Paunawa : Nakakairita kasi ang mga pangayayari. Kahit out of theme sa blog ko, ipopost ko pa din ito.
Usually 1 hour bago start ng shift ko, nandun na ako sa office nun. Set-up ng tools at kunting chikahan sa mga dear officemates ko. Time para magyosi bago ang shift. Kukuha na sana ako ng coffee sa vending machine nung napasin kung walang ilaw ang libreng pa-kape.
Officemate : Hoy bakla limang piso na ang kape.
Sabi ng officemate ko sabay talikod.
Nakakaloka. Kape limang piso na? Ilang bata na ang pwedeng mapasaya nun? Tapos ako sa kape ko lang gagastusin.
Deadma. Sa isip-isip ko, may libreng kape naman na pwedeng timplahin. Kumuha lang ako ng disposable cup sa vending machine at diretso na para kumuha ng tatlong sachet ng coffee, tatlong creamer at dalawang sachet ng sugar.
Nawawala ang lagayan sa usual na pwesto nito. Di ko makita sa buong pantry. Mauubos ang oras ko kung hahanapin ko a yun. Dumiretso na ako sa yosi area. Nakita ko dun yung isang reliance na kachikahan ko.
Ako : Ruben, asan na ang mga kape?
Ruben : Di din namin alam, bigla na lang inutos kanina na itago.
Muntik na akong mawalan ng ulirat. Kakalokah, ngayon lang ako naka-experience ng company na walang libreng pa-kape. Buti pa sa mga Coffee Party ( lamay ).
Tinapos ko na lang ang pagyoyosi ko. Diretso ng CR ang bakla.
Beauty routine ko to bago magsimula ang haggard na shift. Laking gulat ko na pati yung tissue nawawala na din na malapit sa lababo. Napilitan tuloy akong gamitin ang hand dryer na mas mabilis pa ang hininga kong magpatuyo ng kahit anong basa.
Naiintindihan ko na ngayon kung bakit may mga nawawalang gamit sa opisina. Cross-cutting sabi ng isang teammate ko.
At bilang isang mabuting empleyado, gusto kong magbahagi ng aking mga sariling ideya kung paano pa mas lalong makakatipid sa paggasta ang kompanya.
1. Tanggalin na ang Aircon.
- Nitong mga naakaraang buwan kasi sobra ang lamig sa opisina na nangangahulugan malaki ang kunsumo sa kuryente dahil dito. Maglagay na lang ng bintana or ceiling fan. Nakatipid na, nakatulong pa sa mga tao na di magkapulmonya.
2. Gawing parang video karera ang elevator.
- Sa mga hindi naiintindihan to. Ang ibig kung sabihin, kailangang maghulog muna ng piso bago umandar ang elevator. Maraming advantages to. Una, mapipilitan ang mga taong hindi marunong mag-exercise na maging health conscious. Kailangang gamitin ang hagdan. Pangalawa, we are able to maximize the usage of the facilities. Magagamit na din ng madalas ang hagdan. Pangatlo, ang maiipong salapi ay gawing pundo na ipapautang sa mga agents. May 10% interest per month para abot kaya. Diba, nakatipid ka na, kumita ka pa.
3. Palitan ang mga office chairs ng monoblocks.
- Sa ganitong paraan wala ng mga agents na hindi makakapag-focus sa trabaho. Hindi na maiikot ang upuan, kaya mas magiging focused lahat ng empleyado sa trabaho. Mas magiging productive ang mga empleyado kaya tataas ang kita ng kompanya. At dapat lahat ng empleyado, kanya-kanyang bitbit yun. Sa mga tamad, magset-up ng For Rent na mga monoblocks. Dagdag kita sa kompanya. At ang mga office chairs ay i-auction. Highest bidder wins. Gawing dagdag puhunan ang napagbintahan.
Ilan lang ito sa aking mga suggestions. Kung may karagdagang katanungan, i-send na lang sa aking office e-mail.
Note : Huwag isang HR rep ang mag e-mail baka di ko basahin. Aakalain kung termination letter na yan.
Til Next Time,
Diosa