Bilang pasasalamat sa mga nagcomments sa mga entries ko, kayo ang aking magiging entry ngayon. Kahit tumutol kayo wala na kayong magagawa. Blog ko 'to, magbasa nalang.
Unahin ang pinakaunang nagbasa, si Sheriff.
Isa sa mga naging gimik buddies from the Tier 1 folks. Dalawa palang ang naging entries ko nun at sya agad ang nagbasa. Thank you sa lahat becky mae. Gimik sessions and imuman sessions. Maraming salamat din sa pag-aalaga sa aking si Bj ang aking Baby Cras ( blush ).
At ang pinaka-unang nagcomment, si Jayma ( Kat-Kat ).
Di pa man nya tinatype ang comment nya, alam ko na agad. Pagkatapos na pagkatapos basahin ang mga entries kahit bawal sa office ang gawin yun, nilapitan nya ko at kung ano yung mga sinabi nya, yun din ang comment na sinulat nya. ( Hindi na nag-effort pang mag-isip ). Marse maraming salamat sa walang humpay na pakikinig sa mga sweet nothings na minsan ay gustong-gusto kong sabihin para kiligin. As I have mentioned sa comment section, you're one of the new friends worth keeping.
P.S. Thank you din sa supply ng yosi everyday. ahihi.
Sa pinakauna kung naging follower na si Rhea.
Ang kaisa-isang girl na nagiing live-in partner ko. Maraming salamat sa lahat ng redhorse na natira natin sa bahay sa pasig, sa mga luhang pumatak na para tayong tangang dalawa pag nage-emo na, at sa lahat ng goblets na nabasag habang hinuhugasan mo paglasing ka. Maraming salamat. Alam ko masaya ka na kasama ang lalaking mahal mo pati na ang iyong little angel. Alagaan mo silang dalawa. And in the event that trials may come along, don't give up, always put up a best fight. I'll see you soon.
P.S. Mas magpapasalamat pala ako kung nag comment ka din.
Si Bang-bang ( Leslivar ).
Isa sa pinakamatagal and closest friend ko. Eversince high school. Nasa cebu sya, matagal man kaming di nagkikita we see to it na constant pa din ang communication. Binansagan kami, kasama yung isa pang bakla sa section namin na Tres Marias. Kagagawan ng teacher namin sa English. Nagkita kami 4 years after nag transfer sya sa Cebu nung second year high shool kami. Ang pinakamalandi samen nun naging pinakabrusko din. Magmula nun lahat ng bruskong lalaki pinagdududahan ko na. ( Pero sasabihin kung joke ang statement na to kahit totoo baka magalit si Bang-bang . )
Salamat Bang sa mga taon, ng pagkakaibigan. I don't know how life would be if a Bang-bang is not around. Sana mahanap mo na din ang fish na kakain ng paing mo ( bakit ang sagwang pakinggan ng sinulat ko ? ).
Eto naman si Camille ( Ice Princess ).
Obvious naman siguro kung sino sya pero kung di pa din, yung babae sa picture. Sya si Camille. Isa sa pinakauna kong naging kaibigan sa current company na pinagtatrabahuhan ko. Isa din sa closest friend ko mula nung napadpad ako dito sa Metro. Katabi nya sa picture na to yung ex ko matapos nyang agawin. Ahihi. ( Kung may harsh comment ka dito okay lang comment lang naman. Wala ka na din magagawa nasulat ko na ).
I have been a witness and an accomplice sa relasyon mo. Masaya ako kasi yung inaakala kug relasyon na di magtatagal had surpassed the timeframe that I have set. Gusto kong ihingi ng tawad ang di paniniwala sayo, pero dahil din sa nakita ko sa naging relasyon mo, dun ako naniwala sa kakayahan ng pag-ibig. Maraming salamat sa pagtuturo saken ng bagay na yan. Di mo man sinadya.
Tama ka sa sinabi mo sa comment mo, friends are one of the best reasons for me to stay here in the metro. At isa ka sa mga friends na yun.
Ang susunond ay si Emms ( Silver Blue ).
Ang aking one and only Darling. Officemate ko sya dati sa first company na pinagtrabahuhan ko. Matapos madissolve ang account namin, sa Canada na sya nagpunta. Pasensya ka na kung di na tayo nagkita bago ka umalis but I'm glad na in 2 years time na di tayo nagkikita, masasabi kung malapit ka pa din sa puso ko. Salamat sa constant hi's, hellos and miss you messages. I appreciate it. Nalungkot ako sa kinahantungan ng relasyon nyo. Di ko alam ang nangyari pero sa paguwi mo sana may time tayong makapag-usap. Alam ko may magandang dahilan. Ang hiling ko lang, sana masaya ka at alagaan mo lagi sarili mo.
Nga pala wag mong kalimutang dalhan ako ng bag na nasa likod mo pag-uwi. Pag wala kang pasalubong, wag ka ng umuwi. Ahihihi..Let's keep in touch.
Kay Crystal ( Pagod ng magupload ng picture habang nagsusulat ).
Isa sa mga bago kong kaibigan. Wala sa hitsura pero pang totoo, lagpas na sa kalendaryo ang edad nya ( nasabi ko na di ko na babawiin ). Ang lagi kong kasabay sa Tier 2. Dati inis na inis ako sa kanya, nung bago palang kasi sya team namin magtatanong sya saken tapos magtatanong ulit sa iba. Walang tiwala. Ngayon isa sya sa closest buddy ko sa office. I have seen you grow sa team natin at masasabi kong isa ka na sa pinaka-reliable sa team. Salamat sa kilig moments natin sa office habang tinititigan mo ang picture ni Gu Jun Pyo ( ng Boys Over Flowers ) at ako naman sa picture ni Dan habang kinakausap kung avail. Para man tayong sira ulo, okay lang wala naman tayong stress habang nmagtatrabaho. At sana sa susunod magbasa ng instrcutions kung pano magleave ng comment sa blog entries.
At last but not the least kay Pam.
Isa sa mga team mates ko. Wala akong masasabi na masyado about her. Ang alam ko di man tayo close, I know your kind kasi binasa mo ang mga entries ko ( Ang baba w ng basehan ). Seriously Pam, thanks a lot for reading my entries, sana may comment ng kasama sa susunod.
Girl, galingan mo sa team. Magaling kang employee kasi nung nagsisimula pa lang ako dyan, ikaw ang isa sa mga agents na nagbarge ako. Kaya mo yan.
Sana dumami pa at sana wag kayong magsawang magbasa at mag iwan naman kayo ng comments. Salamat ulit sa inyo.
Til next time,
Diosa