Monday, November 07, 2011

Just This Christmas


" Remember this December, that love weighs more than gold and the best gift that I can have is you. "

Last thursday nagkita kami ni J. After my shift diretso na ako sa kanila. Nakakaloka pa naman nung araw na yun, alas-sais ng gabi ang out ko, maulan at rush hour na. Perfect to be called effort talaga ang pagpunta ako. Sa may Fifth Avenue na kami nagkita para malapit lang sa sakayan ko pag-uwi at sa kanila. Di na din ako dumiretso sa kanila wala naman ang mama nya dun. First time naming mag-date na sa Jollibee and kinainan. How awkward the way people looked at us when he approached me parang di makaapaniwala. 

Medyo matagal kaming di nagkita, almost a month na puro sa text at tawag lang kami nagkakausap. 

J : Anong bago sa'yo liban sa buhok mong mahaba. Nga pala bagay sa'yo.

Pag-uumpisa nya sa usapan.

Me : Wala naman lagi lang pagod sa trabaho. Eh ikaw? Anong pinagka-kaabalahan mo?
J : Ito laging nagbababad sa gym. Alam mo na, ito nga o lumalaki na bicep ko.

Sabay pinakita ang braso nya. Dati kasi payat sya at ngayon, lalo na pag-nakasuot sya ng pang-opisina nya, the guy i used to know is now a dignified man.

Me : Naku, huwag mong ipakita saken yan. Baka matakam ako at makapag-check-in tayo bigla.

Natawa sya sa biro ko. 

J : Ang tagal na natin noh? Mahigit apat na taon. Kasi isang taon din tayo nawalan ng communication.
Me : Oo nga eh, ikaw kasi bigla ka na lang nawala.
J : Hindi naman, naguluhan lang ako nung time na yun. Hindi ko naman alam na mamahalin din kita na hindi dapat nung una. Pero napag-isip-isip ko din na wala namang mali. Isa pa, naging okay na kayo ni Lola diba?
Me : Nag-aantay lang naman ako nun ng paliwanag.
J : Alam mo naman na sa lahat ng naging karelasyon ko, tayong dalawa lang ang nagkabalikan. 

Hindi ko alam kong ikatutuwa ko ang mga naririnig ko pero it was heart warming knowing your man did at least love you at least sa alam ko. Binago ko nalang ang usapan.

Me : Kumusta na kayo ng girlfriend mo ngayon?
J : Ayun, sinabihan nya nga ako na gusto ng magka-apo ng papa nya. Next year nga aalis na yun papuntang States at isasama nya daw ako. Sabi ko ayoko nandito pamilya ko. Isa pa wala pa sa isip ko yun.
Me : Of course kasi ako ang pakakasalan mo.

Biro ko sa kanya to make the mood a bit lighter. 

Me : J, diba sabi mo saken dati magiging masaya ka kung makakahanap na ako ng iba?
J : Oo, bakit may iba na ba?
Me : Wala naman, pero may gusto ako ngayon kasi mabait sya saken. Pero hindi kami.
J : Ganun ba? Pero dapat makilala ko sya para alam nya pag-magkasama tayo.
Me : Hindi naman yata pwede yun. Pag may iba na ako, hindi na pwede ang ganito syempre uunahin ko muna sya.

Bigla syang nalungkot nung sinabi ko yun.

J : Ikaw bahala? Di kita pipigilan.
Me : Ano ba talaga kasi ako ngayon sa'yo? Nagbibilang tayo ng taon hindi ko naman alam kong tayo?
J : Ayoko kasing tawagin kang karelasyon kasi may katapusan yun at ayokong mangyaring dumating yun.

Hindi ko alam kong ikatutuwa ko ang lahat ng sinabi nya o ikagugulo lalo ng isipan ko. 

Me : Gusto mo bang umiwas na lang ako? Napaka-redundant na kasi nito, bakla na nga ako kabit pa?

Natawa sya sa statement ko.

Me : Although hindi naman kabit kasi ako ang nauna.

Paglilinaw ko sa kanya. Napangiti  sya para mawala ang tension ng usapan. Naikwento ko sa kanya si G.

J : Ikaw? Kung ako ang tatanungin mo kung saan ka masaya pero dapat ipapakilala mo sya saken. Pero mas maganda sana na huwag ka nalang maghanap ng iba, hindi ka na ba kuntento saken?

At binigyan pa ako ng nakakalokong ngiti.


Me : Hindi naman sa ganun, kaya nga tinatanong kita.
J : Huwag na.


The night went on talking about how we both are doing in our jobs and he sent me home at around 10 PM. 

Don't get me wrong dear readers. Wala akong intensyon na mamangka sa dalawang ilog. Ang hirap kaya magsagwan. Gusto ko lang magbawas ng mga dinadala ko baka sakaling pag may bakante na, makapag-isip na ako ng tama. Mahirap talagang kumawala sa bagay na nasanay ka na at yun si J pero hanggang kailan naman 'to? Alam ko mahal ko sya, walang duda dun, ang paulit-ulit ko lang na tinatanong sa sarili ko " Gaano ko sya kamahal? Gaya parin ba ng dati na handa kong gawin ang lahat para sa kanya? " at sya " Mahal nya pa din kaya ako gaya ng dati? "

Si G naman has been a special person. Yung tipong crush na syang nagpapangiti sa'yo makita mo lang sya. Yung taong kahit gaano pa kasama ang araw mo, lapitan ka lang, okay na ang lahat. Ayokong magsalita ng tapos, bahala na. This life is all about taking risk anyway.

Ayokong ikumpara ang dalawang taong ito kasi magkaiba sila nga papel sa buhay ko. 

Siguro malapit na ang pasko, hindi naman masama ang humiling kahit kunti lang.

I just want to have a clear line drawn and meant to be there forever between me and J. Hindi naman siguro ikakabawas ng yaman ng mundo ang hiling ko na 'to. 

Kung sakali mang magpapatuloy pa 'to, isa lang ang kundisyon ko, ayoko na ng may kahati kahit ngayong pasko lang.

New year is fast approaching at sana naman bago dumating ang susunod na taon, natapos ko ng tuldukan lahat ng dapat para sa taong ito. And I mean to follow it for the rest of my life.


Til Next Time,


Diosa




Sunday, November 06, 2011

A Unique Christmas


" Christmas is a necessity.  There has to be at least one day of the year to remind us that we're here for something else besides ourselves.  ~Eric Sevareid "

Forty seven days na lang pasko na. Ang pinaka-importanteng araw sa buong taon para sa ating mga Pinoy. Nakakalungkot mang isipin pero marami na sa atin ngayon ang medyo nakakalimot na sa tradisyon nating mga Pilipino sa ganitong okasyon. 

Sa lahat yata ng bansang nagdiriwang ng kapistahang ito, tayo ang may pinakamatagal na pagdiriwang para dito. From Septermber 1 until 3 Kings Celebration at kung minsan pa hanggang sa Valentines Day ang celebration nito.

When I was a kid, we used to start putting up Christmas Decorations unang araw palang ng September. This is always or family tradition at tatanggalin ang mga ito pagkatapos ng Mass sa town namin for the 3 Kings. Naging ganito ang tradisyon namin dahil isang deboto ang lola namin sa aming simbahan. 

Pero ngayon, marami ng nagbago sa tradisyon nating ito. Si Santa Claus, Rudolph the red nose reindeer, Snow Man at Mistletoe na wala naman talaga sa tradisyon natin. Naiintindihan ko namang mas nagiging makulay at masaya ang pasko natin dahil dito. It makes us feel this Christmas Spirit. Pero sana naman hindi natin makalimutan ang sarili nating tradisyon.

Masaya ang magkabit ng makukulay na parol which symbolizes the star that guides the 3 kings to Bethlehem. 


Ang Belen which symbolizes the Holy Family. 


At higit sa lahat ang tradisyon natin tuwing kapaskuhan, ang Simbang Gabi o ang Misa de Gallo which is a way to thank our creator for all the blessings. Dati pa nga sinabi pa saken nung isa kung kaklase na pagnakompleto mo ang lahat ng misa, pwede ka daw humiling, pero hanggang ngayon di pa natutupad ang hiling ko kasi di pa din ako nakakakumpleto nito.

Pagkatapos ng misa, sinong hindi matatakam sa Puto Bumbong 


At ang Bibingka,


Ang Monito at Manita na minsan nagkakadayaan pa sa bunutan para makuha ang pangalan ng gusto mo. Oo guilty ako dito, inaamin ko ginawa ko ito nung highschool ako at sa kasamaang palad hindi dumating nung chirstmas party namin yung crush ko. Ang ending, naging gift ko sa sarili ko ang binili ko.

At sino ang hindi nakakaalam ng bolang asin na ito,


Ang queso de bola. Nung bata ako, hindi ko talaga alam kung bakit lagi itong parte ng handaan at hanggang ngayon di ko pa din maintindihan kung bakit naghahanda tayo tuwing pasko ng bolang asin sa hapag. Sobrang alat. At samahan pa nito,


Maganda sa kalusugan ng lahat ang tradisyunal na pagkaing ito at good for the heart pa.

Liban sa pagkain, dekorasyon at simbang gabi, nandyan din ang taunang manhunt ng mga inaanak sa mga Ninong at Ninang nila. Sa talambuhay ko, isa lang sa mga Ninang ko ang nagbigay saken ng regalo nung pasko at lately nung nagkita kami matapos ang ilang taon, nagregalo sya saken, 50 pesos. 

At ngayon heto na naman tayo sa pinakaaantay na araw ng taon. Sana naman lagi nating isapuso kung bakit tayo nagdiriwang sa araw na ito taon-taon, ang kapanganakan ni Kristo.

May isang hiling lang ako ngayong Pasko ang makapiling ka G. Wala lang siningit ko lang 'to.

Sa lahat, Merry Christmas and a Happy New Year mga becky, tombalata, straight at paminta.


Til Next Time,


Diosa


Marriage or Happiness?


" Love is like a puzzle. When you're in love, all the pieces fit but when your heart gets broken, it takes a while to get everything back together. "

Paanong kung ang kasal na sana panghabang-buhay ay sya ngayong pumpigil sa'yong maging masaya? Pipiliin mo pa bang tuparin ang isang pangako o mas pipiliin mong maging masaya?

 Hindi ko alam kung makakatulong ito sa isa kong officemate na nasa isang mahirap na sitwasyon, pero sana may mapulot ka, kahit kunti.

Itatago ko sya sa initials na N. She is a colleague, an officemate and a friend to me although we just know each other for barely a month or two. Masayahin, mabait and  well-mannered ang babaeng ito. Married for 10 years with one kid. However, lately dahil kami lagi ang magkakasama, naike-kwento nya ang mga nangyayari sa kanya lalo na sa marriage nya.  

Sa office employee's lounge sya tumutuloy ngayon. Wala pa kasi syang mahanap na marerentahang place. She lives separately from his husband para turuan nya ng lesson dahil sa pambabae nito which according to her ay di lang isang beses nangyari. She lets me read one of the text messages na ipinadala ng husband nya before:

" Bigyan mo lang ako ng time, aayusin ko lahat ng 'to. "

Umaasa siya na at this point of time natatauhan na din ang asawa nya. Binibista sya minsan at dinadalhan ng kung ano-anong grocery items sa office at pati kami nakikinabang din kaya alam ko. Chos.

One time, hindi sya pumasok and we found out na na-irush sa hospital ang husband nya because of a mild stroke. Sa katabing hospital ng office namin na-confine ito. Nung nalaman ng manager and common friend namin ang nangyari, pinuntahan nya agad 'to to check kung okay sya. Pagdating sa opisina ito agad ang bungad samen nung matapos syang manggaling  dun.

Manager : Mga te, si N, humahagulgol ng iyak. Dumating kasi yung kembot nung jusawa nya.

We were thinking na, this unfortunate event might turn into something good between the two of them, only to find out we were all wrong. Kinabukasan, pagkapasok ni N, bigla nya nalang nya akong niyakap at napaiyak sya.

N : Hindi ko akalain na sya ang pipiliin nya. Kahapon, kaya di na ako pumasok para sana ako ang mag-asikaso sa kanya, only to find out na lahat na pala ng papeles para sa hospital nagawa na nung babae nya. Sinabi ko pa sa kanya na dapat umalis na ang kabit nya, pero hindi man lang natinag ang babae at pati sya. Ako na lang ang nagkusang umalis.

Pero despite all of this events, lagi nyang kine-kwento samen na hindi man naging mabuting asawa ang kanyang mister, naging mabuti itong ama sa kanilang anak. According to her, ni minsan hindi pinabayaan nito ang mga pangagailangan ng anak nila. I just want to salute her for that, despite of all the bad things that her husband is doing, she can still look at the positive side of the person. Kaya dun ko na din nasabing, mabait tong taong 'to at hindi la basta pakitang-tao.

Lately has been one of the most difficult days of her life dahil sa hinihingi ng asawa nya, Annulment. Sabi nga nya,

" Parang ganun lang kadali sa kanya yun nung tinanong nya ako at sa text pa. Sinagot ko na lang sya ng fine and please stop texting me. "

While she was saying this words, mararamdaman mo talaga ung gaano sya nahihirapan sa sitwasyon. Na ang taong akala nya ay makakasama nya habang buhay, ay sya pang taong nagpapahirap sa kanya ngayon. Sabi nga nya kahapon, " Hindi ko sya pinilit nung una na pakasalan nya ako, tatlong beses ya akong inalok bago ko tinanggap, tapos ngayon basta na lang ganun? "

Hindi ko alam sa ngayon kung ano ang pinakamagandang payo sa kanya. Alam kong mahirap, pamilya nya ang pinag-uusapan dito, ang pamilyang pinaghirapan nyag buuin. Pero sabi ko nga sa kanya, masyadong maikli ang buhay, sinubukan nya ng ipaglaban dati, pero yung isa ang umayaw. 

Mabait na tao si N sigurado ako dun kaya siguro naabuso ng asawa nya dahil alam nitong may mga paniniwala ito sa buhay na hindi basta-basta sya iiwan, pero sa ganitong sitwasyon, dapat pa ba?

Sabi nga nung isa pa naming kasama, may isip na ang anak mo ipaliwanag mo na lang sa kanya at gabayan mo sya na maintindihan nya lahat ng nangyayari at maghanap ka ng bagong taong magmamahal sa'yo at mamahalin mo ng higit dun sa isa. Sa ganung paraan, mas mapapadali ang moving on stage mo. 

Iba naman ang naging pananaw ko sa bagy na ito. Siguro nga hindi lahat ng taong nagkakatuluyan, lagi ang ending " And they loved happily ever after ". Meron mga ibang, isang chapter lang pala yung ng buhay nila at may karugtong pa kung saan dun mo makikilala ang taong tunay na magmamahal sa'yo, ang sarili mo. 

Ang sabi ko kay N, magpaganda ka, mahalin mo ang sarili mo at ipakita mo sa asawa magiging kawalan ka nya balang araw. Gawin mong inspirasyon ang anak nyo upang magpatuloy at hindi natin masabi na may dumating na taong totoong magmamahal sa'yo ng habang buhay.

Cheers to life N. Life is too short to be wasted.


Til Next Time,

Diosa

Tuesday, November 01, 2011

Ang Talaarawan Unang Bahagi : Ang Pagtatagpo



" Hindi ko alam kung tama ang nararamdaman ko para sa'yo, ang alam ko lang masaya ako sa piling mo at ang talaarawan na ito ang maglalaman ng lahat tuungkol sa atin.  "

Nobyembre 1 taong 1896 :

Taong 1896. Nagsimula na ang pagaaklas sa iba't-ibang bahagi ng bansa laban sa pamahalaan ng mga Kastila. Bagamat napakalaki ng tiwala ng pamahalaan na hindi magtatagumpay ang pag-aaklas, nagulat parin ang Gobernador Heneral sa hukbong nabuo ang mga Indio. Matapos na kumalat sa mga pahayagan sa Europa ang balitang isang malakihang pag-aaklas ang ilulunsad ng mga Pilipino matapos ang pagkamatay ni Jose Rizal. Nagpadala ng mga karagdagang sundalo at pinuno ang pamahalaang Kastila bilang tulong na supilin ang pag-aaklas. Sa kabila ng mga balitang ito, panatag pa rin ang aking ama na si Don Ignacio dela Merced na hindi ito magiging sagabal sa takbo ng kanyang hacienda sa Batangas. 

Pagmamay-ari ng aking ama ang isang malaking Hacienda na taniman ng tubo na syang ginagawang asukal na inaangkat papuntang Europa. Galing sya sa mayayamang Kastila na nabigyan ng malalaking lupain ng pamahalaan dahil sa naging kontribusyon ng mga ninuno nito sa pagtataguyod ng Kristiyanismo nuong nagsisimula pa lang ang pagtatayo ng gobyernong Kastila sa Pilipinas. Bagamat, hindi maituturing na purong Kastila sya at ang ama nya dahil sa ang naging asawa ng Lolo nito ay isang Pilipina, hindi ito naging hadlang sa lalo pang pagpapalawak ng impluwensya ng kanyang ama sa lugar nila.

" Hindi kailanman masusupil ng hukbo ng mga Indio ang hukbo ng pamahalaan. Magsasayang lang ang mga ito ng pagod at lakas. " Pagpapaliwanag nito sa isang kausap habang idinaraos sa bahay nila ang isang pagtitipon. Katabi ng aking ama ang aking ina habang sila ay nakikipag-uusap sa mga bisita. Nandun ng mga oras na iyon ang matataas na pinuno ng lokal na gobyerno at ilang mayayamang Insulares sa mga kalapit na nayon. 

" Miguel, hijo lumapit ka dito. " Tawag ng aking ama matapos makitang humiwalay na ako sa aking mga kausap.

Iginiya ako ng aking ama patungo sa kinatatayuan ng Alkalde Mayor at sa katabi nito ang isang magandang Binibini.

" Senior Adolfo, ito nga pala ang anak kung si Miguel ang aking unico hijo. Ngayon lamang sya nakauwi galing sa kanyang pag-aaral sa Europa. " Pagpapakilala nito sa kanya sa Alkalde.

" Ikinanagagalak ko po kayong makilala, Senior " Inilahad ko ang aking kamay upang kamayan ang Alkalde.

" Ganun din ako hijo at ito pala ang aking anak, si Alejandra. " Pagpapakilala naman nito sa katabi. Yumuko ako at inabot ang kamay ng anak ng Alkalde upang hagkan tanda ng aking paggalang.

" Ikinagagalak kong makilala ka Binibini. "

" Akin ang karangalan. " Mayuming sagot naman nito.

" Hindi ba't bagay ang ating mga anak? " Biro ng aking ama. Hinawakan ng aking ina ang balikat ng aking ama.

" Huwag nating pangunahan ang mga bata. " Sita ng aking ina sa aking ama.

" Huwag kang mag-alala, kampante akong magkakagustuhan ang dalawang bata. " Sabay ngiti ng aking ama. At tinapik-tapik nito ang kamay ng aking ina.

" Kung ganun, Miguel hijo, bakit hindi mo kausapin itong aking anak sa may hardin ninyo? Kanina pa nya gustong makita ang mga rosas na nadaanan namin kanina. " Suhestiyon naman ng Alkalde.

" Kung iyong mamarapatin Binibini. " At iginiya ko palabas ng mansyon si Alejandra papunta sa hardin.

" Ang gaganda ng mga bulaklak dito sa hardin nyo. " Puri nya sa magagandang halaman na nakatanin sa hardin.

Malawak ang hardin sa bakuran nila na natatamnan ng mga iba't ibang klase ng rosas at mahahalimuyak nabulaklak. Napapaligirin din ito ng ilang puno ng narra na syang nagbibigay lilim sa buong paligid ng hardin. Iginiya nya paupo sa isang mahabang bangko sa ilalalim ng isang malagong puno ng acacia.

" Kumusta ang iyong pag-aaral sa Europa? " Tanong sa kanya ni Alejandra nung makaupo na sila.

" Maayos naman. Mahirap pero masaya ang pag-aaral ng abogasya. " Sagot ko naman dito. "

" Bakit abogasya ang kinuha mo? Wala ka bang balak na pamahalaan itong Hacienda ninyo balang araw? " Tanong ulit nito na may halong pagtataka.

" Meron naman, pero mas gusto kong tutukan ngayon kung paano ako makakatulong sa ating mga kababayan  lalo na ngayong nag-uumpisa na ang rebolusyon. " Paliwanag ko dito.

Tumayo ito sa isang aristokratang tindig at sabay na humarap sa akin.

" Alam naman nating lahat na hindi kailanman magtatagumpay ang pag-aaklas ng mga Indio. Hindi ito papahintulutan ng pamahalaan. " Pagsalungat nya naman sa aking paliwanag.

" Hindi naman iyon ang aking inaalala, kundi ang ating mga kababayang mapagbibintangan na kasapi ng rebolusyon. Sila ang gusto kung tulungan. " Paglilinaw ko dito. 

" Hindi ako tutol sa mga plano mong iyan, pero dapat na alam mo kung ano ang mga dapat na unahin. Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman ang plano ng aking ama at ng iyong amang si Senior Ignacio. Ayokong balang araw maging hadlang ang mga plano mong iyan sa plano ng ating mga magulang. "

" Alejandra, maganda ka at inaamin kong hindi ka mahirap magustuhan, ngunit hindi ba masyado pang maaga para sa mga bagay na yan? Ngayon palang tayo nagkakilala? " Tanong ko na may halong pagkabigla.

" Wala nang nakapagtataka sa plano nila. May tutol ka ba? "

" Hindi naman sa ganun. Isa kang kabigha-bighaning binibini ngunit hindi bang mas marapat na makilala muna natin ang isa't-isa? " Paliwanag ko naman dito.

" Sang-ayon naman ako dyan, pero alam nating dalawa na doon din ang patutunguhan ng lahat ng ito. Kaya ngayon palang gusto ko ng malaman mo ang dapat at hindi dapat sa mga plano mo. " Pagtatanggol nito sa sariling pananaw.

Hindi ako makapaniwalang manggagaling sa isang babae ang mga katagang narinig nya. Ni wala itong pagtutulol sa pagmamanipula ng buong buhay ng ama nito. 

" Hindi ko kailanman pinangarap ang magkapamilya ng hindi ko mahal ang taong makakasama ko sa habang buhay. " Sa isip-isip ko nung mga oras na yun. 

Muli kaming naglakad-lakad sa palibot ng hardin. Nakatingala si Alejandra at sinisipat ang isang pugad ng maya sa itaas ng puno ng mabangga sya ng isang lalaki na may dala ng gamit sa hardin.

" Maari bang tumingin ka sa dinadaanan mo. Tingnan mo ang nangyari sa damit mo. Hindi mo makakayang bayaran ito. Hampas-lupa ! " Bulyaw nito sa lalaki.

" Ipagpatawad nyo señorita hindi ko po sinasadya." Hinging paumanhin ng lalaki kay Alejandra.

" Walang magagawa iyang paumanhin mo, napunit na ang laylayan ng aking bestida. " Bulyaw pa rin nito.

" Alejandra, tama na yan. Ipagpapagawa na lang kita ng bago. " Pagpapakalma ko nun sa kanya. " Mabuti pa ay mauna ka na sa loob at kakausapin ko lang sya. "

Sumunod naman ito at nauna ng pumasok ng mansyon.

" Anong pangalan mo? " Tanong ko sa lalaki.

" Emanuel po señorito. Pagpasensyahan nyo na po ako. Hindi ko po kasi agad nakita ang kasama nyo. " Hinging paumanhin nya.

" Miguel, tawagin mo akong Miguel. " Sagot ko sa kanya. " Huwag kang mag-alala, alam ko namang hindi mo sinasadya yun. " Iniabot  ko sa kanya ang akig kanang kamay upang makipagkilala.

" Huwag na po señorito, madumi po ang aking kamay. " Paliwanag nito ng hindi nya kinuha ang kamay ko. Ako na ang kusang kumuha ng kamay nya at nung maglapat ang aming mga palad, hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na nadama ko. Tinitigan ko ang mukha nya. Medyo singkit ang mata nya, matangos ang ilong, manipis at mapupula ang mga labi. Bigla akong nakaramdam ng bagay na hindi ko maipaliwanag. Kaagad ko nang binawi ang aking kamay.

" Ikaw ba ang hardinero dito? " Pag-iiba ko sa usapan.

" Opo señorito, pero minsanan lang ako sa isang linggo kung magpunta upang tingnan ang mga halaman. " Paglilinaw nito.

" Miguel na lang ang itawag mo saken. " Pagtatama ko na naman sa kanya. " Maganda ang buong hardin at salamat nga pala kanina. "

" Para saan po? " Tanong nito na may pagtataka.

" Kung hindi mo natabig si Alejandra, malamang hanggang sa ngayon ay magkasama pa kami. Mas gusto ko pa namang maglakad na mag-isa sa hardin. " Paglilinaw ko sa kanyang pagtataka.

" Kailangan ko ng bumalik sa kasiyahan sa loob. Ikinagagalak kitang makilala at kita na lang tayo sa susunod. " Sabay ng aking pagtalikod dun din ako nagtaka sa mga katagang aking nabitawan. 

" Bakit ko nasabing magkita na lang kami? " Tanong ko sa aking sarili. 

Iwinaksi ko ang isipang iyon at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa mansyon. Hindi ko alam na pagkatapos ng araw na iyon, isang malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ko.



Itutuloy....


Til Next Time,

Diosa

Monday, October 31, 2011

Si G.


"I don't know which is worse, keeping your love for someone a secret or telling them and risk being rejected."

Marami ng nagbago sa pagitan namin ni J. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba sya ng sya bilang ngayon o yung nakilala ko apat na taon na ang nakakaraan. Hindi din masyadong malinaw ang estado namin ngayon dahil sa girlfriend nya na sabi nya hindi nya mahal pero di nya maiwan. Bakla na nga, kabit pa. Parang ang sagwa di ba?

Sa panahong gulong-gulo ako, dun ko naman nakilala si G.


Napaka-awkward ng pagkakakilala naming dalawa. Nakuha ko sya sa isang escalation call. Hindi ko alam na bago palang sya kaya medyo napagalitan ko nung malaman kong napakadali lang nga kailangang gawin at di pa nya nagawa. Bungad nya agad matapos kung kunin yung tawag, " Sino 'yun? Bakit ang sungit naman? " Tanong nya agad dun sa isang mentor nya sabay turo saken sa desk at ang ending sa team pala nila ako na-assign na mag-mentor at isa pa sya sa mga naging agents ko.

Unang araw ko sa kanila wala sya kaya the following day pa kami nagkakilala ng personal. From then on, we became more close to each other. Nung una, biro-biro lang para masaya sa team nila. Tukso-tukso na gusto ko sya hanggang sa yun na. 

Parang high school lang yung feeling. Excited kang pumasok para makita lang ang crush mo at pag may time, nag-uusap namin kami ng kahit ano lang. May isang beses pa na we were sending tweets habang nagpapahinga ako kasi medyo masama ang pakiramdam no nun ng bigla nya na lang akong tinawagan.

Ako : Oh? Ba't ka tumawag?
G : Kakapagod kasi mag-type. Kumusta ka na? Ok ka na ba?

Muntik na akong mahimatay sa sobrang kilig.

Ako : Okay na pakiramdam ko, tawag mo palang magaling na ako.

Pak ang pick-up line. Natawa na lang sya bigla sa sinabi ko.

G : Ikaw talaga.
Ako : Salamat sa tawag ha at sa pag-aalala.
G : Okay lang, pagaling ka.

Masarap sa pakiramdam talaga ang may nag-aalala para sa'yo. Kaso nga lang hanggang dun lang talaga kaming dalawa. 

Nag-uusap kami minsan ng kung ano-ano lang sa text. Tungkol sa mga plano ya sa buhay. Masarap talagang may tao kang nakakausap sa mga ganitong bagay. 

Malabong masyado na maging kami, pero sigurado akong magtatagal kami, bilang magkaibigan. Malapit na magkaibigan.


Til Next Time,

Diosa


When In Palawan


" For this Island Paradise has been my sanctuary for 4 days to show him how much I love him. "

Last September 13, kasama ang 3 sa mga ka-opisina ko at si J, natuloy din sa wakas ang inaasam kong bakasyon sa Isla ng Palawan. 

Sa airport palang adventure na ang nangyari. Muntik ng hindi makasama si J dahil sa ilang security problems daw sabi ng ticketing counter. Invalid ID daw ang sabi nung ticket counter agent. Nauna kami ng tatlo kong ka-opisina sa Puerto at si J nakasakay sa next flight. 

At habang iniintay namin si J sa city, napagdesisyunan ng lahat na kumain na muna. Muntik na naming makalimutan ang kumain dahil sa nangyari sa airport.  First stop Lotus Garden Inn.




It's a Japanese inspired restaurant na malapit lang sa airport. Nahanap namin 'to sa tulong ni Kuya Romel ang tricycle driver na nakasama namin simula palang nung dumating kami. At ito naman si ate ang ever courteous and ever kind waitress sa restaurant.

Tingin ng menu. Sabi ko di naman ako masyadong gutom, kaya magpapasta lang ako. I ordered their Mandarin Oriental Pasta. Wala namang discription kung ano yung ingredients dun sa menu kaya I though it might be like a regular pasta with herby texture. At ito yun,


Muntik ko ng itapon pabalik kay Ate. At di ko talaga napigilan ang sarili kong tanungin sya,

Ako : Ate Bihon to, sabi ko pasta. 
Ate : Yan na po yan Sir.

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Ate kasi mabait naman lahat ng staff nila. Actually, lahat ng taong nakilala namin dun mababait, magagalang and very accomodating. 

Biyahe kami agad pagkadating ni J. Nauwi din kami sa pagaarkila ng pribadong sasakyan dahil sobrang gabi na kami nung makaalis mula sa Puerto Princesa. Sabi sa review 2 to 3 hours lang pero ang totoo ala-sais kami ng gabi umalis, nakarating kami almost 11 na ng gabi.

Sa Summer Homes kami nagtuloy. Isang resort sa may Port Barton na area. Malayo, mahirap ang biyahe pero sulit. Masarap sa pakiramdam ang buhangin sa may beach nila na sing pino ng harina.


Ang problema lang din every 12 midnight, pinapatay na ng resort ang kuryente kasi limited lang ang supply sa buong lugar. Hindi naman mainit sa resort kaya okay lang.

First day, Underground River.


At when B meets J. 


Ang ganda ko lang that moment. Kasama ko ang dalawang lalaki ng buhay ko, chos. Humigit kumulang 3-4 na oras ang naging biyahe ng bangka mula sa resort papuntang Underground River. Masyado kasing maalon sabi nung naging tour guide namin kaya kailangan ding dahan-dahan ang takbo.

The view of the beach is really breath taking.


Napalinaw ng tubig at ang buong lugar ay talagang alagang-alaga ng mga tao.


Gusto ko ngang maligo kaso bawal pala. And the highlight of it all, was the Underground River Tour.


Nakaka-mangha ang mga limestone formations. The entrance is a bit pungent, pero sabi ni Manong Joy, ang aming bangkero, normal daw yun dahil sa amoy ng ihi ng mga paniki. It was just a short tour sabi nung bangkero 1.5 kilometers lang yung napasok namin kasi kung yung mas mahaba kailangan ng special permit at ginagawa lang pagkaunti lang ang mga tao.

We even had a chance to have our pictures taken in the same stage that was used by the Miss World Candidates for this year. At dahil I feel that I belong, kebs sa mga turistang nakatingin, pose kung pose.



After the pictorials, monkey trail naman.


Sa sobrang tarik, dalawa kami nung kasama kong 'to ang bumalik hindi pa nangangalahati ang pag-akyat namin. 

Lunch time na. Sabi ng aming butihing tour guide at bangkero, sa isang isla daw kami kakain sa may sabang beach. approximately 2 hours daw ang biyahe. Nakaalis kami ng Underground River around 12:30 pm at presto, nasorpresa kami pagdating sa Isla. Walang stock ng pagkain. Walang breakfast, very late lunch ang naging adventure namin kasama ang aming mga bituka sa adventure. Dinala kami nina manong sa Coco Island Resort naman. The place is amazingly beautiful pero dinedma ng lahat yung sa sobrang gutom. 


Pagdating sa cafeteria nila, lahat nagpla-planong mag-heavy meal dahil sa sobrang pagod at gutom. Pero ang bungad samen nung ate. Sir lahat po ng karne namin frozen. Mga 3 hanggang apat na oras po bago mailuto kasi may nauna na pong mag-order. Ang ending, nagpaluto kami ng scrambled egg at tortang talong at buti naman mabait si ate at napaki-usapan na unahin muna ang sami kasi mas madaling lutuin. Yun na yata ang pinakamasarap na itlog at tortang talong na nakain ko sa aking talambuhay. Ang servings nila parang dalawang itlog na nai-scramble at isang rice sa napaka-murang halaga, 120.00 pesos each at 140.00 pesos naman yung talong. Muntik ng malaglag ang mga ngipin namin sa presyo. Pero, the price is actually reasonable taking into consideration the location of the place.

Kaya pagdating ng hotel, dinner agad ang inatupag ng lahat. Nakaubos yata kami nun ng mga 3 bandihado ng kanin at ang isang order ng sinigang, humingi ang isang kasama ko ng extrang sabaw, ang binigay sa kanya isang malaking mangkok ng sinigang na tanguige na lumulutang sa sabaw.


Happy fiesta. Parang bibitayin na kami kinabukasan at yun na ang aming huling hapunan. In-fairview, masarap naman yung lafang.

At pagkatapos ng kainang parang wala ng bukas, inuman na naman sa may beach. At nung medyo natatamaan na, ito naman ang napatripan naming gawin. Shutter kembot yata yung tawag dito sa mga pics na to.





Nakakatuwa naman at dinayo namin ang Paraiso ng Palawan para lang dito. Hindi ko na mahanap ang picture nung isang local na napadaan at nagpa-picture din ng ganitey.

Second day, Honda Bay kaya kailangang bumalik ng Puerto Princesa. We decided na mag-commute para adventure. From Port Barton to Roxas City, sinakyan namin ang jeep nila na parang amphibian sa sobrang taas ang hagdan. Nakakatuwa naman, kasi sa Palawan pala, they charge higher fees to foreign folks than local tourists. Ito ang isang kasama namin during our travel na syang may gusto ng honda bay kembot namin.


We arrived around 10 a.m. sa Roxes City. Sabi nung mga nakausap namin 3 oras lang daw biyahe kaya around 1 p.m. nasa Puerto Princesa na kami. Kampante ang lahat na darating on time. Di naman namin akalain sobrang dami palang stop-over ng biyaheng yun. We meet this guy during one of our stop-overs pa nga.


Sa kasamaang palad sa tagal nung isang stop over, nakarating na kami ng Puerto Princesa after 2:30 PM tapos na ang cut-off para sa pag-alis ng mga bangka. Sinubukan naming makiusap maski sa cost guard at yung isa namin kasama, si Mayor na talaga ang hinanap sa local registry clerk dun. Natatawa na nadi-disappoint ako sa pangyayaring yun. Ang ending, hindi pa din kami pinayagan. Kaya, balik kami sa aming pribadong sasakyan, off to our city tour na lang.


Ang taray davah. At dahil medyo late na din, Crocodile Farm nalang yung pinagdalhan samen ni Manong Romy, ang may-ari ng van na yan.


Diretso na din sa zoo nila where J actually played with a bearcat. Endgered species na pala yun and only found in the Philippines. Nakalimutan ko nga lang yung given name nung bearcat.


Parang mag-ama lang sila. Ang cute...

After nung unplanned city tour namin, namili naman ng mga pasalubong. At si J, binilhan nya din ako ng pasalubong kahit magkasama kami.


Ang sweet lang.Charot!!!

Anyway, that night was our last night na sa Palawan. Si Manong Romy ang nag-arrange ng accomodation namin sa city. Tumuloy kami sa Corazon Tourist Inn.


Maganda ang room. For budget travellers, the room can accomodate actually a maximum of 5 people kaso magtatabi yung dalawa sa isang kama. For 1,500 pesos including breakfast ay di na masama. 

Naging habit yata namin sa Palawan ang isang beses lang kumain sa isang araw. Bago kami umalis sa Summer Homes, kape lang ang naging laman ng tiyan namin. May tinapay na dala ang kasama namin, kaso pinagdamot samen. Mas inalala pa yung mga isda na pakakainin daw sa honda Bay tour sana. Kaya that evening, dapat sa Kina Loiue kami kakain kaso puno, so we ended up sa Kinabuch Restaurant na masarap talaga ang pagkain. I like most their Croc Adobado kaso lang sobrang mahal nasa 300.00 pesos para sa isang platitong serving. Per we still ended up ordering it to try their delicacy. In fairness, malambot pala ang karne ng buwaya at malasa talaga. The kind of meat texture na hindi ko pa natitikman. Another fiesta ang nangyari nung gabing yun.


We had a good evening sa city proper ng Palawan and that evening everyone rejoiced kasi pagbalik namin sa hotel, I received a text message from the airline we were travelling with na cancelled and return flight namin at na-reschedule kami for an afternoon flight which means nagkaroon kami ng time for Honday Bay Tour again. Sa sobrang excited ng lahat, we ended up listening at that night kay Papa Jack sa kanyang radio show para makatulog.

Ala-sais palang ng umaga naka-impake na ang mga gamit at nakahanda na ang dadalhin for the Honday Bay Tour. Pagkatapos kasi nun kunting ligo na lang tapos off to the airport naman for our flight. Sinundo ulit kami ni Manong Romy together with his private van. The other day, kami yung pinakahuling dumating para sa tour, nung araw naman na yun, kami ang pinakaunang dumating. 

First Island ng tour, Isla Pandan. 





Nakakailang kuha na kami bago kami nasabihang may bayad pala ang maa-papicture dunsa banana boat. Si Kuyang Bantay hindi na kami siningil dahil maganda naman daw ako, chos.

Group picture naman with the triplets niyog.


Matapos maglandi sa Pandan, off to the second island and Snake Island.


Sobrang ganda ng isla at nakakabilib ang disiplina lalo na sa kalinisan ng mga taga-Palawan. Dito na kami nag-swimming at kumain ng tanghalian. Yung ibang boatman, hinahayaan lang ang mga guests nila, pero yung samen, sinasamahan pa talaga kami nina Kuya at sya ang nag-guide sa mga kasamahan kong hindi marunong lumangoy.


Isa akong sirena kaya di ko na kailangan ang tulong ni Kuya. Chos.

Nag-bonding ulit kami ng aking mga nasasakupan at constituents.




Bet ko sana yung isang isda, kaso sabi ni Kuya protected ang area, bawal ang fishing, kaya ang ending, nilantakan namin ang very healthy and low in cholesterol na pagkain, ang Alimango.



Bago lutuin ni Kuya, nagpapicture muna ang mga Alimango ng solo at kasama kami bilang remembrance. Hindi naman siguro halata sa dalawang kasama namin ang pagkahilig sa pagkain, kaya every meal namin, parang fiesta.


After ng kainan, off to the last stop, ang coral sanctuary nila na nakalimutan ko ang pangalan. Pasensya na, ganyan talaga pag nagkaka-edad ka na. Mararanasan mo din to balang araw.

Note : Bawal ka palang magiwan ng basura sa isla, dapat dala nyo ito pabalik ng city.


Sulit na sulit ang biyahe. Ang ganda ng lugar at ang babait ng mga tao. Halos lahat ng nakilala namin mula kena Kuya Rommy, sa staff ng summer homes, sa tour guide at bangkero namin sa underground river tour, sa staff ng Kinabuch at ng Corazon Torist Inn at sa naging bangkero namin sa Honda Bay. They truly showcase the True Filipino Hospitality.

Sa lahat ng mga nakilala namin lalo na kay Kuya Rommy, salamat ng madami at sa pagtulong mo na mabuo at mapuntahan namin lahat ng ipinagmamalaki ng Palawan. 

Sa susunood na balik ko, sisiguraduhin kong may mas mahaba ng oras to look around at makapag-tour talaga sa buong lugar. Palawan are one of the provinces that we Filipinos should be really proud of.

Muli, salamat sa lahat ng nakasalamuha namin sa aming munting paglalakbay.


Til Next Time,

Diosa