" Remember this December, that love weighs more than gold and the best gift that I can have is you. "
Last thursday nagkita kami ni J. After my shift diretso na ako sa kanila. Nakakaloka pa naman nung araw na yun, alas-sais ng gabi ang out ko, maulan at rush hour na. Perfect to be called effort talaga ang pagpunta ako. Sa may Fifth Avenue na kami nagkita para malapit lang sa sakayan ko pag-uwi at sa kanila. Di na din ako dumiretso sa kanila wala naman ang mama nya dun. First time naming mag-date na sa Jollibee and kinainan. How awkward the way people looked at us when he approached me parang di makaapaniwala.
Medyo matagal kaming di nagkita, almost a month na puro sa text at tawag lang kami nagkakausap.
J : Anong bago sa'yo liban sa buhok mong mahaba. Nga pala bagay sa'yo.
Pag-uumpisa nya sa usapan.
Me : Wala naman lagi lang pagod sa trabaho. Eh ikaw? Anong pinagka-kaabalahan mo?
J : Ito laging nagbababad sa gym. Alam mo na, ito nga o lumalaki na bicep ko.
Sabay pinakita ang braso nya. Dati kasi payat sya at ngayon, lalo na pag-nakasuot sya ng pang-opisina nya, the guy i used to know is now a dignified man.
Me : Naku, huwag mong ipakita saken yan. Baka matakam ako at makapag-check-in tayo bigla.
Natawa sya sa biro ko.
J : Ang tagal na natin noh? Mahigit apat na taon. Kasi isang taon din tayo nawalan ng communication.
Me : Oo nga eh, ikaw kasi bigla ka na lang nawala.
J : Hindi naman, naguluhan lang ako nung time na yun. Hindi ko naman alam na mamahalin din kita na hindi dapat nung una. Pero napag-isip-isip ko din na wala namang mali. Isa pa, naging okay na kayo ni Lola diba?
Me : Nag-aantay lang naman ako nun ng paliwanag.
J : Alam mo naman na sa lahat ng naging karelasyon ko, tayong dalawa lang ang nagkabalikan.
Hindi ko alam kong ikatutuwa ko ang mga naririnig ko pero it was heart warming knowing your man did at least love you at least sa alam ko. Binago ko nalang ang usapan.
Me : Kumusta na kayo ng girlfriend mo ngayon?
J : Ayun, sinabihan nya nga ako na gusto ng magka-apo ng papa nya. Next year nga aalis na yun papuntang States at isasama nya daw ako. Sabi ko ayoko nandito pamilya ko. Isa pa wala pa sa isip ko yun.
Me : Of course kasi ako ang pakakasalan mo.
Biro ko sa kanya to make the mood a bit lighter.
Me : J, diba sabi mo saken dati magiging masaya ka kung makakahanap na ako ng iba?
J : Oo, bakit may iba na ba?
Me : Wala naman, pero may gusto ako ngayon kasi mabait sya saken. Pero hindi kami.
J : Ganun ba? Pero dapat makilala ko sya para alam nya pag-magkasama tayo.
Me : Hindi naman yata pwede yun. Pag may iba na ako, hindi na pwede ang ganito syempre uunahin ko muna sya.
Bigla syang nalungkot nung sinabi ko yun.
J : Ikaw bahala? Di kita pipigilan.
Me : Ano ba talaga kasi ako ngayon sa'yo? Nagbibilang tayo ng taon hindi ko naman alam kong tayo?
J : Ayoko kasing tawagin kang karelasyon kasi may katapusan yun at ayokong mangyaring dumating yun.
Hindi ko alam kong ikatutuwa ko ang lahat ng sinabi nya o ikagugulo lalo ng isipan ko.
Me : Gusto mo bang umiwas na lang ako? Napaka-redundant na kasi nito, bakla na nga ako kabit pa?
Natawa sya sa statement ko.
Me : Although hindi naman kabit kasi ako ang nauna.
Paglilinaw ko sa kanya. Napangiti sya para mawala ang tension ng usapan. Naikwento ko sa kanya si G.
J : Ikaw? Kung ako ang tatanungin mo kung saan ka masaya pero dapat ipapakilala mo sya saken. Pero mas maganda sana na huwag ka nalang maghanap ng iba, hindi ka na ba kuntento saken?
At binigyan pa ako ng nakakalokong ngiti.
Me : Hindi naman sa ganun, kaya nga tinatanong kita.
J : Huwag na.
The night went on talking about how we both are doing in our jobs and he sent me home at around 10 PM.
Me : Hindi naman sa ganun, kaya nga tinatanong kita.
J : Huwag na.
The night went on talking about how we both are doing in our jobs and he sent me home at around 10 PM.
Don't get me wrong dear readers. Wala akong intensyon na mamangka sa dalawang ilog. Ang hirap kaya magsagwan. Gusto ko lang magbawas ng mga dinadala ko baka sakaling pag may bakante na, makapag-isip na ako ng tama. Mahirap talagang kumawala sa bagay na nasanay ka na at yun si J pero hanggang kailan naman 'to? Alam ko mahal ko sya, walang duda dun, ang paulit-ulit ko lang na tinatanong sa sarili ko " Gaano ko sya kamahal? Gaya parin ba ng dati na handa kong gawin ang lahat para sa kanya? " at sya " Mahal nya pa din kaya ako gaya ng dati? "
Si G naman has been a special person. Yung tipong crush na syang nagpapangiti sa'yo makita mo lang sya. Yung taong kahit gaano pa kasama ang araw mo, lapitan ka lang, okay na ang lahat. Ayokong magsalita ng tapos, bahala na. This life is all about taking risk anyway.
Ayokong ikumpara ang dalawang taong ito kasi magkaiba sila nga papel sa buhay ko.
Siguro malapit na ang pasko, hindi naman masama ang humiling kahit kunti lang.
I just want to have a clear line drawn and meant to be there forever between me and J. Hindi naman siguro ikakabawas ng yaman ng mundo ang hiling ko na 'to.
Kung sakali mang magpapatuloy pa 'to, isa lang ang kundisyon ko, ayoko na ng may kahati kahit ngayong pasko lang.
New year is fast approaching at sana naman bago dumating ang susunod na taon, natapos ko ng tuldukan lahat ng dapat para sa taong ito. And I mean to follow it for the rest of my life.
Til Next Time,
Diosa
No comments:
Post a Comment