Friday, December 30, 2011

My Year Ender


" A new beginning is perhaps the best time to say… It’s so nice to know you…
And here’s wishing our friendship continues to grow in the days to come. "

To end the year right, I wanted to make a special entry of things that I should be thankful to 2011.

Workwise, this year has been a generous one. Being the top Specialist in the travel field in the account that I am with is the first achievement I've made in the first quarter. On the third, I was then assigned to be a mentor to the new folks in the operations floor and on the last quarter, being promoted as one of the Lead OIC.

I can't thank enough the people who guided and trusted me. I won't be in this position if not because of you. To my friend, mentor and former supervisor Mr. Renan Navarro, I owe you bigtime. To my damas and friends, I won't this knowledgeable about the account if not because of you. To my former micro teams, thank you for the good and positive feedbacks, if not because of those, I won't be in this position.

To my closest friends, I thank you for the trust and for always boosting my morale and confidence whenever I'm down. I wouldn't have the courage to continue if not because of those advises.

To my college barkada, thank yo guys for relieving me from stress whenever I visit home. I thank you for always being there and for spending your precious time just to be with me. Because of those laughters, jokes, gossips that we've shared with I won't have the energy to go back to work. Thank you.

To the family of my partner. To lola and lolo, thank you for the wonderful treatment and accommodation. To Tita Carol and to her partner Ate Gina, thank you for the acceptance. To Ken-ken and Jayson, you guys have been great eversince. Your Kuya and I doesn't have to explain what's between us. I've always been thankful to both of you for the support eversince. You've always been a witness from the start. Thank you brothers-in-law? And lastly, to Tita Jocelyn, mama of my dearest partner. Thank you for accepting me as the partner of your son. This may not be the usual set-up yet you have accepted me with no questions asked. Thank you Tita, it means a lot to me.  

To my family, I don't want to say thank you, because this word is not enough to describe how grateful I am for having you guys. You will always be the most important people of my life. I seldom say this to all of you, but I always mean it. I love you. To my caring mama, I love you. To my hardworking Tatay, I love you and to my ever naughty siblings,  I love you. I'll always be here for all of you.

And lastly, to my Honey, Ryan Jay. I'm thankful that I've met you 4 years ago. I should say I'm the luckiest person to have you as my partner. Thank you for being there always. I may nag you at times, I maybe melodramatic, I may hate you, I may not call nor text you. I may not see you always but there is one thing that I would always do, that would be to love you. 

I can't say how many years will be added to our relationship, but one thing is for sure, if things will not be the way that we've imagined, I'll always hang-on to that promise that you've made. That you will not leave me FOREVER. 

From this day forward, I'll be your lawfully wedded partner. I'll love and cherish our relationship until the end. Till death do us part. 

Hayan, tapos na ang ka-emohan sa taon na ito. 

New year will be here in a couple of hours.

Enjoy everyone...!!!

Let's start the year with a blast.


Til Next Time,

Diosa




Friday, December 09, 2011

Spell Busy? D-I-O-S-A




" Do the things that you've always dreamed of doing NOW. Don’t postpone them. My dad loved to be in the outdoors, but he was always so busy as a school principal that he didn't give himself that pleasure very often. He was going to do all his fishing and hiking when he retired, but he never lived that long. He dies of cancer at 63. It was pretty wrenching to not only see him suffer so badly but also to realize that he had been cheated out of his dream. "
~ Fred Matheny

Grabe na talaga ang pag busy ko nowadays. 

Last 27 November until December 1, umuwi kami n J sa Leyte. Muntik nang hindi matuloy ang lakad na ito dahil sa mga pagbabago lagi ng schedule ko sa office most specially at madami kaming bagong agents na pumapasok. Pero sa awa ng manager ko, nagawan naman ng paraan.

I met the rest of the family sa province at sya din sa family ko. Kulang na lang talaga ay mamanhikan na sya, chos. Naging maganda naman ang pagtanggap ng entire family saken. Medyo may iba lang na hindi maganda ang mga nasabi kasi sa kakitiran ng utak nila. Si J pa nga mismo ang nagsabi saken.

J : Alam mo bang kumakalat na tsismis dito na mag-asawa na daw tayo. Sinabi ng Tito ko at medyo disappointed sya.
Ako : Eh anong sagot mo?
J : Hindi ako kumibo, wala naman akong pakialam dun. Basta alam natin kung anong meron tayo.

Tinanong ko pa nga sya nun kung anong sinabi ng Tita nya nung mag request sya na isama ako sa lakad ng family.

Ako : Anong sabi nina Tita Carol about saten?
J : Hindi na nila kailangang itanong yun, very obvious na. Mabait ka daw sabi nila.

Natuwa ako sa pagtanggap saken ng pamilya nya. In fact yung lola nya pa mismo ang nakipag-inuman nung last night ng bakasyon namen.

I may not be introduced sa mga katrabaho nya as his partner because of some circumstance, at least the family knows I exist.

Pagbalik naman sa office nung December 2, back to a busy work schedule naman and after 3 days, magandang balita naman ang bumungad saken.

I was then promoted as a Lead sa office. And the more shocking news was, walang time na magprepare for the transition kasi kinabukasan din ang simula ko. Sabi nga ng mentor and friend ko, " Just don't be overwhelmed with the responsibility, I know you can do it. "

A lot of blessings came in this December which I am very thankful to God.

Sa mga taong nagtiwala at sumuporta saken, salamat ng madami. Hindi kayo mabibigo.

Parang Oscars Award lang ang statement ko.

I'll write more entries sa mga recent events pag naayos ko na ang schedule ko.

To everyone, mauna na akong bumati.

" MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR. "

Til Next Time,

Diosa



Saturday, November 19, 2011

Ang Talaarawan Pangalawang Bahagi : Ang Pagkakakilala


" Maligaya akong nakita kitang muli, hindi ko lang malaman kung tama ba itong nararamdaman ko. Ang alam ko lang masaya ako. "


Nobyembre 19, 1896

Isang pagtitipon ang idinaraos tuwing Sabado ng hapon sa plasa ng nayon. Ito ang unang beses na dadalo ako sa pagtitipon na ito. Nauna na ang aking ama at ina sa pagdarausan ng kasiyahan. Hindi ko pa din makalimutan hanggang sa ngayon ang hardinerong nakilala ko magtatatlong linggo na ang nakakaraan. 

" Seniorito, andyan na po ang karawaheng maghahatid sa inyo sa plasa. " Tawag saken ni Juanita ang isa sa mga katulong sa mansion. Ang pamilya nya ang isa sa pinakamatagal ng naninilbihan sa mansion. Magmula pa sa mga ninuno nito na syang naging tagapag-silbi ng aming pamilya.

" Susunod na ako. " magiliw kong sagot.

" Sya nga pala, kilala mo ba ang hardinero ng mansion? " Tanong ko dito bago pa umalis. Nakaharap lang ako sa salamin habang inaayos ang aking kurbata. Ito naman ay nasa may pintuan.

" Opo Seniorito. Si Emmanuel ang apo ng isang katiwala ng hacienda. " Pahayag nito habang nakayuko.

" Bakit halos hindi sya nagpapakita dito sa mansion? Hindi kaya, hindi maalagaan ng maayos ang mga bulaklak ng hardin?

" May mga tauhan po talagang araw-araw ay nagbabantay sa hardin. Si Emmanuel po ang nakatoka sa pagdedesinyo ng buong hardin lamang kaya po minsan lang syang pumunta. At sa pagkakaalam ko po nag-aaral din po sya kaya paminsan lang din ang punta nya dito. " Pagpapaliwanag nito.

" Ganun ba? Sige salamat makakaalis ka na. Susunod na ako sa ilang saglit. "

Isinara na nito ang pinto at nagpaalam.

Sa pagtitipon, nakita kong muli ang anak ng Alkalde Mayor na si Alejandra kausap ang aking ina habang nakaupo sa mg upuan na malapit sa entablado. Lumakad ako palapit sa kanila.

" Ina pasensya na po at natagalan ako. "

" Ayos lang hijo. Bakit hindi ka maupo dito sa tabi ni Alejandra. " Giya ni Ina sa bakanteng upuan sa tabi nito. Kinuha ko ang kamay ni Alejandra. 

" Kumusta ka Alejandra? " Yumuko ako upang hagkan ito sa kamay.

" Ayos naman maraming salamat. " Mayuming sagot nito. Sa isip-isip ko, ibang babae ito pagkaharap ang aking mga magulang. Isang mayuming binibini at wala ang pagiging aristokrata. Ibang-iba nung makita ko kung gaano nya hamakin ang hardinero.

" Sa pagkakaalam ko Ina, pagtitipon ito na kasama ang mga tao ng buong nayon, pero bakit may bakod at ang ibang tao ay hindi makalapit dito sa may entablado? " Pagtataka ko nung makita ko papasok na ang mga pangkarinawang tao ay nasa may bakod lang at nakatayo.

" Anak, sana naiintindihan mo na hindi pwedeng ipagsama ang mga Indio sa atin. Baka magkagulo. " sagot nito sa isang mahinahong tono.

" Ako man ay di sang-ayon, pero wala tayong magagawa. " dagdag pa nito.

" Mga kababayan naman natin sila, kaya nagtaka lang po ako. Akala ko po kasi para sa lahat ang kasiyahang ito. "

Naputol ang pag-uusap namin ni Ina nung magsimula na ang pagtatanghal. Isang Zarzuela. Maganda ang naging pagtatanghal. Isang dula ng pag-iibigan. Napatingin ako sa isang tauhan. Pamilyar ang mukha nya saken. Nung matapos ang pagtatanghal, nagpaalam muna ako sa aking Ina upang malibot ko ang buong plasa.

Naglalakad ako sa may bahagi ng simbahan nang makita ko ang isang tagapagtanghal na magisang nakatayo na animoy may sinisipat sa di kalayuan. Nilapitan ko ito upang kausapin.

" Ipagpatawad nyo po sana nais ko lamang ipaabot ang aking pagbati sa inyong napakagandang pagtatanghal. " paumanhin ko sa lalaking nakatalikod.

" Seniorito, maraming salamat po. " Sagot nito at yumuko sa aking harapan.

Nagulat ako nung makita ko ang kabuuan ng lalaking aking kaharap.

" Kilala kita, ikaw ang hardinero sa mansion. " Manghang pahayag ko sa kanya.

" Ako nga po. Maraming salamat po ulit sa pagbati ninyo. " Magalang na sagot naman nito.

" Hindi ko alam na nagtatanghal ka din pala at hindi lang basta isang tagapagtanghal kundi isang mahusay na tagapagtanghal. " Puri ko dito. " Akala ko'y nag-aaral ka sabi ni Juanita? "

Nabigla ako sa naging tanong ko. Bakit naibulalas ko yun. Baka kung anong isipin nya.

" Opo seniorito. Nagtatanghal din po ako upang makadagdag sa aking pang matrikula ang kita ko dito. " Paliwanag naman dito.

" Napakaigi. Nakakamangha ka at talagang nagsisikap kang magkapag-aral. At isa pa, di ba ang sabi ko Miguel na lang itawag mo saken. Wala tayo sa mansion kaya hindi mo ako seniorito. Isa akong taga-hanga. " Pagtatama ko dito. " Ano nga pala ulit ang pangalan mo? "

" Ako po si Emmanuel. " Pakumbabang pagpapakilala nito.

" Ang mabuti pa, samahan mo akong kumain tutal ayoko ng bumalik pa dun sa may plasa at nakakabagot. Tapos na naman ang lahat ng pagtatanghal para sa araw na ito. " Pag-aaya ko dito.

" Nakahiya Miguel, amo ko po kayo. " Pagtanggi nito.

" Hindi mo ako amo sa mga oras na ito kundi isang taga-hanga. Matatanggihan mo ba isang taga-hanga mo na nag-aaya sa'yo na kumain? " Pagtatama ko dito.

" Pero Seniorito..." Pagtutol pa din nito.

" Wala naman akong ibang kakilala dito kundi ikaw lang. Pero kung ayaw mo talaga, hindi kita pipilitin. " Pahayag ko dito.

" Sige po Seniorito Miguel, kayo po ang masusunod. "

Nagtuloy kami sa isang kainan na malapit sa may plasa kung saan kaunti lang ang tao. Masaya ang naging pagkwekwentuhan namin tungkol sa pag-aaral nya at ang Europa. Abogasya din pala ang kinukuha nyang kurso sa Unibersidad ng Santo Tomas.

" Ipapahiram ko sa'yo kung ganun ang mga libro ko para may magamit at mabasa ka. "

" Nakakahiya man Miguel, pero hindi ko tatanggihan yan, mahal kasi ang mga libro. " Sagot nito.

Nagtuloy kami ng pag-uusap hanggang sa di ko namalayan na hapon na pala.

" Kakailanganin ko ng bumalik bago matapos ang kasiyahan. Salamat sa pagsama sa akin sa pananghalian. " Pahayag ko dito.

" Salamat din po Seniorito Miguel. "

Kinuha ko ang aking Amerikana at naglandas na palabas ng kainan. " Miguel na lang ang itawag mo. " Muling pagtatama ko dito. Mauna na ako at magkita na lang tayo sa mansyon. " Nauna na akong lumabas at nagtungo ako sa kasiyahan.

Nagalak ako at muli kaming nagkita. Hindi ko maipaliwanag ng aking nararamdaman at alam kong simula ito ng isang magandang pagkakaibigan.


Itutuloy...


Till Next Time,

Diosa



Friday, November 18, 2011

Marry Your Daughter


" It's hard for a father to let go of his daughter, so cherish the day that a father gave his trust that you, as a man, will take good care of his Princess. "

Pagdating ko sa training room kahapon, I heard G. singing a song. Nilapag ko ang gamit ko sabay tanong, " Anong song yan? Para sa akin ba yan? " biro ko sa kanya.

" Marry your daughter, hindi mo ba alam ang kantang yan? " Sagot nya.

" Hindi. " Sabi ko.

Tapos kinanta nya yung chorus ng song.

Can marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'til the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
When she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter.


" Ang ganda naman, kelan mo ba kakantahin sakin yan? " Biro ko sa kanya.

I just wanted to blog this song. Napakaganda ng message. Sana lahat ng lalaki, ganito ang mensahe sa mga tatay ng asawa nila at sana paninindigan nila habang buhay kasi ipinagkatiwala sa inyo ng tatay ng asawa nyo hindi lang ang anak nya, kundi ang kayamanan nya. Eto ang full song, baka sakaling magustuhan nyo.




To all the women, swerte kayo, may chance na kantahan kayo nito, kaya huwag kayong magmadali. Wait for that someone who would stand by their words till the end.

Till Next Time,

Diosa



For Once I Want To Say Goodbye

" It takes a couple of seconds to say Hello, but forever to say Goodbye. "

Matapos ang ilang oras nung magkausap kami ni J, hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari. Tulala at nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko. Gulong-gulo ang utak ko hanggang sa di ko namalayan, umiiyak na pala ako. 

Ang sagwa sa pakiramdam. Wala kang makausap kasi dis oras na ng gabi. Yun pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang pakiramdam na wala kang matakbuhan at maiyakan. I curled myself like a baby and cried all the hatred and sadness to my bolster. 

" Hanggang doon na lang ba talaga? " Sa isip-isip ko. Hihinto sa pag-agos ang mga luha tapos andun na naman. 

I was about to fall asleep nung magtext sya.

" Umuwi ako para sa'yo. Tawag ka ulit. "

Hindi ko natiis. I made up my mind at that time. I'll end it all.

" Ano bang nangyayari sa'yo? " Bungad nya pagkasagot ng tawag.

Pinilit kong hindi magpahalata na nag-iiyak na ako. " Bakit ka umuwi? Hindi ko naman sinabing umuwi ka. "

" Paanong hindi ako uuwi sa mga pinagsasabi mo? Nag-alala ako sa'yo baka kung ano na namang tumatakbo dyan sa isip mo. Kahit sa Tondo pa yun, umuwi ako. " Pagpapaliwanag nya. Narinig ko syang bumuntong-hininga sa kabilang linya. " Akala mo siguro magkatabi kaming matulog dun no? " 

" Ano pa nga ba? Normal lang naman yun na magkatabi kayong matulog. " Sagot ko sa kanya.

" Hindi no." Pangangatwiran naman nya. " Pag nasa kanila ako, sa sala ako natutulog kasi nga delikadong umuwi pag ganung dis oras na ng gabi. Dun kaya ako na-holdap dati. Hindi nga ako pinapayagan ng mama nya na umuwi, ako lang ang nagpumilit kasi inaalala kita. " 

Hindi ko pa din maintindihan ang lahat ng paliwanag nya. Mas nararamdaman ko pa rin ang sakit kesa sa mga sinasabi nya. 

" Sagutin mo na kasi yung tinanong ko sa'yo dati. " Halos pabulong na sabi ko. Muntik ko na namang di mapigilan ang paghagulgol.

" Hindi naman madali ang pinapagawa mo. Parang pinapapili mo ako sa kung sa nanay o sa taty ko ako sasama. " Medyo napapalakas na ang boses nya sa telepono. " Subukan mo namang intindihin, nung mga oras na wala ka, sya ang nandyan. Kaya hindi madali para saken na hiwalayan sya. Nung mga oras na gusto ko ng kausap, sya ang nandyan para pakinggan ako. "

Hindi ko na napigilan ang sarili kong isumbat sa kanya ang lahat. " Bakit? Ginusto ko bang lumayo? Sino ba ang unang nagpalit ng number ng hindi ko alam? Hindi kita iniwan, ikaw ang kusang nawala. Nung akala kong tapos na tayo, saka ka naman babalik. Ilang relasyon na ang hindi ko tinuloy kasi lagi kang bumabalik sa tuwing gusto ko ng mag-move on at bakit kailangang ako lang ang laging mag-eeffort saten? Nakakapagod minsan sa totoo lang. "

Parang mga linya sa teleserye pero totoo.

" Huwag mong isumbat saken ang mga bagay na wala akong kagagawan. Kung gusto mo akong sisihin sa bagay na wala akong kasalanan, fine. Pero alam mo sa sarili mong desisyon mo yun. " Alam kong natitimpi na sya sa kabilang linya.

" Hindi ko naman ginusto ang lahat ng nangyari saten. Hindi ko gustong nawalan tayo ng oras sa isa't-isa. " Narinig ko na lang ang isang malalim na buntong hininga sa kabilang linya. " Hindi lang naman ikaw ang nag-effort nung tayo. Kahit wala akong masyadong oras at pera nung nag-aaral pa ako, pinupuntahan kita sa trabaho pag sinasabi mo. Kahit wala akong alam sa Makati, isang sabi mo lang pumupunta ako kahit minsan nauubusan na ako ng allowance. Kung kulang pa para sa'yo yung effort na yun, hindi ko na alam kung ano pang gusto mo. Maski nung nawala ang cellphone ko, hinanap agad kita sa FB kaso wala. Hanggang sa sinabi nga ni lola na may number ka daw sa kanya. I tried calling you pero hindi na gumagana ang number mo. Hanggang sa nahanap ga kita through a common friend. "

Naiyak na ako ng tuluyan habang sinasabi nya yun.

" Hindi lang naman ikaw. Hinanap ko lahat ng mga possible contacts ko nung mga panahon nayun sa'yo. Pinsan mo, mga kaibigan mo, pero wala. Minsan pa nga pumunta ako sa inyo pero hindi ka nagpakita kaya huwag mong isusumbat saken na ikaw lang ang sumubok. Mas lalo na ako. "

Humahagulgol na ako ng mga oras na yun. Masama mang pakinggan ang sumbatan pero, para akong nabunutan ng tinik at nasabi kong lahat ng yun. Hindi ko akalain na magkakalakas ako ng loob na sabihin sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko.

" Hindi tayo nag-usap para magsumbatan. " Sagot nya na lang sa kalmadong boses. " Kung ako ang sinisisi mo kaya hanggang ngayon wala ka pa ding naging ibang karelasyon, wala na akong magagawa dyan. Kung gusto mo, burahin mo lahat ng number ko, block me in facebook. "

" Tingin mo ikakasaya ko yun? " Pinilit kong pakalmahin na ang sarili ko.

" Diba yan naman ang gusto mo? Hindi na kita pipigilan. Kung masaya ka sa iba, okay lang saken. Kung nagkataon na maghiwalay kami ng girlfriend ko at may partner ka pa, ako naman ang magaantay. Huwag mo lang akong madaliin ngayon. " Paliwanag nya. " Masaya naman tayo sa ganito. Hindi naman ako nagkukulang ng oras sa'yo. Trip pa lang natin sa Palawan, sa'yo ako sumama kahit na sinasama ako ng girlfriend ko sa bakasyon nila. Ano bang nangyayari sa'yo kasi?

" Ayoko na ng ganito. Ayoko ng may kahati. Sana naiintindihan mo na sa tuwing nasa kanya ka, hindi ko mapigilan ang sarili kong magselos at mag-isip ng hindi maganda. Pwede bang ako lang kung ako at kung sya ayos lang naman saken. Walang problema. " Kinuha ko yung kumot ko as i know tears may fall again. Sa isip-isip ko, sana ako na lang ang piliin nya.

Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya. " Ayokong mawala ka saken kasi alam mo kung gaano ka kahalaga saken. Pero hindi ko pa talaga kayang sagutin ang tanong mo sa ngayon. Hindi ganun kadali. Kung sakali mang may mahanap kang iba, tatanggapin ko, pero sana huwag na lang. Kung magkaganun man, at maghiwalay pa din kami, aantayin kita. "

Katahimikan na lang ang namagitan pagkatapos. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Paano ko sasagutin ang isang tanong na alam kong ako ang dehado.

Ang sarap sanang pakinggan na " aantayin kita " kung naiba ang sitwasyon. 

Hanggang ngayon gulong-gulo pa ako. Siguro nga nahihirapan akong makipaghiwalay kasi nanghihinayang ako sa pinagsamahan at pinagdaanan naming dalawa. 

Sayang!!!

Pero, minsan kailangan talagang magbawas na para may bagong pwedeng paglagyan.

Alam kong di ko pa magagawa 'to ngayon pero balang araw, sana maging tama ang desisyon ko.


Till Next Time,

Diosa



Tuesday, November 15, 2011

Someday


" How could you give your love to someone else, yet share your dreams with me? " - Vanessa Williams

While writing my previous entry, I called up J. " Dito pa ako sa gym. Text kita later. " Sabi nya.

Medyo natagalan syang magtext ulit kaya nahiga na ako at medyo nakakaidlip na ng kunti, at nung naalimpungatan ako, nakita kong may text na pala sya.

" Antok ka na ba? Kakalabas ko lang sa gym. "

I then decided to call him up dun sa number na lagi ko syang tinatawagan. Tatlong beses walang sumasagot. I gave up. So I tried his other number para dun sa girlfriend nya and unlucky for me sinagot nya.

" Kanina pa ako tumatawag sa'yo, ba't di ka sumasagot? Tanong ko sa kanya.
" Sorry po, naiwan ko kasi cp ko, kasi papunta ako sa lam mo na? " Sagot nya.
" Kaninong alam mo na? " Tanong ko na may halo ng pagtataka.

Wala naman akong alam na pupuntahan nya sa dis oras ng gabi.

" Saan ka pupunta? " Pag-uulit ko sa tanong. Medyo nairita na ako ng kunti.
" Sa girlfriend ko, may pasok kasi ako bukas, kukunin ko yung long sleeves ko para sa opisina. " 

Nabigla ako sa sinabi nya. Alam mo yung hindi ka makapag-isip ng sasabihin.

" Ingat ka, yun na lang nasabi ko. " Sabay putol ng linya.

Tulala, hanggang ngayon habang sinusulat ko 'to. Hindi pa din magsink-in saken ang mga nangyari.

Kinuha ko ulit ang cellphone at tinawagan sya.

" Oh, bakit ka tumawag ulit? Tulog ka na. Bukas na tayo mag-usap. "
" Hindi ngayon na, anong oras ka ba uuwi? " Nanginginig na ang boses ko at medyo naiiyak, pero pinilit kong hindi nya marining.
" Dito na ako matutulog sa kanila, tapos didiretso na ako sa trabaho. Tawagan kita bukas ng umaga ha.? "

Namanhid ang buong katawan ko nung marining ko yun. I can't imagine my man, sleeping beside his lover. Isipin ko pa lang, naiirita na ako. 

Sana nagsinungaling na lang sya.

Sana sinabi nya na lang nasa kaibigan sya para mag-overnight.

Sana nagsinungaling na lang sya na uuwi sya pagkatapos, sana hindi nya nalang sinabi.

Hindi pa din ako makatulog. Next ko na to itutuloy, nagbawas lang ako ng sama ng loob.


Till Next Time,

Diosa



Beckies on the Floor.


" I am the most well-known homosexual in the world. - Elton John "

Disclaimer : Ang ayaw magbasa, e di huwag.

Some people say, we homosexuals are born to make this world gay. Kaya hanggang sa opisina, pinaninindigan talaga 'to ng mga beklat. I wanted my readers, kung meron man na makilala ang mga beklat na nagbibigay kulay sa mundong ginagagalawan ko. Let's start off with, Roi.


Isa sa mga unang becky na nakilala ko sa floor. Nasa escalations desk kami dati ng beking ito at nagkakasundo talaga kami sa usapang lovelife. Pag kaibigan mo sya sa FB, maloloka ka sa mga love quotations post nya. Wagas si baklang makapag-post. Try nyong basahin ang mga posts nya.

Next in line, si Sheriff.


Dati ko na syang, nai-post sa mga unang entries ko. Sya ang beking wagas kung maka-gimik. May isang beses na gumimik kami last year. Sa sobrang kalasingan ko at ng pinsan ko nakapag-check-in na kami sa isang hotel para makapag-pahinga sa may Malate area. Nagulat nalang ako, kinumagahan, kumakain kasi ng pinsan ko sa may Vito Cruz nung biglang nagtext ang bakla, " Saan kayo? " Sa text nya. "Dito kumakain sa may Vito Cruz." A few minutes later, dumarating ang becky, naglalakad at may hawak na Tanduay Ice. laking gulat namin sa kanya nung dumating. At take note, may extra bottle pa sya nun para daw samen.

Next in Line, si Pearl.


Sya ang pinakabata sa lahat ng becky sa floor at sya din ang may pinaka-madaming boylet. Tama kayo ng naunang basa, madaming boylet sa floor. Hindi ko man maintindihan at kaming lahat kung anong meron sya na wala kami, per sya talaga ang may pinakamaraming na-link at nabalitang mga otoko sa office. At take note, hindi lang basta balita, cause we have witnessed it with our very own eyes nang bigla nalang may lalapit na mga otoko sa station nya para mag-invite sa kung ano mang lakad. Sa kanya na talaga ang lahat.

At ang susunod, si Jhang.


" Bakla man at malaki sa inyong paningin, may pretty face pa rin ", Yan ang peg ni becky sa buhay. Oh, diba, bet mo ba ang kanyang mestizo looks? Single pa naman yan ngayon. Kung sino interested, DM nyo lang ako sa twitter. Mura lang yan. ( Bugaw? ) Problemado sa lovelife ngayon yan kaya gusto ko syang i-promote dito. Hindi naman sya pangit davah?

Of course, we are just in the middle of my list, to continue we have Anton a.k.a. Rajah.


Her/His/It looks speaks about everything. Sya ang aking sisterhood of the travelling gays. Abuso kung makapag-cross dress diba? Kaso sumakabilang kompanya na ang beking itey. We miss you beks.

And we have Sky.


Ang beking kunng makatawag ng Ginang sa akin ay wagas. Mukha daw akong terror teacher ng Math kung makapagturo.

Ayaw nyang tinatawag na maarte sya, pero kung makapagsalita, daig pa ang isang kolehiyala. Well, what do we expect from someone coming from a very good school.

At ang gwapong virgin na beki, si Nicky.


Ang dami lang bilat na may crush dito. Hindi ko alam kung ayaw nya lang talaga o wala lang pero first time nyang makakembot ( according to him ) nung nasa Cavite kami. Kung sabagay, kahit mag-inarte si beki may karapatan naman. Oh, isa pa ito sa mga binebenta ko. DM nyo lang aketchi.

At mawawala ba ang Seniora ng Hacienda, si Apple.


Oh davah, ikaw na ang girl. Isa din 'tong wagas kung makatawag ng Ginang saken sa opisina. Prettym intelligent and refined are the best adjectives to describe her. Oh kung bet nyo naman ang mga pretty gays, go na sa kanya.

( Ano ba tong entry ko, parang auction na. )

Next in line, ang betty la fea kung badet sa office nung bago palang sya, si Don.


Nung una ko 'tong makita sa floor, Gosh oh m Gosh talaga ang naging reaction paper ng mga becky. Yummy. Kaso lang lason talaga. Hindi ko pa naman peg dati ang kapwa ko mahal ko.

Hindi ko na sya pwedeng ibenta sa inyo, happily taken na sya ng isang equally hot and gorgeous gay.

At last, but not the least. The Mother Becky of All Times, si Mother Audie.


Ang promotor ng lahat ng kabaklaan. Sya yung natatanging becky na kayang aapin ang sinumang otoko sa floor. Minsan nagpunta kami sa kanila for a Gays Night Out at naloka lahat ng badet dahil sa mga nakahandang potahe sa harapan namin. Parang syang nanay na nagpapakain ng mga inakay nya.

" Oh si ano, wala bang kapares. " ang mga linya nya bago sya kumuha ng kanya.

Marami pang iba dyan na di pwedeng pangalanan, sila naman ang nasa post ko next time.

Disclaimer ulit : Kung ayaw mo sa nilalaman ng blog na ito, wag kang magbasa.



Till Next Time,

Diosa


P.S. Blind Item naman next time.


Monday, November 14, 2011

To a Special Guy Whose Celebrating His Special Day.


" Birth may be a matter of a moment, but it is a unique one. - Frederick Leboyer.  "

Para sa isang taong malapit saken. Sayang umalis ka, nagpahanda pa naman kami ng surprise para sa'yo. Eto o,


I wrote this entry to greet a friend, colleague, ex-agent and to a good man. You deserve a very Happy and Enjoyable day today.

Happy Birthday G. 

Till Next Time,

Diosa

P.S. Naipadala ko na gift ko kanina through FEDEX. Chos.