" Maligaya akong nakita kitang muli, hindi ko lang malaman kung tama ba itong nararamdaman ko. Ang alam ko lang masaya ako. "
Nobyembre 19, 1896
Isang pagtitipon ang idinaraos tuwing Sabado ng hapon sa plasa ng nayon. Ito ang unang beses na dadalo ako sa pagtitipon na ito. Nauna na ang aking ama at ina sa pagdarausan ng kasiyahan. Hindi ko pa din makalimutan hanggang sa ngayon ang hardinerong nakilala ko magtatatlong linggo na ang nakakaraan.
" Seniorito, andyan na po ang karawaheng maghahatid sa inyo sa plasa. " Tawag saken ni Juanita ang isa sa mga katulong sa mansion. Ang pamilya nya ang isa sa pinakamatagal ng naninilbihan sa mansion. Magmula pa sa mga ninuno nito na syang naging tagapag-silbi ng aming pamilya.
" Susunod na ako. " magiliw kong sagot.
" Sya nga pala, kilala mo ba ang hardinero ng mansion? " Tanong ko dito bago pa umalis. Nakaharap lang ako sa salamin habang inaayos ang aking kurbata. Ito naman ay nasa may pintuan.
" Opo Seniorito. Si Emmanuel ang apo ng isang katiwala ng hacienda. " Pahayag nito habang nakayuko.
" Bakit halos hindi sya nagpapakita dito sa mansion? Hindi kaya, hindi maalagaan ng maayos ang mga bulaklak ng hardin?
" May mga tauhan po talagang araw-araw ay nagbabantay sa hardin. Si Emmanuel po ang nakatoka sa pagdedesinyo ng buong hardin lamang kaya po minsan lang syang pumunta. At sa pagkakaalam ko po nag-aaral din po sya kaya paminsan lang din ang punta nya dito. " Pagpapaliwanag nito.
" Ganun ba? Sige salamat makakaalis ka na. Susunod na ako sa ilang saglit. "
Isinara na nito ang pinto at nagpaalam.
Sa pagtitipon, nakita kong muli ang anak ng Alkalde Mayor na si Alejandra kausap ang aking ina habang nakaupo sa mg upuan na malapit sa entablado. Lumakad ako palapit sa kanila.
" Ina pasensya na po at natagalan ako. "
" Ayos lang hijo. Bakit hindi ka maupo dito sa tabi ni Alejandra. " Giya ni Ina sa bakanteng upuan sa tabi nito. Kinuha ko ang kamay ni Alejandra.
" Kumusta ka Alejandra? " Yumuko ako upang hagkan ito sa kamay.
" Ayos naman maraming salamat. " Mayuming sagot nito. Sa isip-isip ko, ibang babae ito pagkaharap ang aking mga magulang. Isang mayuming binibini at wala ang pagiging aristokrata. Ibang-iba nung makita ko kung gaano nya hamakin ang hardinero.
" Sa pagkakaalam ko Ina, pagtitipon ito na kasama ang mga tao ng buong nayon, pero bakit may bakod at ang ibang tao ay hindi makalapit dito sa may entablado? " Pagtataka ko nung makita ko papasok na ang mga pangkarinawang tao ay nasa may bakod lang at nakatayo.
" Anak, sana naiintindihan mo na hindi pwedeng ipagsama ang mga Indio sa atin. Baka magkagulo. " sagot nito sa isang mahinahong tono.
" Ako man ay di sang-ayon, pero wala tayong magagawa. " dagdag pa nito.
" Mga kababayan naman natin sila, kaya nagtaka lang po ako. Akala ko po kasi para sa lahat ang kasiyahang ito. "
Naputol ang pag-uusap namin ni Ina nung magsimula na ang pagtatanghal. Isang Zarzuela. Maganda ang naging pagtatanghal. Isang dula ng pag-iibigan. Napatingin ako sa isang tauhan. Pamilyar ang mukha nya saken. Nung matapos ang pagtatanghal, nagpaalam muna ako sa aking Ina upang malibot ko ang buong plasa.
Naglalakad ako sa may bahagi ng simbahan nang makita ko ang isang tagapagtanghal na magisang nakatayo na animoy may sinisipat sa di kalayuan. Nilapitan ko ito upang kausapin.
" Ipagpatawad nyo po sana nais ko lamang ipaabot ang aking pagbati sa inyong napakagandang pagtatanghal. " paumanhin ko sa lalaking nakatalikod.
" Seniorito, maraming salamat po. " Sagot nito at yumuko sa aking harapan.
Nagulat ako nung makita ko ang kabuuan ng lalaking aking kaharap.
" Kilala kita, ikaw ang hardinero sa mansion. " Manghang pahayag ko sa kanya.
" Ako nga po. Maraming salamat po ulit sa pagbati ninyo. " Magalang na sagot naman nito.
" Hindi ko alam na nagtatanghal ka din pala at hindi lang basta isang tagapagtanghal kundi isang mahusay na tagapagtanghal. " Puri ko dito. " Akala ko'y nag-aaral ka sabi ni Juanita? "
Nabigla ako sa naging tanong ko. Bakit naibulalas ko yun. Baka kung anong isipin nya.
" Opo seniorito. Nagtatanghal din po ako upang makadagdag sa aking pang matrikula ang kita ko dito. " Paliwanag naman dito.
" Napakaigi. Nakakamangha ka at talagang nagsisikap kang magkapag-aral. At isa pa, di ba ang sabi ko Miguel na lang itawag mo saken. Wala tayo sa mansion kaya hindi mo ako seniorito. Isa akong taga-hanga. " Pagtatama ko dito. " Ano nga pala ulit ang pangalan mo? "
" Ako po si Emmanuel. " Pakumbabang pagpapakilala nito.
" Ang mabuti pa, samahan mo akong kumain tutal ayoko ng bumalik pa dun sa may plasa at nakakabagot. Tapos na naman ang lahat ng pagtatanghal para sa araw na ito. " Pag-aaya ko dito.
" Nakahiya Miguel, amo ko po kayo. " Pagtanggi nito.
" Hindi mo ako amo sa mga oras na ito kundi isang taga-hanga. Matatanggihan mo ba isang taga-hanga mo na nag-aaya sa'yo na kumain? " Pagtatama ko dito.
" Pero Seniorito..." Pagtutol pa din nito.
" Wala naman akong ibang kakilala dito kundi ikaw lang. Pero kung ayaw mo talaga, hindi kita pipilitin. " Pahayag ko dito.
" Sige po Seniorito Miguel, kayo po ang masusunod. "
Nagtuloy kami sa isang kainan na malapit sa may plasa kung saan kaunti lang ang tao. Masaya ang naging pagkwekwentuhan namin tungkol sa pag-aaral nya at ang Europa. Abogasya din pala ang kinukuha nyang kurso sa Unibersidad ng Santo Tomas.
" Ipapahiram ko sa'yo kung ganun ang mga libro ko para may magamit at mabasa ka. "
" Nakakahiya man Miguel, pero hindi ko tatanggihan yan, mahal kasi ang mga libro. " Sagot nito.
Nagtuloy kami ng pag-uusap hanggang sa di ko namalayan na hapon na pala.
" Kakailanganin ko ng bumalik bago matapos ang kasiyahan. Salamat sa pagsama sa akin sa pananghalian. " Pahayag ko dito.
" Salamat din po Seniorito Miguel. "
Kinuha ko ang aking Amerikana at naglandas na palabas ng kainan. " Miguel na lang ang itawag mo. " Muling pagtatama ko dito. Mauna na ako at magkita na lang tayo sa mansyon. " Nauna na akong lumabas at nagtungo ako sa kasiyahan.
Nagalak ako at muli kaming nagkita. Hindi ko maipaliwanag ng aking nararamdaman at alam kong simula ito ng isang magandang pagkakaibigan.
Itutuloy...
Till Next Time,
Diosa