Thursday, May 26, 2011

Pangarap Ko ang Ibigin Ka.


“You might have loved me, if you had known me. If you had ever known my mind. If you would have walked through my dreams and memories. Who knows what treasures you might have found. Yes, you might have loved me. If you had only taken the time.”

Nakatanaw sa labas ng bintana ng bus habang pauwi si Nathan sa kanila. Ilang taon na din ang lumipas ng huli nyang makita ang lugar na kinalakhan nya. Pitong taon, pero hanggang ngayon ganun pa din ang hitsura ng lugar. Maraming puno, bukirin at mga bundok. May mga bagong bahay syang nakita na dati ay mga kubo lang ang nakatayo. Maganda, sementado at mukhang may mga umangat na sa buhay sa mga naging dati nilang kapitbahay. Marami din syang naging kaibigan at kalaro sa probinsya nila. Naging malapit, nakatampuhan habang lumalaki siya at nagkakaisip. Natigil ang pagbabalik tanaw nya ng makita nya ang isang pamilyar na bahay. Walang pinagbago, ganun pa din ang pamilyar na hitsura ng bahay. Malaki at luma na parang sa panahon pa ng mga Kastila ang istilo.Huminto ang bus sa tapat ng bahay na yun. Hindi pa sya dapat bababa dun, pero sa di nya malamang dahilan, bigla na lang syang napatayo at bumaba sa sasakyan. Sa harap ng lumang bahay, sya naman pagbabalik ng mga lumang alaala ng kabataan nya.

Matagal na sa lugar na yun sina Nathan. Pag-aari ng Lola nya ang malaking bukirin sa lugar nila na ngayon ay mga magulang nya na ang namamahala. Labin-tatlong taong gulang sya nun, nung makilala nya si B.j. Isang bagong lipat sa lugar nila. Galing sa Maynila ang pamilya nito at matapos mabili ang isang maliit na farm sa lugar nila ay napagdesisyunan ng magulang nito na dun na sila manirahan. Naging kaibigan ng pamilya nila ang pamilya nito. Kasabay ng magandang pagkakaibigan ng mga magulang nila ay ang pagiging malapit nila sa isa't-isa. May pagka-mahiyain eto kaya't halos sya lang ang naging kaibigan nito sa lugar nila. Lagi silang magkasabay sa pagpasok sa paaralan at kung may espesyal na okasyon sa kanila, lagi syang kasama sa handaan at ganun din 'to sa pamilya nila. Sa paglipas ng mga taon, naging mas lalo silang naging malapit sa isa't-isa. Magkapatid at matalik na kaibigan ang halos naging turinan nilang dalawa. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, habang lumalaki sila, may mga nakikilala silang ibang tao at sa tuwing may ipinakikilala si B.j. sa kanya lalo na pagbabae, hindi nya mapigilan ang makaramdam ng panibugho. Dapat matuwa sya para dito, pero iba ang sinasabi ng utak nya sa nararamdaman ng puso nya. Di nya maipaliwanag, mali ang nararamdaman nya, lalo pa't pareho silang lalaki. Itinago nya lahat ng nararamdaman nya sa sarili lang. Hanggang sa kinailangan syang ipadala sa Maynila ng mga magulang nya para dun mag-aral ng kolehiyo. Gabi bago sya lumisan patungong Maynila ay pinuntahan sya ni B.j.

B.j. : Nathan, pwede bang tumabing matulog?
Nathan : Bakit? Umuwi ka na, kailangan maaga pa ako bukas.
B.j. : Sige na, matagal din tayong di magkikita. Please.
Nathan : Sige na nga, pero wag mo akong isturbuhin sa pagtulog ko ha?
B.j. : Okay.

Laking tuwa ang naramdaman ni Nathan. Iba sa pinakita nya sa kaibigan. Alam nyang matagal silang hindi magkikita. Pitong taon, hindi nya alam ang pwedeng mangyari paglipas nun. Hindi sya sigurado, pero minabuti nyang ipagtapat dito ang kanyang nararamdaman. 

Nathan : Ang tagal kong mawawala, mag-iingat ka lagi dito.
B.j. : Oo naman, wag kang mag-alala. Madami na din naman akong naging kaibigan dito ng dahil din sayo.
Nathan : B.j.? May gusto akong sabihin pero di ko alam kung paano ko sisimulan.
B.j. : Ano yun?
Nathan : Hindi ko alam kung bakit, pero bago sana ako umalis, gusto kong malaman mong gusto kita. Hindi lang bilang kaibigan.

Sobrang kaba na halos lumuwa sa dibdib nya ang puso ni Nathan. Ang daming pumasok sa isipan nya. Lahat puro baka. Baka magalit si B.j. Baka hindi na ito magparamdam sa kanya. Baka umuwi agad ito. Katahimikan ang naging pagitan sa kanila. Parang siglo ang lumipas bago nagsalita si B.j. At sa bawat sigundong lumilipas, lalong lumalakas ang kabang narrarmdaman nya.

Bigla syang niyakap nito. 

B.j. : Alam ko. 

Lumipas ang gabi ng sya ay nakaunan sa balikat ni B.j. Samantalang akap sya nito.

Pitong taon na pala nung mangyari yun, pero ngayon habang nakatayo sya sa tapat ng lumang bahay, pakiramdan nya kahapon lang nangyari yun. Kasabay ng pagpindot ng doorbell, alam nyang bubuksan nya ang nakaraan na di nya alam kung pwede pa nyang balikan.


Itutuloy..........


Til Next Time,

Diosa


You can also see the link : akosidiosa.travellerspoint.com

End of the World?



2011 AD—On May 21st, Judgment Day will begin and the rapture (the taking up into heaven of God’s elect people) will occur at the end of the 23-year great tribulation. On October 21st, the world will be destroyed by fire (7000 years from the flood; 13,023 years from creation).

Ito ang naging prediction ng isang pastor who owns a Radio Network in the states. Kung mangyayari to? Anong gagawin mo?

Limang araw. Limang pagkakataon. Paano kung ito na lang ang ibibigay sayo bago magunaw ang mundo? Anong limang bagay ang gusto mong gawin? Ako, ito ang limang bagay na gusto kung magawa kung mangyayari man to.

5. Makikipagbati ako sa lahat ng naging kaaway, katampuhan, kabangayan, kagalit at nakasamaan ng loob. Ang sama kaya sa pakiramdan ng may kaaway.

4. Pupuntahan ko lahat ng mga kaibigan ko at pasasalamatan ko silang lahat sa magandang alaalang mababaon ko. Kung di dahil sa kanila, hindi magiging ganito kakulay, kasaya, kalungkot and worthwhile ang naging stopover ko sa buhay kung to.

3. Tatanungin ko lahat ng ex ko kung sino ba talaga sa kanila ang totoong nagmahal saken at kung anong naging mali ko. Ayoko namang mamatay ng hindi nalalaman kung sino ang talagang totoong umibig saken. 

2. I'll hug my brothers and sisters kasama na ang aking Little Angel. Salamat sa inspirasyon na binigay nyo saken.

1. I will go to church para magdasal kasama ang Tatay at Mama ko. Gusto kong pasalamatan sila sa pagtaguyod samen. Salamat sa walang kapantay na pagmamahal.


Ikaw kung sakaling darating 'tong panahon na to? Anong gagawin mo?

Til Next Time,

Diosa

You can also check the link: http://akosidiosa.travellerspoint.com/



Wednesday, May 25, 2011

Tier 2 Nikki - Thank you.

"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
- Oprah Winfrey

Sisterhood of the travelling gays. Yan yung naging bansag namin sa aming tatlo kasama yung isa pang bakla sa depatment namin na si Anton. Together we ventured Cebu last Sinulog 2010.






Joewary Calimlim, a.k.a. The British Gay Tier 2 Nikki. Superb knowledge about the system and decision making. Those are the words that best describes this person.

Mataray pero magaling makisama. Parang unapproachable, pero madaling tumulong. Iba ang ugali nya sa hitsura nya.

Nabigla ako pagpasok ko last Monday sa e-mail nya. Pero mas nabigla ako nung malaman kong lumipat na sya ng site.

Walang may alam ng dahilan, lahat nabigla, pero whatever made you decide to leave, It's worth it.

Sa totoo lang di ko alam ang dapat isulat ngayon. I'm not used to having no Tier 2 Nikki on the floor. You have been one of the best if not the greatest.

Basta Joewa, sana maging maayos na lahat para sa'yo. Sana din magkaayos kayo ni alam mo na kung sino yun. Sayang ang matagal na pagkakaibigan nyo.

Galingan mo dyan. Alam kong you will make us proud at malayo ang mararating mo dyan lalo na't yan talaga ang field mo.

Gaya ng lagi mong sinasabi,

" Ikaw ay palaging nasa puso namin."

Naks...Emo mode..


Til Next Time,

Diosa

You can also see the link : http://akosidiosa.travellerspoint.com/

Saturday, May 21, 2011

Awkward Moment...

" For all sad words of tongue and pen, the saddest are these, 'It might have been.."

Di ko mapigilan ang sarili kong isulat 'to.

Nag-yoyosi ako the other day kasama yung iba kong officemates ng biglang dumating si B. Nakisindi at kunting usapan kasama ang iba.

Kailangang maunang umalis yung iba kaya naiwan kaming dalawa. Kunting usap lang hanggang sa nabigla ako sa dumating, yung nililigawan nya.

Di ko alam ang magiging reaksyon ko. Matutulala, maiinis o matatawa?

Nagyosi yung girl. At sa gitna namin si B. Kakausapin nya ako, tapos yung girl naman. Ganun ng ganun hanggang sa nauna na silang dalawang pumasok.

Napangiti na lang ako bigla sa sitwasyon. Hindi maipaliwanag ang dapat at hindi ko dapat na naramdaman.

Pag nangyari pa kaya to? Paano ba ako dapat mag-react?

Til Next Time,

Diosa

Thursday, May 19, 2011

RH Bill - Right to Be Educated

" Being pro-life is right but always consider the situation. We are given free-will to think and make the right decisions for our loved ones. "


I saw this article in google while reading the news. What attracts my attention are this points raised about the current situation regarding population.

Quoted from the link above :
“The RH Bill is wrong because it assumes that the Philippines is overpopulated.”
I agree. I, myself, have observed that the Philippine is NOT overpopulated. In fact, if you use your common sense and think about it, you will realize a few things:
1. We are not overpopulated! Look at the mountains, the jungles, the caves and the ocean floor. There are no people there!
2. If we were really overpopulated, we would have trouble travelling. But if you go to EDSA, there’s no traffic. When you ride the MRT, it’s not packed with people.
3. Students in public schools are well educated because the teacher to student ratio is very low. In fact, because of our low population the government can basically guarantee that all public school students are provided books, notebooks and other school supplies.

I respect your opinion. Pero masasabi kong masyadong mababaw ang mga naging arguments mo sa usapin. Bilang sagot, eto naman ang mga opinyon ko.

1. Aantayin mo pa bang maski ang kabundukan natin ay mapatag na para lang may matirahan ang mga tao. Na maski sa baybayin natin, may makikita ka ng tao? Ngayon pa nga lang marami na sa mga yamang tubig natin ang naging marumi dahil na din sa kagagawan ng mga tao.

2. Kelan mo masasabing packed with people and isang cabin ng MRT? Pag pati sa labas may nakasabit ng tao? Have you ever tried riding the MRT or LRT during rush hours? Have you ever experienced being on the line for more than an hour para lang makasakay? I bet you haven't. At EDSA, walang traffic? Kelan ka ba mabuhay, noong panahon ng mga Kastila?

3. Have you studied in a public school? Ako Oo, nagkataon lang siguro na exclusive yung napasukan ko cause you need to pass before being admitted but it doesn't mean na hindi ko naranasan to. High School kami, 2 sections lang pero 50-60 students per section kami. Yan ba ang tinatawag mong low student-teacher ratio? Well educated I would say, kasi magagaling yung karamihan sa teachers na Pinoy I would say.

Hindi ka ba Pinoy at nasasabi mo itong mababaw na argumento sa isang mainit na usapin sa bansa namin?

Hindi ako mahilig makisawsaw sa political issues. I'm not even a registered voter kaso lang masyadong mainit ang usapin na ito para, bilang isang mamayan ng bansang to, kahit paano masabi ko ang aking kuro-kuro.

Hindi ko naranasan ang tinatawag nilang over-population sa lugar namin sa probinsya. Hindi crowded ang lugar dahil sa kukunti ang taong nag-sesettle dun.  Pero ng marating ko ang Metro at nakita ko ang sitwasyon, now i know the definition of over population at mostly sa may ganito, eh yun pa ang mga taong nasa below poverty line.

Maswerte ka kung nakapag-aral ka at naintindihan mo ang mga nangyayari sa bansa, kasi di mo na kailangan ng RH Bill, kasi sa sarili mo palang maiintindihan mo na kung bakit kailangan mong gawin to. Hindi lang para sa sarili mo, kundi para na din sa mga minamahal mo.

With the recent happenings of people meddling with this very hot issue, I'd like to comment on His excellency's point of argument, Congressman Manny Pacquiao. As mentioned in his own article by Desperate Houseboy,


You have proven yourself in the field of boxing. You have been a great Filipino of, I would say, all time. No other Pinoy in this field made a name like you did. I agree, that your recent debate with another congressman made a stir to make this hot issue even hotter, but, I think this is not your forte. Quoting the verses in the Bible and interpreting its meaning literally is dangerous though.

To his excellency,

I idolize you with how you fought and won victoriously challenges in your life. I admire your dedication to the church, to your family and to your country. No one will be able to surpass what you have done for this nation, not even the wisest of all the lawmakers, however, this current situation is not your field. Law-making debates are for people to convince the otherside whichever is going to be good for the general public not just for a few. You have the right and capability to have as many children as you want because you can. But what about those people who merely know the implications and long term effects, not just personally but to the community for having a huge family with uneducated members? Come to think of it, be in there shoes.

I hope the Congress and it's legislators will make the right decisions for the country.

And I stand being pro on this Bill.

Til Next Time,


Diosa

Pulilan, Bulacan - Thank You


" Silent gratitude isn't much use to anyone.  ~G.B. Stern "

Gusto ko lang pasalamatan lahat ng nakasama ko last May 14 sa Pulilan Bulacan. Supposedly manonood kami ng parada ng mga Kneeling Carabao, at dahil the late ang iba sa call time. Hindi na lang natuloy. Ang saya sana maulit.

Salamat sa mag-asawang Ayen at Rex.



Buti na lang sumama ako sa inyo aftershift at nakapagpalit ako ng aking magic  pek-pek shorts. Salamat sa breakfast at s dalawang pack ng yosi na halos naubos din bago tayo makarating ng Pulilan.

Kay Renan at Elaine.



At kahit late kayo, salamat naman at pagdating nyo may dalang softdrinks si Elaine. Napawi ang init ng ulo ko. Salamat sa pakikinig nyo. I appreciate it a lot.



Napatawad na din kita kahit natawag na kitang the late Daphne Bermas. Salamat sa pakikipagtong-its. Nanalo akong dalawang piso. Kahit isa kang traydor na dama, okay lang alam ko namang aalagaan mo ang aking si B. ( Sa bowa mo, biruan lang to. At talagang kailangan kong mag-explain. ) Salamat din kasi kahit nagalit ang baby mo, you chose to stay. It means a lot to us.



Kay Cle na kasama naming mag-antay sa mga the late.

At kay Aj din.


Kay Sheena,



Kasama sa " The Lates ".  Salamat sa tong-its. Yung winnings mo naibili na ng yelo.

Kay Tin-tin, ang aking paboritong dama.


Wag kang mag-alala, di ka kasama dun sa " The Lates" dun ka sa " Super Lates ". Next time pagsinabing salubunungin nyo ang parada, hindi maglakad na kasama ng parada. Alam ko di mo kasalanan yan, kay Matt Evans. Nakakainis ka lang di mo sinabi nandun pala sya, babalik sana ako dun.

Kay Nanay, sa mga anak mo Tin na Tita Megs talaga ang tawag saken. Sa makulit na kapatid ni Ayen at sa singer mong kapatid. Salamat sa inyo.

At kay Bj.


Thank you din at di mo ako pinabayaang sumakay mag-isa pauwi. Tanga pa naman ako sa direksyon. Thanks for always being a gentleman.

Sayang, mas masaya sana kung kasama sina Jayma, Wella, Crystal at Arlene. Well there is always a next time.


Til Next Time,

Diosa

Wednesday, May 11, 2011

13 Signs of Falling in Love


" I look at him as a friend, then I realized am I falling again? "

Lately, sinusubukan ko ng mawala lahat ng nararamdaman ko para kay B. May nagsabing hindi naman daw sigurado dun sa nililigawan nya, pero mahal nya, tapo. Yun na yun. Si T. naman hindi na ako sigurado. Nag-uusap kami pero once a week na lang, minsan wala na. Gumawa na ako ng paraan, nag-effort na ng sobra kaso hindi gumagana. Sabi nya pupunta sya dito sa Metro dahil dito sya na-assign sa trabaho nya, bahala na.

May lagi akong nakakasama ngayon, sya naman si A. Hindi sya gwapo, pero thoughtful at tingin ko naman mabait. Madalang akong makakilala ng lalaking nanlilibre, lalo na sa bakla. Kaya na-aapreciate ko yun. Napapadalas ang pagiging magkasama namin kaya may time na makapag-usap ng tungkol sa isa't -isa. May time pa na sinamahan nya ako papunta sa father ko kahit bumabagyo nung last Monday pagkagaling sa trabaho. E, dati naman diretso uwi na yun. Malisyoso ba akong tao? Siguro, bobo kasi ako pagdating sa ganito kaya nag-research ako ng mga signs of falling in love. Basahin nyo, baka applicable din sa inyo.

13. You can't stay mad at him/her for more than a minute or two. You actually have to try hard to stay mad.

12. You'll read his/her IMS over and over again...

11. You'll walk really really slow while you're with him or her.

10. You'll feel shy whenever youre with him or her.

9. While thinking about him/her, your heart will beat faster and faster.

8. By listening to his/her voice..you'll smile for no reason.

7. While looking at him/her..you can't see the people around you ..you can only see that person.

6. You'll start listening to slow songs.

5. He/She becomes all you think about.

4. You'll get high just by their smell.

3. You'll realize that your always smiling to yourself when you think of them.

2. You'll do anything for him/her.

1. While reading this, there was only 1 person on your mind the whole time.

Parang, para kay B. pa din to. Pero kay A. natutuwa ako ngayon sayo and I appreciate every little concern that you're showing. Salamat.


Til Next Time,

Diosa

Get A Life.


“Oh, for God's sake . . . get a life, will you?”

This is out of my usual topics. 

Napika lang talaga ako nung isang araw. Ang dami na talagang nagbago. Hindi mo na alam kung sino ang mapagkakatiwalaan mo. I am writing this entry para dun sa taong nagpainit ng ulo ko last Tuesday evening.

Magmula nung magtrabaho ako, ipinangako ko sa sarili ko na babaguhin ko yung ugali ko. Lalo na sa pakikitungo sa ibang tao. Alam ko kasing bilang empleyado, kung sino man ang mga taong nasa paligid mo, yung ang taong makakasama mo sa araw-araw. Wala kang choice, kaya I have to deal with it. Kung dati, pag-ayaw ko sa  isang tao, nunca na mag-exist ka sa kahit anong parte ng buhay ko. Ni katiting na bagay tungko sayo, pakialam ko. Pero magmula nung magsimula na akong magtrabaho, natutunan kong, hindi dapat ganun. Ang isang tao kaya nakakasama mo eh dahil balang araw may papel na gagawin yan sa buhay mo. Kaya matutong pakisamahan lahat ng taong nakapaligid sayo.

Marami na akong klase ng taong nakaharap, at sa lahat ng pinakita ko sa mga taong ito, I should be proud of myself, masasabi kong, never akong naging plastic sa pakikitungo ko sa kanila. Genuine hindi synthetic ang mga ngiti, biro at halkhak na pinakita ko.

Wala din akong problema lalo na sa trabaho ko, kung mali ko, explain it to me ng maayos, if you prove yourself right, then i'll accept it with open arms. Hindi ako naging bakla para lang maging close-minded akong tao. Gets mo.

Bigla akong nagulat nung tawagin ako ng isa kung kaibigan. Nagtaka daw sila ko may pinagdadaanan ako lately.

" Wala naman." I bluntly replied.

Kasi wala naman talaga. Kung may pinakamabigat man akong pinagdadaanan ngayon, iyon ay ang pagkakaroon ng sakit ng aking Little Angel. Besides that, wala na.

" Eh, kumusta naman lovelife mo? " Tanong din nya.

" Wala naman." Sagot ko.

Nagtuloy ang pag-uusap namin hanggang sa sinabi nya talaga ang tunay na issue. Sinabayan ko ang isang tao na malapit saken mag-yosi one time kahit di ko pa scheduled break.

Tinanong ko sya kung sino ang nagsabi. I explained my side and he did as well. Tama may mali nga ako, I admitted. Pero, ganun ba kalaki ang pagkakamaling yun para husgahan mo ang pagtupad ko sa mga responsibilidad ko? Pinilit ko syang paaminin kung sino yun, pero hindi nya sinabi. Pero diba sabi nga nila, if there is a will, there's a way.

At sa taong to, na alam kung alam mo kung sino ka, mag-basa ka.

1. Pasensya na, tao lang ako. Nagkakamali, Oo, pero yung sobrang kunting maling yun, hindi ko itatama kasi mas mahalaga pa dun ng isang daang beses ang pinagpalit ko.

2. Huwag mo akong husgahan sa pagtupad ko sa responsibilidad ko. Silipin mo kung may makita ka.

3. Wala kang dapat ikainggit saken. Marami ka ng napatunayan sa sarili mo, ako nagsisimula pa lang.

4. Kung may issue ka saken, kausapin mo ako ng diretso.

5. Biglang naglaho ang respeto ko sayo at kahit anong gawin mo hindi mo na kayang ibalik yun.

at

6. Payo, hindi bilang kaibigan, kundi bilang tao lang. Mas marami ka ngang nagawang mas malalang pagkakamali dati, pero ni isa wala kang narinig mula samen dahil alam naming magaling at responsable ka. Hindi nga lang perpekto. Naiintindihan namin yun, sana ganun ka din. Alam mo kung anong klaseng pamamalakad ang dapat sa grupo namin, huwag lang sanang humantong na pati ang iba, mawalan ng respeto sayo. Tama na ang ako na lang.

Bahala ka kung magagalit ka sa mga pinagsasabi ko. Isa lang ang dapat na alam mo para kahit pano, sundin pa din kita, bilang tao.

Hinding-hindi ko ipagpapalit ang personal na buhay ko sa trabaho ko. Ang trabaho, pwede pa akong makahanap ng iba, ang personal na buhay, mahirap buuin yan. Wala kang guidelines na dapat sundin at metrics na dapat maabot. Ikaw ang gagawa ng sarili mong form at trial and error yan hanggang sa makuha mo ang tamang KRA.

Alam ko namang magaling kang umintindi, sana nakuha mo ang point ko. Kung may reaksyon ka, lapitan mo ako.

Usap tayo. ( Sinapian ng espiritu ni Tito Boy. )


Til Next Time,

Diosa

Wednesday, May 04, 2011

Para kay B.



" When I tell you I like you, I don't say it out of habit, I mean it. "

Ang tagal ko ding di nakapag-sulat. Naging busy lately sa pagdating ng aking pamangkin. Haggard for 3 days. Laging kulang sa tulog sa pakikipaglaro kay Baby tapos kailangang gumising ng maaga para pumasok to take care of another responsibility sa office.

Nagkita kami ni Ting after the holy week. Nandito sya sa metro for training sa company nila. Akala ko nung una, biro lang until i saw him on the flesh. Ilang oras lang kaming nagkasama pero that was one memorable moment. Walang nangyari, sana nga meron, natulog lang kami pero ang sarap sa pakiramdam. The effort itself, nakakatuwa na. Kaso gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Mahal ko sya sigurado ako. Pero the intensity of it, dun ako nagdadalawang isip at dahil na din sa isang Tao. Kay B.

Na-ipost ko na dito kung sino si B. Mula nung di na kami nagkita dahil sa iba ng shift, akala ko wala na, hanggang sa mga pangyayari lately.

Last year nung gumimik kami, di ko talaga napigilan ang sarili ko na tanungin kung may pag-asa ba kami. He just vaguely answered :

" Let's see. Basta kaibigan kita. "

Bobo talaga ako when it comes to reading between lines. I literally intepret sentences tthe way it is worded. Napadalas ang pagtatampuhan namin ni Ting before, dahil na rin siguro sa kawalan ng physical contact. Kaya kung panindigan ang mahal ko sya kaso sya mismo ang nagpaparamdam na di nya kaya.

At this time, nagiging madalas na din yung pagkikita namin ni B dahil na rin sa shift schedule. Tinanong ko ang common friend kung anong nangyayari sa kanya nung di na kami nagkikita. May bago daw syang nililigawan. Wala na saken sana, kaso lang nagulo na ako lately sa mga pangyayari. Habang nagyoyosi, I tried to ask him,

" Kumusta naman? Ang tagal din nating hindi nagkakausap, may nagsabi saken na may bago ka na. " Sabay buga ng usok.

" Naniniwala ka dun, chismis lang yun. " Sagot naman nya.

The other day, pabalik na ako kasama ung isa kung officemate from lunch. Nadaanan ko sya habang yung rumored na nililigawan nya. Hindi ako sure sa naging reaction nya pero pareho kami ng nakita. Gumuhit sa mukha nya ang matinding pagkabigla nung makita namin sya. Kung sa anong dahilan, hindi ko alam. Baka naman, din namis-interpret lang namin yun. Hindi ako sigurado.

Marami akong gustong tanong sayo B. Pero di ko magawa. Marami ako gustong, sabihin, di ko naman kaya. Alam ko hindi ka naman bulag at manhid para di mo malamang ikaw si B.

Sana kung may pagkakataon, makapag-usap tayo dahil gustong-gusto kung sabihin lahat sayo. I would appreciate it so much if you can draw a very clear line between us. Ayokong mawala ka, kaso lang ang hirap. Mahirap magselos lalo na kung wala ka namang ni katiting na karapatan.

Isa lang ang kaya kung panindigan sayo. I promised to take care of you and I mean to do it hanggang sa kailangan mo pa ako.

Kita na lang tayo pagbalik ko sa opisina.


Til Next Time,

Diosa

Wednesday, April 20, 2011

At ang Nagwagi..


"  I want and need you in my life to make me whole and its only you who  can make this dream come true. "

Sa haba ng votations and proper deliveration of the comments, e-mails and feedbacks from my Damas. May nanalo na. Pero bago ang lahat, I have a few words for the contestants.


To my Baby Ernie,

Ikaw ang aking stress reliver sa office. Kunting akap mo lang nawawala na lahat ng inis sa katawan ko. Kung may lagnat ako, ikaw yata ang gamot ko. Napaka-cheesy ko naman this Maundy Thursday. Always remember, you will have a special space in my heart.


To B.J.

We have known each other for quite sometime and I thank you for always being there for me. Thank you for being the RTW of my worklife. Always remember you will be very special to me. Sana sagutin mo na ang matagal ko ng tinanong sayo.


To all my Damas, salamat sa pagbuto. At bilang inyong diosa, lubos kung ikinagagalak na ipakilala ang nagwagi sa pa-chubbyhan, pa-cutan contest ng magiging Samson ng buhay ko at buhay nating lahat. With a vote of 10 out of 18. Ang Samson ng buhay natin ay si:




Si B.J.

O mga dama, ang akin ay akin lang at ang sainyo ay sa akin pa din.

Hay sana totoo na lang to. Ang tagal na kasi di pa ako sagutin.


Til Next Time,


Diosa

Thursday, April 07, 2011

My Little Angel

" This is unexpected on my part. Totally shocked with your arrival but fulfilled and happy that you are here my baby, my little angel. "

Eto ang aking dearest pamangkin, si Matt Kristoff.



My Little Angel. Thank you baby for coming to our lives. You may have come sooner than I expected, but it's all fine. Tita/Tito will always be here for you I promise. I'm glad I will have the chance to guide you as you grow up together with you Papa and Mama. Someday you might read this write-up about you. I just wanted to tell you. I love you very much my little angel.

Ang tagal ko ng gustong magkaanak at ngayon na dumating ka na, Baby Kito, I'm more inspired to continue life because of you.

See you soon baby.


Til Next Time,

Diosa





Ang Aking mga Babies.


" I can resist anything but temptation. "

Witchikels ( hindi ) ganyang babies. Matagal ko ng gustong i-feature to sila sa aking blog. Bilang isang Diosa, kailangan bukod sa aking mga Dama, kailangan ko din ng Samson sa buhay ko.

Common denominator ang chubby na isa sa mga qualifications ko for the Samson of my life. So far dalawa silang nag-aagawan sa aking puso.

Si Ernie.


Height : Maliit
Weight : Malay ko di ko na tinimbang
Attitude: Babaero

Disclaimer: Sabi lang nila yun. Hindi ako nagsabing babaero ko. Kasi alam ko faithful ka saken. ( Landi mode. )

Bago pa sya na-promote at napunta sa department namin. Madalas kong makuha ang tawag nito. Minsan daw sabi nung isang teammate ko na si Raquel, lumapit daw to sa kanya at hinahanap daw kung sino si Tier2 Nevin at galit daw. Tinanong ko siya kung bakit. Dahil everytime daw na nakukuha ko sya, I would always ask him to spell out his last name.

Kasalanan ko ba kung di ko maintindihan nun ang last name nya?

Ngayong nasa same department na kami, he became one of my babies. Ang aking provider ng yakap-sule everyday. Sa tuwing stress na ako, I would just approach him and ask for a hug.

Note : Walang malisya ang akap na yun. Wala, wala, wala.

Mabait naman sya sa tingin ko. Malambing at marunog makisama.

Keep up the good work contestant number 1. The judges will be the one to decide kung ikaw ba ang dapat na maging Samson ng buhay ko.

Si B.j.


Height : 5'7 na ako pero mas matangkad pa sya.
Weight : Doble siguro ng timbang ko.
Attitude: Tahimik.

Disclaimer ulit : Di ako sure sa timbang, di naman importante saken yun. Di ako choosy.

Tier 1 agent palang to, kilala ko na. Gimik buddy ko din kasama ang isa pa naming common friend. Sweet sya sa lahat lalo na sa lahat ng friends nya. Agent sya nung isa kung teammate dati kaya madalas pag-lunch ko or break tumatambay ako sa team nila para tumulong. Hindi ako mahilig sa chubby dati pero I was literally attracted to him nun.

Valentine's Day last year nung bigyan nya ako ng toblerone as a token daw of appreciation. Di ko talaga kinain yun. Until now nasa akin pa din yun.

Sa mga magbabasa, don't get me wrong. Alam nyang gusto ko sya pero hanggang dun lang yun. We are good friends, huwag ng gawan ng malisya.

( Defensive? )

Isa sya sa taong I would rather not dare cross the bridge of being a friend and a lover instead of risking loosing him.

I know you have the skills to be a great agent of our department. I have very high expectations on you contestant number 2. Do not disappoint me. Always remember eveything that I've told you.

But still the judges will be the one to decide, will you be the protector of my reign as a Diosa?

To cast your votes :

Lapitan nyo na lang ako sa station ko or send me an e-mail.

It's been time for my lonely heart to be taken cared of.

To all my Damas,

Who would you want to be the next Samson of my Life?


Til Next Time,

Diosa


Note : Sa tunay kong baby. Katuwaan lang to. Di totoo to.

Top 50 Things About a DIOSA


" It takes courage to grow up and become who you really are.  ~e.e. cummings "

Uso to ngayon kaya makikigaya na ako. Bilang isang Diosa, karapatan ng aking mga dama na makilala ako ng husto.  This will be the top 50 things that's all about me.

1. Ayoko sa Pizza. Hindi sa ayaw ko sa lasa nito, may bitter experience lang ako na involved ang food na 'to. Kaya everytime na nagyaya ang mga officemates ko na kumain ng Pizza hindi ako sumasama.

2. Malakas akong kumain. Kung makikita mo ako sa personal, hindi halatang kumakain ako ng 2 1/2 rice or more every meal. Patpatin lang talaga ako. Balingkinitan ang katawan.

3. Mahilig ako sa Pinoy dishes. Kahit gaano pa kasarap o kasosyal ang isang pagkain basta't hindi Pinoy, nunca na masama sya sa listahan ng pagkain na gusto kung alaming lutuin.

4. Mahilig akong mag-alaga ng hayop. Sabi kasi nila pag marunong kang mag-alaga ng hayop, magiging magaling na syota ka raw kasi may experience ka na.

5. Mahilig ako sa larong Pinoy. Natatandaan ko pa kahit nung 3rd year college na ako sumasali pa din ako sa mga kapatid at pinsan ko pag naglalaro sila ng habulan o di kaya baril-barilan.

6. Mahilig akong mamili ng damit. Mumurahin man yan o branded bastat nagustuhan ko, bibilhin ko. Pero di ko gagamitin madalas ang iba. Minsan kahit sa opisina kung mapapansin nyo, marami akong damit na minsan ko lang isuot meron naman na every week ko suot. Minsan kasi may mga damit na kahit alam kung maganda di ako feeling maganda pagsuot yun. Chos.

7. Mahilig ako sa regalo. Mas naapreciate ko yung gift pag food yun. Pero di ko kakainin yan. Itatago ko lang yan hanggang sa mag-expire o di naman kaya titigan ko lang yan hanggang sa ang nagbigay saken mismo ang magpakain saken.

8. Mahilig ako sa bulaklak lalo na yung orchids. Namana ko to sa mama ko. Lumaki akong napapaligiran ng mga ito ang lumang bahay namin sa probinsya. Kaya lang napabayaan na lately. Di na kaya ni mama. May mga bagay na dapat mas paglaanan ng panahon.

9. Paboritong prutas ko naman ang suha. Lalo na yung pula from Davao. Madalas kasi nung bata ako pag-uuwi si Tatay galing ng Davao, kahon-kahong suha ang dala nya. May puno nga sa bakuran namin nito ngayon. Sana sa paguwi ko maraming bunga na.

10. Lola's boy/girl ako nun. Si Lola Salvacion ( sumalangit nawa ) ang nakalakihan kung nag-aalaga saken. Natatandaan ko pa, pag may lagnat ako nung bata ako, ang gagawin ni Lola, aakapin lang ako sa buong magdamag para daw mainitan ako at pagpawisan. Lagi naman akong gumagaling agad.

11. Mga 6 years old palang ako nag-iinum na ako ng beer. Si Lola ko din ang nagturo saken, Meron kasi kaming tindahan nun at si Lola bago matulog, iinum yan ng isa or dalawang bote ng pale pilsen na beer. Ako naman kasi atribida ako kumukuha din ako ng sarili kong baso, tatabi kay Lola at iinum din. Mga kalahating baso lagi binibigay saken nun, di ko naman nauubos.

12. Mahilig ako sa mga fiesta. Si Lola din kasi dati sa dami ng kakilala sa probinsya namin, everyday may pinupuntahang fiesta pag May. Ako ang lagi nyang bitbit nun.

13. Homebuddy akong tao. Mababaw lang ang kaligayahan ko lalo na pag nakatambay lang ako sa bahay. A good movie and good food. Solve na ang restday ko.

14. Mahilig akong magluto. Filipino dishes din ang madalas kong pinag-aaralang lutuin. Sa ngayon especialty ko na ang sinigang, menudo, afritada at caldereta.

15. Ayokong naghuhugas ng plato. Sa lahat ng mga gawaing bahay ito yung hindi ko alam kung bakit pero parang diring-diri talaga ako.

16. Panganay ako sa mama ko pero pang siyam ako sa Tatay ko. Second family kami pero I have never ever felt na second lang kami sa Tatay ko.

17. Mahilig ako sa mga larong panlalaki kahit nung bata pa ako. Baril-barilan, habulan, tumbang preso pero di ko alam kung bakt naging bading ako. Wala din naman sa lahi namin.

18. Di ako mahilig sa chocolate. Kung liligawan mo ako, dalhan mo ako ng ibang pagkain o di kaya bigyan mo ako ng love letter. Mas sweet para saken yun.

19. Mahilig ako sa mga tula. Paboritong tula ko ay yung kay Ildefonso Santos. Yung " Sa Tabi ng Dagat. "

20. Mahilig ako sa mga love stories kesa sa mga adventure books. Romantic-Comedy man yan o di kaya Tragic basta love story, pasok saken yan.

21. Mahilig din akong magsulat ng kung ano ano lang kahit na walang kwenta. It's my way of venting out.

22. Mahilig ako sa kape. Dream Job ko ang mapalibutan ng maraming maraming kape. Gustong-gusto ko ang amoy nito lalo na pag bagong gising palang ako. Nakakagana.

23. Ayoko sa lahat ng hayop ay yung bull frog. Madalas akong magka-goosebumps dahil sa balat nito. Kadiri.

24. Ayoko sa mga pagkain na may cinnamon. Hindi ko gusto ang lasa nito na minsan sumasama sa hininga. Sumasakit ang ulo ko.

25. Mahilig ako sa gulay. Paborito kong kaninin ay ang ginisang ampalaya at pakbet. Kaya di ako naniniwalang nakapagpapataba ang gulay kasi hanggang ngayon, sexy and thin pa din ako.

26. Mas gusto kong pinanonood ang mga Pinoy Films kesa sa foreign ones. Mas madali kasing intindihin ng walang effort ang kwento.


27. Tamad akong maglaba. Kung magpalaba man ako, isa lang ang rule ko. Bawal ang washing machine.

28. Natuto akong tumipa ng tiklado ng Piano. Graduation ko ung elementary nung regaluhan ako ng tatay ko ng Piano. Hindi ko man lubos na napag-aralan pero at least hindi naman ako naging sintunado.

29. Mahilig akong magbudget ng pera pero never pang nasunod ang budget na yun. Pero mula ngayon pipilitin ko na. ( Sinabi ko na rin to dati. )

30. Sentimental akong tao. Emotional pero ayokong nakakita ng mga taong umiiyak lalo na sa larangan ng pag-ibig. Kung kaibigan mo ako at nasa sitwasyon kang ganyan. Papatawanin kita. Pero pag ako naman, huwag mo nalang subukan.

31. May dalawa akong stuff toys sa bahay. Una isang teddy bear na Harold ang pangalan. Bigay saken ni Harold yung dati kong officemate at yung isa si Gerald. Bigay ni Ex. Di pwedeng mawala sa kwarto ko ang dalawang yan. Gira ang mangyayari pag nagkaganun.

32. Hindi ako mahilig gumimik. Paglumabas man ako, ang gusto ko pag-uwi ko nakangiti ako. Kaya mas gusto ko sa mga comedy bars kesa sa mga resto bars.

33. Nung bata ako, ultimate crush ko nun si Rustom Padilla pero di ko inaamin sa sarili ko na bakla ako. Ang gwapo nya nun sa pelikulang " Sana Dalawa ang Puso Ko ". Ngayon hindi na, maganda na kasi sya gaya ko.

34. Lahat yata ng genre ng music gusto ko. Pero pagkumakanta ako forte ko yung Rock. Kaya bansag saken ni bestfriend rakistang bakla. Favorite ko sa mga ganito si Bon Jovi, Nazareth at Michael Bolton.

35. Mahilig ako sa anime. Dragon Ball Z, Princess princess, Digimon at marami pang iba. Hindi mo pwedeng ilipat ng channel pag nanunuod ako nito. Gulo ang hanap mo.

36. May collection ako nung high school ng Tamiya Racing Cars. Binilhan pa ako ni Tatay ng race track nun kasi yun yung usong-uso sa mga lalaki. Pero at that time tanggap ko nang bakla ako. Pero kahit ganun naging die hard fan din ako ng larong to.

37. Hindi ako relihiyosong tao pero huwag mo akong pariringgan na dadautin mo ang nakagisnan ko ng paniniwala dahil di kita uurungan sa isang matinding debatehan.

38. Hindi naman sa pagmamayabang pero honor student ako lagi nung elementary. Nung high school naman nung 4th year lang kasi nagloko pero nasa top 10 pa din. Matalino nga daw ako sabi ng mga naging teacher ko. Bobo naman pagdating sa practical na mga bagay gaya ng pag-ibig.

39. Melodramatic akong tao. Sad song palang nadadala na ako, naiiyak.

40. Mahilig ako sa bata. Sobra. Kaya siguro kung naging babae man ako sigurado akong di man ako ang perfect wife, ako ang best and perfect mother.

41. Di ako magaling sa confrontation lalo na pag bago pa ang issue. Nauunahan ako ng emosyon kesa matinong desisyon.

42. Merong dalawang taong pinaka-mahalaga sa buhay ko. Ang Mama ko at ang Lola ko. Nauna na si Lola, si Mama na lang ag natitira kaya lahat ng di ko naipakita kay Lola, gagawin ko kay Mama.

43. Kwentuhan mo lang ako ng tungkol sayo. Sa mga pinagdaanan mo. Feeling ko nun close na tayo kasi pinagkatiwala mo na ang iilang piraso ng pagkatao mo.

44. Madali akong main-love. Di ako mahilig sa gwapo, basta mabait. Pag naging tayo, asahan mong lahat ng sasabihin mo paniniwalan ko ng walang duda. Kaya madali din akong maloko at masaktan.

45. Pag may karelasyon ako, requirement saken ang makilala kahit sino sa mga kamag-anak mo. Ito yung talagang basehan ko kung seryoso ka saken at di mo ko kinakahiyang maging karelasyon.

46. Kung itinuturing kitang kaibigan mapalad ka. Kaya kong panindigan ang kahulugan ng salitang kaibigan.

47. Wala akong di gagawin para sa pamangkin kong si Kito. Sya na ngayon ang direksyon ng buhay ko.

48. Ilang beses na akong umasa na darating din ang araw na makikita ko din ang taong nakalaan saken. Ilang beses man akong mabigo, masaktan at umiyak pero ni kailanman di ako mapapagod magmahal. Kung sino man ang taong yun, mapalad ka saken ka napunta. Ngayon palang sinasabi ko na sayo, " Di ka magsisisi na ako ang minahal mo. "

49. Family -oriented akong tao. Kung meron mang bagay na di pwedeng mawala sa sistema ko sa pang-araw-araw, yun ay ang pamilya ko.

50. I don't believe in the saying " Promises are made to be broken. " kasi ako kaya kung panindigan yan. Kung nangako ako sayo na di kita iiwan hanggat kailangan mo ako, maniwala kang di ko gagawin yun. Ganito ako magmahal. Tapat at ikaw lang talaga sa buhay ko.


Habang sinusulat ko to, akala ko di ko mabubuo, kulang pa pala. Salamat sa nagumpisa nito. Nakakagaan pala sa pakiramdam ang maisulat mo sa kung sino ka sa tingin mo at hindi sa tingin ng iba.


Til Next Time,

Diosa

Wednesday, April 06, 2011

Finally...100% Over na Ako




Last night I played the song " Art of Letting Go " over and over and now, finally I can say " I am totally over you". This will be my last entry about us.

I missed the days when we used to write letters for each other. Until now, I still have them. Before, it leaves a bitter tastes when I read them, now it's diifferent. It simply puts a smile on my lips. Not because I know once you loved me but because I know that this has been one of the most romantic story that I experienced and witnessed.

If I am to be given a chance to write one last letter for you, this will be it.


To my Dearest Jhe,


How are you? I hope you're doing great. Well, it's been a long time since we met. I can't really imagine before how it happened. One day, I just simply asked for your number and was introduced the following day in a party and the rest is history.

I miss the old times when we used to chat every afternoon. Ang pagtakas mo para lang makapunta sa bahay. Ang inuman natin habang may asukal kontra allergies. You used to be allergic to alcoholic drinks. Higit sa lahat, the little private talks that we have while were just simply lying in my bed. The letters that you used to write for me, your brothers who used to be our secret messengers. I miss those kids.

But I guess, this is just how the way it should end. I just wanted to write this letter to thank you. Through you, I've felt how to be loved and to love selflessly. Thank you for all of the efforts to sneak every afternoon from your grandmother although we both know if she finds out, she'll definitely scold you. I appreciate it so much. The romantic gestures and for all the care when we used to be with each other.

Thank you, that you didn't deny me from your cousins when I went to your house. You have been even proud to have me meet them and be introduced as your lover. But most of all for introducing me to your mom.

I know it has been a true feeling that you used to have for me, but I guess not all things really lasts forever.

You were able to lend a good job. Congratulations.

Just take care of your brothers, of Lola and Tita and most of all of yourself.

This will not be I love you goodbye, just a simple thank you and gooodbye.


From your former love,


Diosa


Ang drama ko na naman. Pero promise ito na ang last. Finally, I am 100% over you.


Til Next Time,

Diosa