" Old times will be part of the past. I am wishing you will be part of the present and future too, but I guess you can't be anymore. I just wish you all the best. "
Last Week, nag-iinuman kami ng mga barkada ko nung college. Napasarap ang inuman. Ang tagal din kasi namang hindi nagkita-kita. Almost 6 years na. Kwentuhan at kumustahan hanggang sa napag-usapan namin si Nino, ang nag-iisang barkada naming lalaki nung bago pa lang kami at ex nung isa sa gelat kung friend.
Barkada 1: Kumusta na kaya siya?
Ako: Okay lang siguro, sabi saken ni Julius ( barkada naming bakla ) sa airport daw sya nagtratrabaho ngayon.
Asawa ni Barkada 1 : Di ba may number ka nun? Tawagan nyo kaya?
Ako : May number din ako sa kanya, teka lang.
Ako : Hello, Nino?
Babae : Bakit po?
Ako : Ay. Sino to? Pwede kay Nino? Emergency lang.
( Nashock ako nung babae yung sumagot ).
Babae : Asawa nya to, saglit lang.
( Mas nashock naman ako sa sinabi nung babae ).
Nino : Sino 'to?
Ako : Si Meg to. Kilala mo pa ba ako?
Nino : Oo naman, kumusta ka na? Tagal kong walang balita sa'yo.
Ako : Okay lang, dito kami nag-iinuman. Saglit kausapin mo din sila.
Ibinigay ko na yung telepono dun sa iba naming barkada. Nakakabigla ang mga nangyari. Di ko akalain sa lahat, sya ang medyo mapapaagang mag-asawa. Sabagay 25 is not young, sana lang kaya nya na. Gusto kung ikwento to. Matagal ng nangyari to. Gusto ko lang ilabas na din, bawas space. Tatlong tao lang ang may alam nito. Ako, si bestfriend at si Nino.
Sya si Nino. Ang kaisa-isang barkada naming lalaki mula sa umpisa. Boyfriend din sya nung barkada ko dati. I've seen him mula nung ligawan nya yung barkada namin hanggang sa naging sila. Mabait, talented, intelligent, faithful and caring. I consider him as my ideal man.
Everytime na mag-aaway sila, ako ang naging sumbungan nya. Madalas din akong mag-sleepover sa kanila nun. Magkatabi kami sa pagtulog. Madalas din kaming mag-inuman sa kanila, kahit minsan dalawa lang kami. Until such time, I didn't realize, I was falling in love for him.
Everything was made clear to me nung last December 2006, sa house nila ako nag-sleepover on a Friday night. His girlfriend came with us nung pumunta kami sa kanila. I'm not sure what happened pero bigla na lang umuwi yung barkada naming babae. He went upstairs, sa kwarto nya at sa terrace, bigla na lang nyang binalibag yung isang tabla. Yes, tabla as in kahoy used for building shelters. He even punched the concrete wall at the terrace which caused his knuckles to get wounded. I didn't try to comfort him. I just simply looked at him and then, " Bili tayong redhorse. " Sabi ko. Tumango lang sya at ngumiti.
Nung gabing yun, dalawa sa barkada nyang lalaki na taga sa kanila yung pinapunta nya. Si Mak-mak at si...Nakalimutan ko naman. Nag-inuman kami the whole night at jamming session. May banda pala kasi silang tatlo dati. Si Nino yung lead vocal grupo si Mak-mak sa Base at si nakalimutan ko ang pangalan sa guitar rythm and melody.
That was a wonderful night na until now di ko makalimutan. Mga bandang alas-dos ng madaling araw, umuwi na yung dalawa. Oras na para matulog. I was about to fall asleep. We were having a little chit chat.
Nino : Tama pa ba to? Lagi na lang kaming nag-aaway sa kahit na maliit na bagay lang.
Ako: Tingin mo? Kaya mo pa ba? Barkada mo at barkada ko din pinag-uusapan natin. Bago ka pa sa grupo namin, nakilala mo muna sya bago naging kayo. Kaya alam mo na ugali nya diba?
Nino : Kala ko kasi kaya ko. Masakit din pala pag paulit-ulit na lalo na pagsumasabay pa sa problema ko sa pamilya.
Ako : Mabait naman yun, alam mo yun diba? May topak minsan pero madaling sakyan. Mahal mo diba?
Nino : Oo, wala naman akong doubt dun.
Ako : Yun naman pala. Nasa sa'yo yan.
Bigla nya na lang akong niyakap.
Nino : Salamat, andyan ka para makinig.
Ako : Ganyan role ko sa buhay.
At that time, nasabi ko sa sarili ko. Kung babae lang ako, baka inagaw ko na sya sa kaibigan ko. I don't want to see such a great man suffering. Madalang akong makakita ng lalaking kayang umiyak, and to those men who knows how to aceept what's hurting them inside, I consider them real men.
Nakatulog ako habang naka-akap sya at sa balikat ko yung ulo nya. That was such a magical moment that I have cheerished. I know the guy will not love me gaya ng pagmamahal ko sa kanya, pero di ako nasaktan dun, dahil alam kong di pwede. May mga naging tanong ako dati.
Paano kaya kung babae ako, naging kami kaya?
Paano kung sinabi ko dati sa kanya, may nagbago kaya?
Nawalan na ako nang balita sa kanya mula nung mapunta ako sa metro. I was occupied sa naging buhay ko at kay Gerald. Hanggang sa nagtext saken yung isa pa namin barkada nung college. Hiningi ko number nya and I texted him.
Ako : Nino?
Nino : Sino to?
Ako : Si Meg. Nakuha ko number mo kay Hazel ( barkada namin nung collecge ).
Nino : Kumusta ka na? San ka ba ngayon, bat ngayon ka lang nagparamdam?
Ako : Dito na ako sa Manila, nagtratrabaho. Di ko na nasabi, biglaan kasi.
Kunting kumustahan pa at kwentuhan sa mga nagyari. Hangang...
Ako : Nino, matagal ko ng gustong sabihin sayo to, ayoko lang dati.
Nino : Ano yun?
Ako : Gustong-gusto kita dati. Kung babae nga lang ako malamang inagaw na kita. Ayoko kasing nasasaktan ka.
Nino : Alam ko, naramdaman ko naman yun. Salamat kasi laging nandun ka dati.
Ako : Okay lang, gusto ko din naman ginagawa ko nun eh.
Nino : Sana maging masaya ka sa boyfriend mo ngayon. I-text mo ako pag ikaw naman ang may kailangang iyakan.
Ako : Promise yan ha?
Nino : Promise.
After 2 years, saka ko nasabi sa kanya yun. Pero wala na yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ako nagsisi kung bakit di ko sinabi. Masaya ako para sa kanilang dalawa dati. Nalungkot ako nung nalaman kung di din pala sila nagkatuluyan.
Nino, gusto kung sabihin sayo na isa ka sa mga naging basehan sa mga taong nagiging karelasyon ko. You are my ideal man, but obviously I can't be your ideal girl.
Alam kung hanggang ngayon, may problema ka pa din sa pamilya mo. Matagal ko ng pinagdadasal na sana maayos na yan.
Salamat sa pagpapatulog saken sa bahay nyo dati.
Salamat sa lahat ng alak na nilaklak natin.
Salamat sa lahat ng breakfast na niluto naten sa bahay nyo.
Salamat sa lahat ng kantang tinuro mo saken. Ikaw ang may kasalanan kung bakit rakistang bakla ang tawag saken ni Denver ( My Bestfriend ).
Salamat sa pakikinig sa mga naging heartaches ko din dati.
At higit sa lahat, Salamat sa pagtitiwala.
Sana makapag-shot ulit tayo sa pag-uwi ko sa June kasama ang barkada.
Sana, masaya ka na ngayon. I am hoping your wife will love you more than ayone did. You deserve someone who will do that for you.
You derserve the best wife that a man can have in this world.
Di ko alam, kung paano lalagyan ng katapusan tong entry. I guess, di ko makaya, kasi wala namang nag-simula.
Til Next Time,
Diosa
waaaaaah warai na post an comment? halaba adto nga duro... huhuhu
ReplyDelete