Thursday, March 17, 2011

Tsunami Sila, Baha Naman Kami



Hindi ko na kinakaya 'tong mga balitang to. Una tsunami threat nung magkaroon sa Japan. Buti na lang di natuloy. Ngayon eto naman.

Hindi pangkaraniwan 'tong baha na to. Kahit dati pa naman, meron ng ganito samen. Pero this time, it's different. Flooded ang Palo Center at maging sa may downtown Tacloban.

Sana okay lang ang lahat. Di talaga ako mapakali. Sana walang mangyaring masama, ipinagpapasa-dyos ko na lang lahat.

Sa Pamilya ko, mag-iingat kayo. Alam ko wala sa bahay natin kasi medyo nasa mataas na lugar tayo sa Palo, pero mag-iingat pa din kayo. Magparamdam kayo palagi.

Sa mga bakla kong friends. Wala munang lamyerda. Bawal maglaro sa baha. Chaka ang mga beauty queen na namatay sa Liptospirosis. Tatanggalan kayo ng membership cards pag sinapit nyo to.

Sa iba ko namang mga kaibigan. Wala munang gimik. Sarado ang Tacloban Astrodome, evacuation center muna ito. Kung magpipilit, isiping gumi-gimik ka pa din pero this time may dala ka dapat goods and clothes. Matutong tumulong sa kung sino man ang nangangailangan.

At sa aking asawa, wag kang mamangka sa ibang ilog kahit maraming tubig ngayon dyan. Mag-iingat ka lagi.
Para sa lahat, panalangin  lang ang tanging maitutulong ngayon.

Be safe my beloved Leyte.

Til Next Time,

Diosa

4 comments:

  1. hi napadaan lang..nice blog

    ReplyDelete
  2. balit super disaster ha palo... huhuhu bisan ha balai warai may nabaton... pero ok naman daw it palo according to matet...

    ReplyDelete
  3. @buendiaboy : thank you..( Blush )

    ReplyDelete
  4. @ Leslivar : Maupay nala day..Hayyysss

    ReplyDelete