"We waste time looking for the perfect lover instead of creating the perfect love. - Timothy Oliveira"
Who would have thought I will find you at the darkest moment of my life?
Yan ang nasabi ko sa sarili ko after meeting and spending time with Jp. Sya yung pangalawang taong naisulat ko sa nauna ko ng entry. It's been more than a month since we dated. As we spend time getting to know each other, the more that I am becoming convinced that he might be the one.
Ang dami nyang bagay na ginagawa na hindi ko naranasan kailanman maski kanino. One week na syang naka-assign sa mall na malapit sa office na pinagtatrabahuhan ko. One week, we always go on lunch together. One week that we've been spending more time together.
Last Thursday night, lumabas ako kasama si Joel, yung unang taong nakilala ko during my moving on days. Si Rio and common friend nila at sya. Hindi sa nagmamaganda ako pero because of that, I was able to prove a lot of things.
(From left to right: Rio, Jp, me and Joel)
Dapat dalawa lang kami ni Joel na lalabas that time pero naisip ko I guess it would be the perfect time to really settle within me kung ano at sino ba talaga ang taong dapat kung pagtuunan ng pansin. Naglunch kami ni Jp that day.
Me: Japs, lalabas kami nina Joel at Rio mamayang gabi. Sama ka?
Jp: Naku 10 pm pa ang out ko.
Me: Ganun ba? Can you still make it, wala ka namang pasok bukas?
Jp: Di lang ako sure but I'll text you.
Hindi na ako umasang darating sya. Nauna kaming magkita around 8:00 pm nina Joel at Rio sa usual na restaurant na pinupuntahan namin ni Joel sa isang mall sa North. I was updating him through text kung nasaan na ako. By the time that I texted him na nandun na ako, may nakita akong lalaki sa papalapit sa table namin. It didn't register automatically na si Jp pala cause I was not totally expecting him. Pagkaupo nya:
Me: Oh! I thought mamaya ka pang bandang 11pm? It's just quarter to 9?
Jp: Nag-early out ako, andun naman ang isang Brand Supervisor, sinabihan ko nalang sya na mag opening shift lang ako. Na-surprise ka ba?
Sabay ngiti..
Me: Oo naman. I didn't expect na pupunta ka pa.
Jp: Sinurprise talaga kita. Sinadya ko.
I was totally amazed how this guy would make such effort to spend time with me and the rest of the gang. He knows what's between me and Joel before pero hindi naging awkward para sa kanya yun. Instead, him and Joel was talking about things that they have in common. We finished drinking at around 11 pm. Nag-aya si Joel na kumain sa isang ihawan na malapit sa kanila. Naglakad na lang kami papunta, tutal malapit lang naman.
Joel was like a kid playing hide and seek while Jp and me were walking together.
Jp: Alam mo may naakikita ako sa inyo ni Joel na pwedeng maging kayo.
Me: Huh? What do you mean?
Jp: Kanina habang nag-iinum tayo, napapansin kong magkasundo kayong dalawa.
Me: Oo, magkasundo talaga kaming dalawa sa biruan, lokohan, ganun. Pero everything is over between me and him. Magkaibigan lang kami. Bakit mo naman nasabi yun.
Jp: Wala lang mukha naman kaayong masayaa.
Me: Akala mo lang yun. Oo masaya kaming magkasama. He is a funny guy to be with. Kenkoy kasi yan. Tingnan mo, nakikipagtaguan pa.
Sabay kaming natawang dalawa nung nakita namin syang nagtatago sa isang poste.
Me: After our conversation before we started, Joel and I started to just be friends. Medyo madaming problema yang taong yan. Ang daming burdens sa buhay. Masyadong complicated.
He didn't say anything. He just simply kept quite.
Kumain na kami at tuloy pa din ang biruan. Around 12 mn, we decided to go home. Lasing na talaga si Rio at Joel.We decided to take a cab and we'll just drop-off Rio sa bahay nila kasi mukhang di nya na kaya.
Pagkasakay namin ng cab, tamang tama ang kantang tumutugtog. Mr. Right, by Kim-Chu;
Ikaw na ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?
Ikaw nga ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba ang love of my life?
Ikaw nga ba magbabalik ngiti saking mga mata?
Si Mr. Right ka ba?
Mr. Right na ba? Mr. Right ka ba?
Nagkatinginan kaming dalawa at medyo napangiti. To lighten the mood, nagbiro na ako at kunwari nagpa-cute sabay hawi ng buhok ko sa tenga.
Natawa kaming parehas.
Jp: Sige, ihatid na natin si Rio sa bahay nila then hatid na kita sa inyo bago ako umuwi.
Me: Sure ka?
Jp: Yep. I wanted to make sure na safe ka din. At nakainum tayong lahat.
We then dropped-off Rio at pinatuloy na namin sa may bahay ko. He then walked me hanggang sa bahay ko.
Me: Japs, pa-hug naman.
Lambing ko sa kanya while we were sitting in my bed. I was hugging him.
Me: Thank you japs.
Jp: Mas thank you. Salamat Megs sa lahat ng effort mo. You're always there when I needed someone most.
Me: Kaw din. Salamat sa lahat ng effort mo. Sa lahat, lahat ng pinapakita mo.
Jp: Wala yun. Basta, I will always be here for you. Magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas.
He then gave me a sweet kiss in my lips.
It's been a long time, I didn't feel this way. Hinatid ko sya sa may labasan to go home. He hugged me and once again kissed me.
Jp: Pahinga ka ng mabuti. Sleeptight.
Me: I will. Ikaw din, ingat ka and text me when you get home.
Jp: I will.
Sabay halik sa pisngi at sumakay na sya ng tricycle palabas.
Siguro nga gaya ng pagluluto, masarap ang lahat pag tama nag ginamit na ingredients. Bawal ang substitute kasi mag-iiba ang lasa.
Dapat hindi minamadali kasi baka mahilaw. I enjoy lang ang paaghihintay at gawin ang tama para at the end, makuha mo yung tamang lasang hinahanap mo.
Isang buwan mahigit palang kaming lumalabas ni Jp. Ayokong magmadali sa kanya. Gusto ko makilala sya at makilala nya din ako.
Sa ngayon, masaya ako sa nangyayari sameng dalawa. He is the gentleman that I've been looking for.
Sya yung nasasakyan ang moodswings ko at di nya pinapatulan, instead nilalambing nya pa ako. Hindi sya naiilang to hug and kiss me on the cheeks in public. Sya yung lalaking nagbibitbit ng bag ko whenever it's heavy. Sya ang tamang ingredient na hinahanap ko.
I am in cloud nine at the moment. Naibalik na yung kilig na matagal ko ng hindi nararamdaman.
I guess he can be Mr. Right, Now. Madami pang kailangang alamin. Madami pang kailangang mangyari for him to be my Mr. Right and I will be Ms. Right so we can have our Right Love.
P.S. The picture below was taken early morning sa bahay ko after my simple birthday celebration:
Till Next Time,
Diosa
No comments:
Post a Comment