Patulog na sana ako. Nagpapaantok hangang sa nabasa ko ang dalawang magkasunod na write up ng isang blog na matagal ko ng binabasa. A lot of old memories came rushing to my mind nung pinatugtog ko yung song sa site. Bittersweet. Kumusta na kaya sya.
Tumutulo ang mga luha ko habang sinusulat to. Kasama sipon. Hindi ko alam kung anong nangyari, basta natapos na lang ng ganun.
Sya si Ryan. Pero tawag ko sa kanya si Gerald ( Di ko alam kung bakit, pero maski lola nya ganun din tawag sa kanya). It has been more than 3 years ng dahil sa kanya napunta ako dito sa City Of Manila. Akala ko nung una pwedeng magtagal. Akala ko lang pala. Bakasyunista sya sa province namin last 2007. At bilang sugo mula sa badetlandia, isa sa mga misyon dito sa mundo ay ang makipaglampungan sa kung sino mang cute ang makikilala ko. Bago sya sa lugar namin, haliparot ako. Match ang situation nya sa attitude ko. Nadala sa pakuha-kuha ng number hanggang sa sya na mismo nagtext na pupuntahan nya ako sa house. From getting to know each other hanggang sa after a few meetings, tinanong nya nalang ako bigla kung gusto nyang maging kami. Naloka man ako sa mga pangyayari, di na ako nagpakyeme pa. Go lang. Yung mga araw na yun ang masasabi kong pinakamasaya sa aking buhay pag-ibig. Dun ko narandaman kung paano mahalin at alagaan ng totoo ng isang taong mahal at tanggap ako sa kung sino ako. Hindi ko alam nung mga panahong yun kung totoo, basta ang alam ko masaya ako at gusto ko lahat nang mararamdaman ko. Nang dahil sa kanya, muli akong naniwala sa hiwaga na magagawa ng pag-ibig. Kinailangan nyang bumalik sa Maynila for his studies. I promised myself at that time na pag tuloy parin ang communication namin, no matter what susunod ako. Month of May sya umalis and in a span of 2 months na constant ang communication, nag-decide akong sumunod. I was just 19 then. Di ko alam ang Manila, I never have been here kasi ayaw ko sa city. Ayaw man akong payagan ng parents ko, pero naintindihan ako ng mother ko. Go for an adventure. At dahil ginusto ko ito, di ako nagpasuporta sa parents ko. I literally started a life of my own. Lucky for me in a span of 2 weeks nakakuha agad ako ng trabaho sa Makati. First year that I was here, all my dreams came true. Like a usual heterosexual cuple, we often set days of the week to meet or pagbusy sa work, minsan sinusundo nya ako kahit sa Caloocan pa sya galing. It went okay for 1, 2 years. As months would pass, after such long time naging bigla na lang madalang ang pakikita namin. Mas lalo pa nung naging sobrang busy sya sa pag-aaral and finally sa naging first job nya. I tried to understand everything. I would always make sure na bago sya matulog at bago magsimula ang trabaho ko sa gabi, we would talk to each other para kumustahin ang araw ng isa't-isa. Hangang sa di ko alam kung anong nangyari nawalan ng panahon kahit sa text na lang. I tried to visit him sa house nila kaso hindi ko alam kung bakit pero every single moment na ganun laging di nagtatama oras namin. It's either may lakad sya or busy sya sa trabaho. I tried to push it to the limit kahit nararamdaman kong meron ng iba. Until nangyari lahat ng ng kinatatakutan ng kahit na sino sa isang relasyon. We finally settled to talk and discuss what's happening. Masakit habang sinasabi nyang sa mga buwang di kami nagkausap, may babaeng pumuno sa nabakante kung lugar. Inakala ko nung una sa piling lang nya, yun pala pati sa role ko sa buhay at puso nya. I felt betrayed oo, pero alam kong darating ang mga panahong to. Gustuhin ko mang ipaglaban, kaso mas pinili ko na lang na magpaubaya. Tama na siguro yung nangako sya dati. Abuso na kung tutuparin pa nya. We ended the conversation, with him being a friend of mine and me, having shattered dreams and a broken heart. Wala na ang reason ko kung bakit andito ako sa city. Ngayon naiisip ko na lang, ano kaya ang nangyari kung lumaban pa ako. May nagbago kaya? Hindi ko masabi until now. As a dear friend of mine always tells me. " Moving on is something that will not happen in a timeframe you have set, it will happen at its own will. "
Patulog na ako, nakikinig ng music nang may marinig akong pinatugtog ng Dj.Goodnight.
Marsh, na-sad akong bigla.. di ko lam na ganun pala ang nangyari.. don't worry marsh, i am always here for you.. =)
ReplyDeleteHahaha..Don't be..I'm happy now..At least friends kami at okay ako sa family nya..hahaha..Thank you marsh..You're one of my new found friend worth keeping.
ReplyDeleteDear Ako si Diosa,
ReplyDeleteThere are a lot of reasons to stay here in Manila, maybe at that time Gerald is the main reason why you pushed yourself to settle to a strange land. Think positive, the circle of friends that you have right can be the best reason why you wished to stay. Like what i always tell you, "others will pass by your life in a speed of a train, they will hurt you like you were hit by a lightning bolt, you may not see your friends as often as those who passed by, but when you fall they will never let you face the ground". Do not lose faith on your dreams, once you find inner peace, darkness will fade.. :)
I hope to see you soon, i hope that when you hear this song again, tatawanan mo na lang ung mga time na iniiyakan mo si Gerald, at maalala mo na lang ung pagtulo ng sipon mo... ;-)
Love Lots,
♥ ice princess ♥
darling, forget him. i know moving on is one of the hardest thing to do in this world, but with the help of your friends and family, i know you can do it! ako nga nga nagawa ko kaya magagawa mo rin! i know may right person for you. just be patient.. cheer up! :)
ReplyDeleteyan darling nagcomment na ko, as i promised!:)
ibang name nga lang gamit ko.. :)