"For the longest time that I almost forgot what I have loved and will always love to do."
Matagal-tagal din akong hindi nakapag-sulat. Madami ng nagbago at nangyari sa buhay ko. Masasaya, malulungkot. Sana hanggang ngayon may nagbabasa pa din ditto. Muntik ko ng makalimutan to and unang bagay na minahal ko (liban sa aking mga magulang) ang magsulat.
May mga kwento na hindi natapos. May mga totoong karanasang nasimulan at natapos. Mga opinion na hindi ko na mailabas dala ng pagtigil ko sa pagsulat. Sa aking pagbabalik, sisiguraduhhin kong matatapos ang mga nobelang naisulat. Mga karansang naumpisahan at mga sakit na hindi natuldukan.
Ilaang taon na nga ba? Dalawa, taatlo, apat, di ko na matandaan mula ng huling kusang tumipa ng mga letra ang aking mga daliri. Mula ng huling hinayaan na bumuhos ang nararamdaman sa bawat letrang naisulat. Mula ng ang lahat ng titik sa bawat sinusulat ko ay nagtataglay ng bawat sakit, kaligayahan at pighating aking nararamdaman.
Hanggang dito na lang muna sa ngayon.
Masaya akong muling makabalik sa pagsusulat. Isang kasiyahan na di kailanman matutumbasan ng kahit na ano at kahit na sino.
Kayo, kumusta na? Sana andyan pa din kayo.
Hanggang sa muli...
Nagmamahal,
Diosa
No comments:
Post a Comment