Sunday, November 13, 2011

Last Thursday Night


“It hurts to love someone and not be loved in return, but what is the most painful is to love someone and never find the courage to let the person know how you feel.”

Noong nakaraang huwebes nagka-ayaan mag-inuman ang mga ka-opisina ko pagkatapos ng trabaho. Hindi sana ako sasama dahil magkikita kami ni J pero minsan lang naman lumabas ako kasama sila, kaya isinama ko na lang din si J sa inuman para makilala na din nila. At the same time, gaya ng nasabi ko last time na magkita kami ni J, gusto ko ding makita niya si G at makilala. 

Pila sa ATM para makapag-withdraw. Nandun din ang iba ko pang kaopisinang mga babae. 

K : Sino sya?

Tanong nung isa kung kaopisina nung makita si J.

Ako : Si J nga pala. Sina K, A at B.

Pakilala ko sa kanya,

A : Boyfriend mo?
Ako : Hindi driver.

Pabiro ko pang sagot dun sa kasama ko.

K : Ang gwapo nya, may kapatid ba yan?

Pabirong hinimas ng hitad ang braso nya.

Masaya ako sa ganung comment sa kanya. Kahit minsan nakakainis at hindi makapaniwala ang ibang tao lalo na kapag pinapakilala ko na sya sa kanila. Dapat masaya ako lalo na't nagkabalikan kami ng taong mahal ko pero may ibang bumabagabag talaga saken.

Matapos umalis ang tatlong babaeng ka-opisina ko, sa isang inuman sa Makati kami nagtuloy. Kantahan, biruan at kumustahan sa kung anong latest sa bawat isa lalo na't may mga dumating din kaming dating mga kasama na nag-resign na.

Ako : Guys si J nga pala. 

Pagpapakilala ko sa lahat.

Ako : J si G nga pala, G si J.

Pakilala ko sa kanila sa isa't-isa.

G : Kumusta?
J : Ok lang, nice meeting you.



Ako : Sya yung na-ikwento ko sa'yo nung last tayong magkita.

Hindi lang kumibo si J at ngumiti lang sya.

Ako : J, gusto ko sanang makapag-usap tayo. Yung kung ano na tayo ngayon kaya din ako nakipagkita sa'yo ngayon.

Humugot sya ng malalim na hininga.

J : Bakit hindi ka na ba masaya?
Ako : Masaya ako, pero hindi na gaya ng dati. Meron kang iba ngayon at unfair saken at sa babae kung pareho kaming nakatali sa'yo ngayon.

Paliwanag ko sa kanya.

J : Mas unfair nga dun sa kanya kasi ikaw at least alam mo, sya wala.
Ako : Yun na nga, bakla na nga ako, kabit pa, napaka-redundant naman nito.

Sinubukan kong magbiro para mawala ang pagkaseryoso ng usapan.

J : Huwag mong babanggitin yan. Alam mo naman na ayokong naririnig yang bakla ka kasi tanggap kita sa kung sino ka.
Ako : Alam ko naman, hindi tayo magtatagal ng ganito kung hindi, kaso J, ayoko na ng may kahati. Gusto ko kung tayo, ako lang.

Humugot na ako ng hinga para masabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari.

Ako : J, kailangan mong mamili sa aming dalawa. Kung gusto mong maging tayo, kailangan mo ng hiwalayan yung bababe mo. Hindi ako nagmamaganda, ayoko lang ng ganito.

Hindi sya makakibo at nakatitig lang sa sahig. Tulog pa din ang inuman at kwentuhan ng iba, habang nag-uusap kami sa bagay na yun.

J : Di ba sinabi ko sa'yo na kung masaya ka ng makahanap ng iba. Sige pero sana hindi ka mawala.
Ako : Ayokong lokohin ang sarili ko at maski ikaw. Gusto kong sabihin sayo na gusto ko si G. At ayokong sabihin ko sa kanya  na mahal ko sya ng andyan ka pa.

Kumuha ako nung isang yosi at nagsindi bago nagpatuloy.

Ako : Mahalaga sya saken ngayon. Kaya kung sasabihin ko man sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko, ayokong may sagabal. Sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin.

Humithit ako ng yosi at tinitigan ko sya matapos magbuga ng usok.

J : Hindi ko pa alam sa ngayon. Hindi naman madali ang gusto mo.
Ako : Alam ko. At hindi din madali saken ang pakawalan ang isang relasyon na matagal ko ng ipinaglaban. Kaso may mga bagay talaga na hindi pwede.
J : Hindi ko pa masasagot ang tanong mo.

Tinitigan nya ako at sabay sa humugot ng malalim na pag-hinga.

J : Huwag muna ngayon.
Ako : I'll give you until next week.

Umuwi si J nung mga alas-siete na ng gabi pero kami tuloy pa din ang inuman. Yung usapan na alas-otso, nauwi sa alas-dose ng hating-gabi. Inihatid namin ang dalawang tomboy na nalasing na naman. Habang inaakbayan ko si H, ang agent kong tomboy na ngayon ay girlfriend na nung kaibigan ko, bigla syang nagtanong about kay J.

H : Sya ba yun?
Ako : Oo.
H : Alam mo, hindi ka naman pangit na bakla. May pinag-aralan ka. Matalino, you deserve someone better. Andyan si G  oh.

Napangiti ako sa sinabi nya. Maski si G, dati nung nag-uusap kami sa FB, ganun din ang sinabi nya.

Ako : Yun na nga eh kaso alam mo naman, hindi pa pwede. Isa pa tinanong ko na si G dati pa sabi nya NO daw. Ayoko namang ipilit ang sarili ko.
H : Eh gaga ka pala eh. Pa'no mo nasabi eh hindi mo pa nga sinubukan. 

Hindi ako makapaniwalang ang dati kong sinasabi sa mga kaibigan ko, maririnig kong ipapayo din saken. Kaso hindi pa nga pwede ngayon.

H : Yang bisaya na yan kasi. Kaya nga sinasabihan ko na sya na malay nya may tang totoong magmahal sa kanya at ikaw yung tinuturo ko.

Nagtuloy lang kami sa paglalakad. Sana nga ganun lang kadali, sa isip-isip ko.

Kay G, gustong-gusto kong sabihin to sayo. Alam ko namang nagbabasa ka sa blog ko.

Hindi ko intensyon ang kahit ano nung isinama ko si J sa inuman. Hindi ko planong landiin ka habang mag-on pa kami. Gusto ko lang malaman mo ngayon na, gusto kita. Gustong-gusto kita. Mabait, matalino at aaminin ko, gwapo si J pero hindi ka pangit. Sa totoo lang, madami ding babae at bakla ang nagsasabing cute ka.

Sana naman huwag yung bigla-bigla mo na lang akong di papansinin. Nakakabaliw eh. Hindi ko kayang di mo ako panapansin at kunwari ay di mo man lang nakikita. Inaakala ko tuloy na galit ka saken ng  walang dahilan.

Gusto kong sabihin lahat ngayon.

Alam kong wala akong karapatang magselos, pero I am. Lalo na pag may lumalapit sa'yo at nagbibigay ng kun anu-ano. Nakakainis, pero hanggang ganun lang naman.

Namimiss ko na yung dati saten. Kulitan sa FB, text after shift pagkauwi natin. Tawagan na walang katuturan. Palitan ng tweets kahit wala lang, pero bakit ngayon bigla ka na lang nagbago. Hindi ka nagpaparamdan sa text. Hindi ka na nakikipagchat sa FB at wala na ang inaasahan kung DM sa Twitter.

Nakakalungkot lang na hindi ko alam ang dahilan pero sana naman kung may pagkakataon tayong makapag-usap. Sabihin mo naman saken. 

Ngayon palang, kung may nagawa man akong kasalanan sa'yo sorry. Sigurado akong di ko sinasadya yun. Pasensya na.

Sana bumalik ang dati saten. Namimiss ko na yung G na kakulitan ko.

( Mukhang kakainin ko din lahat ng naisulat ko na dati sa blog na ito about kay G. )


Til Next Time,

Diosa


3 comments:

  1. It would be nice kung ikaw ang magdedesisyon kung ano dapat kayo at kung dapat bang itigil mo na yung kakaasa sa kanya.Mahirap na desisiyon pero dapat mong gawin kasi ang tingin ko di ka makakapag umpisa ng panibago kung may unfinished business pa kayo no J.Ang dating tuloy sakin natatakot ka pareho mawala sayo yung dalawa

    ReplyDelete
  2. Sa totoo lang. Salamat sa payo. Takot nga ako na mawala kahit isa, pero mas di ko siguro kakayaning mawala si G.

    ReplyDelete