" There is no other purest love that a man can find other than a puppy love. "
Haggard ang week na to. 12 straight days ang pasok ko pambayad sa sumalo sa shift ko. Buti na lang nakapag-imbak na ako para dito.
Last week, habang hinahanap ko ang Birth Certificate ko para ipasa dun sa hospital kung saan ako na-confine, may nakita akong mga lumang pahina nang notebook. Kinalkal ko ang mga ito, at nakita ko yung dating mga tula na isinulat ko nung high school palang ako.
Si Jerome, ang unang lalaking nagpatibok ng keps ko. Isa sya sa mga dahilan kung bakit madali kong natanggap kung sino ako.
First year highschool.
Magkahiwalay ang babae at lalaki sa Home Economics subject sa school namin. Kabilang sya dun sa grupo nang mga sutil sa section namin. Palibhasa, 3 lang kaming bakla sa klase, kami ang prinsesa sa subject na 'to. Hindi naman kami binabastos nung mga kaklase namin kasi pag ginawa nila yun, tiyak wala silang makokopyahan pag exams. Si Jerome ang lagi kung katabi, share kami sa libro pag may discussion. Di ko naman sya type nun, bansot kasi. Deadma lang ako sa kanya, at syempre demure, tahimik lang ako nun at ang pino ko pating kumilos. Daig ko pa ang mga babae sa section namin.
Magvavalentine's day nun, napagkatuwaan ng klase namin na sumulat sa isa't - isa. Kunwari may mga trabaho na kami at sa iba't-ibang bansa na nakatira. Literal na nagsusulatan kami, nakalagay pa sa white mailing envelope. Nakareceive ako ng sulat galing sa kanya. Di ko na masyadong matandaan kung ano na yung trabahong nilagay nya, pero nasa US na sya kunwari. Di ko na makabisado yung nilagay nya, pero ang di ko makakalimutan ay yung sinabi nyang,
" Uuwi na ako sa susunod na linggo, gusto kitang makita, at may sasabihin akong mahalaga. "
Nakalagay sa PS note kunwari ng letter nya. Home economics subject na namin nung araw na yun. Tinamad ang teacher namin at pinagbasa lang kami nang isang chapter nung libro at pinagawa ng summary. Syempre, kaming dalawa ulit ang magkapartner. Hahawakan ko na sana sa ilalaim ang libro nang sa pagsapo nya ay nasama pati ang kamay ko. Di ko alam kung ano yung naramdaman ko nun, pero yun yung unang beses na halos maluwa sa di ko kalakihang dibdib ang puso ko ( kahit ngayon naman di pa din kalakihan ). Tatanggalinn ko na sana ang kamay ko pero, di nya ako pinapakawalan. Di na ako makapag-concentrate nun sa ginagawa ko, kaya tinanong ko na lang sa kanya yung tungkol dun sa laro namin. Nagulat ako sa sinabi nya. "Alam mo kung babae ka lang, papasa ka na saken na maging asawa. "
Di ako makapaniwalang sa murang edad namin, nakakapagsalita na sya ng ganun. Di ko alam kung paano magrereact sa sinabi nyang yun. Nanahimik na lang ako. Naging ganito lagi ang set-up. Home economics, bubulatlatin nya ang libro, sasapuin nang palad nya at sa ilalim nun, kasama ang kamay ko. Pag may gardening at kailangan magbungkal nang tataniman lupa, kukunin nya ang gardening tool at sya lang ang gagawa, at ko taga-hawak nung polo-shirt at tubig namin. Para kaming mag-asawa sa kabukiran. Sya ang magsasaka para sa ikabubuhay nang pamilya namin, ako naman ang asawa na maghahanda ng mga kailangan nya. Ahihihi..
Yun ang mga naging unang kilig moments ng aking pagiging buhay bakla. Una kung naramdaman kung paano ang magmahal o ang magka-crush nang walang halong malisya. Sya ang unang lalaking, masasabi kong pinahalagahan ko pero hanggang dun lang yun. Tumagal din ang ganitong set-up hanggang nung second year kami. Natapos ang lahat nung ginawa syang kalove team ng mga kaklase namin sa Class President namin, babae. Tukso-tukso, hanggang sa na-develope ang dalawa. Wala akong laban, Treasurer lang ako. Unti-unting nawala ang ganung set-up namin hanggang sa namalayan ko na lang, wala na sya. Nag-uusap pa din kami, pero di na tulad ng dati. Di ko masasabing ito ang una kong kabiguan sa larangan ng pag-ibig, kasi di naman ako umaasa o pinaasa. Masaya na ako sa naging trato nya saken. Tama na yun. Masyado pa din akong bata para malaman kung ano ang konsepto ng isang relasyon, pero ito ang masasabi kung pinakauna kung subok sa larangang ito.
Unang kilig at holding hands.
Unang regodon ng puso ko.
Unang pagtibok nito sa lenggwahe na tinatawag na pag-ibig.
Wala na siguro pa akong masasabing mas dalisay na pagmamahal ng isang tao gaya nun. Walang bahid malisya at wala sa kung ano man. Siguro ito yung alam kong tinanggap ako nang isang lalaki na walng hinihinging kapalit, kundi dahil sa kung sino lang ako.
Wala na siguro pa akong masasabing mas dalisay na pagmamahal ng isang tao gaya nun. Walang bahid malisya at wala sa kung ano man. Siguro ito yung alam kong tinanggap ako nang isang lalaki na walng hinihinging kapalit, kundi dahil sa kung sino lang ako.
Malaki din ang naitulong nito. Isa akong contibutor noon sa school paper namin. Puro literary pieces ang sinusulat ko. Dahil sa kanya na-inspire akong magsulat.
Jerome, this is the very first piece that I have written and this is all for you.
- Hopeless Romantic -
As I walk down the lonely aisle
It seems farway, mile and mile
And the snow lay on the ground
Still hoping a love to found.
I wish that even just a day
I see myself and there we lay
Talking to each other breathlessly
Spending each second romantically
I wish I was an angel
For you to hold
I wish Iwas a rose
You cheerish more than gold
But all I can do is wait till time
For you to realize
I want you to be mine
Eventhough it seems you don't see
The love I'm offering in eternity
I'll be right here waiting for you
Until the day you say "I love you".
Til Next Time,
Diosa