Friday, January 13, 2012

Isang Taon na Pala : Ang Pagbabalik Tanaw



" If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden. "

Hindi ko namalayan. One year na pala ang blog ko last January 11, 2012. Sa sobrang busy, wala man lang akong naging entry sa araw na yun. Ang dami ko na palang naisulat. Malungkot, masaya, may adventure, travel, short stories, real love stories. About myself, lovelife, worklife, vacation and anything about me and the people around me.

Ang pinakaunang entry ko nun is all about Dan, NEW year..New Guy?. Wala na kami ni J nun. While spending my restday inaya ako ng pinsan ng bestfriend ko na mag-inum kasama ang barkada nya sa college. Sa inuman na yun nakilala ko si Dan. Instant crush, yun ang naramdaman ko. Fascinated kasi cute naman talaga sya kahit mukha syang Tumbalata ( tomboy ). We texted and that's it. Hindi nagbunga ang relasyon. Feeling ko nga hindi nya na ako natatandaan ngayon or ayaw lang nyang mamansin. Last time nung pinuntahan ko si J sa trabaho nya at sabay kaming naglunch, nakita ko siya. Pero di kami nagpansinan. Yun na. Pero salamat, ng dahil sayo nasimulan ko ang blog na to.

Nakapagsulat din pala ako ng opinion ko about politics. The right to be educated tungkol sa posisyon ni Manny Pacquiao sa RH Bill. Naisulat ko din ang mga friends ko both homosexuals and straight. Ang 6 na bakasyong na nagawa ko this year. Ang mga barkada ko nung college sa office at ramdom people that I've met last year.

Kinainisang tao sa office na hanggang ngayon ay di pa kami nagkakaayos. Siguro bago ako umalis sa trabaho.

Nakapagsulat din pala ako ng love stories, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Inspired by the movie Love of Siam. Sinimulan ko ang pagsusulat ng kwento noong May 26 at natapos ang apat noong October 28, 2011. It took me 5 months and 2 days para matapos ko ang kwentong to. Noong una gusto kong tapusin ng malungkot ang kwento pero nagbago ang takbo ng kwento ng dahil naman kay J. Ngayon may bago naman akong sinimulan na kwento last November 01, 2011, Ang Talaarawan Unang Bahagi : Ang Pagtatagpo. A classic love story inspired by Titanic. Spanish era ang plot. Nakakadalawang entries palang ako at sana matapos ko ang story ng maganda.

At nandyan sina D, A, M, B, T, G at J. Naka-pito na pala ako ng codes sa mga lalaking naisulat ko. Grabe na pala ang ganda ko, kasumpa-sumpa. 

Unang entry ay kay D. Ang lalaking nagustihan ko sa simula ng taon last year. Si T, ang crush ko nung college  na naging kami last Valentines, but we broke-up last May. Lucky for me, sabi ng bestfriend ko, naghiwalay kami. Si B, ang chubby guy that I have fallen in love sa office. Mabait, gentleman and an ideal guy that I consider. Hindi man naging kami, pero I'm grateful we remained friends. Si A naman ang officemate ko na lagi kong kasama umuwi dati nung pang-gabi pa ako. Hindi sya gwapo pero sobrang bait. Infatuated ako sa kanya dahil napakagentleman nya at ever umuuwi kami, I feel I'm a true woman. Sobrang maalaga. Pero hanggang kaibigan lang talaga kami. Si M, ang aking dream guy, si Mario Maurer. Ambisyosa lang talaga ako nung maikwento ko ang isa sa mga naging panaginip ko tungkol sa kanya. Salamat naman at kahit paano ay may mga natuwa. Si G ang isa sa mga agents ko dati. Isa sya sa masasabi kung naging ka-close kung lalaki in which because of it, I fall in love. The deeper i know the man, the more I have fallen for him, pero hindi din naging kami but we remained good friends to date. At ang may pinakamaraming entry sa lahat, si J.

The man that made a big difference in my life. Akala ko last year, tuluyan na kaming maghihiwalay. Akala ko last year nakapag-move on na ako totally, pero mali ako. Last April kami ulit nagkaroon ng contact. Nakita nya sa Facebook ang number ko ang one time last April he texted me. From that point, balik ulit ang mga paguusap namin. We text and call each other like goodfriends. After more than 8 months, last June bago ako umuwi ng Leyte, we decided to meet up. At ito ang entry na yun Uulit Na Naman Ba?

Matapos ang unang out of trip namin together sa Palawan, dun ko nalaman na I'm still in love with him. Sya na ang masasabing definition ng true love sa buhay ko. Maraming mga nangyari from that time. Away at Tampuhan na di maiiwasan pero, one thing that I guarantee. Iba na tong balikan namin, sana pangmatagalan na. He now accepted the fact na pwedeng maging kami na habang-buhay. He now even call me as asawa.

Sana naman iba na talaga to. Sana.

Anyway yun na ang naging buong year ng blogelya kung to. This year, for sure mas marami pa akong maisusulat. Masasaya, malulungkot, mga panaginip, mga pangarap, mga ilusyon, mga nakakainis at mga kung ano-anong kwentong papasok sa isip ko. 

For sure, mas masaya pa ang magiging kwentuhan natin ngayon taon.

Salamat sa mga nagbasa at nag-follow. Sa mga nag-comment at sa hindi nagcomment. Sana naman sa sususnod magleave kayo ng opinyon. 

Salamat.



Til Next Time,

Diosa


2 comments: