Sunday, January 09, 2011

NEW year..New Guy?

Ang sabi sa Chinese Calendar, year 2011 is the year of the Rabbit. Alam kung alam mo na ito pero feel ko lang ulitin. Minsan habang walang magawa sa office, naisipan kung basahin ang kapalaran ko this 2011 kahit bawal magaccess ng ganitong websites. Sa lahat daw ng taong ipinanganak sa year of the Rabbit, muling liligaya daw ang love life namin. Muntik na akong hindi maniwala hanggang sa nangyari ang kwentong ito..

( Insert drum Roll ulit )

Exerpt from my old blog site. http://streytako.travellerspoint.com/

January 1 I was set to visit a long time friend sa Olongapo. Everything was planned and set for that. Ang kaso ang contact ko hindi na nagparamdan.

December 31 bago matulog. Ring lang ng ring ang cellphone ng friend ko. I was just simply thinking na baka busy sya for the preparations. Ang kaso new year's day, ganun pa din hanggang sa pinagpatayan na ako ng gaga. At syempre dahil dati akong Girls Scout lagi akong may plan B. Together with my bestfriend, dun na kami nagpunta sa magandang lugar ng Fairview Quezon City. Nothing much to be expected though. The usual inuman during the night of January 1. At usual din na nakabooking na naman ang friend ko. Ako, kinailangan ng matulog nun, di pa kasi ako nakakabawi during that week sa sobrang kapaguran sa trabaho ( promise wala akong nabooking ). The following day, si Angie, cousin of my bestfriend, sya yung nag-invite samen to join them sa isang inuman session kasama yung college friends nya. Palibahasa inum lang ang wala ako minsan, go naman kami ng bestfriend ko. Dahil ito ang simula ng taon, una kong ipapakilala sa inyo ang mga taong naging kasama ng aking late new year's celebration. Eto ang mga babaeng laging lason sa lipunan, chos..



Unahin ang host ng event. Si Angie yung nag-invite samen..May hawig sya kay Angel Locsin ng konti..Mga after 30 years or pag naaksident sya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya this year dahil sa kanya nakilala ko ang taong nagpatibok ng aking Keps. Pero kailangang bawiin ang unang mga sinabi ko dahil baka di na nya ko i-promote sa bet kung kaklase nya.




Eto ang dalawang Virgin sa grupo nila. Nakalimutan ko yung name, basta yung nasa kanan, cute yan in person di lang halata, at yung isa pre-school teacher. NBSB yung dalawa, pero di ako naniwala, parang mas bagay ang NBFL ( No Boyfriends for Life ). At syempre dahil baka mabasa nila ang entry, kailangang bawiin ulit lahat ng sinabi. Nung makita ko nga ang dalawa, nalaman kung maganda palang mabuhay. May mas malala pa pala saken. Chos..



Eto naman si Rio. Yung babaeng gusto kong ipa-firing squad nung gabing yun. Kasama nya yung boyfriend nya at that time, na infairness super yummy. Di ko nga lang nakunan. Nasabi ko ulit sa sarili ko that time na unfair ang buhay nung makita ko sya. Wala kaming picture na dalawa, naniniwala kasi ako sa kasabihang, walang taong pangit, depende sa katabi. Since gusto kong gumanda dun ako tumabi sa naunang dalawa. Ahihi..( Girls, walang personalan entry lang. )

Mga around 11 PM may dumating pang dalawa. Syempre kung may single kailangan at mandatory sa mga barkadahan ang may mag-jowa.



Sa kasamaang palad, nakalimutan ko din yung name. Wala naman akong mapagtanungan ng may pangalan nila habang sinusulat tong entry. ( Queue here SUSTAGEN premium commercial .) Hindi pa lasing yung girl dyan. Yung totoo di pa nga tumatagay. Sweet lang kasi sila.


At syempre, hindi mawawala ang mga nagpasaya sa gabi namin ng bestfriend ko. Pero bago yan, let me introduce ang tinaguriang champion sa mga gay beauty pagaeants:



Noon...


Ngayon..

This is Denver, my dear best friend. Sya ang nagturo saken kung paano ko gamitin ang aking pagkababae. Wala man sa hitsura ng katawan pero dati syang beauconera..Titlest in different competitions maging ito man ay pang baranggay or pang provincial. Kaso that was 2 years ago. Nung maging teacher sya sa isang University dito sa Quezon City..Hayun tumaba..Ngayon sabi nya diet sya, pero wala namng effect. Makakita lang ng pagkain, bukas na lang daw sya uli magdadiet.



Sya naman si Nestor. Currently working in Maxim Hotel. Sabi nya may discount daw pag ako yung nagcheck-in basta kasama sya. Ahihi.. Pero syempre gawa-gawa ko lang yung kwentong yan. Hindi sya photogenic, pero in real life cute sya. May kalakihan yung tyan pero keri na. Walang arte arte sa baklang gustong makakeme.

And last, sya si Dan. ( Kinikilig habang nagtatype. )


Hindi sya kamag-anak ni jamby ( tumboy ). Akala ko nung una kung makita lesbiana. Pinakatitigan ko talaga  ng mabuti. In fairness may nocheness pala. One of the very kind persons that I know ( Kung paano ko nalaman na kind sya ay saken na lang yun -  Landian ang naiisip ko habang tinatype ko to . ) Ahihi. Napatunayan ko talagang lalaki sya kasi hindi sya ilag sa mga gaya ko. This is the first time na nakafeel talaga ako na ang pechay ko ay para sa kanya kahit first meeting pa lang. You will know your soulmate when you met him or her instantly. Pero pauso ko lang ulit to.


Natapos ko na last year ang relasyon na matagal ko na sanang tinapos. I talked to my ex about it. We parted as friends. Sana this 2011 iba naman kakasawa na kasing kumain ng ampalaya always. Sa lahat ng mga anito na marunong magbasa ng blog,  guide my heart to someone who can take care of it.

Till next time..

Love,

Dio-sa

4 comments:

  1. Very cute indeed..Hayss. Na miss ko na naman si emmanuel..

    ReplyDelete
  2. cutee cutee ni dan. reminds me of someone with the same name hehehehe ...

    ReplyDelete