Monday, January 23, 2012

Ako Na Ang Housewife?


" You know when you have found your prince because you not only have a smile on your face but in your heart as well.  ~Author Unknown "

Kagabi, bago matulog nagaantay ako ng tawag ni J. Naging routine na kasi namin  bago matulog ang mag-usap kung kumusta ang naging araw ng isa't-isa. Last night was a bit unusual.

Last week he ended his contract dun sa real-estate company na pinagtratrabahuhan nya. He then applied as a barista sa isang coffee shop but the HR rep and the owner was impressed so he was offered a Managerial Position. He was a bit hesitant at first kasi hindi naman sya handa for that position.

J : Natatakot ako, baka kasi di ko makaya.

Ako : Ganyan talaga sa una. Marami kang mararamdamang kung anu-ano pero isipin mo na lang. Kung lahat ng tao uurong dahil sa kaba, ano na lang ang mangyayari. Isa pa, if you will not grab this oppurtunity, kelan pa?

J : Alam ko naman, kaso hindi pa talaga ako handa.

Ako : Sige ganito na lang. If ever you would need help, you can always call me. Isa pa hindi naman siguro nalalayo ang mga gagawin mo sa mga ginagawa ko ngayon since we are of the same level. Kaya kung sa mga admin works, matutulungan kita dyan.

J : Ikaw talaga. Hindi ka na naubusan ng isasagot. Salamat asawa ko. hehe.

Nagsirko agad ang puso ko sa sinabi nyang yun. He never called me like that pero sobrang sarap pala sa pakiramdam.

J : Malayo nga din kasi ang branch kung saan ako ilalagay. Kaya mahirap sa biyahe.

Ako : Bakit hindi ka mag-rent? Para naman di ka mapapagod din sa biyahe.

J : Titingnan ko muna.

At kagabi, we brought up the same topic.

Ako : Nagpost ka na naghahanap ka na ng apartment, sure ka na ba dyan?

J : Hindi pa, naghahanap-hanap pa lang ako.

Ako : Plano ko na ding lumipat ng ibang bahay, sama ka na lang kaya?

J : Sige, sige mas gusto ko yan.

Hindi ko alam kung tama ang narinig ko pero tuwang-tuwa sya sa naging suggestion ko.

Ako : Eh, sigurado ka ba dyan? That would mean less time for your friends too. Hindi ka na pwedeng gumimik pa ng matagalan.

J : I know the consequences at I agreed kasi gusto ko din. Ayaw mo ba nun, pag ako ang nasa bahay, ipagluluto na lang kita.

Napangiti ako sa sinabi nyang yun.

Ako : Promise yan ha?

J : Ako pa. Wala ka yatang bilib sa hon mo. Try ko ng maghanap pag binisita ko yung branch ng apartments na malapit dun.

Ako : Sige.

J : Mga bandang last week ng Febuary na tayo lumipat or First week ng March. Kailangan ko munang siguraduhin na may magaalaga na sa kapatid ko.

Ako : Okay lang kailangan ko din namang gamitin yung deposit dito. Sayang din yun.

We talked more about that hanggang sa sinabi nya.

J : Oh ayan, mababawasan na yang iniisip mo lagi.

Nakakataba ng puso. Nakakatuwa.

Ako : Salamat.

Then I heard him humming a song.

Ako : Diba, It Might be You yan? 

J : Oo.

And he sang the first stanza of the song and the chorus.

Time, I've been passing time watching trains go by 
All of my life 
Lying on the sand watching seabirds fly 
Wishing there could be someone 
Waiting home for me
Something's telling me it might be you 
It's telling me it might be you 
All of my life

First time kung narinig ang singing voice n'ya last night.


Ako : May boses ka pala? Para saken ba yan?

J : Hindi, maganda lang ang song, ito ang para sayo.

Standing by my window, listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won't let me keep these sad thoughts to myself
I'd just like to let you know, I wish I'd never let you go

And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you

Ako : Ano ka ba, hayan na naman.

Hindi ko napigilan na ang umiyak. Hindi ko alam kung naririnig nya sa kabilang linya but he asked me if i'm crying.

J : Umiiyak ka ba?

Ako : Medyo, ikaw kasi.

J : Huwag ka ng umiyak. Just believe me, gaya ng lagi kung sinasabi, hindi na ulit mangyayari pa ang dati. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay. Kung gusto kitang lukuhin matagal na. Hindi na sana tayo nagkabalikan kung hindi kita mahal. Basta lagi mo lang tatandaan, you're the only one.

Wala na akong mapaglagyan pa ng emosyon last night.

J : Oh lulubusin ko na, eto pa.

Then he sang the chorus part of Love on Top by Beyonce.

Baby it's you.
You're the one I love.
You're the one I need.
You're the only one I see.
Come on baby it's you.

You're the one that gives your all.
You're the one I can always call.
When I need you make everything stop.
Finally you put my love on top.

Ako : Thank you hon.

J : Sige tahan na.

Ako : Para namang bata. Those were just tears of joy.

Ang dami ko pang takot hanggan ngayon. Paano kung hindi nagwork-out? Paano pag mali pala ako ng desisyon? Paano pag di ko kinaya? Paano pag sya ang bumigay?

Lahat ng tanong na yan hindi ko masasagot hanggat hindi ko susubukan. Susugal na ako at ititira ko lang respeto sa sarili ko para sa bandang huli, wala akong pagsisisihan.


Til Next Time,

Diosa










Friday, January 13, 2012

Isang Taon na Pala : Ang Pagbabalik Tanaw



" If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden. "

Hindi ko namalayan. One year na pala ang blog ko last January 11, 2012. Sa sobrang busy, wala man lang akong naging entry sa araw na yun. Ang dami ko na palang naisulat. Malungkot, masaya, may adventure, travel, short stories, real love stories. About myself, lovelife, worklife, vacation and anything about me and the people around me.

Ang pinakaunang entry ko nun is all about Dan, NEW year..New Guy?. Wala na kami ni J nun. While spending my restday inaya ako ng pinsan ng bestfriend ko na mag-inum kasama ang barkada nya sa college. Sa inuman na yun nakilala ko si Dan. Instant crush, yun ang naramdaman ko. Fascinated kasi cute naman talaga sya kahit mukha syang Tumbalata ( tomboy ). We texted and that's it. Hindi nagbunga ang relasyon. Feeling ko nga hindi nya na ako natatandaan ngayon or ayaw lang nyang mamansin. Last time nung pinuntahan ko si J sa trabaho nya at sabay kaming naglunch, nakita ko siya. Pero di kami nagpansinan. Yun na. Pero salamat, ng dahil sayo nasimulan ko ang blog na to.

Nakapagsulat din pala ako ng opinion ko about politics. The right to be educated tungkol sa posisyon ni Manny Pacquiao sa RH Bill. Naisulat ko din ang mga friends ko both homosexuals and straight. Ang 6 na bakasyong na nagawa ko this year. Ang mga barkada ko nung college sa office at ramdom people that I've met last year.

Kinainisang tao sa office na hanggang ngayon ay di pa kami nagkakaayos. Siguro bago ako umalis sa trabaho.

Nakapagsulat din pala ako ng love stories, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Inspired by the movie Love of Siam. Sinimulan ko ang pagsusulat ng kwento noong May 26 at natapos ang apat noong October 28, 2011. It took me 5 months and 2 days para matapos ko ang kwentong to. Noong una gusto kong tapusin ng malungkot ang kwento pero nagbago ang takbo ng kwento ng dahil naman kay J. Ngayon may bago naman akong sinimulan na kwento last November 01, 2011, Ang Talaarawan Unang Bahagi : Ang Pagtatagpo. A classic love story inspired by Titanic. Spanish era ang plot. Nakakadalawang entries palang ako at sana matapos ko ang story ng maganda.

At nandyan sina D, A, M, B, T, G at J. Naka-pito na pala ako ng codes sa mga lalaking naisulat ko. Grabe na pala ang ganda ko, kasumpa-sumpa. 

Unang entry ay kay D. Ang lalaking nagustihan ko sa simula ng taon last year. Si T, ang crush ko nung college  na naging kami last Valentines, but we broke-up last May. Lucky for me, sabi ng bestfriend ko, naghiwalay kami. Si B, ang chubby guy that I have fallen in love sa office. Mabait, gentleman and an ideal guy that I consider. Hindi man naging kami, pero I'm grateful we remained friends. Si A naman ang officemate ko na lagi kong kasama umuwi dati nung pang-gabi pa ako. Hindi sya gwapo pero sobrang bait. Infatuated ako sa kanya dahil napakagentleman nya at ever umuuwi kami, I feel I'm a true woman. Sobrang maalaga. Pero hanggang kaibigan lang talaga kami. Si M, ang aking dream guy, si Mario Maurer. Ambisyosa lang talaga ako nung maikwento ko ang isa sa mga naging panaginip ko tungkol sa kanya. Salamat naman at kahit paano ay may mga natuwa. Si G ang isa sa mga agents ko dati. Isa sya sa masasabi kung naging ka-close kung lalaki in which because of it, I fall in love. The deeper i know the man, the more I have fallen for him, pero hindi din naging kami but we remained good friends to date. At ang may pinakamaraming entry sa lahat, si J.

The man that made a big difference in my life. Akala ko last year, tuluyan na kaming maghihiwalay. Akala ko last year nakapag-move on na ako totally, pero mali ako. Last April kami ulit nagkaroon ng contact. Nakita nya sa Facebook ang number ko ang one time last April he texted me. From that point, balik ulit ang mga paguusap namin. We text and call each other like goodfriends. After more than 8 months, last June bago ako umuwi ng Leyte, we decided to meet up. At ito ang entry na yun Uulit Na Naman Ba?

Matapos ang unang out of trip namin together sa Palawan, dun ko nalaman na I'm still in love with him. Sya na ang masasabing definition ng true love sa buhay ko. Maraming mga nangyari from that time. Away at Tampuhan na di maiiwasan pero, one thing that I guarantee. Iba na tong balikan namin, sana pangmatagalan na. He now accepted the fact na pwedeng maging kami na habang-buhay. He now even call me as asawa.

Sana naman iba na talaga to. Sana.

Anyway yun na ang naging buong year ng blogelya kung to. This year, for sure mas marami pa akong maisusulat. Masasaya, malulungkot, mga panaginip, mga pangarap, mga ilusyon, mga nakakainis at mga kung ano-anong kwentong papasok sa isip ko. 

For sure, mas masaya pa ang magiging kwentuhan natin ngayon taon.

Salamat sa mga nagbasa at nag-follow. Sa mga nag-comment at sa hindi nagcomment. Sana naman sa sususnod magleave kayo ng opinyon. 

Salamat.



Til Next Time,

Diosa