" For this Island Paradise has been my sanctuary for 4 days to show him how much I love him. "
Last September 13, kasama ang 3 sa mga ka-opisina ko at si J, natuloy din sa wakas ang inaasam kong bakasyon sa Isla ng Palawan.
Sa airport palang adventure na ang nangyari. Muntik ng hindi makasama si J dahil sa ilang security problems daw sabi ng ticketing counter. Invalid ID daw ang sabi nung ticket counter agent. Nauna kami ng tatlo kong ka-opisina sa Puerto at si J nakasakay sa next flight.
At habang iniintay namin si J sa city, napagdesisyunan ng lahat na kumain na muna. Muntik na naming makalimutan ang kumain dahil sa nangyari sa airport. First stop Lotus Garden Inn.
It's a Japanese inspired restaurant na malapit lang sa airport. Nahanap namin 'to sa tulong ni Kuya Romel ang tricycle driver na nakasama namin simula palang nung dumating kami. At ito naman si ate ang ever courteous and ever kind waitress sa restaurant.
Tingin ng menu. Sabi ko di naman ako masyadong gutom, kaya magpapasta lang ako. I ordered their Mandarin Oriental Pasta. Wala namang discription kung ano yung ingredients dun sa menu kaya I though it might be like a regular pasta with herby texture. At ito yun,
Muntik ko ng itapon pabalik kay Ate. At di ko talaga napigilan ang sarili kong tanungin sya,
Ako : Ate Bihon to, sabi ko pasta.
Ate : Yan na po yan Sir.
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Ate kasi mabait naman lahat ng staff nila. Actually, lahat ng taong nakilala namin dun mababait, magagalang and very accomodating.
Biyahe kami agad pagkadating ni J. Nauwi din kami sa pagaarkila ng pribadong sasakyan dahil sobrang gabi na kami nung makaalis mula sa Puerto Princesa. Sabi sa review 2 to 3 hours lang pero ang totoo ala-sais kami ng gabi umalis, nakarating kami almost 11 na ng gabi.
Sa Summer Homes kami nagtuloy. Isang resort sa may Port Barton na area. Malayo, mahirap ang biyahe pero sulit. Masarap sa pakiramdam ang buhangin sa may beach nila na sing pino ng harina.
Ang problema lang din every 12 midnight, pinapatay na ng resort ang kuryente kasi limited lang ang supply sa buong lugar. Hindi naman mainit sa resort kaya okay lang.
First day, Underground River.
At when B meets J.
Ang ganda ko lang that moment. Kasama ko ang dalawang lalaki ng buhay ko, chos. Humigit kumulang 3-4 na oras ang naging biyahe ng bangka mula sa resort papuntang Underground River. Masyado kasing maalon sabi nung naging tour guide namin kaya kailangan ding dahan-dahan ang takbo.
The view of the beach is really breath taking.
Napalinaw ng tubig at ang buong lugar ay talagang alagang-alaga ng mga tao.
Gusto ko ngang maligo kaso bawal pala. And the highlight of it all, was the Underground River Tour.
Nakaka-mangha ang mga limestone formations. The entrance is a bit pungent, pero sabi ni Manong Joy, ang aming bangkero, normal daw yun dahil sa amoy ng ihi ng mga paniki. It was just a short tour sabi nung bangkero 1.5 kilometers lang yung napasok namin kasi kung yung mas mahaba kailangan ng special permit at ginagawa lang pagkaunti lang ang mga tao.
We even had a chance to have our pictures taken in the same stage that was used by the Miss World Candidates for this year. At dahil I feel that I belong, kebs sa mga turistang nakatingin, pose kung pose.
After the pictorials, monkey trail naman.
Sa sobrang tarik, dalawa kami nung kasama kong 'to ang bumalik hindi pa nangangalahati ang pag-akyat namin.
Lunch time na. Sabi ng aming butihing tour guide at bangkero, sa isang isla daw kami kakain sa may sabang beach. approximately 2 hours daw ang biyahe. Nakaalis kami ng Underground River around 12:30 pm at presto, nasorpresa kami pagdating sa Isla. Walang stock ng pagkain. Walang breakfast, very late lunch ang naging adventure namin kasama ang aming mga bituka sa adventure. Dinala kami nina manong sa Coco Island Resort naman. The place is amazingly beautiful pero dinedma ng lahat yung sa sobrang gutom.
Pagdating sa cafeteria nila, lahat nagpla-planong mag-heavy meal dahil sa sobrang pagod at gutom. Pero ang bungad samen nung ate. Sir lahat po ng karne namin frozen. Mga 3 hanggang apat na oras po bago mailuto kasi may nauna na pong mag-order. Ang ending, nagpaluto kami ng scrambled egg at tortang talong at buti naman mabait si ate at napaki-usapan na unahin muna ang sami kasi mas madaling lutuin. Yun na yata ang pinakamasarap na itlog at tortang talong na nakain ko sa aking talambuhay. Ang servings nila parang dalawang itlog na nai-scramble at isang rice sa napaka-murang halaga, 120.00 pesos each at 140.00 pesos naman yung talong. Muntik ng malaglag ang mga ngipin namin sa presyo. Pero, the price is actually reasonable taking into consideration the location of the place.
Kaya pagdating ng hotel, dinner agad ang inatupag ng lahat. Nakaubos yata kami nun ng mga 3 bandihado ng kanin at ang isang order ng sinigang, humingi ang isang kasama ko ng extrang sabaw, ang binigay sa kanya isang malaking mangkok ng sinigang na tanguige na lumulutang sa sabaw.
Happy fiesta. Parang bibitayin na kami kinabukasan at yun na ang aming huling hapunan. In-fairview, masarap naman yung lafang.
At pagkatapos ng kainang parang wala ng bukas, inuman na naman sa may beach. At nung medyo natatamaan na, ito naman ang napatripan naming gawin. Shutter kembot yata yung tawag dito sa mga pics na to.
Nakakatuwa naman at dinayo namin ang Paraiso ng Palawan para lang dito. Hindi ko na mahanap ang picture nung isang local na napadaan at nagpa-picture din ng ganitey.
Second day, Honda Bay kaya kailangang bumalik ng Puerto Princesa. We decided na mag-commute para adventure. From Port Barton to Roxas City, sinakyan namin ang jeep nila na parang amphibian sa sobrang taas ang hagdan. Nakakatuwa naman, kasi sa Palawan pala, they charge higher fees to foreign folks than local tourists. Ito ang isang kasama namin during our travel na syang may gusto ng honda bay kembot namin.
We arrived around 10 a.m. sa Roxes City. Sabi nung mga nakausap namin 3 oras lang daw biyahe kaya around 1 p.m. nasa Puerto Princesa na kami. Kampante ang lahat na darating on time. Di naman namin akalain sobrang dami palang stop-over ng biyaheng yun. We meet this guy during one of our stop-overs pa nga.
Sa kasamaang palad sa tagal nung isang stop over, nakarating na kami ng Puerto Princesa after 2:30 PM tapos na ang cut-off para sa pag-alis ng mga bangka. Sinubukan naming makiusap maski sa cost guard at yung isa namin kasama, si Mayor na talaga ang hinanap sa local registry clerk dun. Natatawa na nadi-disappoint ako sa pangyayaring yun. Ang ending, hindi pa din kami pinayagan. Kaya, balik kami sa aming pribadong sasakyan, off to our city tour na lang.
Ang taray davah. At dahil medyo late na din, Crocodile Farm nalang yung pinagdalhan samen ni Manong Romy, ang may-ari ng van na yan.
Diretso na din sa zoo nila where J actually played with a bearcat. Endgered species na pala yun and only found in the Philippines. Nakalimutan ko nga lang yung given name nung bearcat.
Parang mag-ama lang sila. Ang cute...
After nung unplanned city tour namin, namili naman ng mga pasalubong. At si J, binilhan nya din ako ng pasalubong kahit magkasama kami.
Ang sweet lang.Charot!!!
Anyway, that night was our last night na sa Palawan. Si Manong Romy ang nag-arrange ng accomodation namin sa city. Tumuloy kami sa Corazon Tourist Inn.
Maganda ang room. For budget travellers, the room can accomodate actually a maximum of 5 people kaso magtatabi yung dalawa sa isang kama. For 1,500 pesos including breakfast ay di na masama.
Naging habit yata namin sa Palawan ang isang beses lang kumain sa isang araw. Bago kami umalis sa Summer Homes, kape lang ang naging laman ng tiyan namin. May tinapay na dala ang kasama namin, kaso pinagdamot samen. Mas inalala pa yung mga isda na pakakainin daw sa honda Bay tour sana. Kaya that evening, dapat sa Kina Loiue kami kakain kaso puno, so we ended up sa Kinabuch Restaurant na masarap talaga ang pagkain. I like most their Croc Adobado kaso lang sobrang mahal nasa 300.00 pesos para sa isang platitong serving. Per we still ended up ordering it to try their delicacy. In fairness, malambot pala ang karne ng buwaya at malasa talaga. The kind of meat texture na hindi ko pa natitikman. Another fiesta ang nangyari nung gabing yun.
We had a good evening sa city proper ng Palawan and that evening everyone rejoiced kasi pagbalik namin sa hotel, I received a text message from the airline we were travelling with na cancelled and return flight namin at na-reschedule kami for an afternoon flight which means nagkaroon kami ng time for Honday Bay Tour again. Sa sobrang excited ng lahat, we ended up listening at that night kay Papa Jack sa kanyang radio show para makatulog.
Ala-sais palang ng umaga naka-impake na ang mga gamit at nakahanda na ang dadalhin for the Honday Bay Tour. Pagkatapos kasi nun kunting ligo na lang tapos off to the airport naman for our flight. Sinundo ulit kami ni Manong Romy together with his private van. The other day, kami yung pinakahuling dumating para sa tour, nung araw naman na yun, kami ang pinakaunang dumating.
First Island ng tour, Isla Pandan.
Nakakailang kuha na kami bago kami nasabihang may bayad pala ang maa-papicture dunsa banana boat. Si Kuyang Bantay hindi na kami siningil dahil maganda naman daw ako, chos.
Group picture naman with the triplets niyog.
Matapos maglandi sa Pandan, off to the second island and Snake Island.
Sobrang ganda ng isla at nakakabilib ang disiplina lalo na sa kalinisan ng mga taga-Palawan. Dito na kami nag-swimming at kumain ng tanghalian. Yung ibang boatman, hinahayaan lang ang mga guests nila, pero yung samen, sinasamahan pa talaga kami nina Kuya at sya ang nag-guide sa mga kasamahan kong hindi marunong lumangoy.
Isa akong sirena kaya di ko na kailangan ang tulong ni Kuya. Chos.
Nag-bonding ulit kami ng aking mga nasasakupan at constituents.
Bet ko sana yung isang isda, kaso sabi ni Kuya protected ang area, bawal ang fishing, kaya ang ending, nilantakan namin ang very healthy and low in cholesterol na pagkain, ang Alimango.
Bago lutuin ni Kuya, nagpapicture muna ang mga Alimango ng solo at kasama kami bilang remembrance. Hindi naman siguro halata sa dalawang kasama namin ang pagkahilig sa pagkain, kaya every meal namin, parang fiesta.
After ng kainan, off to the last stop, ang coral sanctuary nila na nakalimutan ko ang pangalan. Pasensya na, ganyan talaga pag nagkaka-edad ka na. Mararanasan mo din to balang araw.
Note : Bawal ka palang magiwan ng basura sa isla, dapat dala nyo ito pabalik ng city.
Sulit na sulit ang biyahe. Ang ganda ng lugar at ang babait ng mga tao. Halos lahat ng nakilala namin mula kena Kuya Rommy, sa staff ng summer homes, sa tour guide at bangkero namin sa underground river tour, sa staff ng Kinabuch at ng Corazon Torist Inn at sa naging bangkero namin sa Honda Bay. They truly showcase the True Filipino Hospitality.
Sa lahat ng mga nakilala namin lalo na kay Kuya Rommy, salamat ng madami at sa pagtulong mo na mabuo at mapuntahan namin lahat ng ipinagmamalaki ng Palawan.
Sa susunood na balik ko, sisiguraduhin kong may mas mahaba ng oras to look around at makapag-tour talaga sa buong lugar. Palawan are one of the provinces that we Filipinos should be really proud of.
Muli, salamat sa lahat ng nakasalamuha namin sa aming munting paglalakbay.
Til Next Time,
Diosa