" Just when I think I have learned the way to live, life changes.""
Magtatatlong taon na din nung hindi na ako nagsulat. Ang dami ko ng hindi naisulat na nangyari sa buhay ko sa blog na 'to.
Wala na kami ni Ryan (si J sa blog na to). Siyam na taon natapos na. Nung huli akong nagsulat tungkol samen, nagging maayos kami. Limang taon na nagtuloy-tuloy kaming dalawa. Madaming naging problema pero nalagpsan naming dalawa. May mga kasalanang nagawa at natutong magpatawad. Pero nitong mga huling taon naming naramdaman ko na na malapit na talaga kaming matapos. Nitong nakaraang hunyo, dumating na nga ang bagay na kinatatakutan ko. Mayo pa lang, madalang na syang pumunta sa bahay. Ang paliwanag nya, may ginagawa syang event kaya nauubos ang oras nya. Napatunayan nya naming tama, pero nung nagkita kami, kinausap ko na sya tungkol sa nararamdaman ko. Hiniling ko sa kanya na kung pwede sana, maramdaman ko ulit sya. Hindi bilang obligasyon yung paguusap naming, kundi bilang kasintahan. Sumangg-ayon naman sya, pero hindi nangyari. Ganun pa din. Dun na ako nakapagdesisyon na humiwalay na. Mahirap, sobrang hirap, sakit. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Hindi ko magawang ngumiti man lang. Kahit sa gitna ng trabaho, bigla na lang akong iiyak. Bigla na lang akong tutunganga. Sinubukan kong makipagbalikan. Pero maganda na din na ayaw nya na kasi kung hindi, baka maulit lang ang lahat. Akala ko kaya kong makipagkaibigan sa kanya, pero hindi pala. Tama nga yata ang sabi nila, hangga't di naayos ang sarili mo at totally moved on ka na, dapat mawalan sa eksena ng buhay mo ang ex mo. Kaya nga ex eh, past na. Wala ng puwang pa sa buhay mo. Tapos na. Mahirap kasi lahat ng mga pangarap nawala. Hindi ko alam kong paano ulit magsisimula. Everything was devastated, hindi ko alam kung paano magpapatuloy ulit.
Hanggang sa pinakilala ako ng isa kaibigan sa kanyang kaibigan.
Sya si Joel, isang store manager sa isang chain of clothing brand. He is older than me. I met him at a time that I was nursing a broken heart. A funny guy. Una kaming nagkita sa Pampanga. And take note, sa SM Pampanga, sa CR ng lalaki. It was an awkward situation when we first saw each other. Naging maganda ang mga una naming labas na dalawa. He is a bit animated. Masayang kausap ang problema lang, napaasa nya ako. Tatlong buwan din kaming llumalabas na dalawa, ang mahirap, hindi nya pa kayang mag commit. I will never be his priority at this point. Pamilya nya muna. I offered myself, but he asked me to wait. I even asked him, I can't take another heartache at this point, but he did. We talked about us last night. Natapos na ang lahat. May panghihinayang, pero hindi ko papalagpasin ang subukan ang new chance ko sa isang taong nagpapangiti saken ngayon. Si Jp.
I met him through the friends of Joel. Nagkayayaan na mag-inum sa tatay at yung barka ni Joel na si Rio ang nag-invite sa kanya. Nung una, wala lang. Normal lang naman, nothing special nung una kaming nagkita.
When I activated my account in facebook again, I added lahat ng barkada ni Joel na nakilala ko. Nakita ko syang naka-tag sa isang post so I added him. Then he sent me a message:
Jp: Hi Megs, thank you for adding me as your friend here. Sorry about last time, may reunion kasi kami sa province kailangan kong umalis agad.
Me: No problem, madami pa naman siguro ang susunod.
Jp: Diba sa eastwood ka? Andito ako ngayon naka duty sa eastwood.
Me: Talaga. Punta ka ba kena Rio mamaya?
Jp: Oo kaso 11 pm pa out ko.
Me: Deretso na din ako kena Rio pagka-out ko bukas.
Jp: Ganun ba. Maglalunch ako ng 4pm, yosi tayo?
Me: Sige po sure.
Then he gave me his number.
Then we spent almost an hour talking. I asked him if he wanted to have lunch the following day, and he said yes.
Masarap syang kasama. Hindi nya ako kinakahiya. Masarap kakwentuhan kasi he knows when to make fun of something or when he needs to be serious. Nakausap kami nung madaling araw na nung birthday ng kaibigan naming. Habang nagpapaantok, dun kami nagkausap ng tungkol sa lahat. Ang daming mga pangarap na nai-share sa isa't-isa. Mga opinion sa mga bagay-bagay.
Kinabukasan, sa hindi naming parehas namamalayan, lagi na kaming nag-uusap. We text each other, not just simply texting pero yung chini-check naming ang isa-t-isa always. Nagtaka ako, pero I do what he does to me too. Friday of that week, inaya ko sya to join us on a drinking session and he said Yes. Dun na kami nakapag-usap ng maayos.
Me: Jp, ano ba tayo?
Jp: Nagtataka na nga din ako eh. Bakit ba tayo nagtetext ng ganun.
Me: Nung una, wala lang. Pero I began to like you. Bakit, are you annoyed?
Jp: Hindi, nagustuhan ko nga eh. Yun ang hinahanap ko eh.
Me: Talaga? Ganun din kasi ang hinahanap ko eh.
Nagtuloy ang usapan tungkol samen. Nasundan pa ang paglabas naming dalawa.
Saka ko na itutuloy ang kwento, baka maudlot. Di ko pa alam sa ngayon kung hanggang saan to, pero sa ngayon, pareho kaming masaya.
Nga pala, Malaki na din ang nagbago saken, eto na ako ngayon:
Madami na ding nagbago. Tapos na ako sa 3 month rule, kung muling may kakatok, siguro pwede ng pumasok.
Till next time,
Signing on, Diosa
No comments:
Post a Comment