman. Ala-una ng madaling araw nang magpaalam na sila ni Bj na babalik na sa hotel nila. Medyo may tama na ito sa dami ng nainom na alak. Inaalalayan nya ito habang naglalakad sila pabalik sa hotel.
Bj : Nathan, pwede bang dito muna tayo. Maganda ang buwan.
Nathan : Oo nga.
Naupo sila sa dalampasigan na iyon. Animo'y magkasintahan na nagsusuyuan.
Bj : Mahal kita Nathan.
Pumailanlang ang mga salitang yun habang pinagmamasdan nya ang karagatan. Hindi nya alam kung paano sasagutin ang sinabi nito.
Nathan : Salamat.
Ang tangi nyang nasabi. Kinabig sya nito papalapit at hinalikan. Labis na tuwa ang naramdaman nya nung mga oras na yun. Katuparan ng isang panginip na ang tagal nyang inasam na mangyari. Mga salitang ang tagal nyang inantay na marinig mula dito.
Bj : Nathan hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero tandaan mo to mahal kita. Masaya ako pagkasama kita.
Ang kaligayahang nararamdaman nya ay napalitan ng pagkalito.
Nathan : Anong ibig mong sabihin.
Bj : Maniwala ka mahal kita pero hindi pwedeng maging tayo.
Sa tuwing naalala ni Nathan iyon, hindi nya napipigilan ang sariling mapaiyak. Ngayon habang nakatitig sya sa kawalan sa veranda nila muntik na syang mapahagulgol sa sakit.
Nung gabi ding iyon, hindi nya na nabigyan pa ng pagkakataon ang sariling humingi ng paliwanag. Iniwan nya si Bj sa dalampasigan. Sa hotel ng kaibigan sya tumuloy ng mga oras na yun. Kinabukasan pagdating nya sa hotel nila wala ito. Nakita nya ang isang maliit na stuffed toy na may nakalagay na sulat.
" Salamat sa lahat. Mahal kita pero pasensya na. "
Hindi na nya sinagot maski ang mga tawag nito dati. Sulat man ay di na nya binasa pa. Lahat ng mga sulat nito dinideritso na ng basurahan. Pinilit nya ang sariling kalimutan ito. Lahat ng oras binigay nya sa pag-aaral hanggang sa makatapos at magkaroon ng magandang trabaho. In a short span of time, nagawa nyang maging isang Senior Executive sa isang kilalang Accounting Firm sa bansa. He has everything in the world para maging masaya. He dated a lot of guys and gays pero hindi din nagtatagal ang mga nagiging relasyon nya. Halos lahat ng mga naging relasyon nya would end in this lines.
" I can't be that someone you've been looking for in a relationship. "
Alam nyang unfair sa mga taong nagmahal sa kanya, pero di nya masisi ang sarili dahil alam nyang nasasaktan lang sya kaya nya nagagawa ang mga bagay kahit di man sadya. Ngayon after 4 years naghahanap sya ng paliwanag sa isang taong alam nyang kaisa-isang maaring magbigay nito. Hindi nya maikakalang mahal nya pa rin ito hanggang ngayon. Pero hindi sya nagbalik para makiusap dito na mahalin sya kundi para tapusin ang isang bagay na matagal nya na sanang tinuldukan.
Kailangan nya yung higit para sa sarili nya. Kailangan nyang buuin ang pagkataong nawasak nung gabing iyon. Hanapin ang sariling matagal ng nawawala dahil ibinigay nya sa isang taong akala nya ay pwede.
Itutuloy.....................
Til Next Time.
Diosa
You can also see the link : http://akosidiosa.travellerspoint.com/
sana happy ending 'to..
ReplyDeleteAko din hindi ko pa alam ending nito.
ReplyDeletebitin naman...
ReplyDelete