" It's surprising how much memory is built around things unnoticed at the time. "
One More Week to go. Uuwi na ako sa probinsya ko. Dalawang taon din bago ako nakauwi ulit. Hindi ko namalayan ang panahon ang bilis. Akala ko dati joke lang ang interpretation na to ng mga tao sa oras sa City, totoo pala. Mag-aapat na taon na din pala ako dito sa Metro di ko man lang namalayan.
Namimiss ko na ang adobo ng Mama ko. Namimiss ko na ang rumampa sa gabi kasama ang mga bakla kung kaibigan.
Namimiss ko ang maligo sa dagat.
Kumain ng Pansit Pulis ( Dahil kahit kulang daw sa rekados masarap pa din. Gaya ng pulis kuripot pero masarap pa din. Mali ata ang adjective na ginamit ko. )
Ng Binagol
Ng Moron ( Mabilis ang pagbigkas ng word na to para di mag-iba ng meaning. )
Ng laing ( dapat luto ni Francis para bongga. )
Ng hotcakes ( Pancake local version ).
Uminon ng tuba
Magsawsaw sa sukang pula.
( Pasensya, wala akong nahanap na sukang pulang picture. Maigi na to maprapractice mo ang imagination mo. )
Sumakay sa Pedicab.
Ang mag-punta sa palengke tuwing tabo ( Market Day ).
Lumanghap ng sariwang hanging. Ang bundok sa may tapat ng bahay namin. Ang malamig na hangin tuwing madaling araw. Malapit na.
At higit sa lahat ang pamilya ko.
P.S.
Namimiss ko din pala to.
Ang mga locals. Yun na.
Til Next Time
Diosa
ang cute naman nung otoko.
ReplyDelete