" Love is like a puzzle. When you're in love, all the pieces fit but when your heart gets broken, it takes a while to get everything back together. "
Paanong kung ang kasal na sana panghabang-buhay ay sya ngayong pumpigil sa'yong maging masaya? Pipiliin mo pa bang tuparin ang isang pangako o mas pipiliin mong maging masaya?
Hindi ko alam kung makakatulong ito sa isa kong officemate na nasa isang mahirap na sitwasyon, pero sana may mapulot ka, kahit kunti.
Itatago ko sya sa initials na N. She is a colleague, an officemate and a friend to me although we just know each other for barely a month or two. Masayahin, mabait and well-mannered ang babaeng ito. Married for 10 years with one kid. However, lately dahil kami lagi ang magkakasama, naike-kwento nya ang mga nangyayari sa kanya lalo na sa marriage nya.
Sa office employee's lounge sya tumutuloy ngayon. Wala pa kasi syang mahanap na marerentahang place. She lives separately from his husband para turuan nya ng lesson dahil sa pambabae nito which according to her ay di lang isang beses nangyari. She lets me read one of the text messages na ipinadala ng husband nya before:
" Bigyan mo lang ako ng time, aayusin ko lahat ng 'to. "
Umaasa siya na at this point of time natatauhan na din ang asawa nya. Binibista sya minsan at dinadalhan ng kung ano-anong grocery items sa office at pati kami nakikinabang din kaya alam ko. Chos.
One time, hindi sya pumasok and we found out na na-irush sa hospital ang husband nya because of a mild stroke. Sa katabing hospital ng office namin na-confine ito. Nung nalaman ng manager and common friend namin ang nangyari, pinuntahan nya agad 'to to check kung okay sya. Pagdating sa opisina ito agad ang bungad samen nung matapos syang manggaling dun.
Manager : Mga te, si N, humahagulgol ng iyak. Dumating kasi yung kembot nung jusawa nya.
We were thinking na, this unfortunate event might turn into something good between the two of them, only to find out we were all wrong. Kinabukasan, pagkapasok ni N, bigla nya nalang nya akong niyakap at napaiyak sya.
N : Hindi ko akalain na sya ang pipiliin nya. Kahapon, kaya di na ako pumasok para sana ako ang mag-asikaso sa kanya, only to find out na lahat na pala ng papeles para sa hospital nagawa na nung babae nya. Sinabi ko pa sa kanya na dapat umalis na ang kabit nya, pero hindi man lang natinag ang babae at pati sya. Ako na lang ang nagkusang umalis.
Pero despite all of this events, lagi nyang kine-kwento samen na hindi man naging mabuting asawa ang kanyang mister, naging mabuti itong ama sa kanilang anak. According to her, ni minsan hindi pinabayaan nito ang mga pangagailangan ng anak nila. I just want to salute her for that, despite of all the bad things that her husband is doing, she can still look at the positive side of the person. Kaya dun ko na din nasabing, mabait tong taong 'to at hindi la basta pakitang-tao.
Lately has been one of the most difficult days of her life dahil sa hinihingi ng asawa nya, Annulment. Sabi nga nya,
" Parang ganun lang kadali sa kanya yun nung tinanong nya ako at sa text pa. Sinagot ko na lang sya ng fine and please stop texting me. "
While she was saying this words, mararamdaman mo talaga ung gaano sya nahihirapan sa sitwasyon. Na ang taong akala nya ay makakasama nya habang buhay, ay sya pang taong nagpapahirap sa kanya ngayon. Sabi nga nya kahapon, " Hindi ko sya pinilit nung una na pakasalan nya ako, tatlong beses ya akong inalok bago ko tinanggap, tapos ngayon basta na lang ganun? "
Hindi ko alam sa ngayon kung ano ang pinakamagandang payo sa kanya. Alam kong mahirap, pamilya nya ang pinag-uusapan dito, ang pamilyang pinaghirapan nyag buuin. Pero sabi ko nga sa kanya, masyadong maikli ang buhay, sinubukan nya ng ipaglaban dati, pero yung isa ang umayaw.
Mabait na tao si N sigurado ako dun kaya siguro naabuso ng asawa nya dahil alam nitong may mga paniniwala ito sa buhay na hindi basta-basta sya iiwan, pero sa ganitong sitwasyon, dapat pa ba?
Sabi nga nung isa pa naming kasama, may isip na ang anak mo ipaliwanag mo na lang sa kanya at gabayan mo sya na maintindihan nya lahat ng nangyayari at maghanap ka ng bagong taong magmamahal sa'yo at mamahalin mo ng higit dun sa isa. Sa ganung paraan, mas mapapadali ang moving on stage mo.
Iba naman ang naging pananaw ko sa bagy na ito. Siguro nga hindi lahat ng taong nagkakatuluyan, lagi ang ending " And they loved happily ever after ". Meron mga ibang, isang chapter lang pala yung ng buhay nila at may karugtong pa kung saan dun mo makikilala ang taong tunay na magmamahal sa'yo, ang sarili mo.
Ang sabi ko kay N, magpaganda ka, mahalin mo ang sarili mo at ipakita mo sa asawa magiging kawalan ka nya balang araw. Gawin mong inspirasyon ang anak nyo upang magpatuloy at hindi natin masabi na may dumating na taong totoong magmamahal sa'yo ng habang buhay.
Cheers to life N. Life is too short to be wasted.
Til Next Time,
Diosa
No comments:
Post a Comment