" It takes a couple of seconds to say Hello, but forever to say Goodbye. "
Matapos ang ilang oras nung magkausap kami ni J, hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari. Tulala at nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko. Gulong-gulo ang utak ko hanggang sa di ko namalayan, umiiyak na pala ako.
Ang sagwa sa pakiramdam. Wala kang makausap kasi dis oras na ng gabi. Yun pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang pakiramdam na wala kang matakbuhan at maiyakan. I curled myself like a baby and cried all the hatred and sadness to my bolster.
" Hanggang doon na lang ba talaga? " Sa isip-isip ko. Hihinto sa pag-agos ang mga luha tapos andun na naman.
I was about to fall asleep nung magtext sya.
" Umuwi ako para sa'yo. Tawag ka ulit. "
Hindi ko natiis. I made up my mind at that time. I'll end it all.
" Ano bang nangyayari sa'yo? " Bungad nya pagkasagot ng tawag.
Pinilit kong hindi magpahalata na nag-iiyak na ako. " Bakit ka umuwi? Hindi ko naman sinabing umuwi ka. "
" Paanong hindi ako uuwi sa mga pinagsasabi mo? Nag-alala ako sa'yo baka kung ano na namang tumatakbo dyan sa isip mo. Kahit sa Tondo pa yun, umuwi ako. " Pagpapaliwanag nya. Narinig ko syang bumuntong-hininga sa kabilang linya. " Akala mo siguro magkatabi kaming matulog dun no? "
" Ano pa nga ba? Normal lang naman yun na magkatabi kayong matulog. " Sagot ko sa kanya.
" Hindi no." Pangangatwiran naman nya. " Pag nasa kanila ako, sa sala ako natutulog kasi nga delikadong umuwi pag ganung dis oras na ng gabi. Dun kaya ako na-holdap dati. Hindi nga ako pinapayagan ng mama nya na umuwi, ako lang ang nagpumilit kasi inaalala kita. "
Hindi ko pa din maintindihan ang lahat ng paliwanag nya. Mas nararamdaman ko pa rin ang sakit kesa sa mga sinasabi nya.
" Sagutin mo na kasi yung tinanong ko sa'yo dati. " Halos pabulong na sabi ko. Muntik ko na namang di mapigilan ang paghagulgol.
" Hindi naman madali ang pinapagawa mo. Parang pinapapili mo ako sa kung sa nanay o sa taty ko ako sasama. " Medyo napapalakas na ang boses nya sa telepono. " Subukan mo namang intindihin, nung mga oras na wala ka, sya ang nandyan. Kaya hindi madali para saken na hiwalayan sya. Nung mga oras na gusto ko ng kausap, sya ang nandyan para pakinggan ako. "
Hindi ko na napigilan ang sarili kong isumbat sa kanya ang lahat. " Bakit? Ginusto ko bang lumayo? Sino ba ang unang nagpalit ng number ng hindi ko alam? Hindi kita iniwan, ikaw ang kusang nawala. Nung akala kong tapos na tayo, saka ka naman babalik. Ilang relasyon na ang hindi ko tinuloy kasi lagi kang bumabalik sa tuwing gusto ko ng mag-move on at bakit kailangang ako lang ang laging mag-eeffort saten? Nakakapagod minsan sa totoo lang. "
Parang mga linya sa teleserye pero totoo.
" Huwag mong isumbat saken ang mga bagay na wala akong kagagawan. Kung gusto mo akong sisihin sa bagay na wala akong kasalanan, fine. Pero alam mo sa sarili mong desisyon mo yun. " Alam kong natitimpi na sya sa kabilang linya.
" Hindi ko naman ginusto ang lahat ng nangyari saten. Hindi ko gustong nawalan tayo ng oras sa isa't-isa. " Narinig ko na lang ang isang malalim na buntong hininga sa kabilang linya. " Hindi lang naman ikaw ang nag-effort nung tayo. Kahit wala akong masyadong oras at pera nung nag-aaral pa ako, pinupuntahan kita sa trabaho pag sinasabi mo. Kahit wala akong alam sa Makati, isang sabi mo lang pumupunta ako kahit minsan nauubusan na ako ng allowance. Kung kulang pa para sa'yo yung effort na yun, hindi ko na alam kung ano pang gusto mo. Maski nung nawala ang cellphone ko, hinanap agad kita sa FB kaso wala. Hanggang sa sinabi nga ni lola na may number ka daw sa kanya. I tried calling you pero hindi na gumagana ang number mo. Hanggang sa nahanap ga kita through a common friend. "
Naiyak na ako ng tuluyan habang sinasabi nya yun.
" Hindi lang naman ikaw. Hinanap ko lahat ng mga possible contacts ko nung mga panahon nayun sa'yo. Pinsan mo, mga kaibigan mo, pero wala. Minsan pa nga pumunta ako sa inyo pero hindi ka nagpakita kaya huwag mong isusumbat saken na ikaw lang ang sumubok. Mas lalo na ako. "
Humahagulgol na ako ng mga oras na yun. Masama mang pakinggan ang sumbatan pero, para akong nabunutan ng tinik at nasabi kong lahat ng yun. Hindi ko akalain na magkakalakas ako ng loob na sabihin sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko.
" Hindi tayo nag-usap para magsumbatan. " Sagot nya na lang sa kalmadong boses. " Kung ako ang sinisisi mo kaya hanggang ngayon wala ka pa ding naging ibang karelasyon, wala na akong magagawa dyan. Kung gusto mo, burahin mo lahat ng number ko, block me in facebook. "
" Tingin mo ikakasaya ko yun? " Pinilit kong pakalmahin na ang sarili ko.
" Diba yan naman ang gusto mo? Hindi na kita pipigilan. Kung masaya ka sa iba, okay lang saken. Kung nagkataon na maghiwalay kami ng girlfriend ko at may partner ka pa, ako naman ang magaantay. Huwag mo lang akong madaliin ngayon. " Paliwanag nya. " Masaya naman tayo sa ganito. Hindi naman ako nagkukulang ng oras sa'yo. Trip pa lang natin sa Palawan, sa'yo ako sumama kahit na sinasama ako ng girlfriend ko sa bakasyon nila. Ano bang nangyayari sa'yo kasi?
" Ayoko na ng ganito. Ayoko ng may kahati. Sana naiintindihan mo na sa tuwing nasa kanya ka, hindi ko mapigilan ang sarili kong magselos at mag-isip ng hindi maganda. Pwede bang ako lang kung ako at kung sya ayos lang naman saken. Walang problema. " Kinuha ko yung kumot ko as i know tears may fall again. Sa isip-isip ko, sana ako na lang ang piliin nya.
Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya. " Ayokong mawala ka saken kasi alam mo kung gaano ka kahalaga saken. Pero hindi ko pa talaga kayang sagutin ang tanong mo sa ngayon. Hindi ganun kadali. Kung sakali mang may mahanap kang iba, tatanggapin ko, pero sana huwag na lang. Kung magkaganun man, at maghiwalay pa din kami, aantayin kita. "
Katahimikan na lang ang namagitan pagkatapos. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Paano ko sasagutin ang isang tanong na alam kong ako ang dehado.
Ang sarap sanang pakinggan na " aantayin kita " kung naiba ang sitwasyon.
Hanggang ngayon gulong-gulo pa ako. Siguro nga nahihirapan akong makipaghiwalay kasi nanghihinayang ako sa pinagsamahan at pinagdaanan naming dalawa.
Sayang!!!
Pero, minsan kailangan talagang magbawas na para may bagong pwedeng paglagyan.
Alam kong di ko pa magagawa 'to ngayon pero balang araw, sana maging tama ang desisyon ko.
Till Next Time,
Diosa
hello Diosa!!!
ReplyDeleteganyan talaga ang life ng isang beki! parating nagagamit ng isang mapag-samantalang tao. accept the reality na isa ka lng choice not a fave. pero if you look at the bright side, marami pa dyan ang pwd yon nga lang pag.nagsawa na, itatapon ka na lng sa tabi.
try to love your self first, baka dun lng ang kulang. God provided us with a partner. hindi pa man dumarating yong package nyang BF mo, antayin lng or enjoy being single.
ganun lang talaga ang life.!!!
stay happy and andito lng naman kami. u know where to find us. isang message mo lng, andyan na kami.!!!
Thanks Bang. I am so lucky to have good and long time friends. Hindi naman sya user. It just so happened na kumplikado ang sitwasyon ngayon.
ReplyDeletemegs,
ReplyDeletehayaan mo na dadating yung right guy for you alam mo yan,
just dont stop praying ok?
beverly