“Even though we've changed and we're all finding our own place in the world, we all know that when the tears fall or the smile spreads across our face, we'll come to each other because no matter where this crazy world takes us, nothing will ever change so much to the point where we're not all still friends.”
Habang nagpapaantok at nagsusurf sa net, binuksan ko ang aking friendster account. Nagcheck ng mga pictures. Ang dami na palang ala-ala ang naimbak dun.
Naalala ko tuloy yung mga unang taong naging kasa-kasama ko sa trabaho ko ngayon. This has been the longest team that I have been with when I was a tier 1 agent. Madalang na lang kaming magkita-kita. Iba-iba na ang trabaho namin sa current company ngayon. Ang iba nag-resign na. Ganun talaga yata ang buhay. Hindi pwedeng lagi mong kasama ang mga taong nasanay ka ng nandyan. Darating at darating din ang panahon na kailangan nilang lumayo. At dahil di na kami nagkikita kita, ito na ang oras para gumanti.
Ipinakikilala ang Great Lakes Team.
Bilang panimula, unahin ang pinakamatagal na empleyado sa team namin nun, si She.
Halos lahat kami nun sa team mga bago or di kaya mga 1 year or 2 palang. Samantalang ang hitad no 'to ay more than 3 years na pala. Isa sa mga batikan. Sya ang taong kilala kong talagang mahilig sa Pink. Kulang na lang sa kanya pati buhok at ngaipin kulayan ng pink. Salamat sa lahat ng naituo mo saken Tiffany. Buti na lang nandyan ka at lahat ng lakad ng grupo tuloy.
Isunod na natin ang Principal ng grupo, Si Roswen.
Minsan kasi habang gumagawa to dati ng stats ng team. Suot nya salamin nya at seryoso ang mukha. Napagdisketahan tuloy nung dalawang lalaki sa team namin. Ms. Tapia magmula nun yung tinawag sa kanya. Salamat girl sa lahat ng pakuha ng break scheds dati. Sa team yata dati, tayong dalawa ang may perfect attendance sa team pag-inuman. Sana binigyan tayo ng bunos dahil dito.
Eto talaga ang totoong dyosa, Si Diosa.
Ang isa sa pinaka-malumanay magsalita na taong kilala ko. Maraming salamat sa Jimmy Choo bag na niregalo mo saken. I love it. Sana okay ka na sa kung saan ka man nagtratrabaho ngayon. Sayang, you could have been one of the best supervisor sa floor.
Ang aking Inuman partner until now, Si AJ.
Ang dalang na nating magkita. Morning ka GY naman ako. Salamat AJ sa lahat ng pagsama mo dati. Kahit dalawa lang tayong nag-iinum at nag-vivideoke. It was such a fun moment that I'll be treasuring for the rest of my life. Salamat sa effort dati just to attend my birthday kahit kinabukasan maaga pa shift mo. Na-touch ako dun. Sana magkasabay na ulit tayo ng rest day, marami na naman tayong boteng tutumbahin.
Si Rhea, ang aking naging live-in partner.
Gaya nung sinabi ko na dati sa previous post ko ( Over ka na sa exposure sa blog ko ha. ), I know you will be a great Mom. Keep up the good work and cheerish all moments with your daughter. I hope to see you soon.
Si Aileen and pinakamatanda sa team. ( Peace Lyn, nagsasabi lang ako ng totoo isa pa di naman halata ).
Sya man ang pinakamay-edad sa team, sya din yung pinaka-active ang lifestyle sa lahat. Lahat yata ng takbuhan dito sa metro sinasalihan nito. Salamat Lyn sa pagsama saken sa pagbili ng regalo sa mga naging boylet ko. Kung di dahil sayo, hindi perfect ang mga magiging gift na yun. Lalo na yung last 2009 na party natin. Na-appreciate nya yung regalo. Salamat sa pagpili nun. Sana di ka magsawa sa pakikinig sa mga kwento ko. Di man tayo nagkikita, alam ko andyan ka lang sa QA area na pwede kong lapitan anytime.
Si Dannie, ang isa pa sa Kikay sa team.
Eto ang babaeng nakilala kung di mabubuhay ng walang make-up. Kung mag pakikayan contest siguro, sya na ang panalo. Minsan may event sa office, dinala nya yung Kikay Kit nya.
Naloka ako, literal na halos mas malaki pa sa kanya. Akala ko nga nung una travelling bag. Punyemas puro make-up pala ang laman. But in all fairness, I so love all of your outfits, most especially your heels. It's Deadly yet fashionable.
Ang susunod ay si Camille. Na-feature ko na din sya sa dati kong entry. Over-exposure ka na din.
Ang hirap maghanap ng solo picture sa FB mo ha. Gaya ng sinabi ko dati dahil wala na talaga akong masabi. I am hoping for the best for both of you. Sana magtuloy-tuloy na yan. Andito lang ako pagkailangan nyo ko.
Wala akong makitang solo pic ni Irish. Eto lang talaga. Ang isa sa pinakamagaling na agent sa team namin dati. Isa din sya sa pinaka-irate na agent na kilala ko. Sana okay ka na dyan sa inyo. Magpapakita ka pa kaya samen?
Ang aking anak-anakan na si Love.
Lahat ng anak-anakan, eto yata yung pinaka-marami ang naging problema sa lovelife. Pati nga gender preference ko problema nito. Ibinugaw ba naman ako sa batchmate naming girl. Although crush ko yung girl, pero di talaga pwede. Oo imaamin ko sa bekilandia, may crush akong girl, gelat, babae, murat. Pasensensya na, di ko sinasadya. Maganda naman sya kaya okay lang.
Sa bahay namin ni Rhea dati sa Pasig, pumupunta lang 'to para umiyak. Sana okay ka na sa kung nasaan ka na. Huwag masyadong dibdibin ang lovelife. Sa lahat pa naman ng anak ko, ikaw ang madalas na pupunta sa mga complicated relationships. Umayos ka at wala na si Mommy sa tabi mo para payuhan ka. At isa pa next time, huwag ng mang-iindian. Ilang beses mo ng ginawa yan. At leche magparamdam ka na samen.
Eto naman ang Three Musketeers ng Team.
Unahin ang pinaka-pasaway sa lahat at feeling nya sya din ang pinaka-gwapo.
Wala akong makitang solo picture ni Jeno. Goodness ang hirap hanapin ng picture nya ha.
Salamat sa album ni Dannie sa FB. Nahanap ko din ang picture na 'to. Ayoko sanang i-post 'to ang pangit ko kasi sa pic, wala na akong magagawa. Kahit sa blogging ko, sakit ka talaga sa ulo. Total wala ka na sa company ngayon. Eto na ang listahan ng mga naging kasalanan nya na sana ibinawas sa back-pay nya.
1. Natutulog habang may calls.
2. Nagcacall-out sa airlines ng walang customer sa line at ang daahilan para matulog.
3. Aalis ng post ng may-kausap. Bakit? Para matulog.
4. Iho-hold ang kausap. Reason again is para matulog.
Lahat ng ginagawa nyang kabalbalan sa trabaho, lahat ng dahilan nun ay ang magawa nya ang isang pinakapipitagan, pinakamarangal at pinaka-productive na gawain ng tao. Ang matulog.
Pinakababaero sa lahat ng lalaking kakilala ko. Eto ang taong di mabubuhay ng walang babae. Pero isa din to sa pinaka-makulit at pinaka-masayang kasama. Sa Christmas party this year paramdam ka para may clown na naman ang grupo.
Eto naman si Harold, ang aking dating Mr. Cute.
Batchmate ko sya sa curent company ko ngayon. Isa sa pinaka-close kong lalaking kaibigan. Nag-offer ako na isai sya sa aking charity dati, tinanggihan nya, may mas marami daw na nangangailangan. Ahihi.
Parang kapatid ko na to. Magiging bayaw ko to pag naging kami na ng utol nya, si Kiko. Tol salamat sa lahat. In a short span of time and dami na nating pinag-daanan nina Camille. Sana magtagal kayo. Alagaan mo pamilya mo ngayon.
( Ano ba to. Mamatay na ba ako? Bakit parang mga habilin ang mga pinagsasasabi ko.. )
Sige ito nalang, ikaw lang ang Mr. Cute para saken. Lagot na ko kay Camille.
At last but not the least, ang pinuno ng Team Nurvana. Ang pinagkakapitagan, ang kagalang-galang at lasenggerong si Nur.
Pero syempre, babawiin ko ang huling sinabi ko. Manager na sya ngayon. Baka masesante ako sa trabaho. At dahil sya ang pinuno, dapat may isa pa syang picture.
May future talaga tong supervisor namin dati. One of the best supervisor to handle a team. Madalang akong makakita ng taong kayang ipag-utos ang respeto in a cool way. Promotor ng lahat ng inuman. Boss, thank you for making us such a great time. You deserve more then where you are right now.
Kung wala siguro 'tong mga taong to dati, malamang wala na ako sa current company ko ngayon. Tama nga siguro ang iba, you stay in your job, not becase of the compensation but more because of the people you work with. Wala na sa team namin dati ang di pa napro-promote which shows how great the team was.
Sa Team Nurvana, The ever Great Lakes Team :
Thank you an Congratulations to all. A job well done.
Til Next Time,
Diosa
P.S.
Ang tagal nitong blog na to. Last Feb ko pa binubuo ang concept. Wew..
KEEP UP THE GOOD WORK MEG!!!
ReplyDelete