Monday, October 31, 2011

Si G.


"I don't know which is worse, keeping your love for someone a secret or telling them and risk being rejected."

Marami ng nagbago sa pagitan namin ni J. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba sya ng sya bilang ngayon o yung nakilala ko apat na taon na ang nakakaraan. Hindi din masyadong malinaw ang estado namin ngayon dahil sa girlfriend nya na sabi nya hindi nya mahal pero di nya maiwan. Bakla na nga, kabit pa. Parang ang sagwa di ba?

Sa panahong gulong-gulo ako, dun ko naman nakilala si G.


Napaka-awkward ng pagkakakilala naming dalawa. Nakuha ko sya sa isang escalation call. Hindi ko alam na bago palang sya kaya medyo napagalitan ko nung malaman kong napakadali lang nga kailangang gawin at di pa nya nagawa. Bungad nya agad matapos kung kunin yung tawag, " Sino 'yun? Bakit ang sungit naman? " Tanong nya agad dun sa isang mentor nya sabay turo saken sa desk at ang ending sa team pala nila ako na-assign na mag-mentor at isa pa sya sa mga naging agents ko.

Unang araw ko sa kanila wala sya kaya the following day pa kami nagkakilala ng personal. From then on, we became more close to each other. Nung una, biro-biro lang para masaya sa team nila. Tukso-tukso na gusto ko sya hanggang sa yun na. 

Parang high school lang yung feeling. Excited kang pumasok para makita lang ang crush mo at pag may time, nag-uusap namin kami ng kahit ano lang. May isang beses pa na we were sending tweets habang nagpapahinga ako kasi medyo masama ang pakiramdam no nun ng bigla nya na lang akong tinawagan.

Ako : Oh? Ba't ka tumawag?
G : Kakapagod kasi mag-type. Kumusta ka na? Ok ka na ba?

Muntik na akong mahimatay sa sobrang kilig.

Ako : Okay na pakiramdam ko, tawag mo palang magaling na ako.

Pak ang pick-up line. Natawa na lang sya bigla sa sinabi ko.

G : Ikaw talaga.
Ako : Salamat sa tawag ha at sa pag-aalala.
G : Okay lang, pagaling ka.

Masarap sa pakiramdam talaga ang may nag-aalala para sa'yo. Kaso nga lang hanggang dun lang talaga kaming dalawa. 

Nag-uusap kami minsan ng kung ano-ano lang sa text. Tungkol sa mga plano ya sa buhay. Masarap talagang may tao kang nakakausap sa mga ganitong bagay. 

Malabong masyado na maging kami, pero sigurado akong magtatagal kami, bilang magkaibigan. Malapit na magkaibigan.


Til Next Time,

Diosa


No comments:

Post a Comment