Saturday, October 24, 2015

Are you Mr. Right?


"We waste time looking for the perfect lover instead of creating the perfect love. - Timothy Oliveira"

Who would have thought I will find you at the darkest moment of my life?

Yan ang nasabi ko sa sarili ko after meeting and spending time with Jp. Sya yung pangalawang taong naisulat ko sa nauna ko ng entry. It's been more than a month since we dated. As we spend time getting to know each other, the more that I am becoming convinced that he might be the one.

Ang dami nyang bagay na ginagawa na hindi ko naranasan kailanman maski kanino. One week na syang naka-assign sa mall na malapit sa office na pinagtatrabahuhan ko. One week, we always go on lunch together. One week that we've been spending more time together.

Last Thursday night, lumabas ako kasama si Joel, yung unang taong nakilala ko during my moving on days. Si Rio and common friend nila at sya. Hindi sa nagmamaganda ako pero because of that, I was able to prove  a lot of things.


(From left to right: Rio, Jp, me and Joel)

Dapat dalawa lang kami ni Joel na lalabas that time pero naisip ko I guess it would be the perfect time to really settle within me kung ano at sino ba talaga ang taong dapat kung pagtuunan ng pansin. Naglunch kami ni Jp that day.

Me: Japs, lalabas kami nina Joel at Rio mamayang gabi. Sama ka?
Jp: Naku 10 pm pa ang out ko.
Me: Ganun ba? Can you still make it, wala ka namang pasok bukas?
Jp: Di lang ako sure but I'll text you.

Hindi na ako umasang darating sya. Nauna kaming magkita around 8:00 pm nina Joel at Rio sa usual na restaurant na pinupuntahan namin ni Joel sa isang mall sa North. I was updating him through text kung nasaan na ako. By the time that I texted him na nandun na ako, may nakita akong lalaki sa papalapit sa table namin. It didn't register automatically na si Jp pala cause I was not totally expecting him. Pagkaupo nya:

Me: Oh! I thought mamaya ka pang bandang 11pm? It's just quarter to 9?
Jp: Nag-early out ako, andun naman ang isang Brand Supervisor, sinabihan ko nalang sya na mag opening shift lang ako. Na-surprise ka ba?

Sabay ngiti..

Me: Oo naman. I didn't expect na pupunta ka pa.
Jp: Sinurprise talaga kita. Sinadya ko.

I was totally amazed how this guy would make such effort to spend time with me and the rest of the gang. He knows what's between me and Joel before pero hindi naging awkward para sa kanya yun. Instead, him and Joel was talking about things that they have in common. We finished drinking at around 11 pm. Nag-aya si Joel na kumain sa isang ihawan na malapit sa kanila. Naglakad na lang kami papunta, tutal malapit lang naman.

Joel was like a kid playing hide and seek while Jp and me were walking together.

Jp: Alam mo may naakikita ako sa inyo ni Joel na pwedeng maging kayo.
Me: Huh? What do you mean?
Jp: Kanina habang nag-iinum tayo, napapansin kong magkasundo kayong dalawa.
Me: Oo, magkasundo talaga kaming dalawa sa biruan, lokohan, ganun. Pero everything is over between me and him. Magkaibigan lang kami. Bakit mo naman nasabi yun.
Jp: Wala lang mukha naman kaayong masayaa.
Me: Akala mo lang yun. Oo masaya kaming magkasama. He is a funny guy to be with. Kenkoy kasi yan. Tingnan mo, nakikipagtaguan pa.

Sabay kaming natawang dalawa nung nakita namin syang nagtatago sa isang poste.

Me: After our conversation before we started, Joel and I started to just be friends. Medyo madaming problema yang taong yan. Ang daming burdens sa buhay. Masyadong complicated.

He didn't say anything. He just simply kept quite.

Kumain na kami at tuloy pa din ang biruan. Around 12 mn, we decided to go home. Lasing na talaga si Rio at Joel.We decided to take a cab and we'll just drop-off Rio sa bahay nila kasi mukhang di nya na kaya.

Pagkasakay namin ng cab, tamang tama ang kantang tumutugtog. Mr. Right, by Kim-Chu;

Ikaw na ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?
Ikaw nga ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba magbabalik ngiti saking mga mata?
Si Mr. Right ka ba?
Mr. Right na ba? Mr. Right ka ba?

Nagkatinginan kaming dalawa at medyo napangiti. To lighten the mood, nagbiro na ako at kunwari nagpa-cute sabay hawi ng buhok ko sa tenga.

Natawa kaming parehas.

Jp: Sige, ihatid na natin si Rio sa bahay nila then hatid na kita sa inyo bago ako umuwi.
Me: Sure ka?
Jp: Yep. I wanted to make sure na safe ka din. At nakainum tayong lahat.

We then dropped-off Rio at pinatuloy na namin sa may bahay ko. He then walked me hanggang sa bahay ko.

Me: Japs, pa-hug naman.

Lambing ko sa kanya while we were sitting in my bed. I was hugging him.

Me: Thank you japs.
Jp: Mas thank you. Salamat Megs sa lahat ng effort mo. You're always there when I needed someone most.
Me: Kaw din. Salamat sa lahat ng effort mo. Sa lahat, lahat ng pinapakita mo.
Jp: Wala yun. Basta, I will always be here for you. Magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas.

He then gave me a sweet kiss in my lips.

It's been a long time, I didn't feel this way. Hinatid ko sya sa may labasan to go home. He hugged me and once again kissed me.

Jp: Pahinga ka ng mabuti. Sleeptight.
Me: I will. Ikaw din, ingat ka and text me when you get home.
Jp: I will.

Sabay halik sa pisngi at sumakay na sya ng tricycle palabas.

Siguro nga gaya ng pagluluto, masarap ang lahat pag tama nag ginamit na ingredients. Bawal ang substitute kasi mag-iiba ang lasa.

Dapat hindi minamadali kasi baka mahilaw. I enjoy lang ang paaghihintay at gawin ang tama para at the end, makuha mo yung tamang lasang hinahanap mo.

Isang buwan mahigit palang kaming lumalabas ni Jp. Ayokong magmadali sa kanya. Gusto ko makilala sya at makilala nya din ako.

Sa ngayon, masaya ako sa nangyayari sameng dalawa. He is the gentleman that I've been looking for.

Sya yung nasasakyan ang moodswings ko at di nya pinapatulan, instead nilalambing nya pa ako. Hindi sya naiilang to hug and kiss me on the cheeks in public. Sya yung lalaking nagbibitbit ng bag ko whenever it's heavy. Sya ang tamang ingredient na hinahanap ko.

I am in cloud nine at the moment. Naibalik na yung kilig na matagal ko ng hindi nararamdaman.

I guess he can be Mr. Right, Now. Madami pang kailangang alamin. Madami pang kailangang mangyari for him to be my Mr. Right and I will be Ms. Right so we can have our Right Love.

P.S. The picture below was taken early morning sa bahay ko after my simple birthday celebration:



Till Next Time,

Diosa




Sunday, October 04, 2015

When Heartches Are Gone..


 
" Just when I think I have learned the way to live, life changes.""
 
Magtatatlong taon na din nung hindi na ako nagsulat. Ang dami ko ng hindi naisulat na nangyari sa buhay ko sa blog na 'to.
 
Wala na kami ni Ryan (si J sa blog na to). Siyam na taon natapos na. Nung huli akong nagsulat tungkol samen, nagging maayos kami. Limang taon na nagtuloy-tuloy kaming dalawa. Madaming naging problema pero nalagpsan naming dalawa. May mga kasalanang nagawa at natutong magpatawad. Pero nitong mga huling taon naming naramdaman ko na na malapit na talaga kaming matapos. Nitong nakaraang hunyo, dumating na nga ang bagay na kinatatakutan ko. Mayo pa lang, madalang na syang pumunta sa bahay. Ang paliwanag nya, may ginagawa syang event kaya nauubos ang oras nya. Napatunayan nya naming tama, pero nung nagkita kami, kinausap ko na sya tungkol sa nararamdaman ko. Hiniling ko sa kanya na kung pwede sana, maramdaman ko ulit sya. Hindi bilang obligasyon yung paguusap naming, kundi bilang kasintahan. Sumangg-ayon naman sya, pero hindi nangyari. Ganun pa din. Dun na ako nakapagdesisyon na humiwalay na. Mahirap, sobrang hirap, sakit. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Hindi ko magawang ngumiti man lang. Kahit sa gitna ng trabaho, bigla na lang akong iiyak. Bigla na lang akong tutunganga. Sinubukan kong makipagbalikan. Pero maganda na din na ayaw nya na kasi kung hindi, baka maulit lang ang lahat. Akala ko kaya kong makipagkaibigan sa kanya, pero hindi pala. Tama nga yata ang sabi nila, hangga't di naayos ang sarili mo at totally moved on ka na, dapat mawalan sa eksena ng buhay mo ang ex mo. Kaya nga ex eh, past na. Wala ng puwang pa sa buhay mo. Tapos na. Mahirap kasi lahat ng mga pangarap nawala. Hindi ko alam kong paano ulit magsisimula. Everything was devastated, hindi ko alam kung paano magpapatuloy ulit.
 
Hanggang sa pinakilala ako ng isa kaibigan sa kanyang kaibigan.
 
 
Sya si Joel, isang store manager sa isang chain of clothing brand. He is older than me. I met him at a time that I was nursing a broken heart. A funny guy. Una kaming nagkita sa Pampanga. And take note, sa SM Pampanga, sa CR ng lalaki. It was an awkward situation when we first saw each other. Naging maganda ang mga una naming labas na dalawa. He is a bit animated. Masayang kausap ang problema lang, napaasa nya ako. Tatlong buwan din kaming llumalabas na dalawa, ang mahirap, hindi nya pa kayang mag commit. I will never be his priority at this point. Pamilya nya muna. I offered myself, but he asked me to wait. I even asked him, I can't take another heartache at this point, but he did. We talked about us last night. Natapos na ang lahat. May panghihinayang, pero hindi ko papalagpasin ang subukan ang new chance ko sa isang taong nagpapangiti saken ngayon. Si Jp.
 
 
I met him through the friends of Joel. Nagkayayaan na mag-inum sa tatay at yung barka ni Joel na si Rio ang nag-invite sa kanya. Nung una, wala lang. Normal lang naman, nothing special nung una kaming nagkita.
 
When I activated my account in facebook again, I added lahat ng barkada ni Joel na nakilala ko. Nakita ko syang naka-tag sa isang post so I added him. Then he sent me a message:
 
Jp: Hi Megs, thank you for adding me as your friend here. Sorry about last time, may reunion kasi kami sa province kailangan kong umalis agad.
 
Me: No problem, madami pa naman siguro ang susunod.
 
Jp: Diba sa eastwood ka? Andito ako ngayon naka duty sa eastwood.
 
Me: Talaga. Punta ka ba kena Rio mamaya?
 
Jp: Oo kaso 11 pm pa out ko.
 
Me: Deretso na din ako kena Rio pagka-out ko bukas.
 
Jp: Ganun ba. Maglalunch ako ng 4pm, yosi tayo?
 
Me: Sige po sure.
 
Then he gave me his number.
 
Then we spent almost an hour talking. I asked him if he wanted to have lunch the following day, and he said yes.
 
Masarap syang kasama. Hindi nya ako kinakahiya. Masarap kakwentuhan kasi he knows when to make fun of something or when he needs to be serious. Nakausap kami nung madaling araw na nung birthday ng kaibigan naming. Habang nagpapaantok, dun kami nagkausap ng tungkol sa lahat. Ang daming mga pangarap na nai-share sa isa't-isa. Mga opinion sa mga bagay-bagay.
 
Kinabukasan, sa hindi naming parehas namamalayan, lagi na kaming nag-uusap. We text each other, not just simply texting pero yung chini-check naming ang isa-t-isa always. Nagtaka ako, pero I do what he does to me too. Friday of that week, inaya ko sya to join us on a drinking session and he said Yes. Dun na kami nakapag-usap ng maayos.
 
Me: Jp, ano ba tayo?
 
Jp: Nagtataka na nga din ako eh. Bakit ba tayo nagtetext ng ganun.
 
Me: Nung una, wala lang. Pero I began to like you. Bakit, are you annoyed?
 
Jp: Hindi, nagustuhan ko nga eh. Yun ang hinahanap ko eh.
 
Me: Talaga? Ganun din kasi ang hinahanap ko eh.
 
Nagtuloy ang usapan tungkol samen. Nasundan pa ang paglabas naming dalawa.
 
Saka ko na itutuloy ang kwento, baka maudlot. Di ko pa alam sa ngayon kung hanggang saan to, pero sa ngayon, pareho kaming masaya.
 
Nga pala, Malaki na din ang nagbago saken, eto na ako ngayon:
 
 
Madami na ding nagbago. Tapos na ako sa 3 month rule, kung muling may kakatok, siguro pwede ng pumasok.
 
Till next time,
 
Signing on, Diosa
 
 

Thursday, October 01, 2015

Ang Pagbabalik - This Time It's For Good


"For  the longest time that I almost forgot what I have loved and will always love to do."

Matagal-tagal din akong hindi nakapag-sulat. Madami ng nagbago at nangyari sa buhay ko. Masasaya, malulungkot. Sana hanggang ngayon may nagbabasa pa din ditto. Muntik ko ng makalimutan to and unang bagay na minahal ko (liban sa aking mga magulang) ang magsulat.

May mga kwento na hindi natapos. May mga totoong karanasang nasimulan at natapos. Mga opinion na hindi ko na mailabas dala ng pagtigil ko sa pagsulat. Sa aking pagbabalik, sisiguraduhhin kong matatapos ang mga nobelang naisulat.  Mga karansang naumpisahan at mga sakit na hindi natuldukan.

Ilaang taon na nga ba? Dalawa, taatlo, apat, di ko na matandaan mula ng huling kusang tumipa ng mga letra ang aking mga daliri. Mula ng huling hinayaan na bumuhos ang nararamdaman sa bawat letrang naisulat. Mula ng ang lahat ng titik sa bawat sinusulat ko ay nagtataglay ng bawat sakit, kaligayahan at pighating aking nararamdaman.

Hanggang dito na lang muna sa ngayon.

Masaya akong muling makabalik sa pagsusulat. Isang kasiyahan na di kailanman matutumbasan ng kahit na ano at kahit na sino.

Kayo, kumusta na? Sana andyan pa din kayo.


Hanggang sa muli...


Nagmamahal,

Diosa