Saturday, February 19, 2011

Uso pa pala ang Valentine's Day...


" To the world you may be just one person, but to me you are my world. "


Valentine's Day, nagtext ang isang barkada ko nung college. Nasa Robinson's Place Tacloban daw sya. May date ang gaga pero kanina pa kami pinapapunta gusto nya daw tumakas sa date nya.
Around 5 PM, nagkita kami ni Mommy Joy isa pa sa mga barkada ko din nung college. Ang tagal na din, 2 years na din ang nakakaraan nung huli kaming magkita. Reminiscing the old times habang medyo naglalakad kami sa mall.

6 PM pumunta na kami sa may downtown area. Three lonely souls this Valentines day ang magiging emote namin.

Dreams Cafe and Restaurant, dun na kami nag-dinner. Iba na ang Tacloban kesa sa gala ko dati, 2 years ago wala ang mga acoustic performers sa mga restaurant. But then, here we are, being serenaded habang kumakain. Ibang-iba na ang city na alam ko, ang laki na ng development.

While having dinner, biglang may nagtext. Naloka ako nung mabasa ko yung name na nag-register, Si Ting-ting ang ultimate crush ko nung college ( Flashback. )

First year, first day ko nun. Loner type pa ako, yung mga kilala ko kasi ibang subject yung kinuha nila para sa first period nun. Habang papunta ako nun sa canteen, naka-agaw pansin agad saken yung lalaking kamukha ni Reiley Valeroso ( di ko sure kung kilala nyo pero nasa show na Click sya dati sa GMA, yung love interest ni Angel dun sa show ).

Bigla na lang, sa di ko malamang dahilan, napahinto ako sa harap nya habang nakatitig sa kanya.

Ting : Ano yun? ( Nakangiti pero nagtatakang nakatitig. )

Napahiya ako bigla at napatakbo papunta sa canteen.Kabadong-kabado pero akala ko dahil lang yun sa pagkapahiya, mali, instant crush ko na pala sya. Sa isang subject naman nakilala at classmate ko si Gladys who happens to be a friend ni Ting-ting.

One time, habang papunta naman ako sa next class ko, nakatambay sa lobby uli sya. Para akong tanga, naglalakad habang nakatitig sa kanya. May biglang humablot saken paupo sa isa sa mga sofa dun. Si Gladys pala.

Gladys: Uy san ka papunta? Bakit parang wala ka sa sarili mo, ang layo ng tingin mo. Sino ba yung tinititigan mo dun?
( Sunond-sunod na tanong ng futah sabay tingin sa direksyon na tinitingnan ko. )
Gladys: Uy andun si Ting-ting oh, diba crush mo yun, sandali ipapakilala ko kayo.

Hindi na ako nakasagot sa sobrang pagkabigla. Bigla nasa harap ko na ulit si Gladys kasama na si Ting-ting.
Gladys: Ting si Megs, may crush sya sayo, pwede daw ba makuha number mo?
Di ko alam ang gagawin ko nun. Sobrang kaba at hiya gusto kong bigla na lang dumating ang Apocalypsis at ng lamunin ako ng lupa sa kinatatayuan ko. Di na din ako nakasagot, simpleng nakatulala lang ako.

Ting: Sige ba, akin na cellphone mo.

Para akong Zombie nun, nakatulala lang at sumunod naman ako sa utos nya. Binigay ko cellphone ko. Binigay nya nga number nya at nagdrop call pa sya sa cellphone nya to get my number.
Nung pagkabigay nya ng cellphone, di ko alam anong nangyari, bigla na lang akong tumayo at tumakbo palabas ng campus. Naging regular textmate kami nun pero pag nagkikita kami sa loob ng campus, di ko sya pinapansin. Bigla kasi akong natutuliro pagnakikita ko sya. Minsan sinubukan kung kausapin, muntik na akong mawalan ng ulirat sa sobrang kaba.

Pero nung first year lang yun. As years passed, nakakasama ko na sya minsan sa inuman. Naging BRAD ko pa sya sa fraternity na sinalihan ko ( Oo, kahit bakla ako, kasali ako sa isang fraternity ).
Nawala na yung kabang nararamdaman ko sa kanya, nung una akong magkaboyfriend nung second year. Pero, everytime na makikita at makakasama ko sya sa isang event andun pa din ang kilig. Never naging kami, di ako nag-attempt nun. Marami kasing nagsasabi na marami sya girlfriend. Pero everytime, na nakakasama ko sya sa isang event, tatabi sya saken the whole inuman session, aakbay, hahawak ng kamay tas lagi nyang pakilala saken, asawa nya. Sumisirko ang kipay ko at nagcacartwheel ang puso ko sa tuwing ginagawa nya yun. Never naman akong nagtanong to clarify things. Natakot ako, baka namimiss-interpret ko lang.

Nung nagpunta na ako sa Metro, doon kami nawalan ng communication. Nawala yung contact ko sa kanya nung mawala yung phone number ko nung college.

Nung nasa rough stage na ako sa  relasyon namin ni Gerlad last year, Sinubukan kung tawagan yung sa tingin ko ay number ni Ting-ting. Dati pa naman kasi saulo ko number nya. Nag-ring pero di ko tinuloy baka kasi wrong number pala. I just simply sent a message. After a couple of days saka pa sya nag-reply.
Ting-ting: Sino po to? Pasensya na wala akong load the other day.

Ako: Si megs to. Si ting-ting ba to?
Ting-ting: Uy kumusta ka na? Oo si ting-ting to.
Ako: Buti naman di ka nagpalit ng number. Eto okay lang ako.

Kumustahan at kunting kwentuhan. Magmula noon balik na ulit yung communication. Hindi man lagi pero pag may oras at load, dun kami medyo nagkukumustahan.

Hangang sa nabanggit ko tong bakasyon kong to. Di naman daw sya sure kasi may trabaho pero susubukan daw nya. I was expecting to meet him some other time. Nagulat ako nung magtext sya, Febuary 14. Akala ko magiging lonely valentines ko.

Ting-ting: Megs, antayin ko lang loading nung idedeliver bukas tas puntahan kita.
Ako: Sige ba, sa isang bar lang kami sa may Astrodome maya. Text ka na lang.
Ting-ting: Sige basta puntahan kita dyan, kahit sumaglit lang ako maya-maya.
Ako: Sige i'll see you then.

After dinner, we went to a bar called Jigs. Sayawan,inuman, party to the max. Dumating pa yung isa  kung friend. Around 11, nagtext na sya saken, papunta na sya.

Lumipat kami sa isang videoke bar. Inuman at kumustahan. Na-appreciate ko yung ginawa nya kasi kahit walang pahinga galing sa trabaho at may pasok pa sya ng 5 AM, pumunta pa din sya. Di ko inasahan na mag-eeffort sya ng ganun. Feeling ko umabot ng Manila ulit ang haba ng hair ko.

Inuman ulit, kantahan. Pinakanta ko si Jose, yung friend ko na kamukha ng tikbalang, kaboses ni Regine. Kumakanta si Jose nung favorite song ko na I've Fallen for you. Bigla akong inakbayan ni Ting-ting.

Ting: Akala ko di mo tototohanin na makipagkita saken.
Ako: Akala ko nga kaw yung di magpapakita.
Ting: Di ba kasi dati pa sinabi ko na sayo pag-umuwi ka dapat magkita tayo? Isa pa namiss ko ang asawa ko.

( Sabay halik. )

Gulat na gulat ako sa naging gesture nya. Di lang isa kundi maraming beses. Di ako nakapag-react. Bago saken ang ginagawa nyang yun. Di ako sanay.

The following day, dun kami nagkita ulit at nagkausap. Di na sya lasing kaya dun ko tinanong lahat.

Ako: Anong ibig sabihin nung ginawa mo the other night.
Ting: Alam mo na yun. Magpapakita ba ako sayo kahit walang tulog kung wala lang.
Ako: Does it mean na tayo? ( Kabado sa magiging sagot nya. )
Ting: Oo, di ako magpapakita sayo kung wala lang to.

Hindi ko alam kung anng mangyayari ngayon. Di ko pa nasubukan kung paano ang isang long distance relationship. Ayoko sa ganitong set-up dati. Di ako naniniwala, pero ngayon heto ako sinusubukan kung may pwedeng mangyari.

Di na kami dadaan sa stage na getting to know each other, mahigit walong taon na kaming magkakilala. Tama na siguro yun.

Malaki ang tiwala ko sa kanya. Matagal ko na kasing kilala. Mula nung college na happy go lucky pa sya hanggang sa nag-mature na lang sya.

Di ko alam kung hanggang saan to.
Mahirap umasa pero this time susubukan ko.
Mahirap magtiwala lalo na pag malayo ang karelasyon mo, pero susubukan ko.
Di ako sanay ng di nakikita ang taong mahalaga saken, pero pipilitin ko.

Ang alam ko lang, maganda na din to. Mapapadalas ang uwi ko sa probinsya at madalas ko ding makikita ang pamilya ko.

Ang alam ko lang, mahal ko sya. At ang tagal kong inantay to.




Ang sabi ko dati sa pagbabalik ko reformatted na ang puso ko, maiiwan pala sa probinsya.

Sana eto na to.

Til Next Time,

Diosa

2 comments:

  1. Diosa! Wow, after all these years. I hope things will work out.

    You look happy in the photo =)

    Kane

    ReplyDelete
  2. Kane, thanks for dropping by ang leaving a comment. I hope this will work out.

    ReplyDelete