" It has been ages that I haven't posted anything, but that doesn't mean I already forgot about you. "
Ang tagal ko ng di nakapag-update. Pagpasensyahan nyo na ako. I have been super busy na ayusin ang lahat lahat saken.
Ang daming nangyari pero bago ang lahat, Happy New Year sa inyo.
Naging magulo ang buong 2012 ko. Resignation sa trabaho. Bakasyon sa probinsya ng humigit kumulang 2 buwan. Ups and Downs sa career at sa personal na buhay pero I came to realize one thing though. Ang pamilya mo ang laging nandyan para sa'yo kahit ano mang mangyari.
Last March 2012, I decided not to continue the supervisory post sa dati kong company. I voluntarily returned to the department where I was pulled from. Akala ko magiging maayos ulit ang lahat, but it ended up being worst. So after 2 months, I finally resigned at hindi na ako naghanap ng bagong trabaho. It was our 5th anniversary at the same time but I asked him if he could give me time to think about everything in my life. Set priorities and evaluate kong kaya ko pa.
Umuwi ako ng probinsya. I stayed there for 2 months. Naging napakalaking tulong saken ang makasama at makausap ko ulit ang mga kapatid ko lalong lalo na ang mama ko. She didn't ask nor judge me kung bakit biglaan ang pag-uwi at pagbibitaw sa trabaho. She just simply told me " Pahinga ka muna anak. "
Nung sinabi saken ni Mama yun, di ko napigilang umiyak. Sa dami ng nangyari saken, nawala na ako sa kung sino ako. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya na sumobra na.
Bumalik din ako sa Manila for an interview sa bagong company ko. Right now, ok naman lahat. After 5 months, promoted agad ako to a supervisory role. Maganda ang naging takbo ng career ko, sa lovelife, struggling but hoping it will survive.
2013 na, I have to do what I need to do.
One thing that I always do to remind me this, nakalagay sa bawat araw ng planner ko and line na " Smile, this world has a lot to offer. "
Sa kwento na hindi ko pa matapos tapos, pagpsensyahan nyo na ako, but I am glad na someone from Canada even sent me a message through BBM expressing how he liked the story Ang Talaarawan.
Sana magawa ko ng mag-update always.
Salamat sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa.
Til Next Time,
Diosa
Salamat sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa.
Til Next Time,
Diosa
HAPPY NEW YEAR!! :D
ReplyDeletenagandahan din ako dun sa storya... sana matuluyan na hehe :D
salamat. I am reading your blog na din. sana magkaroon na ako ng oras para tapusin yun.
Delete