Saturday, January 22, 2011

If you're not the One.


After posting my last entry, para  akong nabunutan ng tinik. Biglang nag text si Dan. Nasa Tarlac daw sya at di nya dala cellphone nya. Sa kung anong dahilan, hindi ko na inalam. Masasaktan lang ako. I am just glad na okay sya.

" Pasensya ka na. Di man lang kita natetext bawi ako sa susunod. " Sabi sa text nya. Kulang na lang sumirko ang kipay ko sa sobrang tuwa ng mga oras na yun.

" Okay lang, I was just worried kasi maski tawag di ka sumasagot. " Reply ko naman.

We exchanged few more text messages and we bade goodbye.

Sa di ko maintindihang kadahilanan, kahit pilit kong intindihin ay kung bakit may mga taong dapat mong makilala kahit alam mong mawawala din sayo. I haven't known Dan for such a long time. Wala pang isang buwan. Isa sa mga naging prinsipyo ko sa buhay ay ang kilalanin muna ang isang tao bago ang lahat. 

Kagabi, nagiinuman kami ng mga housemate ko. A familiar song was played. 

If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call?
If you are not mine would I have the strength to stand at all?

Bakit nga ba? Bakit kahit alam mong mali at di pwede, tutol ang utak mo, ayaw magpapigil ng puso mo. Corny pero totoo. Lumang kasabihan na nga yung kaya nilagay ang utak sa ibabaw ng puso so it can rule over the stupid decisions that a heart will blindly make. Madaling sabihin, mahirap gawin. 

Hindi ko masasabi sa ngayon kung dapat ba talaga lahat ng nararamdaman ko for Dan. I know I'm infatuated , I can't say its love but if it will eventually lead to that, so be it. Life is too short to deprive myself in pushing unto something that I want. Hindi ko masasabi kung ano ang magiging ending ng chapter na to ng buhay ko. Ang alam ko lang, I have promised myself that I will push it to the limit. If all the efforts will not be enough, at least, at the end of the day there will no What if's left unanswered.


Till Next time

Diosa


4 comments:

  1. ana siya na nga,, malaki ka na,, u know what to do.. Learn from your own mistakes... hehe

    Btw, i love the song too and ang layo ng Tarlac (i know because that's my province) para hindi ka magdala ng cellphone. Sorry girl but i think it's a lame reason.. peace ;-)

    ReplyDelete
  2. move on girl... i know marami pang isda sa laot na karapatdapat na makuha mo... or just wait for the time... ikaw kasi, nagmamadali ka... take it slow... if time permits it will come into ur life...

    just move on!!!

    ReplyDelete
  3. take it easy darling. enjoy mo lang kung ano meron :)

    ReplyDelete
  4. Pleasure of love lasts but a moment, Pain of love lasts a lifetime.

    Ouch!

    ReplyDelete