Saturday, February 19, 2011

I'll be back..



" All changes are more or less tinged with melancholy, for what we are leaving behind is part of ourselves. "

Naospital ako 4 days bago ang aking flight pauwi. Akala ko talaga di matutuloy tong bakasyon ko. Buti na lang, kahit pneumonia ang naging diagnosis ng doctor, 3 consecutive days lang ng high dose antibiotics, tsugi agad ang pesteng bacteria sa aking lungs at dugo. I still need to take medication for 5 more additional days though. Pero okay na yun kesa naman sa di natuloy yung much awaited trip ko.

Excited ang bakla. 12 A.M. nagising kahit kagagaling palang sa ospital. Sinamahan ako ng bestfriennd ko at yung pinsan nyang si Christian at hinatid nila ako sa airport.
Ang bilis ng check-in process mga 15 minutes lang tapos na agad. Around 3:40 ako nag-checkin nun. Kunti lang kasi ang tao. Antay-antay, 5:10 pa kasi ang boarding kaya sulat muna ng blog entry. Ang chaka pa ng public WI-FI ang hirap makaconnect. Wala namang load yung broadband ko.
Antay, antay at antay ulit. Kunting music.

May naupong lalaki sa harap ko. Cute in fairness kaso di ko makunan ng picture sobrang lapit nya. Dyahe talaga kung sabihan kung tanugin ko kung pwede syang kunan ng picture. Di ako makaporma ng stolen shot. Description na lang.

Height : Around 5'6 ( Mas matangkad kasi ako ng kunti nung tuma5yo sya tumayo din ako para sukatin height nya. )
Built : Medium ( I think something is promising inside those shirt. )
Hairstyles: Military Cut ( Shaks parang ang sarap. Tulo laway..ahaha )
Face : Bilugan
Eyes : Parang indian eyes tapos black ang kulay ng mata
Nose : Tama lang, di matangos di din pango.

Kinig ulit ng kanta. Antay, antay at antay ulit. Kunting observation sa mga tao sa paligid. Mas maliit talaga ang Terminal 2 kesa sa 3. Pero mas okay naman to kasi di ka mawawala. Ang bilis kung nahanap nung boarding gate unike sa Terminal 3 muntik pa akong masama sa last call for a flight kasi muntik na akong mawala.

Sa lahat ng mga trip ko, eto ang di planado ang mga gagawin ko. Gusto kong sa lipad ng eroplanong sasakyan ko kasabay nitong maiiwan ang mga ala-ala ko pansamantala sa City. Kasabay ng paglipad ng eroplanong sasakyan ko ay ang pagtapon ko sa mga ala-alang gusto kung makalimutan. Gaya ng nasabi ko sa previous entry ko, sa pagbabalik ko reformatted na ulit ang puso at pagkatao ko.

Di ko alam ang mangyayari sa bakasyon ko. Di naman ako pwedeng maggala ng basta kasi kagagaling ko palang sa hospital. Valentine's day pa naman. Bahala na siguro si kupido kung kanino nya ibibigay ang kalahati ng puso ko. Sana doon sa taong kaya itong tanggapin at alagaan hanggang sa ito'y muling mabuo kasabay ng paghilom ng mga sugat.

Boarding time na...

Ready na ako...
Itabi pansamantala sa sulok ng airport lahat ng ala-ala sa City. Babalikan ko nalang..
1....2.......3 
My home, here I am again.

Til Next Time,

Diosa

No comments:

Post a Comment